CHAPTER 12

MAKALIPAS ang isang lingo ay hindi pa rin makapaniwala si Kristina na buhay pa siya. Ilang linggo na rin kasi ang lumipas at sa tuwing matutulog siya ay laging may kabang nakabinbin sa kanyang dibdib na baka isang araw ay wala na siyang pandidilatang araw. Nasa balkonahe siya ngayon at tanging siya at si Nanang Sabel lamang ang tao sa bahay.

Nasa isang bakasyon kasi silang lahat at wala siyang balak na sumama kahit na anong pilit sa kanya ng kanyang step-mother. Hindi rin naman nito maikukubli ng kanyang step-mother na gusting-gusto naman nito na hindi siya sumama. Naalala niya pa kasi noon nang sumama siya hindi siya halos naging masaya sa kanialng lakad dahil puros kamalasan ang kanyang natatanggap at lingid din pala sa kaalaman niya ay si Ysabel ang puno't dulo nito.

Hindi siya mag-aakasaya ng oras para gantihan ito bagkus gagamitin niya pa ang iilang natitirang araw para pabagsakin ang mga ito. Tamang-tama sa kanilang pag-uwi ay isang malaking rebeleasyon ang magaganap. Nailakad na rin kasi niya ang iba niyang mga plano at nakausap na rin niya ang kanyang lolo. Pati na rin ang iilang angkan ng mga Razon. Kung noon ay takot siyang lumapit sa mga ito dahil naging legasiya na rin na katakutan sila ng mga taong nakakakilala sa kanila.

Kilala nila si Kristina at naghihintay lamang sila na lumapit ito dahil ilang beses na silang nagtangkang kunin si Kristina nang mamatay ang ina nito ngunit laging pinapakialaman iyon ng kanyang step-mother kesyo raw ay napamahal na si Kristina sa kanila. Huli na rin nang malaman iyon ni Kristina ngunit ang lahat ng mga iyon ay unti-unti siyang naliliwanagan.

Kinuwento rin ni Kristina ang tungkol sa kanyang mga nalalaman pati na rin ang patungkol s apagkamatay ng kanyang ina. Naiintindihan din niyang mahirap itong paniwalaan sa una ngunit nang ipakita niya ang lahat ng mga nakalap niyang ebidensya ay naging sapat na rin iyon para maniwala sila. Sa kumatuwid ay nagpa-imbestiga pa sila upang malaman ang iilang mga sekretong itinatago pa ng kanyang mga tumatayong mga magulang at doon ay nalaman pa nila na palihim at unti-unti pala silang nagkakaltas ng pera na hindi nila nahahalata. Milyon-milyon na rin pala ang kanilang nakuha at ni isa sa kanila ay wala man lamang nakapansin nun.

Pinilit din si Kristina na lumagi na lang sa Razon upang maprotektahan siya ngunit tinanggihan niya ito dahil na rin sa kanyang plano at sumang-ayon naman ang mga ito sa kanya. Ayaw kasi ni Kristina na malaman nila na alam na ng buong mga Razon ang kanilang mga itinatagong lihim. Gusto niya pa kasi itong sakyan at ang lahat ay magsisimula sa sandaling makauwi ang mga ito pagkatapos ng nalalabing kasiyahan nila sa kanilang mga buhay at habang Malaya pa niang nilulustay ang pera ng kanyang totoong ama.

"Iha, sigurado ka na bas a mga ginagawa mo? Hindi ko lubos aakalain na ganito na kalawak ang pag-iisip mo at ganito kalalim ang mga nahalungkat mong mga impormasyon," wika ni Nanang Sabel nang ilapag niya ang malamig na inumin ni Kristina sa babasaging maliit na lamesa.

Ipinaalam din kasi ni Kristina kay Nanang Sabel ang lahat at katulad nga ng inaasahan ni Kristina sa una ay hindi rin ito lubos na makapaniwala ngunit sa huli ay hindi rin ito nagtaka pa. Matagal na nanilbihan sa kanilang pamilya si Nanang Sabel at alam ni Kristina na mapagkakatiwalaan niya ito.

Tumango naman si Kristina at ngumiti. "Upo ka Nanang, huwag ka na munang magtrabaho. Magpahinga ka na muna. Lagi mo na lang pinapagod ang sarili, tila nga nakalimutan mo na ang sarili mo sa katatrabaho para sa amin," wika niya bago ininum ang idinalang inumin ni Nanang Sabel para sa kanya.

"Lahat ng mga ito ay hindi pa sapat na kabayaran dahil sa malaking utang na loob ko sa iyong ama at sa 'yong ina. Sila ang nagpa-aral sa aking mga kapatid hanggang sa sila ay makapagtapos. Pinatayuan niya rin kami ng bahay sa probinsya at sila rin ang gumastos sa pampagamot ng aking mga magulang sa ospital hanggang sa yumao na ang mga ito. Malaki ang utang na loob ko sa kanila, iha. Kung susumahin ay lima ang mga kapatid kong pinsag-aral ng mga magulang mo at ngayon ay may maginhawa na silang pamumuhay at magandang trabaho," ani naman nito ngunit kahit na naging maganda ang resulta nito ay hindi pa rin mapigilan ni Kristina na hindi masaktan para kay Nanang Sabel.

