CHAPTER 13
MAKALIPAS ang isang taon . . .
Nasa balkonahe si Kristina at nakatanaw lamang sa pag-alon ng mala-bughaw na karagatan at bughaw na kalangitan. Isang mapayapang araw na naman ang sumalubong sa kanya. Isang taon na rin ang lumipas at heto pa rin siya at buhay. Marahil ang unang buhay niya noon ay hiram lamang upang makita niya ang daloy ng kanyang magiging buhay sa kanyang hinaharap at updang hindi na rin ito maulit pa. Lalong-lalo na rin upang wala ng madamay pang ibang mga tao.
Habang buhay siyang magpapasalamat sa kaitas-taasan dahil sa pangalawang buhay na ipinagkaloob sa kanya. Gayun na rin sa taong naging karamay niya sa kanyang mga nagdaang laban. Hindi niya kailanman naisip na magiging sandigan niya ito sa mga araw na hinang-hina siya kahit anong pilit niyang sabihin sa kanyang sarili na kayang niyang ilaban ang lahat. Ang taong naging sandalan niya ay walang iba kung hindi si Rain. Ikinasal na rin sila pagkatapos at biniyayaan ng isang babaeng sanggol. Nang masilayan niya pa lang ang mukha ng kanyang anak ay naging abot langit ang kanyang kasiyahan dahiln para bang ibinalik mismo ni Rain ang natatangi na para sa kanya.
At kahit mag-asawa na sila ni Rain ay hindi pa rin maikubli ni Kristina na lagi siyang kinikilig sa tuwing magkahawak sila ng kamay lalong-lalo na sa tuwing maglalapat ang kanilang mga labi. Masasabi nga ni Kristina na totoong pag-ibig na nga ang kanyang nakamit sa piling ni Rain. Hindi niya lubos isipin na kay rain lang pala nito makikita ang totoong kahulugan ng buhay. Buhay na tinamasa niya noon na hinihiling niya na gawin sa kanya ni Marco. Wala na siyang ibang mahihiling pa bukod sa maging masaya kasama ang kanyang anak at ang kanyang asawa.
"Sana ay wala ng wakas pa ang kasiyahan at kapayapaang tinatamasa ko ngayon. Ngunit kung dumating man ang araw ng tagsalat sana ay hindi rin kami mahirapang lampasan ito nang magkahawak-kamay," bulong ni Kristina habang hinahawi ang iilang hibla ng kanyang buhok ng malamyos na hangin.
Sa kabilang banda ay nahatulan din ng pagkakakulong ng ilang taon ang kanyang step-father pati na rin ang kanyang step-mother. Sa kanilang pagkakakulong ay hindi sila binigyan ng tyansang mabigyan ng parola, sa madaling salita ay hindi na sila kailanman makakalaya sa pagkakakulong. Samantalang si Ysabel naman ay sinundo ng kanyang totoong lolo at lola at dinala sa kanulang probinsya. Wala rin itong nakuha kay Kristina ni pisong duling ay hindi niya ito binigyan. Hindi kasi nakaramdam ng pagkaawa mismo si Kristina kay Ysabel dahil naniniwala siyang hindi naman ito karapat-dapat bigyang pansin. Ipinalangan na lamang niya na may matutunan ito sa kanyang mga ginawa at hindi na sana ito magbunga nang kung ano pa sa hinaharap nito.
Napasinghap si Kristina nang may pumulupot na mga bisig sa kanyang baywang. "Hubby?" marahang tawag ni Kristina dahil sa pagkabigla. Hindi niya kasi akakalain na uuwi ito ng maaga dahil sa pagkakaalam niya ay tanghali pa ito uuwi galing sa byahe. "Akala ko mamayang tanghali pa ang dating mo. Ano at napaaga ka yata?" tanong niya at agad itong hinarap ngunit hindi inaalis ni Rain ang pagkakayap niya rito.
Sa halip na sagutin niya muna ito ay siniil ni Rain ng halik si Kristina hanggang sa bumaba ang mga labi nito sa leeg ni Kristina. Napaawang ang bibig ni Kristina at bahagyang napaungol sa ginagawa sa kanya ni Rain bago ito kaharapin. "Agad akong nangulila sa 'yo. Ngunit kung mamayang tanghali pa pala ako dapat dito ay puwede bang ang natitirang oras ay gugulin ko na muna sa 'yo? Gusto kong solohin ang aking asawa rito mismo sa kama," bulong ni Rain malapit sa tainga ni Kristina.
Hindi naman pumalag si Kristina at ginantilan niya na rin ng halik ang kanyang asawa dahil kahit siya mismo ay lubos na nangulila sa kanya. Ilang araw din kasi itong nawala dahil na rin sa negosyong kanyang hinahawakan. Pinagsaluhan nilang dalawa ang isa't isa sa halos ilang oras sa kwarto.
Ang Montenegro at Razon ay nagsanib pwersa kaya malaking imperyo sila kung titingnan at malaki ang tiwala ng mga Razon mismo kay Rain. Si Rain din ang naging dahilan upang maibalik ang lahat ng mga nawala sa mga Razon at mas lalo pang naging tanyag ang kanilang pangalan sa mga mata ng mga tao. Malaking respeto ang nakuha ni Rain doon kaya nang kinausap niya ang mga Razon na hihingiin niya ang kamay ni Kristina ay walang pagdadalawang isip na tinugon naman agad ito.
