Chapter 36
ARKHE
MAGDAMAG AKONG HINDI nakatulog kaiisip sa narinig ko.
Wala man lang kasi akong nakuhang sagot. Ilang beses kong tinanong si Amanda pati na rin si Lukas kagabi kung ano ba 'yong tungkol sa sakit ni Sab na pinag-uusapan nila, pero kahit katiting na impormasyon, wala silang sinabi.
Tangina, para na 'kong masisiraan ng ulo sa kaiisip.
Ngayon ko napatunayang baka may nililihim nga sa 'kin si Sab. Pinagtutugma-tugma ko lahat e, pati na rin 'yung sinabi sa 'kin ni Jewel kahapon. Mukhang may sakit si Isabela, pero hindi ko man lang alam kung ano 'yon.
Kanina pa nga ako nandito sa tabi ng kama niya sa ospital—hinihintay na tuluyan na siyang magising para masagot na lahat ng tanong sa isip ko.
Nagkamalay naman na siya kaninang umaga. Nakausap na siya ng kapatid niya at naikwento na sa kanya kung anong nangyari sa park. Pero wala pa siya masyado sa sarili niya no'n. Ayoko naman siyang biglain kahit na kating-kati na 'kong malaman kung ano bang nililihim niya at ni Amanda sa 'kin.
Ilang saglit lang, naramdaman ko na ring gumalaw ang kamay niya na kapit-kapit ko.
Napaayos agad ako sa pagkakaupo at pinagmasdan siya na unti-unting dumidilat.
Pagkakita niya sa 'kin, napangiti na lang agad siya. Gusto ko rin sana siyang ngitian, pero mas nangingibabaw ang lungkot ko ngayon.
"H-hi." Marahan niyang hinaplos ng daliri niya ang kamay ko.
"Kamusta na pakiramdam mo?" Seryosong tanong ko lang.
"Good." Sabay tingin niya sa sugat niya sa balikat. "The anesthesia is still in effect. Wala pa akong masyadong nararamdaman."
Tumango lang ako.
Napangiti naman ulit siya at hinang-hina akong hinaplos sa pisngi. "Hey, are you all right?"
Hindi ako sumagot.
"I know you're worried," patuloy niya. "But don't be. I'll be fine."
Bumuntong-hininga lang naman ako bago tuluyang nagsalita. "Nalulungkot ako."
"Why? Dahil sa nangyari? Gagaling din naman 'tong sugat ko e. Wag ka nang malungkot."
"Hindi lang naman dahil diyan." Tiningnan ko siya nang seryoso. "May hindi ka ba sinasabi sa 'kin?"
Kumunot ang noo niya. "W-what do you mean?"
"Kagabi, narinig ko ang kapatid mo na kausap si Lukas. Nabanggit niya na ginagawa nila ang lahat para hindi ka mamatay sa sakit mo. May sakit ka ba? Ba't wala man lang akong alam?"
Biglang nanlaki ang mga mata niya sa 'kin. Hindi siya nakapag-salita.
Bumuntong-hininga ulit ako para pigilan ang nararamdaman kong lungkot at takot ngayon. "Ayaw sabihin sa 'kin ng kapatid mo nong tinanong ko siya. Ikaw, hindi mo rin ba sasabihin sa 'kin?"
Napayuko na siya. Tapos biglang suminghot at pinunasan ang mga mata niya.
"Wag kang umiyak," sabi ko. "Hindi kita pinapaiyak. Gusto ko lang malaman kung anong totoo. May sakit ka ba?"
Hindi pa rin siya sumagot. Umiiyak lang siya. Tsk, ayoko siyang makitang ganito, pero ayoko rin naman na wala pa rin akong makukuhang matinong sagot.
"Isabela?"
Pinahid niya ulit ang mga luha niya at tsaka siya nagbalik ng tingin sa 'kin. "Ark, I'm sorry. I'm really sorry. Sasabihin ko naman talaga sa 'yo, eh. Nahirapan lang akong humanap ng tyempo."
Bigla nang nanginig 'tong mga kamay ko. Ang tagal pa bago ako nakapagsalita ulit. "May sakit ka nga?"
