Chapter 38

ISABELA

ILANG ARAW ANG lumipas at nakalabas na rin ako ng ospital. I'm now at home taking a rest. Mas gusto ko rito. Mas makakapag-pahinga ako nang maayos.

"Last one, Isabela," sabi naman ni Amanda bago ako muling sinubuan ng pinahanda niyang almusal. Nandito kami sa kwarto ko.

Sinubo ko lang ang bigay niya tapos umiling-iling na. "I can't eat anymore. I'm full already."

"May kaunti pa. Ubusin mo na 'to."

"Hindi ko na kaya. Baka masuka na naman ako."

Bumuntong-hininga siya. "Sige. Mamaya na lang ulit." Nilagay niya ang plato sa tray na nasa bedside table, tapos inayos niya 'tong kumot na nakatakip sa ibabang parte ng katawan ko.

"I have a follow-up appointment with my neuro tomorrow, right?" I asked.

"Yes. But I'll just talk to him. Ako na ang magpapaliwanag nitong nangyari sa 'yo." Inayos niya ang buhok ko na nakalugay. "Magpahinga ka na muna. Mamaya-maya, babalik na rin dito si Arkhe. Umuwi lang muna siya saglit sa kanila."

Tumango ako.

"By the way," she added. "I just had a call with Morris last night. Nakausap niya na raw ulit 'yong dati mong doktor sa New York."

"Anong napag-usapan nila?"

"Ise-set na raw nila ang appointment mo. Tuloy tayo sa pagbalik sa Amerika pagkatapos ng pasko."

"Okay. Sasama sa 'tin si Arkhe."

"Yes, I know. Nasabihan ko na rin si Morris."

"Anong reaksyon niya?"

"Wala naman. Inaasahan niya na rin naman daw. I'll take care of Arkhe's papers and flight to New York. Ako nang bahala sa lahat."

"Sige. Sasabihan ko na lang siya." Sinandal ko ang ulo ko rito sa headboard. "Kumusta na pala 'yong paghahanap niyo sa bumaril sa 'kin?"

"Oh, that. I've just hired people to start looking for him. Sabi nga ni Arkhe, kilala niya raw ang grupo na gumawa nito sa 'yo."

Kumunot ang noo ko. "Kilala niya?"

"Naka-harap daw nila sa Bulacan. Pumunta rito para gantihan siya. Hindi niya raw inakala na pati ikaw idadamay."

Napapikit ako. "Yeah, I remember. He came home that day all beaten up. So sila rin pala ang may kagagawan nitong nangyari sa 'kin."

"Yes. And Arkhe blamed himself again for that. Mukhang kinilala ka ng grupong 'yon at ikaw ang unang tinarget. Pero wag ka nang mag-alala, dinagdagan ko ang mga bodyguards mo at pinagsabihan ko na silang ayusin ang pagbabantay sa 'yo."

Bumuntong-hininga ako at binalik ang tingin sa kanya. "Let's give Arkhe some bodyguards too while we're still here in Manila. I want to make sure he's safe. Bigla akong kinabahan e. Baka balikan ulit siya no'ng gumawa sa 'kin nito."

Tumango naman agad siya at ngumiti. "Okay. Pro-protektahan din namin siya, don't worry."

Nag-relax na ulit ako rito sa kama. I was about to close my eyes but I remembered someone. "Where's Lukas, by the way? I haven't seen him in the past few days."

Bigla naman siyang umiwas ng tingin.

Nagtaka ako. "Amanda?"

Bumuntong-hininga siya. "Hindi ka pa ba niya kinakausap?"

"Tungkol saan?"

Binalik niya ang tingin niya sa 'kin. "He's leaving his job."

"What?" Napatuwid ako ng pagkakaupo sa kama. "Why, what happened?"

Hindi na ulit siya sumagot.

"Did you fire him?"

Bumuntong-hininga ulit siya. "Hindi niya nagawa nang maayos ang trabaho niya sa 'yo."

