Everything's WRONG 4
LOVE?
PUTANG INANG LOVE YAN!
Di ko na malaman ang gagawin. Nalilito na ako.
Naiintindihan ko ang paghingi ng space ng una dahil nasaktan din siya pero dahil don lalo kong minamahal ang pangalawa.
Ayoko na please.
Napapagod na ako.
Gusto ko nang maibalik ang dati naming relasyon ng una ngunit paano? Gayong wala siya ngayon.
Gusto ko nang maibalik ang pagkakaibigan namin ng pangalawa ngunit paano? Gayong lalo ko siyang minamahal.
Kung sana nandito lang ang una, para sana sakanya ko maibuhos ang nag-uumapaw na nadarama ko.
Mga luha ko'y mauubos na ngunit bigat nang kalooban ko'y hindi pa natatapos.
Tanginang pag-ibig kasi yan.
PURO KA NALANG KASI PAGMAMAHAL!
Gusto kong umiyak...
Umiyak ng umiyak.
Pero parang mas gusto ko munang magpahinga sa LOVE na yan.
Natatakot ako na baka pag nagpahinga muna ako ay hindi na ako makabalik sa una.
Pero mas natatakot ako na baka pagbalik ng una ay pagod na akong magmahal...
Baka bumitaw na ako...
Dahil hindi ko alam kung saan pa ba ako kakapit...
May kinakapitan pa nga ba ako?
Pakiramdam ko'y iniwan din ako ng una kaya't heto tuloy ako ngayon, sa pangalawa kumakapit.
Naga-apply pa bilang kabit...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top