Chapter 2

DESCEND

NAPAPIKIT ako nang marinig ko ang mahinang pagtunog ng bakal di kalayuan sa akin.

Ang mga bampirang nakakita sa akin kanina sa junk shop ay sumunod dito sa tunnel.

Hindi kaya nila alam na papunta ito sa capital?

Akala ko pa naman ay nakatakas na ako dahil sa pagkakaalam ko, hindi pwedeng palipat-lipat ang mga bampira nang walang permisyo ng mga nakatataas.

Sa labindalawang taong pagiging alipin namin sa mga bampira, kahit papaano ay may natutuhan naman ako.

Sa labindalawang taong iyon, naalala ko na ako ay dumanas ng hirap, dahas at pang-aabuso.

Napakurap ako sa biglang imahe na aking naalala.

Nang makita kong wala ng buhay ang aking ina at nagsimula ng gumawa ng rebolusyon ang mga bampira sa pangunguna ng traydor kong kapatid na si Herald, tila kaaway naming mga Cartagena ang buong mundo.

Si Daddy, imbis na samahan ako sa pagiging matatag ay nagpatiwakal. Alam kong mahal na mahal niya si Mommy at mas higit pa ang pagmamahal nito kaysa sa akin. Nakita ko ang masalimuot nitong paghihinagpis nang mawala si Mommy. Tila ba kakambal siya ni Mommy na kapag wala na ang isa, mawawala na din siya.

"Dad?" Maingat akong naglakad patungo sa madilim na silid ng aking ama dahil kahit pitong taong gulang lang ako ay alam kong hindi pa rin nito matanggap ang nangyari.

"Dad?" Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng paglangitngit ng isang bagay, parang isa itong tali.

Napatitig ako sa doorknob at nag-aalangang buksan ito dahil iniisip ko kung ano ang tunog na iyon. May magnanakaw kaya? Nasaan si Daddy?

Pumikit muna ako bago ito pihitin at nang mabuksan ko na ng tuluyan ay napamulat na rin ako. Hindi ako nakagalaw sa aking pwesto nang makita ko ang isang weirdung anino ng tao at nang iangat ko ang aking tingin ay doon ko na nakita ang aking ama na nakasabit ang ulo sa isang mahigpit na tali.

His face reveals all the sufferings and hardships he'd gone through. There was even a tear. I could tell that he wasn't able to seek for the light. To seek help from his seven-year old daughter.

"Dad, I'm sorry..." I said on my knees with tears streaming down my face.

At bilang only child, ang pitong na taong gulang na ako ay walang karamay. Ang mga kamag-anak namin ay umayaw sa pagkupkop sa akin. Sabi nila "Dapat nagpakamatay ka na lang din! Kung hindi dahil sa mga magulang mo, edi sana walang bampira ngayon!"

Hindi ko alam kung paano ko nalagpasan ang panahon na sinisisi nila ako dahil una sa lahat, mag-isa na lang ako. Reserved akong tao at hindi ko agad napagtanto na matapang din ako. Hindi nagpapaapekto sa emosyon ng ibang tao.

Mula sa Maynila na ngayon ay Herald's Court na, ako ay napapunta sa iba't ibang lugar.

Naranasan ko ang pagpapa-ampon sa isang matandang babae ng tatlong taon lang dahil namatay rin siya kinalaunan.

Naranasan ko rin ang pakikisama sa isang organisasyon na ang layunin ay pagtibayin ang mga tao ngunit nawasak din sapagkat ang pinuno ay isa palang bampira. Ang naging resulta ay isang massacre.

Marami pang iba ngunit ang panghuli kong karanasan ang hindi ko malilimutan.

Sa Python's court kung saan ako pumirmi ng dalawang taon, naging *regular livestock* ako ng mga bampira. Sinasabing ang court na dati kong kinabibilangan ay liberal at may respeto sa mga tao hindi tulad sa ibang lugar na walang kaayusan; mga wild ang mga bampira. Binibigyan kami ng pagkain at pang-araw-araw ng Court kapalit ng pagbibigay namin ng dugo. Ngunit nitong mga nakaraang araw, wala na ang kaayusan. Mukhang hindi na si Python ang nagmamay-ari ng lugar na iyon. Kaya nararapat lamang na umalis ako.

Ngayon siguro magtatagal na ako sa Herald's dahil magsasagawa ako ng misyon. Misyon na ang tawag ko sa aking balak.

Bilang isang kamag-anak ng nagpasimuno ng pagkawasak ng mundo ng mga tao, at bilang natitirang Cartagena kung saan kami ang sinisisi dahil ipinakilala pa sa publiko ang mga bampira, reponsibilidad ko ang pagbabalik ng dating mundo.

Kung saan hindi inaalipin ang mga tao.

Kung saan wala ng takot pang lumabas sa kanilang mga bahay.

Kung saan wala na'ng mamamatay.

Mas bumilis pa ang pagtakbo ko na mismong ako ay nagulat dahil may ibibilis pa pala ako.

Sa tingin ko ay mahaba rin ang lagusang ito kaya delikado na ako sa mga bampira na mabilis na sumusunod sa akin.

Sige lang, takbo lang, Theta!

Pagpapatibay ko sa aking loob. Hindi ako gaanong marunong makipaglaban sa mga bampira dahil ayoko mang aminin, hamak na mas malakas sila sa tao: may mabilis na pagkilos, matibay na pangangatawan at ang iba ay may natatago pang kapangyarihan.