"So you really did fire him? Amanda, how could you do that?"

"Nabaril ka dahil hindi ka niya prinotektahan nang maayos."

"That wasn't his fault alone."

"Kahit na. H'wag mo na lang siyang isipin. Hahanapan na lang ulit kita ng bagong head bodyguard."

"No. You don't understand. Lukas is loyal to me. Tsaka bakit mo ba kasi siya tinanggal nang hindi mo sinasabi sa 'kin?"

Hindi na naman siya sumagot.

Napahilot na ako sa ulo ko, parang aatakihin na naman ako. "I can't believe you did this. Where is he? Is he still in his room?"

Tumango siya, pero hindi tumitingin sa mga mata ko. "Yes. I know he's still there."

Inalis ko 'tong pagkaka-kumot ko at bumangon ng kama.

Ang bilis niya namang nataranta sabay inalalayan ako. "H-hey, where are you going?"

"Pupuntahan ko si Lukas sa baba. I want to talk to him."

"No! Hindi mo pa kaya, ano ka ba."

"Kaya ko."

"Hindi mo kaya. Go back to your bed now."

Inalis ko ang pagkaka-kapit niya sa 'kin. "Just let me talk to him. Lukas is special to me. Isa siya sa mga kaunting tao na pinagkakatiwalaan ko."

Mukha namang natauhan siya. Napabagsak siya ng mga balikat. "I'm sorry. Sasamahan na lang kita pababa."

"Hindi na. Kaya ko ang sarili ko."

Tinalikuran ko na siya at tumuloy na 'ko sa paglabas.

Kaya ko naman na kasi talaga kahit papaano. Masakit na lang ang sugat ko sa balikat pero kaya ko nang maglakad.

PAGKABABA KO SA kwarto ni Lukas, naabutan kong bukas ang pintuan.

Walang tao sa loob, pero may ilan ng mga maleta na nakahanda sa sahig. My shoulders drooped. He's really leaving. Hindi man lang siya nagsabi sa 'kin.

Inayos ko lang muna 'tong suot kong mahabang silk robe, tapos pumasok na ako. May napansin akong mga pictures sa kama niya. Alam kong mali na mangialam ng gamit nang may gamit, pero parang may nagtutulak sa 'kin na tingnan ang mga 'yon.

Tumuloy ako ng lakad papunta sa kama. At ang bilis na lang nanlaki ng mga mata ko nang makita na kung sino ang nasa mga litrato.

It's me!

Agad kong kinuha ang mga ito para isa-isang tingnan. My jaw almost dropped and I couldn't believe my eyes. Bakit siya may mga pictures ko? Ang dami nito, parang kinolekta. Some of them were stolen shots. Ang karamihan ay kuha ko pa sa New York.

Nagulat na lang naman ako ngayon nang bigla nang dumating si Lukas dito sa kwarto. Napatuwid agad ako ng tayo sabay lingon sa kanya.

Halata namang nagulat din siya dahil hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Nakatitig lang siya sa 'kin na kasalukuyang hawak-hawak 'tong mga litrato.

"W-why do you have pictures of me?" I asked with my hands shaking.

Pero hindi niya naman ako sinagot. Umiwas lang siya ng tingin, tapos naglakad na palapit sa 'kin. Kinuha niya 'tong mga hawak kong litrato.

"Bakit ka may ganyan?" tanong ko ulit.

Bumuntong-hininga siya. "Nagpapahinga ka dapat sa kwarto mo. Bakit ka bumaba?"

"Wag mong ibahin ang usapan. Bakit ka may mga pictures ko?"

Hindi na naman siya sumagot. Ni hindi na siya makatingin sa 'kin.

"Lukas?"

"Hindi 'to importante," sagot niya lang sabay pinasok na ang mga litrato sa bulsa ng isa niyang maleta. "Halika na, ihahatid na kita sa taas. Hindi pa kaya ng katawan mo."