Tumango siya at mas lalong napaiyak. "I...I have brain tumor."
Ang bilis na-blangko ng utak ko. Ako naman ang hindi nakapagsalita at nakatitig lang ako sa kanya habang pilit na pinoproseso sa isip ko ang sinabi niya.
"I'm so sorry, Ark. I should've told you sooner."
Umiwas na 'ko ng tingin kasi nag-uumpisa na rin akong maiyak. "Imposible 'yan. Hindi ako naniniwala."
Hindi siya sumagot.
Sinilip ko siya. "Imposibleng may ganyan kang sakit."
"I-it's true." Kinagat niya ang ibaba niyang labi para mag-pigil ng iyak. "I was diagnosed months ago when I was still in New York."
Wala na 'kong nasabi. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko.
"Arkhe?" tawag niya naman agad.
Pumikit ako nang madiin. "Bakit mo nilihim sa 'kin?"
"Hindi sa nilihim ko. Hindi ko lang alam kung papaano ko sasabihin. Ayokong masira lahat ng kasiyahan natin ngayon e. Ayokong pati ikaw, mag-suffer. Tama nang ako lang ang namo-mroblema."
Tuluyan na 'kong napaiyak. Yumuko agad ako para itago sa kanya pero ang bilis niya rin namang napansin. "Hey." Inangat niya agad ang mukha ko. "Please don't cry." sabay pahid niya sa mga luha ko.
Pinahid ko na lang din, pero hindi na talaga ako makatingin sa kanya. Namamanhid na ang buo kong katawan ngayon. Wala na 'kong ibang maramdaman kung 'di lungkot lang.
"Ark, stop crying. I don't want to see you like this."
"Hindi kasi biro 'yang sakit mo. Pwede kang mapahamak. Paano mo nagawang hindi sabihin agad sa 'kin?"
Pumikit lang siya.
"Kung hindi ka pa na-ospital at hindi ko narinig sa kapatid mo, hindi mo pa ipagtatapat?"
"Please wag ka namang magalit."
"Hindi ako nagagalit. Nalulungkot ako kasi wala akong kaalam-alam. Ilang buwan tayong magkasama, Sab. Sobrang saya ko sa relasyon natin, tapos 'yon pala, may sakit ka na nagpapahirap sa 'yo."
Napaiyak na rin ulit siya. "I'm really sorry. Plano ko naman na talagang sabihin sa 'yo, e. Pero wala akong lakas ng loob."
"Hindi mo kailangan ng lakas ng loob para sabihin sa 'kin. Boyfriend mo 'ko. Maiintidihan ko kahit ano pa 'yan." Napaiwas na ulit ako ng tingin kasi nagtu-tuloy tuloy na 'tong pagluha ko.
"Ayoko kasing masaktan ka, Arkhe," sabi niya pa. "Gusto ko sanang ayusin muna lahat. Ngayon nag-umpisa na ulit akong magpa-checkup, wala ka nang dapat alalahanin."
Binalik ko ang malungkot kong tingin sa kanya. "Nag-umpisa ka nang magpa-checkup, at wala pa rin akong kaalam-alam. Kaya palagi kang busy? Kaya palagi kang may ginagawa tsaka pinupuntahan? Kaya rin ba madalas kang nahihilo? Sab naman nililihim mo naman sa 'kin lahat, e. Para saan pa na nandito ako? Parang ayaw mo 'kong maging kakampi."
"Hindi sa gano'n. Believe me, I'm already planning to tell you everything. No'ng magkikita tayo sa park kahapon, dapat sasabihin ko na no'n. Pero hindi ko inaasahan na mababaril ako."
Hindi na ulit ako sumagot. Hindi ko na kasi kaya, nagtutuloy-tuloy na talaga 'ko sa pag-iyak.
Pinahid ko na lang ulit 'tong mga luha ko sabay tumayo para lumabas na muna ng kwarto.
"Arkhe!" tawag niya naman agad.
Pero hindi ko siya nilingon. Dumiretso lang ako sa pag labas.
