Everything's WRONG 13

Nakakapagod na makipagtalo.
Nakakapagod na humingi ng tawad.
Nakakapagod nang iparamdam ang pagmamahal sa isang tao na walang ibang makita kundi ang maling nagawa mo.

Paulit ulit nalang ba?
Wala na bang katapusan?
Babalik at babalik pa din ba tayo sa mga panahong nagkamali ako.

OO NAGKAMALI AKO. NAGKASALA AKO SA'YO, NAGMAHAL AKO NG IBA BUKOD SA'YO. MINAHAL KO SIYA NG HIGIT SA'YO.

Pero kailangan ba ipamukha mo yun sa akin araw araw?

BUMALIK NA AKO SA'YO. IKAW NA ANG PINILI KO. LAHAT GINAGAWA PARA MAIBALIK ANG NASIRA NATING RELASYON AT TIWALA MO.

Pero anong ginagawa mo? PURO KA PA DIN HINALA.

Buong buo na yung pagmamahal ko sa'yo oh. Nagawa kong malimot ang nararamdaman ko sa pangalawa dahil sa tulong mo. Pero ano? Siya at siya pa din ang pinanggagalingan ng away.
AYOKO NA.





BIBITAW NA AKO...









BIBITAWAN KO NA ANG MUNDO KUNG SAAN NAKILALA KO SIYA.




BIBITAWAN KO NA ANG GRUPO KUNG SAAN NA-DEVELOP ANG NARARAMDAMAN.




BIBITAWAN KO NA ANG PAGKAKAIBIGAN NAMIN NG PANGALAWA.





NANG SA GAYON, MATAHIMIK KA NA AT MAGING MAAYOS NA ANG ATING RELASYON.




HINDI KITA KAYANG BITAWAN.

KAYA ANG MUNDONG NAGPASAYA SA AKIN ANG BIBITAWAN KO.





GANOON KITA KAMAHAL. LAHAT HANDANG ISAKRIPISYO PARA SA'YO.

KAHIT PA KALIGAYAHAN KO.




Pakiramdam ko, tuluyan nang nawala ang lahat sa akin. Sa'yo na lamang umiikot ang mundo ko.

Para na lamang akong patay.

Ginawa ko naman lahat eh. Sinubukan kong ipaglaban ang mundong ayaw mo, pero sabi mo hindi ka magiging masaya hangga't nanjan ka. Kaya ito binitawan ko na lahat ng nag-uunay sa akin sa kanya. 

Masaya ako noong unang ipinaglalaban ko sa'yo ang mundo ng Wattpad, sapagkat pakiramdam ko, sa wakas, yung bagay na gustong gusto ang nagawa kong mas piliin kaysa sa'yo. Mas pinanigan ko ang kagustuhan ko kaysa sa kakitiran ng utak mo.

Pero sa huli, sayang lang pala lahat ng pagtitiis ko sa mga sumbat mo para manatili ako sa mundong ito.

Dahil sa huli, IKAW PA RIN ANG PINILI KO higit sa kahit ano pa mang makakapagpaligaya sa akin.

Alam mo kung bakit? DAHIL MAHAL KITA AT AYOKONG MAWALA KA.

Marahil ito nga ang kapalit ng pagkakasala ko sa'yo...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top