Hinihingal na ako ngunit hanggang naririnig ko ang mga yabag nila ay hindi ako pwedeng tumigil.

"Tsk. Jax, let's go back. This tunnel leads to the capital," nanlaki ang mga mata ko dahil rinig na rinig ko ang boses nung isang lalaki. Paniguradong ito ay yung kasama ng lalaking nagtanong sa akin kung pwede ba nila akong maging agahan.

Ilang metro na lang ang layo nila pero tumigil pa sila?

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Para akong nainsulto sapagkat parang "ayan na yung pagkain, tinanggihan niyo pa"?

"Huh? She's just meters away from us! Let's get her first, Hector," rinig ko rin ang boses nung blonde na lalaki na may pangalang Jax.

"No, we can't touch her anymore. She's on the boundary. Don't trouble Lady Verona with the king," tugon naman ni Hector.

Napahinga naman ako ng maluwag. Ibig sabihin ba nito ay ligtas na ako?

"Tsk. Fine. The mistress will kill me if conflicts rise. Let's go," nagpintig ang mga tainga ko nang marinig ko ang huling sinabi nung Jax.

Binagalan ko na ang pagtatakbo. Mahina ngunit maririnig ang mga yabag na kanina lang ay palakas ng palakas at ngayon ay nawawala na.

Nang makasiguro na akong wala na akong naririnig pa na mga yabag, napahinto na rin ako. Hinahabol ang hininga dala ng pagkakaripas ng takbo.

Ako ay napaupo at sumandal sa malamig na bakal. Nagtagumpay na naman akong makatakas sa mga kamay ng mga bampira.

Naramdaman ko ang medyo maumbok na bagay sa aking likod. Ngayon ko lang napagtanto na may dala pala akong bag.

Mabuti na lang. Akala ko ay mamatay pa ako dito sa loob ng tunnel.

Kinuha ko ang isang bote ng tubig at saka ito nilagak. Napatingala ako sa kabila ng hirap na paghahabol ko ng hininga dulot ng pagkapagod.

"Revolution? Can I really do that?"

Biglang pumasok sa isip ko ang huling pag-uusap namin ni Daddy noon na nagdulot sa akin para mapayuko.

"Dad, why are you so timid? I mean, should you not be very macho?" I asked Dad out of nowhere habang nanonood ako noon sa ginagawa niyang eksperimento sa kaniyang laboratoryo. Iba ang kanyang laboratoryo kay Mommy.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at ang pag-iling ng kaniyang ulo. Nakatalikod kasi siya sa akin kaya hindi ko alam ang ekspresyon ng mukha niya.

Bigla itong humarap sa akin sabay sambit, "Listen, Theta. One's capabilities is not measured by appearance, it is shown in one's critical thinking and pratices."

Sapagkat ako ay anim na taong gulang lamang noon, hindi ko inintindi ang sinabi niya at napanguso na lang. Pero ngayon na halos maglabinwalong taong gulang na ako, parang nagising ako sa mga salita ng aking ama.

It is about the ability to think and how to execute it that makes one stronger.

If I want a successful revolution, I shall think of a plan. A plan that would perfectly destroy the Vampire Empire. A plan that will change the fate of humanity.

Hindi pa huli ang lahat. Ilang taon pa lamang simula nang sakupin ng mga bampira ang buong mundo. Hindi pa ito nakasanayan ng panahon, kaya pang palitan ang nasa trono na siyang tao at hindi bampira.

xxx

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dala na rin ng pagod sa mga nakaraang araw. Walang pinagbago sa aking kinaroroonan iilang kaluskos lamang ang maririnig.

Nang masiguro kong walang kakaiba ay tumayo na ako at nagpampag sa aking katawan dahil napakarumi na ng aking suot na isang ripped jeans na hindi disenyo ngunit totoong napunit dala ng ilang araw na pagtakas sa mga bampira at ang pang-itaas ko na isang puting tshirt na naging kulay kape na na nasa ilalim ng isang leather jacket.

Kinuha ko na ang isang baseball cap na naitago ko sa aking bag at saka ito isinuot sa aking ulo kung saan kalahati lang ng aking mukha ang nakikita; mula sa ilalim ng aking mga mata hanggang baba.

Siguradong malayo-layo pa ang Maynila. Habang naglalakad ay napaisip na ako ng mga posibilidad na aking mga plano.

Una, gawing stable ang pamumuhay sa siyudad.

Pangalawa, maghanap ng kakampi at bumuo ng isang hukbo.

Pangatlo, tunay na pagpaplano ng paghihimagsik o sa ibang salita: coup d'etat.

Hindi ko namalayan na sa paglalakbay ng aking isipan sa mga posibleng mga mangyayari sa tatlong hakbang ng rebolusyon ay malapit na akong makalabas sa lagusan.

Maririnig ng muli ang malakas na buhos ng ulan at may liwanag na ang pumapasok sa loob ng lagusan. Maririnig rin ang iba't ibang ingay sa paligid.

Eto na. Malapit na ako sa capital. Malapit ko ng masilayan muli ang Maynila na ngayo'y Court of Herald na. Malapit ko na ring pabagsakin ang mga bampira.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa aking huling naisip.

Gagawin ko ang karapat-dapat at tama: ang ibalik ang mundo sa dati kung saan payapa ang mga tao, walang takot sa kanilang buhay at wala na'ng mamatay.

Pababagsakin ko siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top