Kailangan kong kalmahin at klaruhin 'tong isip ko. Ayokong makita niya kung gaano ako ka-apektado ngayon.
PAGKALABAS KO NG kwarto, hinang-hina agad akong umupo sa pahabang upuan na malayo sa mga bodyguards ni Sab.
Tinakpan ko ng leegan ng T-shirt ko 'tong mga mata ko tsaka ako tumuloy sa pag-iyak.
Hindi ko kayang itago. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Ang hirap paniwalaan na nangyayari lahat ng 'to. Akala ko masaya lang kaming dalawa, pero wala pala akong kaalam-alam sa totoong nangyayari.
Kagabi hinanda ko na ang sarili ko sa kung anong pwede kong malaman ngayon. Tinanggap ko na 'yong posibilidad na baka nga may sakit siya, pero hindi ko inaasahan na ganito pa rin pala kasakit ang magiging epekto sa 'kin.
Hindi niya ako sinasali sa laban niya samantalang handang-handa naman akong samahan siya. Ang dami kong sinayang na oras na sana pala ginugol ko na lang para alagaan siya.
Pinunasan ko 'tong mga pisngi ko na basang-basa ng luha at pikon na lang na napasabunot sa buhok ko.
Brain tumor. Paano niya kinayang hindi sabihin sa 'kin umpisa pa lang? Ayaw niya 'kong masaktan pero tangina sobrang nasaktan pa rin naman ako. Mas lalo na ngayon dahil ang tagal niya na palang iniinda pero wala akong kaalam-alam.
Pakiramdam ko ang walang kwenta ko dahil wala man lang akong nagawa sa mga panahong nahihirapan siya.
Napatigil na lang ako sa pag-iyak ngayon nang mapansin kong may taong paparating.
'Yong kapatid pala ni Sab.
Pinunasan ko agad ang mga mata ko at umakto nang normal. Pero hindi ko rin naman napanindigan. Napaluha pa rin ako nang bigla na siyang umupo dito sa tabi ko.
Naglabas siya ng tissue galing sa bag niya at inabot 'yon sa 'kin.
Tinanggap ko lang.
"Nakapag-usap na kayo ng kapatid ko?" tanong niya.
Tumango ako sabay punas ng tissue sa mga mata ko.
"You already know about her condition?"
Hindi ako makasagot. Parang maiiyak na naman kasi ako. Tinanguan ko na lang ulit siya.
Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry kung hindi ko inamin sa 'yo kagabi nong panay ang tanong mo sa 'kin. Ayoko kasing ako ang unang mag-kwento. It's my sister's responsibility to tell you that."
Napayuko ako. "Pero hindi niya naman pinaalam agad sa 'kin. Kailangan pang umabot sa ganito."
"I know. Ilang beses na namin siyang sinabihan ni Lukas na ipagtapat na sa 'yo ang totoo. Pero nahihirapan daw siya. Ayaw niyang masira ang kung ano mang kasiyahan niyo ngayon at natatakot siya kung anong magiging reaksyon mo."
Mapait akong napangiti. "Maiintindihan ko naman. Para saan pang nandito ako."
"We told her that, too." Bumuntong-hininga ulit siya. "Mukha namang gusto niya na talagang sabihin, pero hindi lang siya makahanap ng tamang tyempo."
"Ang tagal niyang tinago sa 'kin."
Tumango siya. "Sa New York pa lang. Alam mo na rin ba ang dahilan kung bakit nagawa niyang makabalik dito sa Pilipinas? Sinabi niya na rin ba?"
Tiningnan ko siya kahit nanlalabo ang paningin ko. "Hindi. Bakit niyo pa nga ba siya hinayaang bumalik dito kung may sakit siya? Sana pinagamot niyo na agad siya ro'n."
"We had no choice. Tinakot niya kami ni Morris. When she was diagnosed with brain tumor, Morris convinced her to start the treatment right away. But she refused. Tinakot niya ito at sinabing hinding-hindi siya magpapagamot hangga't hindi siya nito pinapayagan na umuwi sa Pilipinas at hanapin ka. Walang nagawa si Morris. He let her go . . .