"Why aren't you answering my question? Gusto kong malaman kung bakit ang dami kong mga litrato sa 'yo. Taking pictures of me isn't part of your job."

Hindi pa rin siya nagsalita.

"Wala ka ba talagang balak sumagot?"

Doon na niya ako biglang tiningnan nang diretso. "You really want to know why?"

"Yes."

"It's because I like you."

Napahakbang ako paatras. Nanlaki ang mga mata ko at ang tagal pa bago tuluyang nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.

"Actually, I don't just like you, Isabela. I'm in love with you."

Lumapit siya sa 'kin at tumayo mismo sa harapan ko. "Hindi mo naramdaman? Hindi ka ba nagtaka kung bakit ako pumasok bilang head bodyguard mo kahit na wala naman akong alam sa gano'ng trabaho?"

Ako naman na 'tong hindi na nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya at gulat na gulat.

"Gusto na kita no'ng una pa lang kitang nakilala sa New York," patuloy niya. "Pero hindi ko tinutuloy kasi alam ko kung ano'ng lugar ko. Alam kong may Arkhe. Kuntento na 'ko na nababantayan kita. Wala nga dapat akong balak ipaalam 'to sa 'yo, kung hindi mo lang ako nahuli ngayon."

Wala pa rin akong nasabi. Napayuko na lang ako. Hindi ko alam kung anong dapat i-react. "I-I didn't expect this," tanging sabi ko lang.

Bumuntong-hininga naman ulit siya. "Ayos na rin na nasabi ko na 'to. Tutal, paalis na rin ako."

Oo nga pala. Nagbalik ako ng tingin sa kanya. "Amanda told me about it. She has no right to fire you."

"May karapatan naman siya. Muntik ka nang mawala sa 'min. Kung na-protektahan lang kita nang maayos, hindi 'yan mangyayari sa 'yo." Tinuro niya 'tong balikat ko.

"Hindi mo kasalanan lahat. I will talk to Amanda. Sasabihin kong wag ka niyang alisin."

Ngumisi siya. "Pipiliin mo pa rin ba 'kong magtrabaho sa 'yo ngayong alam mo nang gusto kita?"

Natigilan ako.

Napangisi lang naman ulit siya. "Hindi mo na kailangang sumagot. Alam ko naman." Umatras na siya at sinimulang ayusin ang mga gamit niya sa kama.

Yumuko na lang naman ulit ako at pumikit. "Wala ka bang balak magpaalam man lang nang maayos sa 'kin? Basta ka na lang sumunod sa gusto ng kapatid ko."

"Magpapaalam naman ako. Naunahan mo lang." Naramdaman ko siya na nakatingin na ulit sa 'kin. "Isabela, hindi na 'ko sasama sa 'yo pabalik sa New York. I heard Arkhe's already going with you. May magbabantay na sa 'yo ro'n." Tumahimik siya saglit tsaka muling nagsalita. "Basta magpagaling ka. Ayokong malaman na nagpatalo ka sa sakit mo."

Sasagot pa sana ulit ako pero hindi ko na nagawa kasi napansin ko naman si Arkhe na dumating na rito sa kwarto.

Nakatayo siya sa pinto at nagpapalipat-lipat ng tingin sa 'min ni Lukas.

Pinuntahan ko na lang siya agad.

Nakatitig siya sa 'kin na halatang nag-aalala. "Ba't ka bumaba dito?"

"I'm sorry. I just wanted to talk to him."

"Tara na, balik na tayo sa taas. Dapat nagpapahinga ka lang."

Tumango ako tapos sumilip saglit kay Lukas. Pero hindi naman na ito nakatingin sa 'kin.

"Hey," I just called him. "Say goodbye to me before you leave, hmm?"

Tumango ito at saka ngumiti nang tipid.

Pagkatapos no'n, sumama na ako kay Arkhe. Todo alalay siya sa 'kin habang naglalakad kami at habang paakyat na sa hagdan.

