Chapter 40
ISABELA
"INGAT KAYO SA New York, ha?" sabi sa 'kin ng Mama ni Arkhe sabay yakap nito sa 'kin nang mahigpit.
I felt good and I hugged her back. "We will po. Thank you."
"Magpagaling ka. Tapos dalawin mo ulit kami rito sa Batangas."
"Sige po."
Si Arkhe naman, lumapit na sa 'min. "Kailangan na naming umalis," sabi niya sa Mama niya. "May dadaanan pa kami."
"O sige, bumyahe na kayo at baka abutin pa kayo ng hapon sa pag-uwi sa Maynila."
"Thank you po sa mga pabaong pagkain at regalo," sabi ko naman. "I really appreciate it. Happy New Year po."
"Happy New Year din." Ngumiti ulit ito nang matamis sa 'kin.
Pagkatapos no'n, nagpaalam na si Arkhe at inalalayan na ako palabas ng bahay nila.
We visited his family here in Nasugbu. Dito kami natulog kagabi. Sinabi na niya kasi sa parents niya ang pagpunta namin sa New York at ang tungkol sa sakit ko.
Ngayong umaga, uuwi na kami sa 'min para doon naman mag-celebrate ng New Year's eve. Pero dadaan muna kami sa beach ngayon. Naalala kasi ni Ark na hindi kami natuloy dati ro'n sa sinasabi niyang Jupiter na resort. Puntahan daw muna namin saglit.
Nakakatuwa, lahat ng pinangako niya sa 'kin, tinutupad niya. Una 'yung sa hideout. Inayos niya talaga 'yon at doon kaming dalawa nag-celebrate ng pasko. That was the best Christmas I've ever had. Tapos ngayon naman, dadalhin niya ako sa beach.
"Hindi ka ba mapapagod maglakad?" Bigla niyang tanong sa 'kin nang makalabas na kami ng gate. "Baka malayuan ka sa Jupiter."
"I'll be fine. Para naman makapag-lakad lakad ako. Ilang araw rin akong nasa loob lang ng kwarto e."
"Sige. Sabihin mo lang agad kapag pagod ka na. Hindi ba sumasakit 'yan?" Tinuro niya 'tong sugat ko sa balikat.
"Hindi na masyado. Pagaling na 'to, don't worry."
Ngumiti siya, tapos hinawakan ang kamay ko at naglakad na kami.
Mukhang masayang sumalubong ng bagong taon dito sa lugar nila. Maaga pa lang kasi pero ang dami ng mga nagse-setup ng tables at chairs sa labas. May mga nagle-lechon na rin. Nakakatuwa.
"By the way," sabi ko. "Kumusta 'yong naging pag-uusap niyo ni Theo? Okay lang ba sa kanya na siya muna ang mag-manage ng Third Base?"
"Oo. Wala namang problema 'yon sa utol ko. Naintindihan niya agad 'yong sitwasyon."
"So, sa Manila muna siya titira?"
Tumango siya. "Oo. Do'n sa bahay namin. Sabi ko siya na munang bahala sa lahat hanggang sa makabalik ako."
I took a deep breath. "Don't worry, magpapagaling agad ako para mabilis tayong makabalik dito sa Pilipinas. Ayokong maiwanan mo nang matagal ang business mo."
Ngumiti naman siya sa 'kin at hinalikan ako sa gilid ng ulo. "Relax lang. Ayos lang naman sa 'kin kung hindi agad ako makabalik dito. Wag mo masyadong i-pressure sarili mo."
Ngumiti lang din ako sa kanya, tapos binalik na ulit ang tingin sa mga nadadaanan namin.
"Alam mo, excited akong makita 'yong Jupiter na resort," sabi ko. "Sayang lang, hindi tayo makakapag-swimming."
"Oo nga e. Kung wala ka sanang sugat, lalangoy tayo saglit do'n."
