Chapter 32

ARKHE

ILANG LINGGO NA ang lumipas mula no'ng sinorpresa ko si Sab sa art room niya.

Sobrang saya namin nung araw na 'yon. Kaso pagkatapos no'n, bihira na kaming nagkita. Ang tagal na nga nung huling beses ko siyang nakasama.

Ewan ko kung anong nangyari. Basta biglang parati na lang siyang hindi pwede kapag gusto kong makipag-kita sa kanya o kapag gusto ko siyang puntahan. Nalulungkot ako, parang may mali na sa 'min. Hindi ko alam kung may problema ba siya o kung may problema kami na hindi niya sinasabi sa 'kin.

Tsk, ito pa naman sana 'yung panahon na gusto ko araw-araw ko siyang nakakasama kasi nga bumabawi ako. Namimiss ko siya kapag wala siya sa tabi ko dahil nasanay na ulit akong nakikita siya.

Kanina tinawagan ko siya ulit. Tinanong ko kung pwede ba kaming lumabas saglit mamaya bago ako magtrabaho, kaso hindi na naman daw siya pwede. Ewan ko na kung anong pinagkaka-abalahan niya. Tas ngayon tinext ko siya kung bukas ba pwede na siya. Hindi pa ako nire-replyan. Kanina ko pa hinihintay.

Sumandal na lang muna ako rito sa upuan ko sa opisina ng Third Base sabay tumingala sa kisame.

Nalulungkot talaga 'ko. Binubuhos ko na nga lang ang atensyon ko sa trabaho para maiwasan ko nang mag-isip isip. Baka kasi mamaya ako lang naman 'tong namomroblema. Baka busy lang talaga si Sab. Ang hindi ko lang kasi maintindihan, wala siyang sinasabing maayos na dahilan sa 'kin kung bakit hindi kami pwedeng magkita. Parang paiba-iba 'yung mga sinasabi niya sa 'kin.

Tsk t*ngina, napa-praning na naman ako. Inabot ko na lang muna ulit 'tong cellphone ko na nasa mesa.

Tinext ko si Baron. Tinanong ko kung nasaan na sila.

Pinapunta ko kasi siya ngayon dito sa club para ipakita 'yung isang project na inaalok ko sa kanya. May kaibigan ako na magta-tayo ng bagong restaurant sa Bulacan. E gustong magpagawa ng mural sa loob. Nirekomenda ko si Baron kasi alam kong magaling 'yung gagong 'yon pagdating sa mga gano'n.

ILANG SAGLIT LANG naman, tinawag na 'ko nitong isang tauhan ko na maagang pumapasok. May dumating na raw na sasakyan sa labas.

Baka sila Medel na 'yon. Kaya pala hindi na ako nireplyan. Parating na pala.

Lumabas na 'ko agad para salubungin sila.

Pagkarating ko sa pinto ng Third Base, saktong nakababa na sila Baron at Desa ng sasakyan at papunta na sa 'kin. Napatingin nga agad ako kay Desa. Parang iba dating niya ngayon.

"Hi," bati niya pa sa 'kin pagkalapit nila.

Nginitian ko lang. "Oy, kamusta. Buti nakadaan kayo."

Si Baron ang sumagot. "Syempre brad, gusto na rin kitang makita, namiss kita. Hindi mo ba 'ko na-miss?"

Natawa 'ko. Gago talaga 'to e. "H'wag mo 'kong landiin, 'tol. Nandyan si Desa, o."

Tinawanan lang naman kami ng girlfriend niya.

Pinatuloy ko na sila sa loob pagkatapos.

"Akala ko hindi kayo makakapunta ngayon," sabi ko pagkarating namin dito sa opisina ko sa likod. "Wala kayong trabaho?"

"Naka-leave si Desa," sagot ni Baron. "Nagpa-check up kanina sa doktor."

"Nagpa-check up? Bakit, anong sakit?"

"Hindi, 'tol. Check-up sa OB." 

Natigilan ako saglit bago napalingon kay Desa. Tapos sa tiyan niya.

Nginitian niya lang naman ako sabay nagbilang siya ng tatlo sa mga daliri niya. "Three months."

Hindi ko pa naintindihan kaagad. Nung naisip ko na, nanlaki na lang mga mata ko. "Tangina. Hindi nga?"

"Oo nga. Magkaka-baby na kami ni Baron."

Napangiti na 'ko nang malapad sabay nakipag-apir agad dito kay Baron. "Congrats! Tangina ka magiging tatay ka na pala!"

Pangiti-ngiti lang naman 'tong gagong 'to.

