Everything's WRONG 11
Maayos na ang lahat.
Sa kabila ng aming pinagdaanan dulot ng aking katangahan sa pangalawa, heto na kami at masaya, nagkakaintindihan at inaayos ang lahat.
Di pa man ako tuluyang nakakalimot sa nararamdaman ko sa pangalawa, ang mahalaga naman, nagkakaintindihan na kami ng una at alam niya na kailangan ko siya upang makalimot.
Kung lalayo siya, lalo lamang ako mahihirapan na makaiwas sa pangalawa.
Ganito din noong nag-umpisa kami, nasa proseso ako ng paglimot at ikaw mahal ko, ang una, ang siyang tumulong sa akin na tuluyang makalimot.
Kaya para kaming nagliligawan ulit at bumalik kung paano kami nagsimula.
Masarap sa pakiramdam dahil matapos ng pagsubok ay heto kami at natutulungan na maayos ang problema.
PERO MALI AKO.
PANAGINIP LANG ATA LAHAT YAN DAHIL ETO KAMI NGAYON, MAGKA-AWAY ULIT.
Nakakapagod na umiyak.
Nakakapagod umasa na ayos na lahat.
Gayong hindi pa pala.
Pero ano bang magagawa ko?
KASALANAN KO.
TANGA KO EH.
Nakita niya yung isa kong account para sa pakikipag-usap sa pangalawa.
OO, TANGA AKO. Tanga ako dahil ginagamit ko pa yon kahit na hindi ko na mahal ang pangalawa.
Ginamit ko lang naman ulit yun para maisekreto ang regalo ko sa una para sa Anniversary namin.
Pero pati regalo ko tinatamad na akong gawin.
PAGOD NA PAGOD NA ANG PUSO KO.
GUSTO KO NA SUMUKO. AYOKO NA.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top