Napabuntong-hininga ulit ako. "Kasalanan 'to ng bumaril sa 'kin. Hindi ko tuloy mae-experience na mag-beach dito kasama ka."
"Pwede naman nating gawin 'yan pagbalik natin dito sa Pilipinas. Tsaka kalimutan mo na 'yong bumaril sa 'yo. Napahuli na namin 'yung grupong 'yon."
"Yeah. My mind is at rest now. Buti na lang wala na talaga sila. Hindi ka na nila mababalikan."
"Buti na nga lang din nandyan ang kapatid mo. Kung hindi, baka abutin pa ng bagong taon bago namin nahanap 'yong lider ng grupong 'yon. Ang husay mag-tago e."
Tinulungan kasi siya ni Amanda na mahanap 'yong bumaril sa 'kin at 'yong mga nanakit sa kanila sa Bulacan. Amanda is also powerful. Sa dami ng mga tauhan nito, wala itong hindi kayang ipahuli.
"How's your friend Baron, by the way?" Bigla ko namang naalala. "'Di ba kasama mo rin siya sa paghahanap?"
"Oo. Makikita mo nga pala siya ngayon. Nandito siya."
"H-he's also here? Why, does he live here too?"
"Hindi. 'Yong girlfriend niya, taga-rito. Si Desa. Sila 'yong may-ari ng Jupiter."
My eyes widened! "Oh wow! So I'll get to see Baron again and his girlfriend?"
"Oo." Ngumiti siya sa 'kin. "I-congrats mo pala sila. Buntis kasi si Desa tapos ikakasal na sila. Nagpropose si Baron no'ng bisperas ng Pasko."
Mas lalo akong natuwa. "Ang galing! Sakto pala na pumunta tayo ngayon dito, 'no?"
"Oo nga e. Hindi ko agad nabanggit sa 'yo kasi akala ko hindi na sila dito magba-bagong taon. Pero tinawagan ko kanina si Baron, sabi niya nandito pa raw sila."
"Does he know about me? I mean, alam niya na bang nagkabalikan tayo?"
Bigla ulit siyang napangiti. "Hindi pa nga. Mamaya magugulat 'yon. Hindi niya alam na kasama kita, akala niya ako lang mag-isa pupunta ro'n."
"Baka hindi niya na 'ko kilala."
"Kilala ka pa no'n. Pag binanggit kita, maaalala ka agad niya. Alam niyang ikaw lang 'yong babaeng sineryoso ko e." Sabay taas-baba niya ng mga kilay.
Napangiti na lang ako. "Magpapaalam ka ba sa kanya?"
"Oo. Hindi niya pa rin alam na pupunta ako ng New York. Ngayon ko pa lang sasabihin sa kanya lahat."
"I'm sure he'll be shocked."
"Malamang. Iniimbitahan pa naman niya 'ko sa kasal nila, pero mukhang hindi ko mapupuntahan."
"When's the wedding? Baka naman nakabalik na tayo rito sa Pilipinas no'n."
"Wala pa naman silang date kung kailan. Pero kung magaling ka na no'n at nakabalik na tayo rito, baka nga makapunta tayo."
"Dapat pala talaga magpagaling agad ako. Gusto kong nandoon ka sa kasal ng matalik mong kaibigan." Ngumiti ako sabay yakap na sa braso niya habang naglalakad kami.
ILANG SAGLIT PA ay nakarating na rin kami rito sa beach resort.
Halos matigilan nga ako sa nakita ko. Arkhe was right, this place is heaven! Simple lang naman itong resort, wala masyadong amenities bukod sa isang swimming pool, pero gustong-gusto ko kasi ang welcoming ng vibe. Kaya pala marami silang guests.
"Do'n muna tayo." Tinuro ni Arkhe 'yong isang kubo na katapat ng dagat at napapaligiran ng mga palm trees. "Tatawagan ko lang sila Baron at Desa."
Pumunta kami roon at naghintay.
