Chapter 37
ISABELA
HINDI NA AKO natigil sa pag-iyak mula nang iwanan ako ni Arkhe dito sa kwarto ng ospital.
Pakiramdam ko galing ako sa isang matinding bangungot. Alam na niya! At hindi man lang ako nakapag-paliwanag nang maayos dahil sa kalagayan ko ngayon.
Gustong-gusto ko siyang yakapin kanina para pakalmahin, pero hindi ko magawa. Ang bigat sa dibdib na makita siyang gano'n.
I knew it, he'd really get hurt and mad. Sino ba naman kasing hindi masasaktan sa ginawa ko. Naglihim ako nang matagal sa kanya. Naiparamdam ko na hindi ko siya kailangan sa laban ko.
Pero wala naman akong intensyon na gano'n. Hindi ko ginustong iparamdam sa kanya na ayaw ko siyang kakampi. Sasabihin ko na nga talaga dapat sa kanya ang totoo e.
I planned it all yesterday and had him meet me at a park so I could confess everything. But I didn't expect this would happen to me. What's even worse, sa iba niya pa narinig ang tungkol sa sakit ko.
Pinahid ko ngayon ang mga luha ko at pumikit na lang para magpigil. I feel like breaking down, everything's just too much right now. Halo-halo na ang sakit na nararamdaman ko, sumasabay pa 'tong ulo ko.
Ilang saglit lang naman ay narinig kong bumukas ang pinto. Akala ko bumalik na si Arkhe, pero si Amanda pala ang pumasok.
Pinilit ko agad na ibangon ang katawan ko mula sa kama. "Where's Arkhe?"
"He's just outside. Don't worry." Lumapit siya sa 'kin at inalalayan ako para bumalik naman sa pagkakahiga.
I shut my eyes tight again. "I thought he already left me. Galit siya sa 'kin."
"Hindi siya galit. Nabigla lang siya sa mga nalaman niya."
"Kitang-kita ko kung paano siya nanghina kanina sa pag-amin ko. Bakit ko raw nilihim. Alam kong may parte sa kanya na galit siya." Tinakpan ko ang mga mata ko kasi napaiyak na 'ko ulit, hindi ko na naman mapigilan. "Amanda, sasabihin ko naman na talaga dapat sa kanya lahat e. Hindi ko lang inaasahan na mababaril ako."
"I know. Don't cry." Pinunasan niya ang mga pisngi ko. "May mali rin naman ako. Masyado akong nadala, hindi ko naisip na nandito lang din siya at pwede niyang marinig ang pinag-uusapan namin ni Lukas. Kahapon pa lang, hindi na siya matahimik. Kulang na lang magalit na siya sa 'kin dahil ayokong aminin ang totoo."
Tiningnan ko siya. "Umiiyak pa rin ba siya sa labas?"
Tumango siya. "Naabutan ko siyang umiiyak. I'm sorry pero sinabi ko na lang din sa kanya ang iba niya pang kailangang malaman para malinawan na siya at matahimik."
"W-what do you mean? Pati 'yong ginawa ko para lang makabalik dito sa Pilipinas?"
"Yes. He needs to know already." Bumuntong-hininga siya. "Naaawa na ako sa kanya, sa itsura niya kanina. Masyado na siyang mahihirapan kung hindi pa niya malalaman lahat-lahat."
"What did he say?"
"He was devastated. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit 'to nangyari sa 'yo. Dapat daw pala sinundan ka na lang niya dati sa Amerika."
Pumikit ako at muling napaiyak. "Wala naman siyang kasalanan e. Ako ang may kasalanan. Masyado ko talaga siyang nasaktan dahil sa paglilihim na ginawa ko."
Bigla niya naman akong niyakap. "Shh...stop crying. He'll be fine. He just needs time to process everything, but he'll be fine."
"Paano kung iwan niya na 'ko?"
"That's impossible. Mahal na mahal ka niya, ramdam ko 'yon kanina habang magkausap kami. Kaya sige na, tumahan ka na at h'wag mo na muna 'to masyadong isipin. Pinapagod mo lang ang sarili mo e. You haven't even recovered from your gun shot wound yet. I know you're still weak."
"I want to see him right now. I want to talk to him again."
"He'll be back. Just take a rest first." Hinaplos-haplos niya ang nakalugay kong buhok para patahanin na ako. "Dapat magpagaling ka agad para makalabas ka na dito sa ospital. May ibang sakit ka pa na kailangang ipagamot. At kami naman, may tao pa kaming kailangang hanapin. We're gonna track down the guy who shot you and make him pay for what he did."
Hindi na ako nagsalita.
Pumikit na lang ako at sinubukang i-relax ang isip at katawan ko. Pero hindi ko naman magawa. My head keeps throbbing. Kanina pa talaga 'to pero pinipilit kong tiisin.
