Chapter 30.1

ISABELA

PAGKALABAS NAMIN NG bahay, may dalagita naman ulit na bigla na lang tumawag kay Arkhe.

"Kuya Arkhe!" She ran towards us with her high ponytail swinging behind her. "Sabi ko na nga ba kotse mo na 'yong nasa labas."

Binati rin naman kaagad ito ni Ark at tinap pa sa ulo. "Oy, bata. Kararating mo lang?"

"Kanina pa. Pero umalis kami saglit, nagka-salisi tayo." Naglipat ito ng tingin sa 'kin pagkatapos at pinanlakihan pa bigla ng mga mata. "Wow, parang artista. Hi po! Girlfriend ka ni kuya Arkhe?"

Si Ark na ang sumagot. "Oo. Ang ganda, 'no?"

"Sobrang ganda, approved!"

"'Yan. 'Yan ang gusto ko sa 'yo e. Si ate Isabela mo 'yan. Magpakilala ka."

"Hi ate Isabela! Ako si Unice, ang paboritong pinsan ni kuya Arkhe."

Napangiti ako. She's such a cute girl. Ang pleasant ng dating niya sa 'kin. Kinawayan ko rin siya. "Hello."

"Paborito ba kita?" biro naman nitong si Ark. "Parang wala akong sinabing ganyan."

Unice pouted her lips.

Natawa na lang si Arkhe. "Joke lang. Sige na, samahan mo muna si Ate Isabela mo. Do'n kayo sa isang mesa."

I looked at him. "Why, where are you going?"

"Di ba tutulungan ko sila ermat mag-ihaw? Sama ka muna kay Unice. Mabait 'yan."

"Oo, ate, sama ka muna sa 'kin. Tara!" Bigla naman na ako nitong hinila sa kamay. "Kwentuhan tayo."

Nakakahiyang tumanggi kaya nagpaubaya na ako.

"Pupuntahan kita mamaya," sabi naman sa 'kin ni Arkhe bago ako tuluyang mailayo sa kanya ng pinsan niya.

Pumwesto kami ni Unice dito sa isang table.

"Gusto mo ng juice, ate? Wait lang."

Hindi na ako nakasagot kasi bigla na siyang umalis para kumuha. Natawa na lang ako. She's so jolly. Sabagay, bata pa siya. I guess she's just 14 or 15.

Mayamaya lang, bumalik na siya at may dala ng dalawang baso ng juice. Binigay niya 'yong isa sa 'kin. "Ate, oh."

"Thank you." Tinanggap ko at uminom nang kaunti.

Napatitig naman siya sa 'kin. Nahiya ako, napangiti na lang ako pagkatapos.

"Ang hinhin mo uminom, ate?" puna niya.

I chuckled. "Mahinhin ba?"

"Oo. Ako kapag uminom ako, lagok talaga kung lagok, eh. Ikaw, ang hinhin. Siguro ate, mayaman ka."

Hindi na ako sumagot. Uminom na lang ulit ako nitong juice.

"Ate, kilala mo na ba si kuya Theo? Ayun oh, 'yung nagpapatugtog ng music." Tinuro niya.

Nilingon ko naman. "Arkhe's brother? Yes, nakilala ko na siya kanina."

"Baka may kapatid ka namang babae diyan. Binebenta ko kasi 'yang si kuya Theo."

Natawa ako. "What do you mean binebenta?"

"Hinahanapan ko na siya ng asawa para tuluyan na siyang mawala rito sa Nasugbu. Naiinis kasi ako sa kanya! Ang lakas mang-asar! Kapag nakikita niya ako, palagi niya na lang akong inaasar tapos titigil lang siya kapag iiyak na ako."

Natawa ulit ako sabay inom rito sa juice. I like her, she's like a breath of fresh air. So cute.

"May maire-reto ka ba kay kuya Theo, ate?"

"Uhm, wala eh. Married na 'yong kapatid ko."

"Ay, sayang! Pero kapag may mga babae kang kaibigan sa Maynila, i-reto mo si kuya Theo ah? Sabihin mo single 'yon at with experience."

"Anong with experience?"

"Ewan ko." Nag-kibit balikat siya. "Basta sabi niya lang sa 'kin, kapag may nakilala raw akong magandang chiks, ipakilala ko agad sa kanya at sabihin kong single siya at with experience."

