CHAPTER 11

HINDI pumasok si Kristina sa kanyang klase at wala rin si Merce para samahan siya. Sa pagkatatanda niya ay nasa isang practice session sa kanyang pagiging archer. Masyado kasi itong mahilig manood ng mga pelikula kaya nahuhumaling siya sa pagiging archer at agad na inilista ni Merce ang kanyang sarili nang malaman niyang may enlistment sa kanilang eskwelahan.

Nasa likod lamang siya ng isang lumang building kung saan ay mayroong malaki at mayabong na puno. Presko kasi ang hangin doon kaya doon na lamang nagpalipas ng oras si Kristina. Ayaw niya ring manatili sa kanilang bahay dahil na rin sa magkikita lamang ang landas nilang lahat.

Nakausap na rin ni Kristina si Nanang Sabel at dahil doon kaya siya hindi pumasok sa kanyang klase. Sa isang iglap ay namatay siya at sa isang iglap ding iyon ay muli siya nabuhay. At sa pagkabuhay niya ay para rin siyang unti-unting pinapatay sa mga rebelasyon na kanyang nalalaman.

"Skipping classes?"

Natigilan si Kristina sa kanyang pagmumuni nang may nagsalita mula sa kanyang likuran. Agad niya itong nilingon at nalamang si Rain pala ito. Sa pagkakaalam niya ay oras pa ng klase nila at ayaw niyang isipin na nag-skip ito ng klase dahil hindi naman ito ginagawa ng isang Montenegro. Nang makapagtapos kasi sila ng pag-aaral noon ay isang Summa Cum Laude si Rain. Hindi rin siya natatanggal sa pagiging isang dean's lister noon pa man. Kaya nga siguro tinagurian siyang isang cold prince dahil malamig ang pakikitungo nito sa lahat subalit halos lahat ng mga kababaihan sa campus ay nagkakagusto sa kanya.

Tumango na lamang si Kristina kay Rain at napatango-tango rin naman ito. "Me too," sagot niya rin at napaupo sa harap mismo ni Kristina kung saan may bakanteng upuan.

"This used to be my place but I guess someone figured it out," wika ni Rain na bahagyang ikinagulat naman ni Kristina.

"Sorry," ani niya at akma na sanang aalis nang hawakan ni Rain ang pulsohan ni Kristina.

Napasinghap naman sa gulat si Kristina at napatingin sa mga nakalulunod na mga mata ng binata na tila ba nagsusumamo o namamalikmata lamang siya.

"Stay," ani nito at nakita na lamang ni Kristina ang kanyang sarili na tumatango at bumalik sa pagkakaupo.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa at tanging huni lamang ng hangin ang kanilang naririnig. It was not an awkward silence but rather maybe the nicest feeling that she had felt since she came to life. Para silang dinuduyan ng hangin habang nagbabasa ng kani-kanilang libro.

Napatingin naman sa gawi ni Rain si Kristina at napansing ang binabasa nito ay patungkol sa mga batas at siya naman ay isang fiction book. Makaibang-magkaiba nga talaga silang dalawa. Lihim namang napangiti si Kristina at hindi iyon nakaligtas kay Rain.

"Gutom ka na ba?" tanong ni Rain ngunit nakatingin pa rin ito sa kanyang binabasa.

Nagkibit-balikat naman si Kristina at bahagyang tumango. Hindi rin kasi siya nakakain ng maayos kahit na masarap ang mga niluto ni Nanang na para sa kanya kanina. Ngunit pinabaonan naman siya nito ng pagkain. "Medyo, hindi rin kasi ako nakakain ng maayos kaninang umaga. May baon ako rito at medyo marami," sagot naman ni Kristina. "Gutom ka na rin ba?" dagdag pa niya sabay kuha ni Kristina ng kanyang baonan sa loob ng kanyang bag.

Tila hindi naman makapaniwala si Rain nang makita kung ano ang dala-dalang baon ni Kristina dahil tila para itong bento na nabibili sa labas. Napahanga naman si Rain at bahagyang natakam habang pinagmamasdan ang mga pagkain.

Iniabot naman ni Kristina ang kutsara sa kanya. "Kutsara ang sa 'yo at sa akin naman ang tinidor," ani ni Kristina at napangiti naman doon si Rain habang tinatanggap ang kutsara.

"Thanks but after this I'll buy you a drink."

Habang nilalasap ang pagkain ay hindi mapigilang hindi pagmasdan ni Rain si Kristina na hindi nito namamalayan. Inaamin niyang noon pa man ang may lihim na siyang pagtingin sa dalaga. Sa lahat kasi ng babaeng nakilala at nakikita niya ay tila hindi naman iyon matumbasan kung si Kristina ang nasa larawan.

Halos tatlumpung minuto silang namalagi sa lugar na iyon at inaamin ni Kristina na tila nakahanap siya kahit papaano ng kapayapaan sa kanyang puso.

"Let's go?" aya sa kanya ni Rain dahilan upang mapatitig naman si Kristina sa kanya habang nag-aayos na ito ng kanyang mga kagamitan pati na rin ang kanilang pinagkainan.

"Ako na," wika ni Kristina.

"No, let me," ani naman nito at agad na nagligpit.

Hindi naman mapigilang hindi mapagmasdan ni Kristina si Rain at hindi rin niya mapigilang hindi ito maikumpara kay Marco. Kahit kailanman ay hindi naging ganito si Marco sa kanya ngunit hindi naman iyon malaking bagay noon para sa kanya. Hanggang sa maging mag-asawa silang dalawa ay para bang nakasanayan na niya ito ngunit hindi pala ito dapat.