Mas maganda ang view rito. Nakaka-relax. Pinagmasdan ko 'yong mga batang gumagawa ng mga sand castles, habang si Arkhe e nakikipag-usap sa phone niya.
Mayamaya lang, umupo na rin siya sa tabi ko.
"Where are they?" I asked.
"Palabas na. Hintayin na lang natin." Sabay tingin niya na rin sa dagat. "Ayos dito, 'no?"
"Oo, parang ang saya. Nakakainggit, gusto ko ring mag-swimming at umupo sa buhangin."
"Sa susunod na. Dito ako sa resort na 'to palaging tumatambay. Nandito halos lahat ng mga ka-tropa ko."
"Hindi mo na ako ipapakilala sa kanila?"
"Wag na. 'Langya magugulo 'yong mga 'yon, baka loko-lokohin ka pa." Tapos bigla na siyang napalingon sa gilid. "Nandito na sila Baron."
Napatuwid agad ako ng likod sabay lumingon din.
Hindi ko naman alam kung matatawa ako o ano, kasi 'yong kaibigan niyang si Baron, nakatingin na sa 'kin at nanlalaki ang mga mata. He looks like he's seen a ghost.
May kasama siyang babae na ang pleasant ng itsura. Parang ang bait-bait nito.
Nang makalapit na sila sa 'min, nakipag-apir agad si Baron kay Ark, pero hindi pa rin nito inaalis ang gulat na tingin sa 'kin. Siguro namukhaan niya na 'ko.
"Si Isabela 'yan," sabi naman na agad ni Arkhe. "'Yong tinattooan mo dati. Wag ka nang magulat."
"Hi, Baron," bati ko na rin.
Tsaka lang ito natauhan at ngumisi. "Sabi na e. Kaya pala pamilyar. Ba't magkasama kayo ngayon, ah? Kayo na ulit?"
"Matagal na, brad," sagot ni Ark. "Nagkabalikan kami. Hindi ko lang naiki-kwento sa inyo."
"Tangina mo kaya pala ang hirap mo parating hagilapin. May pinagkaka-abalahan ka palang hayop ka."
Natawa na lang kami. Pati itong kasama ni Baron, natawa rin. She's so cute.
"Sab, si Desa pala," pakilala na ni Arkhe. "Girlfriend ni Baron. I-congrats mo na sila."
"Oh, yeah. Sinabi sa 'kin ni Arkhe ang tungkol sa inyo. Congratulations on your upcoming wedding. At congrats din dito." Marahan kong hinaplos ang tiyan niya.
She smiled sweetly at me. "Thank you! Girlfriend ka ni Arkhe? Ang ganda mo, bagay kayong dalawa."
I blushed. "Thank you."
"Desa," tawag ni Ark. "Ayos lang kung iwan ko muna kayo? Kakausapin ko lang si Medel."
"Sige! Ako munang bahala sa kanya."
Nilipat naman sa 'kin ni Arkhe ang tingin niya sabay hinaplos ang nakalugay kong buhok. "Saglit lang kami. Wag kayong lalayo dito."
"Okay."
Tapos umalis na sila ni Baron.
Kami naman ni Desa, umupo rito sa kubo. Parang kumportable ako sa kanya kahit na ngayon ko pa lang siya nakilala. Ang positive ng aura niya.
"Ano nga uling pangalan mo?" tanong niya sa 'kin.
"Isabela. But Arkhe calls me Sab."
"Ah. Ang galing! Hindi ko alam na may girlfriend pala ngayon si Arkhe. Hindi niya nabanggit sa 'min, e."
"We just got back together. Naghiwalay kami four years ago."
Bigla siyang natahimik at napaisip. "Parang kilala kita. Pero hindi ako sure." Sabay ngiti niya na ulit nang matamis. "Nakakatuwa naman at nagkabalikan kayo ni Arkhe. First love mo siya?"
Napangiti ako sa tanong niya. "Yes."