Natawa na lang ulit ako. Parang alam ko na kung anong 'experience' 'yon.

"Uhm, kilala mo na ba 'yong iba naming mga pinsan?" sabi niya pa.

Umiling ako. "Hindi pa."

"Ipapakilala ko sa 'yo."

At nagsimula na siyang magturo ng mga tao na nandito sa paggaganapan ng party. Ang dami niyang pinakikilala. Binabanggit niya isa-isa ang mga pangalan at kung kaninong anak o kapatid iyon.

Hindi naman na ako makapag-focus sa kanya. Bukod kasi sa nalilito na ako sa mga pangalang sinasabi niya, mas nakukuha ni Arkhe ang atensyon ko.

Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan habang nag-iihaw siya. My gosh, how can someone look so hot by just cooking barbeque? Parang gusto ko na lang siyang panoorin mag-ihaw hanggang sa mag-umpisa ang celebration. Ang gwapo niya. Kitang-kita ko mula rito sa pwesto ko ang mga toned biceps niya habang nagpa-paypay siya.

"Ate Isabela?"

Natauhan na lang naman ako nang bigla na akong tawagin ni Unice.

Nilipat ko ang tingin ko sa kanya. She's grinning at me. "Ayiee! Ikaw ate ah, nahuli kita, titig na titig ka. Kanino ka ba naglalaway, sa barbeque o kay kuya Arkhe?"

Napakagat na lang agad ako sa ibabang labi ko para magpigil ng ngiti. This girl!

##

BANDANG ALAS-SINGKO ng hapon nang magsimula ang Barbeque party.

Nakakatuwa nga, maliit lang naman ito na celebration at halos silang magkakapamilya lang ang nandito, pero sobrang nakaka-enjoy pa rin. Nag-setup talaga ng sounds ang kuya ni Arkhe at may maliit na space rin sila sa gitna kung saan pwedeng sumayaw. Nandoon nga ang iba nilang mga pinsan, nagsa-sayawan at nag-eenjoy sa mga magagandang tugtugan ni Theo.

It's my first time being at this kind of celebration slash family reunion. Sa amin kasing mga Santiaguel, kainan lang at kaunting kamustahan tungkol sa mga negosyo. Hindi ganito kasaya.

Ngayon, dumilim na rito sa labas at kasama ko na ulit si Arkhe. Nakahiwalay kami ng table, katatapos lang kumain ng mga masasarap nilang inihaw. Nasa tapat naman naming mesa si Unice na enjoy na enjoy rin habang pinanonood ang mga nagsasayawan sa gitna.

"Napagod ka ba kanina kay Unice?" biglang tanong sa 'kin ni Ark na katabi ko.

"Hindi naman. Nakakatuwa nga siya, ang dami niyang kwento. Parang ang saya niyang maging kapatid."

"Madaldal 'yang batang 'yan e. Pero mabait naman kahit papaano. Nauuto ko pa." Tumungga siya sa bote niya ng beer sabay tiningnan 'tong plato ko. "May gusto ka pang kainin? Gusto mo ng dessert? May Leche Flan do'n."

"Uhm, later. I'm still full."

"Sigurado ka?"

"Yeah."

"Nagustuhan mo ba 'yang barbeque?" tinuro niya naman 'tong mga sticks sa plato.

"Oo, naubos ko nga e. Sobrang sarap."

"Syempre, ako nag-ihaw niyan."

Natawa ako. Ang yabang-yabang pa ng ngiti niya ngayon, eh. Proud siya. Ginulo-gulo ko na lang ang buhok niya.

"Akala ko hindi masarap," sabi niya naman.

"Bakit naman hindi?"

"Hindi ko kasi masyadong napagtuonan ng pansin. Dalawa kasi binabantayan ko kanina. 'Yung iniihaw ko tsaka ikaw."

Tiningnan ko siya nang masama. "You still haven't changed, huh? Ang galing-galing mo pa rin talaga sa ganito."

Natawa lang naman siya sabay tumungga ulit sa bote niya ng beer.

Pinagmasdan ko siya. "Hindi ka ba malalasing? Kanina ka pa umiinom, pang-ilang bote na 'yang inaabot sa 'yo."