Hindi niya pala dapat ito hinayaan o kinunsinte dahil isa pa rin siyang babae. Biglang tumibok ang puso ni Kristina dahil biglang sumagi sa kayang isipan na papaano kung si Rain ang kanyang naging kasintahan. Mangyayari ba ang lahat ng mga iyon sa kanya?

Bigla namang napailing si Kristina dahil sa mga tumatakbo sa kanyang isipan.

"Something's wrong?" tanong naman ni Rain na tila may pag-aalala sa kanyang mga mata.

Ngumiti naman si Kristina at napailing. "Wala, may kung ano-ano lang akong naiisip," sagot naman niya habang inilalagay pabalaik ang baonan sa kanyang bag at agad itong isinukbit sa kanyang balikat.

"Siguro hindi tayo dadaan diyan. We need to walk in this route . . . not to get caught," suhestiyon ni Rain habang itinuro ang magiging daanan nila.

Napaawang naman ang bibig ni Kristina nang malaman niyang tila aakyat sila sa pader. Hindi niya lubos maisip sa kanyang tanang buhay na magagawa niya ito ngayon.

Napatingin naman ng alanganin si Rain kay Kristina. "Forget it, let's just walk this way," ani naman ni Rain.

"No, dito na lang tay. I'll take this as an unforgettable experience . . . with you," wika niya at napahina ang tono ng kanyang boses sa mga huling salitang kanyang binanggit.

Para namang pinamulahanan si Rain sa tinuran ni Kristina ngunit agad naman siyang nag-iwas ng tingin at nauna papunta sa kung nasaan ang sementadong bakod. "Huwag kang mag-alala dahil walang makakakita sa atin pagkataon natin sa kabila," wika ni Rain at medyo nakahinga naman doon ng maluwag si Kristina. "I'll boost you up," dagdag pa nito at agad siyang inalalayan papaakyat upang hindi siya mahirapan.

Hindi naman sila nahirapan sa kanilang ginawa at tila natatawa si Kristina dahil nakaya niyang gawin iyon. Agad namang naudlot ito nang hawakan ni rain ulit ang kanyang pulsohan at agad na iginiya patakbo na siyang ikinagulat naman ni Kristina. Nagpasialon naman si Kristina at pagtakbo nila habang hawak-hawak siya ni Rain. Para bang bumabagal ang pagtakbo ng oras habang napapatingin sa pagkakahawak ni Rain sa kanya.

Napatingin naman si Rain sa gawi ni Kristina at nakita niya itong nakangiti sa kanya at para bang natigilan siya ngunit patuloy pa rin sila sa pagtakbo at doon na lang din niya napagtanto na nakahawak pala siya rito. Agad naman silang napadahan-dahan ng takbo hanggang sa mahabol na nila ang kanilang paghinga.

Doon ay dahan-dahang binitawan ni Rain ang pagkakahawak niya kay Kristina. "Malapit na tayo. Isang kanto na lang at nandoon na tayo. Mabuti na lang at medyo nakapagpahinga tayo kanina pagkatapos nating kumain," wika niya at tumango naman si Kristina habang hinahabol ang kanyang paghinga.

Tirik na rin ang araw at pansin ni Rain ang pawis ni Kristina na namumuo sa noo nito kaya agad naman niyang dinukot sa kanyang bulsa ang kanyang panyo at agad itong iniabot sa kanya. "Here, pinagpapawisan ka na," pagpuna niya at agad naman itong tinanggap ni Kristina.

Hindi maikakaila ni Kristina na amoy niya ang pabango ng binata dahil sa panyo at para banag nagkakaroon siya ng malikot na pakiramdam na galing mismo sa kanyang puso.
"Lagi mo ba itong ginagawa?" tanong ni Kristina dahilan upang balingan siya ng tingin ng binata. "This, ang pag-skip ng mga klase," dagdag pa niya.

Bahagya namang natawa si Rain sa tinuran nito. "I hope you're not thinking that I am a bad influence. Hindi ko ito laging ginagawa . . . well maybe twice or thrice, but I only do it because I'm tired of the noises in our room. Talking nonsense and everything," mahabang sagot niya at sumasang-ayon naman doon si Kristina.

Ang pinagkaiba lamang ay mas naiirita siyang makita ang taong kinamumuhian niya at iyon ay si Marco. Nakailang subok na rin ito para lapitan siya ngunit hindi niya ito magawa-gawa dahil na rin sa laging nag-iisip si Kristina ng paraan para makaiwas dito. Hindi naman niya ito tinatakasan ngunit siguro ay hindi pa siya masyadong handa na titigan ito sa kanyang mga mata.

Halos tanaw na nilang dalawa ang coffee shop kung saan siya dadalhin ni Rain. Bahagyang nagulat naman si Kristina dahil tila nalimutan na niya ang lugar kung saan siya laging pumupunta noon. Lumang coffee shop na ito ngunit kahit na ganoon pa man ay nagagandahan pa rin si Kristina sa lugar. Mukha kasi itong classic lalong-lalo na ang nasa loob nito dahil habang nagkakape o kumakain kay napapalibutan ka naman ng mga libro at malaya kang basahin ang mga libro na gusto mo.

Napapitlag naman si Rain nang hawakan mismo ni Kristina ang kanyang kamay sabay hila patakbo. "Dali, libre mo na ako," ani niya at napangiti naman ang binata habang tumatango. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top