"Gano'n yata talaga kapag first love. Madalas nagkakabalikan. Kami ni Baron, nagkahiwalay din kami niyan dati e. Tapos nagkabalikan din kami. First love ko rin siya."
"And now you two are getting married."
"Oo nga e. Kaka-propose niya lang sa 'kin. Punta kayo ni Arkhe sa kasal, ha?"
"Sige," sagot ko na lang pero hindi pa talaga ako sigurado kung makaka-punta kami.
Binaba ko ang tingin ko sa tiyan niya na natatakpan ng suot niyang shawl. "Ilang months na siya?"
"Four. Gusto mong hawakan?" Inabot niya ang kamay ko para ihaplos sa tiyan niya.
Namangha ako. "Is it a boy or a girl?"
"Baby boy."
"Wow. Congratulations again. Ang saya niyo siguro."
"Oo, sobrang saya. Gusto kasi ni Baron ng boy. Sa binyag, punta rin kayo. Ninong si Arkhe e."
"O-okay. I'll tell Ark."
Matagal-tagal pa kaming nagkwentuhan ni Desa bago nakabalik sa 'min sila Baron at Arkhe.
Iba na nga ang dating ni Baron. Parang hindi na ito kasing saya ng itsura nito kanina. It's obvious that he already knows everything.
Pagkarating, lumapit agad sa 'kin si Arkhe at hinawakan ako sa likod. "Tara na?"
"We're going home?"
"Oo. Baka tanghaliin tayo dito."
"Okay."
Nilipat niya naman ang tingin niya kila Baron. "Una na kami. Mahirap nang maabutan ng trapik."
"Sige." Si Desa ang sumagot. "Hatid na namin kayo palabas."
Sinabayan nila kami hanggang makalabas ng resort, tapos nagpaalam na kami sa kanila.
Nakakatuwa nga kasi nakipag-beso na si Desa sa 'kin na para bang naging close na agad kami.
"Ingat kayo pauwi," sabi niya pa. "Happy New Year!"
"Happy New Year din sa inyo."
Nilipat ko naman ang tingin ko kay Baron at kumaway din dito para magpaalam.
Ngumiti ito sa 'kin. "Ingat. Pag balik dito ni Arkhe, dapat kasama ka pa rin."
I smiled shyly and just nodded. "Okay."
Tapos, tumuloy na kami ni Ark sa pag-alis. Babalik pa kami sa bahay nila kasi nandoon ang kotse niya.
"How was your talk with him?" tanong ko nang makalayo na kami sa resort.
"Ayos naman. Nagulat siya. Tas sabi niya magpagaling ka raw."
Ngumiti lang ako.
"Kayo ni Desa," tanong niya naman. "Nagkasundo ba kayo?"
"Oo. Ang gaan nga agad ng loob ko sa kanya. Parang ang bata niya pa, 'no?"
"Medyo bata pa nga. Child abuse 'yong si Baron e."
I chuckled. "Pero ang bait-bait ng dating niya. I like her."
"Mabait talaga 'yon. Kaya nga tumino 'yong kaibigan ko ro'n."
"Could you tell me more about their love story? I'm interested. Sabi kasi sa 'kin kanina ni Desa, nagkahiwalay din sila ni Baron tapos nagkabalikan ulit. Parang nakaka-inspire."
"Sige. Mamaya sa byahe, iki-kwento ko sa 'yo."
##
WE ARRIVED BACK home at around three in the afternoon. Sakto lang para makapag-prepare para sa New Year's eve celebration mamaya.
Busy na nga sila Amanda at Arkhe pati na ang mga helpers sa pagluluto ng mga pagkain. Gusto ko sanang tumulong sa kanila sa ibaba, kaso ayaw akong payagan ni Ark. Kaya na raw nila 'yon. Magpahinga na lang daw ako.
Mukhang marami-rami ang ihahanda nila mamaya. Kasama na kasi nila kami ni Arkhe na magce-celebrate. Sakto pa at nandito rin ang asawa at anak ni Amanda. Dumating dito sa Pilipinas no'ng bisperas ng Pasko. Hindi ko alam na susunod pala sila rito para mag-bakasyon.