Ako parang hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Bigla ngang nawala 'yung lungkot ko. Tangina gano'n katagal ko na pala silang hindi nakikita? Hindi ko na namalayan. Kaya pala kanina, parang iba 'yung dating ni Desa sa 'kin. Buntis na pala siya.

"Kelan niyo pa nalaman?" tanong ko.

"Nung magda-dalawang buwan pa lang," sagot ni Baron. "Kasal pa ni Leila 'yon nung nalaman namin."

Nginisian ko siya. "Tangina 'tol, parang dati palihim mo lang na pinagmamasdan si Desa kapag naliligo siya sa dagat sa Batangas. Tas ngayon, magkaka-anak na kayo."

Halata namang nagulat 'tong si Desa. Tiningnan niya agad si Baron. "P-pinagmamasdan mo ako kapag nagsi-swimming ako?"

"Wag kang naniniwala diyan kay Arkhe."

"Maniwala ka sa'kin, Desa. Pinagmamasdan ka niyan. Type ka niyan dati pa eh, ayaw niya lang aminin. Congrats nga pala."

Napangiti na lang siya sa 'kin. "Thank you."

"Ninong ba 'ko?" banat ko naman sa kanya.

Kaso si Baron na naman 'tong sumabat. "Pinag-iisipan ko pa."

"Tangina! Ba't kailangan pang pag-isipan?"

Si Desa na ulit ang sumagot sa 'kin. "Baka raw kasi puro kalokohan lang ang ituro mo sa magiging anak namin, eh."

"Tss." Ngumisi ulit ako sabay umiling-iling. "Wag kang makinig diyan. Tama lang na kunin niyo 'kong ninong. Ako ang magiging pinaka-mabuting impluwensya sa anak niyo."

Natawa siya. Pero si Baron, ang bilis napikon. Bumulong agad kay Desa. "Sabi na sa'yo wag na nating kunin 'yang ulupong na 'yan e."

Binulong niya pa, e tangina rinig na rinig ko naman siya.

Napailing-uling na lang ulit ako tapos tinanong si Desa na nakaupo na sa tapat ng mesa ko ngayon. "Desa, anong gusto mo? Tubig? Juice?"

Hindi nakasagot si Desa kasi 'tong si Medel na naman ang sumingit. "Ako brad, hindi mo 'ko aalokin?"

"Bakit, buntis ka ba? Mga buntis lang ang inaalok ko." Tiningnan ko na ulit si Desa. "Ano, juice na lang?"

"Sige, mango juice. Thank you."

Lumabas na muna ako saglit dito sa opisina. Nagpagawa lang ako ng juice sa isa kong tauhan tapos binalikan ko na ulit sila Desa sa loob.

"Kamusta naman pagbubuntis mo?" tanong ko.

"Hmm, medyo mahirap. Palagi kasi akong nagsusuka sa umaga, eh. Tsaka kung anu-anong pagkain ang hinahanap ko."

"Ah, talaga. Anong pagkain?"

Si Baron na naman 'tong sumabat. "Mais." 'Yung pagkakasabi niya pa parang may halong sama ng loob e. "Alas-otso ng gabi, brad," kwento niya, "naghahanap siya ng mais. Tangina binaliktad ko na 'yung lugar namin, wala akong mahanap na nagbebenta ng mais."

Napangisi na lang ako. "May gano'n sa supermarket, gago."

"Tangina 'yon na nga! Tsaka ko lang naisip, buti nakaabot pa ako bago mag-sara. Mukha kaya akong gago ro'n sa supermarket na may dala-dalang maraming mais tas nagmamadaling magbayad kasi sinasarhan na 'ko ng gwardya."

'Langya natatawa na lang ako. Halata sa pagkikwento niya na napikon talaga siya dahil sa mais. Kilala ko 'to si Baron. Wala talaga 'tong pasensya pagdating sa mga ganong bagay.

"Buti 'tol hindi mo nasapak 'yung guard?" tanong ko.

"Hindi naman. Tinitigan ko lang nang masama tas pinagmumura ko sa isip ko."

Natawa na lang ulit ako tapos tumingin na rito kay Desa. "Ano, nasarapan ka naman sa pa-mais ni Medel?"

Tumango siya habang natatawa rin. "Ang sweet niya kaya no'n. Nag-effort talaga siya."

"Syempre. Magiging tatay na 'yan e." Sabay balik ko ng tingin kay Baron.

Ngiting aso na naman nga ang kupal. Tuwang-tuwa.

"Alam niyo na kung babae 'yan o lalaki?" tanong ko ulit.

"Hindi pa," sagot ni Desa. "Baka next month pa namin malaman."