Masayang pinagmasdan ni Kristina at Rain ang kanilang kaisa-isang anak hanggang sa lumaki ito at hanggang sa kaya na nitong tumayo sa kanyang sarili.
Hanggang sa pagtanda ng dalawa ay hindi pa rin pumapalya si Rain na bigyan ng ngiti sa mga labi si Kristina. Lagi rin nilang tinatanaw ang papalubog na araw sa karagatan habang magkahawak kamay at sa mga oras ding iyon ay lagi ring binibigyan ni Rain si Kristina ng isang bugkos na bulaklak kasabay ang pagharana rito hanggang sa ipatong na ni Kristina ang kanyang ulo sa balikat ni Rain.
"This is everything you wanted right?" tanong ni Rain sa kanyang asawa habang pinapanood ang papalubog na araw sa karagatan.
Napatingin naman si Kristina sa gawi ni Rain at ngumiti nang pagkatamis-tamis habang tumatango. "Everything I ever wanted is this."
Napangiti naman si Rain at tumango dahil iyon din ang kanyang gusto dahil kahit siya ay ibinalik din sa kanyang nakaraan. Hinanap niya ang rason kung bakit at nalaman niyang dahil iyon sa babaeng minahal na niya noong una pa lang at iyon ay si Kristina. Labis siyang nagdalamhati nang matagpuan na niya itong namatay at higit pa roon ay kinuha mismo ni Kristina ang kanyang buhay. Huli na rin nang malaman niya na may masamang mangyayari rito.
Paano niya nalaman? Nagkataon din na nasa lugar din siya kung saan narinig ni Kristina ang lahat ng pag-uusap nina Marco at Celestine. Wala naman siyang balak na makinig ngunit nang malaman niyang tila malalim at nakababahala ito ay napagdesisyunan niyang makinig sa kanilang usapan hanggang sa umalis ang mga ito. Hindi rin niya alam na naroroon lamang si Kristina sa isang tabi dahil nagmamadali na rin siyang umalis upang hanapin si Kristina at sabihin ang kanyang nalalaman. Gulong-gulo rin ang kanyang isip noon kung papaano niya sasabihin kay Kristina dahil para bang susulpot na lamang siya sa harapan nito at gagawa ng istorya. Ngunit wala na rin siyang maisip na ibang paraan kung hindi ang kausapin ito at sabihin ang lahat-lahat ng kanyang mga narinig at siya na lang din sa huli ang humusga kung maniniwala ito sa kanya o hindi. Bakit niya ginagawa ito? Dahil mahal niya pa rin si Kristina at hindi ito nakapag-asawa dahil sa kanya.
Ilang oras din niyang hinanap si Kristina hanggang sa inumaga na siya at sa mga oras ding iyon ay nalaman niya na lamang na patay na ito. Puno siya ng hinanakit at kirot sa kanyang dibdib nang makita niya pa si Marco at ang anak nitong si Celestine na parang wala lang. Umuulan din noon at tinatahak na noya ang daan paauwi ng walang buhay pagkatapos ng kanyang mga nalama. Doon din ang nadisgrasya siya at agad na binawian ng buhay sa aksidente. Nagising na lamang siya na tila ba binalik siya sa nakaraan at mahirap mang paniwalaan sa kanyang sariki ang kanyang natutuklasan ay agad niyang hinanap agad si Kristina. Agad niya ring inasikaso ang kanyang mga papeles upang maging magkaklase lamang sila. Ngunit angbhindi niya inaasahan noon ay magiging kaklase niya rin ang mamamatay tao na si Marco. Ginawa niya ang lahat upang hindi lamang mapalapit si Marco kay Kristina.
Kaya nang makita niya ang dalaga na tila malalim ang iniisip at may hawak-hawak pa itong mga apel ay agad niya itong nilapitan. Malakas din kasi ang loob niyang pareho silang ibinalik sa kanilang mga nakaraan. At hindi nga siya nagkamali pareho silang nasa iisang sitwasyon. Doon ay agad niyang tinulungan si Kristina na kahit siya ay gunawa na rin ng mga hakbang sa pag-iimbistiga. Sa katunayan any kinausap niya na rin ang angkan ng mga Razon. Noong una ay hindi naniwala ang mga ito sa kanya hanggang si Kristina na mismo ang lumapit sa kanila. Mahirap mang paniwalaan ngunit matatalino ang mga Razon. Pagkatapos noon ay agad nilang tinawagan si Rain at nagpatulog sa imbestigasyon at walang alam doon si Kristina hanggang sa makamit na nito ang tinatawag na hustiya.
Hindi na rin nag-atubiling inaya niya ng kasal si Kristina at laking pasasalamat niya nang tinanggap naman nito ang pagmamahal niya. Kahit si Rain ay takot na baka dumating ang araw na bigla na lamang bawiin ang pangalawang buhay na ibinigay sa kanya kaya agad niyang kinuha ang oportunidad na alukin ito ng kasal. Araw-araw ay lagi niyang ipinaparamdam at ipinapakita ang pagmamahal niya kay Kristina kahit na mayroon na silang anak na babae. Minahal at inalaagan niya ang dalawang tao sa kanyang buhay, ang kanyang asawa at anak hanggang sa kanilang pagtanda.
WAKAS!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top