Kapalit naman noon ay nalimutan naman nito ang kanyangs arili at ngayon na matanada na ito at patuloy pa ring naninilbihan sa kanila ay para bang hindi karapat-dapat. Ipinapangako ni Kristina sa kanyang sarili na hindi na ito maninilbihan pa pagkatapos ng lahat bagkus mamumuhay na itong masaya kasama siya bilang pamilya niya.

"Hindi habang buhay na magiging ganito ka Nanang, pinapangako kop o sa inyo na aalis din tayo sa bahay na ito. Maghintay lamang po kayo at magpanggap na walang nalalaman," wika ni Kristina at tumango naman si Nanang Sabel.

GABI na at hindi na makapapaghintay pa si Kristina sa pagbabalik nila kinabukasan. Hindi isya makatulog sa kaiisip at sa tuwing ipipikit naman niya ang kanyang mga mata ay nakikita naman niya ang mukha ni Rain. Ilang gabi na rin niya itong napapanaginipan at ilang araw na rin siyang lumiliban sa klase.

Kahit si Merce ay alalang-alala na rin sa kanya at gustuhin man ni Merce na bisitahin siya ay hindi naman nito magawa dahil nakatutok umano ang kanyang mga magulang sa kanyang oras. Mahigpit na rin kasi ang mga magulang ni Merce dahil na rin sa napababalitaan nilang laging lumiliban sa klase si Merce nitong mga nakaraang araw.

Ang tanging huling pagkikita nila ni Rain ay nang librehin siya nito sa coffee shop at simula rin noon ay hindi na pumasok pang muli si Kristina. Naisip din niya kaisng wala naman siyang makukuha kung papasok pa siya. Gustuhin niya man para makita si Rain ay pinipigilan niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang mahulog pa nang husto ang kanyang loob sa binate. Takot na rin kasi siyang magmahal at ayaw iyang maulit pang muli ang kanyang nakaraan kahit na ibang tao pa ito.

Bukod pa roon ay ilang gabi na ring napapanaginipan niya ang binata at hindi niya naman ipinagkakaila na gusto niya rin ito ngunit may pumipigil lamang sa kanya. May iilan din siyang natatanggap na mensahe at hindi niya kilala ang numerong iyon. Panay kumusta lang kasi ang mga lamang ng mensahe nito at hindi naman nag-aatubiling magpakilala at hindi rin naman niya ito tinutugunan.

"Hindi na rin anko magawang lapitan ni Marco," mahinang bulong niya habang nakatingin lamang sa kisame habang nakahiga nang maalala niya ang selpon ni Ysabel na nakatago lamang sa lilim ng kanyang higaan.

Agad naman niya itong kinuha at napansin niyang wala ito ni isang mensahena galing kay Marco marahil sa marahil ay sinabihan na ito ni Ysabel na huwag ng magpadala ng mensahe. Hindi pa rin lubos makapaniwala si Kristina kung papaano nila binilog ang kanyang ulo hanggang sa makapangasawa siya at magkaroon ng anak na hindi naman sa kanya.

Napakaperpekto ng kanilang mga plano. Napahawak si Kristina sa kanyang tiyan at may mga maiinit na luhang namumuo sa gilid ng kanyang mga mata at hinayaan na lamang niya na umagos ang mga ito. "Ano kaya ang naging itsura mo noong lumaki ka? Hindi man lang kita nasilayan." Napahikbi si Kristina habang inaalala ang mga ito. "Papaano nila nagawa iyon sa 'yo? Mga halang ang kanilang kaluluwa. Saan ka kaya nila inilibing? Ni hindi man lang kita nadalaw. Buong akala ko ay si Celestine ang aking anak. Humihingi ako ng kapatawaran sa lahat dahil huli na nang malaman ko ang buong katotohanan. Ni hindi man lang kita binisita bago ko kunin ang sarili kong buhay," mapakla niyang saad saka napahagulhol ng iyak.

Naninikip ang kanyang dibdib at gusto niya lamang itong ilabas ang lahat ng kanyang mga hinanakit. Ngayon ang buong pinaniniwalaan niya kaya siya ibinalik sa kanyang nakaraan ay upang malaman ang lahat ng mga nakabalot na sekreto sa kanyang buhay ngunit hanggang kailan ang kanyang pamamalagi?

"Pagkatapos nito ay ano? Saan na naman ako nito pupulutin? Ganoon na lang ba kasaklap ang aking buhay? Ang pinatay at muling binuhay ngunit sa araw-aarw na idinidilat ko ang aking mga mata ay para naman din nila ang dahan-dahan na pinapatay? Ganito na lang ba ang silbi ko sa mundong ito? Ang dumanas ng hirap? Kanino ba dapat ako magtanong. Saan nga ba dapat ako magtanong? Sino ba ang bumalik sa akin dito? Isa ba akong eksperimento?" mangiyak-ngiyak niyang tanong habang naluluha pa rin.

Alam niyang wala siyang karapatan para kuwestiyunin ang kaitas-taasan para rito ngunit tao lang din naman siya na lubos na nasasaktan sa bawat rebelasyon na nalalaman niya.

"Sana sa kabilang buhay ay masaya naman ako at hindi na ako nakararanas ng ganito. Sana sa kabilang buhay ay may mga taong nagmamahal sa akin ng totoo. Dahil hindi naman ako mag-aatubiling suklian ng kabutihan at pagmamahal ang mga iyon. Sana sa kabilang buhay ay magkakilala pa rin kami ni Rain at makita ko rin sa wakas ang aking anak." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top