MAYAMAYA LANG NAMAN, bigla na uling bumukas ang pinto nitong kwarto. Sabay kaming napatingin do'n ni Amanda.
Si Arkhe, bumalik na siya!
Halos buhatin ko ulit ang katawan ko para maupo. Pero pinahiga lang ulit ako nitong kapatid ko. "Relax. Don't force yourself." Hinaplos niya ulit ang buhok ko. "I'll leave you here with him now so you can talk again, hmm?"
Tumango lang ako.
Ngumiti siya sa 'kin bago tumalikod. Tinap niya si Arkhe sa balikat at saka siya tuluyang lumabas.
Si Arkhe naman, dumiretso sa 'kin. Umupo ulit siya sa tabi ng kama ko.
Nakangiti na siya ngayon pero alam kong pinipilit niya lang 'yon kasi halatang-halata sa namumugto niyang mga mata na lugmok pa rin siya.
"Akala ko iniwan mo na ako," sabi ko.
Hindi naman siya nakasagot. Bigla na lang kasi ulit siyang napaluha. Hindi niya napigilan. Inabot niya agad ang kamay ko para itakip sa mukha niya.
Pati tuloy ako, napaiyak na rin ulit. "Ark, I'm really sorry. My heart breaks seeing you so down like this."
Ang bilis niya namang pinahid ang mga luha niya. "Pasensiya na. Alam kong dapat maging matatag ako, pero sobrang nanghihina ako."
"I understand." Hinaplos ko siya sa pisngi.
Napapikit siya. "Ang laki ng kasalanan ko."
"No, Arkhe. Wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan dito kasi hindi ko pinaalam agad sa 'yo lahat."
Umiling-iling siya. "Isa ako sa dahilan kung ba't ka nahirapan sa Amerika, kung bakit ka nagka-ganito. Hindi kasi ako lumaban no'n. Hinayaan lang kitang umalis." Tumingin siya sa 'kin na punong-puno na ng luha sa mga mata. "Sising-sisi ako ngayon, ang dami kong sinayang na oras. Sana hinanap na lang kita dati. Sana hindi ako pumayag na makuha ka lang basta ni Morris."
Pinahid niya ang mga luha niya. "Sinabi na sa 'kin ni Amanda lahat. Nag-sakripisyo ka na naman pala kaya ka nakabalik dito. Ba't mo ginawa 'yon? Ba't hindi ka na lang nagpagamot agad?"
Umiwas ako ng tingin at pumikit. "I got desperate. 'Yon na lang ang nakikita kong paraan para makawala na ako kay Morris at mabalikan na kita. Ayokong magpagamot hangga't hindi tayo nagkaka-balikan."
"Ngayon, nagkabalikan nga tayo, pero posible ka namang mawala ulit sa 'kin."
Hindi ako nakasagot. Diniinan ko ang pagkakapikit para pigilan ang pag-iyak ko.
"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon Sab, e," sabi niya. "Mas importante ang sarili mo."
"Pero kung hindi ko 'yon ginawa, wala ka sa tabi ko ngayon. Hindi tayo magkasama. Gusto mo ba 'yon?"
Siya naman ang hindi nakasagot. Yumuko siya para itago sa 'kin ang pag-iyak niya.
"You're everything I want, Ark." Hinaplos ko ang buhok niya. "Kung hindi kita mababalik sa 'kin, mas gugustuhin ko pang mamatay na lang."
Mas lalo siyang naiyak. Tumingala na siya sa kisame at sinubukang magpigil. "Nagagalit ako sa sarili ko ngayon. Pakiramdam ko ang walang kwenta ko."
"Hey, that's not true."
"Nagtanim ako ng galit sa 'yo dati at pinilit pa kitang kalimutan, samantalang ikaw, sinakripisyo mo 'yang kalagayan mo para lang makabalik sa 'kin. Napaka-gago ko. Tapos no'ng bumalik ka na dito, sinaktan pa kita. Pinahirapan kita. 'Yon pala, may sakit ka. Gusto kong bumalik sa mga panahong 'yon para bawiin lahat ng pangit na ginawa ko sa 'yo."
"Wala kang kasalanan do'n. Kaya mo lang naman 'yon nagawa dahil galit ka pa sa 'kin dahil sa pakikipag-hiwalay ko sa 'yo dati. Naiintindihan ko 'yon. At kahit isang beses hindi ko naisip na sisihin ka. You have all the right to act and feel that way. Kaya please, wag mo nang sisihin ang sarili mo."
Hindi na siya sumagot. Pinunasan niya na lang ng T-shirt niya ang mga luha niya at parang kinalma na niya ang sarili.
"Sorry," sabi niya lang ulit pagkatapos.
"It's okay. And I'm really sorry, too. I promise I'll never keep secrets from you again. Sasabihin ko na palagi sa 'yo lahat-lahat."