Halata ko nga na masaya ang kapatid ko kasi kumpleto ang pamilya niya. At syempre masaya rin ako.
Nangako ako sa sarili ko na mag-eenjoy ngayong New Year's eve. Kasi pagkatapos nito, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa 'kin. Hindi ko alam kung anong magiging resulta ng operasyon ko sa ibang bansa. Honestly, pinapakita ko lang kila Arkhe na okay lang ako pero ang totoo, natatakot ako sa kondisyon ko.
Ngayon imbis na magpahinga, tinuloy ko na lang ulit ang pag-eempake ng mga gamit. Hinahanda ko na 'yong mga dadalhin ko sa New York.
Mayamaya lang naman, may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Isabela?"
Si Amanda. "Come in, that's open," I said.
Tumuloy siya ng pasok at ngiting-ngiti pa habang may dalang maliit na bowl ng fruit salad.
Pero agad din siyang natigilan nang makita ang mga gamit ko at ilang mga maleta na nakaharang sa daan. "O? Bakit nag-aayos ka na? We still have a week before we leave for New York."
Ngumiti ako nang tipid. "Wala akong magawa e."
Lumapit siya sa 'kin at binigay ang dalang fruit salad. "Ako na ang mag-aayos ng mga gamit mo. Iwanan mo na lang 'yan."
"Kaya ko naman."
"Ano ka ba. Dapat nagpapahinga ka na lang ngayon e. Kagagaling mo lang sa byahe."
I looked at her. "You're starting to sound like Arkhe. Ganyang-ganyan siya sa 'kin."
"It's because we both care about you. Ayaw ka naming napapagod. Lalo na ngayong mas mabilis kang manghina dahil sa sakit mo."
Umupo na lang muna ako sa gilid ng kama at tinitigan 'tong bigay niyang mangkok ng fruit salad. Bumuntong-hininga ako. "Gusto ko lang naman sanang i-divert ang atensyon ko sa ibang bagay."
Sumunod siya sa 'kin at umupo rin sa tabi ko. She brushed her hand on my hair. "Why, are you thinking about your surgery again?"
Tumango ako. "Hindi ako matahimik e. Sobrang natatakot ako at kinakabahan."
Ang tagal niya akong tiningnan bago niya ako biglang niyakap.
Napapikit ako. Ngayon niya na lang yata ulit ako niyakap nang ganito kahigpit. I somehow felt safe and relieved, like a weight was lifted off my shoulders.
"Be brave, Isabela," she then said. "Wag kang mag-isip isip, hindi 'yan makakabuti sa 'yo. Just pray and always remember that we're all here for you."
I smiled softly and nodded. Tapos umalis na ako sa pagkakayakap niya. "Ikaw ba, natatakot ka rin ba para sa 'kin?"
"Oo." Hinaplos niya ulit ang buhok ko. "Nag-aalala ako. Kami ni Arkhe. Hindi lang namin pinapahalata sa 'yo kasi gusto naming maging matapang ka."
"Pinipilit ko rin namang maging matapang e." I closed my eyes for a while. "Kailangan kong gumaling para makabalik agad kami ni Arkhe dito. I want us to get married and live together."
"I'm sure matutuwa siya kapag narinig 'yan. 'Yang plano mong 'yan ang gawin mong inspirasyon para hindi ka panghinaan ng loob."
Tumango-tango ako. 'Yon kasi talaga ang iniisip ko. Kapag natapos na lahat ng pinagdadaanan ko ngayon, magse-settle down na ako kasama si Ark. Hindi na kami magkakahiwalay pa.
"Gusto mo bang dalawin sila Daddy?" bigla namang tanong sa 'kin nitong si Amanda.
Binalik ko agad sa kanya ang tingin ko. "Can we do that?"
"Oo naman. Gusto mo ba?"