"Ah. Ano bang gusto niyo?"

"Si Baron, gusto niya boy."

"Lalaki? 'Langya magmamana lang kay Medel 'yon. Baka sumakit pa ulo mo."

'Tong si Baron naman, ang bilis dumipensa. "Ano naman kung sa 'kin magmana? Matino naman ako."

"Talaga ba, brad? Sa tagal nating magkaibigan parang hindi ko napansin 'yan."

Hindi niya na 'ko sinagot. Bigla na lang siyang tumingin kay Desa. "Payagan mo nga ako, may sasapakin lang ako."

Natawa na lang ako. "Biro lang," sabi ko rito kay Baron. "Natutuwa lang ako sa inyo. Tangina mo 'tol, magpaka-tatay ka ah? Baka mamaya pagkalabas na pagkalabas ng anak niyo, tattoo-an mo na agad."

Ang sarap ng tawa ni Desa. Si Baron naman parang mas lalo lang napikon sa 'kin. Ang sama ng tingin e.

"Ano ba 'yung ipapakita mo, ba't mo 'ko pinapunta?" sabi niya na sa 'kin. "Patingin na, para makaalis na kami."

"Aalis na agad kayo? Akala ko ba na-miss mo 'ko, brad?"

"Hindi na. Nagbago na isip ko, tangina ka kasi. Nasaan na ba?"

Natawa na lang ulit ako tapos umupo na rito sa likod ng mesa ko. Nagbukas ako ng laptop. "Ito, 'tol. Tingnan mo."

Lumapit si Baron. Pinakita ko sa kanya 'tong itsura ng restaurant na pina-planong ipatayo ng isa kong kaibigan sa Bulacan.

Si Desa naman, bigla munang nagpaalam sa 'min na lalabas. May tumatawag yata sa kanya.

Sinundan lang ito ng tingin ni Baron tapos naglipat na agad ng atensyon dito sa laptop ko. "Anong gagawin ko diyan?" tanong niya.

"Ang gusto ng ka-tropa ko, pagawan ng mural 'yung isang pader sa loob. Gumagawa ka ng mga gano'n, 'di ba?"

Napaisip siya saglit. "Oo. Gaano ba kalaki?"

"'Yan ang hindi ko pa alam, brad. Ito lang 'yung pinadala sa 'kin nung ka-tropa ko. Kung gusto mo, puntahan na lang natin 'yung site sa Bulacan para personal mong makita 'yung guguhitan mo."

"Ayos lang naman. Kaso hindi ko pa alam kung kelan ako pwede."

"Kahit hindi pa naman agad-agad. Itatanong ko rin muna sa kaibigan ko kung kailan tayo pwedeng pumunta. Babalitaan kita."

"Sige. Tas itanong mo na rin kung anong itsura nong mural na gusto niyang ipagawa. Para mapag-isipan ko agad kung sakaling matutuloy ako diyan."

"Sige, 'tol."

Umupo na ulit siya sa tapat ng mesa ko pagkatapos. Sinisilip niya sa labas si Desa na may kausap sa cellphone.

Ako naman, tiningnan ko rin muna 'tong telepono ko.

Tsk, wala pa rin talagang reply sa 'kin si Sab kung pwede ba kaming magkita bukas. Kanina ko pa hinihintay text niya.

Initsa ko na lang sa drawer 'tong cellphone sabay bumuntong-hininga 'ko.

Napatingin tuloy agad sa 'kin si Baron. "Ang lalim niyan brad, ah?"

Pinilit kong ngumiti tas iniba na lang ang usapan. "Kamusta naman pakiramdam na magiging tatay ka na?"

Bigla na namang lumapad ang ngiti ng gago. "Tuwang-tuwa nga ako. Kaso tangina nakaka-kaba rin pala."

"Bakit nakakakaba?"

"Hindi ko kasi naiintindihan kung anong eksaktong nararamdaman ni Desa. Palagi siyang nagsusuka tas hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naaawa na lang ako."

"Buntis e. Asahan mo na na ganyan."

"'Yun na nga. Nakakatakot lang kasi parang nahihirapan siya."

"Basta umalalay ka lang, 'tol. Tsaka tangina mo, magpakatino ka na."

"Matino na 'ko, gago. Ang bait-bait ko na nga."

"Tanginang 'yan. Mag-kape ka nga para kabahan ka naman sa mga pinagsasabi mo. Ang sarap mong sikmuraan e."

Babanat pa sana siya sa 'kin kaso hindi niya na nagawa kasi bigla nang bumalik dito si Desa. Parang natataranta nga, nilapitan agad si Baron. "Baron! Kailangan na nating umalis."