Tahimik lang ako. Iniisip ko pa rin kasi 'yong inamin sa 'kin ni Lukas kanina. Ang hirap pa ring paniwalaan.

"Anong meron kay Lukas?" bigla namang tanong ni Arkhe. "Aalis na siya?"

I nodded. "Amanda fired him because of what happened to me."

"Pinigilan mo siya?"

"Pipigilan ko nga dapat, pero hindi ko na ginawa."

"Bakit?"

Hindi ko na muna siya sinagot. Hinintay ko muna na makapasok kami nang tuluyan dito sa kwarto ko.

Dapat ihihiga niya ako sa kama, pero doon na lang muna ako nagpa-pwesto sa couch. Nilagyan niya ako ng throw pillow sa likod, tapos tumabi na siya sa 'kin.

"Ba't nga hindi mo na pinigilan si Lukas?" tanong niya ulit.

Yumuko ako. "Because I just found out something."

"Ano?"

"That he likes me."

Hindi siya nakasagot.

"Nakita ko kanina sa kwarto niya na ang dami niyang mga pictures ko," dagdag ko. "Umamin siya sa 'kin."

Hindi pa rin siya nagsalita.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Are you mad?"

Napangiti siya nang tipid sabay umiling. "Hindi. Alam ko naman 'yon."

Kumunot ang noo ko. "Paanong alam mo?"

"Halatang-halata e. Kaya nga pinagselosan ko 'yon dati. Iba siya tumingin sa 'yo."

"Iba siya tumingin sa 'kin? I didn't notice that." Ni-relax ko ang likod ko rito sa couch. "Nakakagulat. Hindi ko naramdaman. Wala nga raw siyang planong sabihin sa 'kin kasi alam niyang nandiyan ka. Nagkataon lang daw na nahuli ko siya kaya napaamin na siya sa 'kin."

"Ang galing din niyang magtago e. Buti na lang pala nagkabalikan tayong dalawa. Kung 'di may iba na agad na makakakuha sa 'yo."

Napangiti na lang ako.

Inipit niya naman ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. "Ayos ka lang? Napagod ka ba?"

"No."

"Sa susunod wag ka na uling bababa nang mag-isa, ah? Pinag-alala mo 'ko."

"I'm sorry. Pero kaya ko naman na."

"Kahit na. Ayokong mabinat ka. Hindi ka pa nga masyadong nakakabawi ng lakas. Dapat magpalakas ka, malapit pa naman nang mag-Pasko."

"Okay. Sorry."

Ngumiti lang ulit siya. "Kumain ka na ba? Binilhan kita ng prutas."

Tumayo siya at kinuha 'yong mga mansanas at kutsilyo na nakahanda na pala ro'n sa bedside table. Tapos, bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko. "Kain ka. Hihiwaan kita."

Tumango na lang ako, pero sa totoo lang, busog pa talaga ako kasi kaka-pakain lang sa 'kin ni Amanda. Pero dahil dala niya 'to, kakainin ko.

"Kanina ka pa pala nakabalik?" tanong ko sa kanya.

"Medyo. Umakyat agad ako rito sa kwarto mo, kaso wala ka naman. Sabi ni Amanda pinuntahan mo si Lukas." Binigyan na niya ako ng hiniwa niyang mansanas.

Tinanggap ko agad at kinain. Tapos napatingin na lang ako sa malayo. "You know what, just to be honest with you, I'm sad that Lukas is leaving."

"Normal naman 'yan. Matagal mo siyang nakasama."

"Yeah. He's been with me for the past three years. Alam niya lahat ng pinagdaanan ko kay Morris sa New York. Isa siya sa mga kumumbinsi sa 'kin na magpagamot na at tinulungan niya rin ako para makabalik sa 'yo." Bumuntong-hininga ako. "Hindi man lang ako nakapag-thank you sa kanya kanina para sa lahat ng ginawa niya para sa 'kin. Nagulat kasi ako sa inamin niya e."