Tumango ako. "Yes, I want to see them. Sigurado akong mabibigyan nila ako ng lakas para sa surgery ko."
Ngumiti siya. "Sige. Sasabihan ko ang mga bodyguards. Pupuntahan natin 'yong museleo bago tayo umalis ng bansa."
##
SUMAPIT ANG GABI at mas ramdam ko na ang nalalapit na pagsalubong sa bagong taon.
Nagpapatugtog na ng music sa ibaba at sunod-sunod na rin ang mga nagpapaputok ng fireworks sa labas. Gusto ko ngang manood, hinihintay ko lang si Arkhe. Nag-aayos pa kasi siya.
Ako, naka-ready na ako. I'm wearing a red polka dot dress. Nag-light makeup din ako kanina at nagpa-ayos ng buhok sa kapatid ko. She curled the tips of my hair.
Mayamaya lang naman ay bumalik na rin si Arkhe dito sa kwarto ko.
Kakaligo niya lang at suot na niya 'yung maroon-colored pullover na niregalo ko sa kanya no'ng Christmas.
Tumayo agad ako mula sa pagkakaupo sa kama para lapitan siya. "Wow, it looks good on you."
"Ayos ba? Ang pogi ko lalo, 'no?" Sinuklay niya pa talaga pataas ang buhok niya.
Nagpigil ako ng ngiti. "Oo naman. Kaya nga nabaliw ako sa 'yo, e." Kinurot ko siya sa ilong, tapos bigla kong napansin 'yong hawak niyang envelope. "What's that?"
"Regalo ko sa 'yo."
"Again? 'Di ba may regalo ka na sa 'kin nung Christmas?"
"Oo nga. May isa pa. Dito tayo." Inalalayan niya ako paupo sa gilid ng kama. Tumabi siya sa 'kin tapos binigay na ang envelope. "Isama mo 'to sa mga dadalhin mo sa New York."
"Okay. Pero anong laman nito?" Binuksan ko na, sabay nilabas ang mga laman.
At napabagsak na lang agad ako ng mga balikat nang makita ang mga pictures naming dalawa.
Ang dami! Pati 'yong mga kuha niya sa 'kin noon sa pinagawa niyang exhibit, kapag nagpipinta ako, at sa tuwing lumalabas kami—nandito. May notebook din na may nakasulat na mahahaba. It's like a journal.
Bigla tuloy uminit ang sulok ng mga mata ko. There's so much memories in here.
"Naalala mo dati, ang hilig kong kuhanan ka ng mga litrato?" tanong niya. "Ngayon ko lang naisip na may mahalagang dahilan pala kung bakit ko 'yon ginagawa. Kasi magagamit ko lahat 'yon kung sakaling makalimutan mo ako."
Napakunot ako ng noo sabay tingin sa kanya. "Bakit naman kita makakalimutan?"
Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya nang mapait.
"Bakit nga? May mangyayari ba sa 'kin na hindi ko alam?"
Umiling siya. "Wala. Basta kung sakali lang na makalimutan mo 'ko, buksan mo 'yan. Nandiyan lahat-lahat ng tungkol sa 'tin. Nilagay ko lahat ng mga pictures mo tsaka nating dalawa. Buti na lang pala hindi ko binura 'yung mga 'yon no'ng nagkahiwalay tayo."
"Tapos ito . . ." Binuklat niya 'yong notebook na may mga nakasulat. ". . . Sorry, hindi ako magaling sa ganito, pero sinulat ko rin lahat ng mga nangyari sa 'tin. Simula no'ng araw na nakita kita sa club hanggang sa nag-celebrate tayo ng Pasko sa hideout. Babasahin mo na lang para maalala mo lahat . . .
. . . Kung kulang pa 'yan, ito pa." May kinuha pa siya sa envelope na hindi ko nailabas kanina. It's a USB. "Nag-record ako ng boses ko. Nandito 'yong file. Pakinggan mo kung sakaling hindi mo na talaga ako maalala."