"Bakit?"

"Nakikipag-kita si Mama. Nandito siya sa Maynila ngayon."

"Ha?" Napatayo na si Baron. "Bakit, anong nangyari?"

"Basta! Mamaya ko na ie-explain sa kotse." Sabay harap niya sa 'kin. Para na siyang naiiyak. "Arkhe, sorry. Next time na lang ulit kayo mag-usap ni Baron, ah? Kailangan na naming umalis, eh."

Napatayo na rin ako. "Sige, ayos lang." Tapos hinatid ko na silang dalawa palabas.

Hindi talaga mapakali si Desa. Halos hilain na niya si Baron palabas nitong Third Base.

Si Baron naman, nagpaalam muna nang matino sa 'kin. "Pasenya na 'tol. I-text mo na lang ako kung matutuloy tayo sa Bulacan."

"Sige, babalitaan kita. Ingat kayo."

Nagmadali na silang sumakay ng kotse. Tiningnan ko lang sila hanggang sa tuluyan na silang makaalis.

Ano kayang nangyari. Bigla yatang nagka-problema 'yong dalawa.

Bumalik na 'ko sa loob pagkatapos.

Nung nakapasok na 'ko rito sa opisina ko, tsaka ko lang naalala 'yung sinabi sa 'kin ni Nikola nung huling beses kaming nag-usap.

Sinabi niya nga pala sa 'kin na madalas tumatawag 'yung Mama ni Desa sa bahay nila. Tsk, nawala sa isip kong banggitin kila Desa kanina. Ang dami ko kasing inaalala, tas masyado pa akong natuwa sa binalita nila sa 'kin.

Umupo na ulit ako rito sa likod ng mesa ko. Sakto naman, narinig kong tumunog 'yong cellphone ko na nandito sa drawer. Kinuha ko agad. Baka si Sab na 'to.

Tumama naman ang hula ko. Nagreply na rin siya sa wakas. Abot tenga na ulit 'tong ngiti ko, kaso nawala rin agad nung nabasa ko na ang text niya.

Hindi pa rin daw siya pwede bukas.

Tsk.

Ang tagal kong tinitigan 'tong text bago ko napag-desisyunan na tawagan na siya. Hindi na talaga 'ko nakatiis.

Akala ko pa nga hindi niya sasagutin, pero sinagot niya naman kaagad. "H-hello?"

"Sab."

"Hey. Bakit?"

Bumuntong-hininga ako tas hinilot ang noo ko. "Namimiss na kita."

"I miss you, too."

"Miss mo na rin ako pero hindi ka pa ulit nakikipagkita sa 'kin?"

Hindi siya sumagot.

Tinawag ko ulit siya. "Sab?"

"I-I'm sorry. May ginagawa lang kasi ako."

"Ilang linggo na 'yan. Ano ba 'yan? Hindi mo sinasabi sa 'kin. Baka pwede na kitang tulungan."

"Uhm, no need. Wala lang 'to. Tsaka katulong ko naman na si Lukas."

Hindi na 'ko sumagot. Ang sama na lang ng tingin ko rito sa laptop ko sa tapat.

"Ark?"

Napasandal ako rito sa upuan sabay pumikit. "Hindi ka pwede ngayon, tas wala ka ring oras na makipag-kita sa 'kin bukas. Kelan na ba ulit kita makikita?"

Ang tagal bago siya nakasagot. "I'm sorry, Ark."

"Ayos lang, hindi ako galit. Gusto ko lang malaman kung kelan ulit kita pwedeng makasama."

"H-hindi ko pa kasi alam, eh. I'll just text you. I'm really sorry. Wag kang magtampo, please."

Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Wala naman akong magagawa kung 'di intindihan siya kahit na hindi ko na alam kung anong nangyayari sa 'min. Ilang linggo na kaming ganito.

"Hihintayin ko text mo," sabi ko na lang sa kanya. "Ingat ka palagi."

"Okay. I'll call you later. May gagawin lang ulit ako ngayon. I love you."

"I love you."

Siya na ang naunang nagbaba ng tawag. Binalik ko na lang ulit 'tong telepono ko sa drawer tapos walang gana akong tumitig sa kisame.

Kelan ko ba ulit siya makikita. Hindi naman sa nagagalit ako o nagtatampo, nalulungkot lang.

Kung alam ko lang na bigla kaming magkaka-ganito, sana pala pumayag na lang ako dati sa alok niyang lutuan ako at dalhan ng pagkain. Baka sakaling mas madalas ko pa siyang makasama. Hindi katulad ngayon. Tsk.

TO BE CONTINUED

Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top