Tumango siya at muling pinunasan ang natitira niyang mga luha. Tapos, hinawakan niya ulit ang isa kong kamay. Pinilit niyang ngumiti nang matamis. "Ano nang nararamdaman mo ngayon? May masakit ba sa 'yo?"
Tipid akong napangiti kasi kalmado na ang boses niya. Parang bigla na rin tuloy gumaan ang pakiramdam ko.
"My head. It's aching again," I just said.
Inipit niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko. "May iniinom ka bang gamot?"
"Yes. I have some in my bag, but I don't know where it is."
"Na kay Amanda. Kukunin ko sa kanya mamaya, tapos kakausapin ko 'yong nurse mo." Bigla niyang hinalikan ang kamay ko na kapit-kapit niya. "Madalas bang sumasakit ang ulo mo?"
I nodded. "Mas dumalas na siya ngayon. At mas lumala din. Kaya nga hindi ako palaging maka-oo sa 'yo kapag gusto mong makipagkita. Nagsusuka kasi ako sa umaga kapag sobrang sakit ng ulo ko. Sumasama ang pakiramdam ko."
Nalungkot na naman ang itsura na. "Sabi ko na e. 'Yon talaga ang problema kaya hindi ka nakikipagkita sa 'kin." Bumuntong-hininga siya pagkatapos. "Sabi sa 'kin ni Amanda hindi ka pa talaga nagpapagamot?"
Malungkot ulit akong tumango-tango. "I haven't started with the needed treatment yet."
"Bakit?"
Umiwas ako ng tingin. "Hindi pa ako makapag-desisyon."
"Makapag-desisyon saan? Ang sabi ng kapatid mo, ilang buwan na ang pinalipas mo bago ka ulit nagpatingin sa doktor. Kailangan mo na 'tong ipagamot. Anong desisyon pa ba ang kailangan mong gawin?"
Binalik ko ang tingin ko sa kanya. "Ark, there's one more thing you need to know."
"Ano?"
Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Baka bumalik ako sa New York."
Hindi siya nakapagsalita. Napabagsak lang siya ng mga balikat.
"I'm sorry," patuloy ko. "Ayun yong hindi ko mapag-desisyunan hanggang ngayon. Iniisip kasi kita, ayokong maiwan ka ulit dito."
Bigla na siyang napayuko. "Doon ka magpapagamot?"
"Yes. Mas kumportable kasi ako sa dati kong doktor do'n at pakiramdam ko mas mapapabilis ang paggaling ko."
Hindi na ulit siya nagsalita.
Hinaplos ko siya sa pisngi sabay inangat ang mukha niya. "Arkhe, ayoko sanang magkahiwalay ulit tayo, pero mukhang kailangan ko 'tong gawin."
Wala pa rin siyang sinagot. Pumikit lang siya nang madiin na para bang may malalim na iniisip, tapos tiningnan na niya ulit ako nang diretso. "Kelan ka babalik do'n?"
"I'm not sure yet. Maybe after the Christmas holidays. Aasikasuhin pa ni Amanda ang mga papers ko. 'Yon ang dahilan kung bakit siya umuwi dito sa Pilipinas. Pero Ark, hindi pa naman sigurado 'yon. I haven't decided yet."
"Wag mo nang pahirapan ang sarili mo sa pagde-desisyon. Bumalik ka sa New York kung do'n mas mapapabilis ang paggaling mo."
"Pero paano ka?"
"Sasama ako sa 'yo."
Natigilan ako. "W-what?"
"Sasamahan kita sa New York. Gusto kitang bantayan habang nagpapagamot ka para hindi ka matakot."
Bumagsak ang mga balikat ko. "A-Are you sure? Papa'no ang negosyo mo dito? 'Yung Third Base?"
"Ipapaubaya ko muna kay Theo 'yon."
I don't know what else to say. Napapikit na lang ako at napaiyak ulit. But this time, hindi na dahil sa lungkot.
Humigpit naman ang kapit niya sa kamay ko. "Mas importante ka. Ayokong maiwan dito kasi mababaliw lang ako sa kakaisip. Mas gusto kitang samahan. Hindi ako pwedeng mawala sa tabi mo habang lumalaban ka."
Nginitian ko siya nang mapait. "Thank you. You don't know how much this means to me. Mas lalakas na ang loob ko ngayon na magpagamot."
Hinaplos niya naman ang pisngi ko. "Nandito lang ako, Sab. Mahal na mahal kita."
"I love you, too."
Tumayo na siya mula sa pagkakaupo pagkatapos. Lumapit siya at hinalikan ako nang matagal sa noo. "Magpagaling ka. Hindi ka pwedeng mawala ulit sa 'kin."
TO BE CONTINUED
Liked it? Take a second to support me on Patreon! Here's how: www.barbsgalicia.com/support-me-on-patreon/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top