. . . At noong nakabalik na siya dito, ang buong akala namin magiging maayos na ang lahat at magpapagamot na siya. But we were wrong. Sinabi niyang hindi pa rin siya magpapagamot hangga't hindi naman kayo nagkakabalikan. Ayaw niyang makinig sa 'min. Buong-buo ang desisyon niya at wala siyang pakialam kung ikamatay niya pa ang sakit niya."
Napaiwas ako ng tingin at napaiyak na naman. Ayokong bumigay pero parang ganon na ang nararamdaman ko ngayon.
"Pasensya na kung ngayon mo lang nalalaman ang mga 'to," dagdag niya pa. "Alam kong bilang boyfriend ni Isabela, karapatan mong malaman ang lahat umpisa pa lang."
"Ba't kailangan niya pang magsakripisyo? Bakit mas inuna niya pa 'ko kesa sa sarili niya."
"Ganoon ka ka-mahal ng kapatid ko."
Napatakip na 'ko ng mukha para hindi niya makita kung gaano ako ka-durog na durog ngayon. "Kasalanan ko lahat 'to."
"No, wala kang kasalanan."
"Kasalanan ko." Napasabunot ako sa buhok ko. "Nagalit ako sa kanya nung nakipaghiwalay siya sa 'kin dati. Kinalimutan ko siya. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Sana imbis na nagtanim ako ng galit, sinundan ko na lang siya sa ibang bansa para alamin ang totoong nangyari sa 'min. Hindi pa siguro siya nagkasakit at umabot sa ganito. Kasalanan ko lahat."
"Arkhe, it doesn't work that way. Kahit na nagkabalikan kayo noon pa, kung kapalaran niya na magkasakit, magkakasakit pa rin siya. There's nothing you can do."
Tiningnan ko na ulit siya kahit pa puno ng luha 'tong mga mata ko. "Mawawala ba si Isabela sa 'tin? Posible ba talaga siyang mamatay sa sakit niya?"
Siya naman 'tong umiwas ng tingin. Nalungkot ang itsura niya. "Tanong ko rin 'yan sa sarili ko. Sorry but I can't give you a definite answer. Hindi pa kasi siya nag-uumpisa sa mismong mga treatments. Sinabihan na siya ng dati niyang doktor sa New York na kailangan niyang magpagamot agad, kaso ilang buwan pa ang pinalipas niya bago niya napag-desisyunan na magpa-checkup dito sa Pilipinas."
Napatakip na ulit ako ng mukha at napaiyak na naman. Hindi na talaga ako magtataka kung tuluyan akong bibigay dito.
Tinapik niya 'ko sa balikat para kalmahin.
"Don't worry, magiging maayos din ang lahat."
"Hindi siya pwedeng mawala sa 'kin. Ang dami ko pang plano para sa 'ming dalawa."
"Then let's do everything we can to help her succeed in her battle. Nandito naman tayo. We will fight with her."
Hindi na 'ko sumagot. Tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak.
Mayamaya lang naman naramdaman ko na siyang kinuha ang bag niya.
Tinapik niya 'ko ulit pagkatapos. "I'll leave you here. I know you need space to be alone and process everything that's happening. Ako na muna ang magbabantay kay Isabela." Tumayo na siya at umalis.
Inipit ko naman na 'tong pagitan ng mga mata ko para matigil na 'ko sa kakaiyak. Ang bigat na ng dibdib ko.
Duwag na kung duwag pero sobrang natatakot ako ngayon sa pwedeng mangyari kay Isabela. Minsan na siyang nawala sa 'kin. Ayoko na uli 'yong maulit. Dahil kapag nagkataon, wala na akong magagawa para maibalik pa siya.
TO BE CONTINUED
AUTHOR'S NOTE: Want to read new #EIW updates earlier than everyone else? Then join my Patreon community!
All new chapters will be posted first on my website before publishing here on Wattpad. To learn how you can become my Patreon member, read this blog: http://barbsgalicia.com/support-me-on-patreon/.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top