"Pwede mo naman siyang kausapin ulit bago siya umalis."

Napalipat ako ng tingin sa kanya. "Is that fine with you?"

"Oo naman. Magseselos pa ba 'ko? Alam ko namang akin ka lang."

My lips curved into a smile. "I missed you talking like that. Ganyan ka na lang ulit, ha? Ayoko nang makita kang umiiyak."

Tipid siyang ngumiti. "Basta magpagaling ka. Para hindi na ulit ako umiyak."

Hindi na ako sumagot. Tahimik na lang akong kumain ng mansanas.

Mayamaya lang naman may naalala ako. "By the way, Amanda told me that she'll be the one to take care of your papers and flight to New York."

"Ah, sige. Sabihan niya lang kamo ako kung may kailangan siya sa 'kin."

"Okay."

Pinagmasdan ko na siya pagkatapos. Ang seryoso niya habang naghihiwa ng mansanas. Para bang sinisiguro niya talagang tama lang ang laki ng ibibigay niya sa 'kin para madali kong makain.

Nakakatuwa siya. I really appreciate all his efforts. Simula no'ng nalaman niya ang tungkol sa sakit ko, mas dumoble ang pag-aalaga niya sa 'kin. Ayaw niyang nawawala nang matagal sa tabi ko. Kulang na nga lang e dito na siya tumira sa bahay.

Sa tuwing inaatake ako ng sakit ng ulo at nagsusuka ako, siya ang uma-alalay sa'kin. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako ka-mahal at kung gaano siya ka-concerned sa kalagayan ko.

"Ark?" I called.

"Hmm?"

"Masaya ako na sasama ka sa 'kin sa New York. Hindi ko inaasahan na gagawin mo 'yon."

Napangiti siya. "Ba't naman hindi. Kung kaya mong gawin lahat para sa 'kin, kaya ko ring gawin lahat para sa 'yo. Simple pa nga 'to kumpara sa mga ginawa mo."

"Hindi 'yon simple. Negosyo mo ang maiiwan mo rito. Pinaghirapan mo 'yon."

"Babalikan ko naman. Iiwanan ko lang saglit."

"Nakausap mo na ba si Theo tungkol sa pag-alis mo?"

"Hindi pa. Pero ako nang bahala ro'n, wag mo nang isipin. Basta tumutok ka lang sa pagpapa-galing mo, hmm?" Ngumiti ulit siya at hinaplos ako sa buhok.

Ngumiti lang din ako.

"Nga pala," habol niya naman, "mamaya aalis ulit ako."

"Saan ka pupunta?"

"Sa Third Base. May aasikasuhin lang."

"Oh, okay. Babalik ka dito?"

"Syempre naman. Dito ulit ako matutulog. Babantayan kita."

"Okay. Thank you." Dumikit ako sa kanya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Sakto naman no'n, biglang bumukas ang pinto nitong kwarto ko. Napaayos din tuloy agad ako ng upo.

Pumasok si Amanda.

Nakangiti siya sa 'kin, pero iniwasan ko siya ng tingin. Hindi ko pa rin kasi makalimutan na tinanggal niya sa trabaho si Lukas nang hindi ako sinasabihan.

"It's good to see you resting again," sabi niya. "Kailangan pa talagang dumating si Arkhe para lang sumunod ka at bumalik dito sa kwarto."

Hindi ako nagsalita.

Nilapitan niya naman bigla si Arkhe. "I'm sorry, but can we talk outside for a moment?" sabi niya rito.

Tumango agad si Ark. "Sige." Sabay tayo na nito. Nagpaalam lang ito saglit sa 'kin, tapos sabay na silang lumabas.

Sinundan ko sila ng tingin. Ano bang pag-uusapan nila at hindi pa nila ako sinali? Parang hindi tuloy maganda ang kutob ko.

TO BE CONTINUED

Liked it? Take a second to support me on Patreon! Here's how: www.barbsgalicia.com/support-me-on-patreon/

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top