Hindi ko na napigilan. Tumulo na ang luha ko. Pinunasan ko na lang agad at pinilit ko siyang ngitian. "W-why are you doing all these. Hindi naman kita makakalimutan e. Imposible 'yon. Kahit na ilang brain surgery pa ang pagdaanan ko, hindi kita makakalimutan."
Ngumiti rin siya nang mapait. "Naninigurado lang ako. Hindi ko kasi alam kung ano pang pwedeng mangyari pagkatapos ng operasyon mo. Gusto ko lang ihanda lahat."
I felt like crying again. Niyakap ko na lang agad siya at siniksik ang mukha ko sa leeg niya. "Hindi ka pa rin nagbago. Ang effort mo pa rin at puno ng surprises. Hindi ko naisip na gagawa ka pa ng ganito."
"Gagawin ko lahat para sa 'yo. Ayokong makalimutan mo lahat ng meron sa 'ting dalawa."
"Thank you, Ark. Pinapanatag mo talaga ang loob ko. Kahit papaano tumatapang ako kasi alam kong paggising ko pagkatapos ng surgery, nandiyan ka at naghihintay sa 'kin."
Hindi na siya sumagot. Hinahaplos niya na lang ang buhok ko.
Mayamaya, kumalas na rin siya ng yakap tapos ngumiti nang matamis sa 'kin. "Sayaw tayo?"
"Ha?"
"Tara. Sayaw muna tayo bago tayo bumaba." Pinatayo niya ako tapos nilabas niya ang phone niya galing sa bulsa. Nagpatugtog siya ng slow version ng 'Take Me Home, Country Roads'.
Napangiti ako. Kanta ko lang ito dati, pero ngayon, kanta na namin 'tong dalawa.
Tumapat siya sa 'kin at hinawakan ako sa bewang. Bigla ko tuloy naalala 'yong unang beses na sinayaw niya ako sa barbeque party nila sa Batangas. Ganito rin ang pakiramdam ko noon e—ang gaan.
I put my arms over his shoulders and just rested my head on his chest, then we danced slowly to the music.
🎵 Almost heaven, West Virginia
Blue Ridge Mountains, Shenandoah River
Life is old there, older than the trees
Younger than the mountains, blowing like a breeze
Country roads, take me home
To the place I belong
West Virginia, mountain mama
Take me home, country roads 🎵
Alam kong dapat masaya ako ngayon dahil sa ginawa niya, pero hindi ko maiwasang hindi malungkot. Mas tumindi ang takot ko sa kung anong pwedeng mangyari sa 'kin at sa amin sa New York.
"Ark?"
"Hmm?"
"What if I don't survive the surgery?"
Natigilan siya at bigla akong hinawakan palayo. Alalang-alala ang itsura niya. Ang tagal niya pa nga akong tinitigan bago siya nakapagsalita. "Bakit mo iniisip 'yan?"
"I-I'm sorry . . ."
"Hindi ko binigay 'yong envelope sa 'yo para mag-isip ka ng ganyan."
"Sorry." Yumakap na ulit ako sa kanya at tumuloy sa pagsayaw. "Hindi ko na iisipin."
Naramdaman ko naman siyang napahinga nang malalim. "Ayoko nang marinig ulit 'yan sa 'yo. Tinatakot mo 'ko."
Tumango lang ako at siniksik ang mukha ko sa dibdib niya. Ang tagal naming ganito bago siya muling nagsalita. "Sab . . ."
"Hmm."
"Makakaligtas ka sa operasyon mo. Basta lumaban ka, ah? Labanan mo 'yong sakit mo. Wag mo 'kong iiwan mag-isa."
A tear suddenly fell out of my eye again. Parang mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.
Hinigpitan ko na lang ang yakap sa kanya para pasimpleng punasan ang luha ko. Tapos tumango ako.
"Hindi kita iiwan. Walang iwanan."
TO BE CONTINUED IN EPILOGUE
Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top