"Hindi ako makatanggi kay Theo pati sa mga pinsan ko e. Pabayaan mo na. Minsan lang naman kami makumpleto."

"Pero kaya mo? Baka nalalasing ka na."

"Kaya ko. H'wag kang mag-alala." Kumindat pa siya sa 'kin.

Ngumiti na lang ako. "Okay. Uhm, by the way, magbi-beach ba tayo bukas bago tayo bumalik sa Manila?"

"Oo nga pala, 'no. Sige, swimming tayo bukas. Dadalhin kita ro'n sa Jupiter, 'yong resort na palagi kong pinagtatambayan kapag nandito ako."

"Maganda ro'n?"

"Maganda rin naman."

"Alright, I'm excited. Gigising ako nang maaga bukas." Dapat naman ibabalik ko na ang atensyon ko sa mga sumasayaw sa gitna, kaso bigla kong naalala ang Mama niya. "Oo nga pala. May sinabi sa 'kin ang Mama mo kanina, eh."

Natigilan siya. "Ano 'yan?"

Ngumiti ako. "Sabi niya, ako pala ang nag-iisang babae na dinala at ipinakilala mo rito sa inyo. Ikaw, ah. Ayaw mo pang aminin sa 'kin kanina sa byahe."

Bigla siyang nagpigil ng ngiti. "Tsk, nilaglag ako ng ermat ko ro'n ah."

Natawa ako. "Bakit ayaw mong sabihin kanina? Tinatanong kita kung ilang babae na ang naipakilala mo sa parents mo pero nginingitan mo lang ako."

"Syempre, kinikilig ako eh. Paano makakapagsalita?"

"K-kinikilig ka?"

Tumango siya at nagpigil lang ulit ng ngiti.

I beamed a smile. "Arkhe, why are you so cute? Akala ko ako lang ang kinikilig sa bagay na 'yon. Ikaw rin pala."

Hindi naman na siya makatingin sa 'kin. Parang nahihiya na talaga siya.

Sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya. "Thanks for doing that, love. You made me so happy."

"ATE ISABELA!" Bigla namang lumapit si Unice at umupo sa tabi namin. "Hindi ba kayo sasayaw ni kuya Arkhe?"

"Ha?" Halos matawa ako ro'n. "Hindi. Hindi kami sumasayaw."

"Sayaw kayo! Magaling kayang sumayaw 'yang si kuya Arkhe."

"Really?"

"Oo. Champion 'yan dati rito sa Nasugbu."

Gulat akong napalipat ng tingin kay Ark. "Is it true? You dance?"

Umiling-iling naman agad siya pagkatapos niyang tumungga ng beer. "H'wag kang naniniwala diyan sa batang 'yan. Nagbibiro lang 'yan."

"Totoo kaya!" laban ni Unice. "Aminin mo na, kuya."

"Oy ikaw, h'wag kang magulo ah. Baka maniwala si Sab sa 'yo."

"Sus! 'Tong si kuya Arkhe talaga, pa-humble pa e." Bigla na itong sumigaw. "Kuya Theo, isang slow music naman diyan para kila kuya Arkhe at ibang mga Tanders!"

Naghiyawan naman bigla ang iba nilang mga kamag-anak. They all seem game for it. Mukha rin namang game ang kuya ni Ark dahil bigla itong tumayo para nga palitan 'yong tumutugtog na music. Nagpalakpakan na tuloy silang lahat.

Natatawa na lang ako sabay balik ng tingin ko kay Arkhe na parang hiyang-hiya na ngayon.

"T*ngina nitong utol ko, sinakyan pa talaga," sabi niya.

"Dali na kuya Arkhe," pilit ulit ni Unice. "Isayaw mo na si ate Isabela. Patunayan mong hindi parehong kaliwa ang paa mo."

Tinakpan ko na ang bibig ko kasi hindi ko na napigilang hindi matawa nang sobra. Parang nagbibiro nga lang talaga si Unice at hindi talaga marunong sumayaw 'tong si Ark. Naniniwala pa naman na sana ako.

Ilang saglit pa ay nag-iba na ang music. Pinatugtog ang 'Make You Feel My Love'.

Oh, I love this song. At halatang gusto rin iyon ng parents ni Arkhe dahil sila na ang naunang tumayo para sumayaw sa gitna. Naghiwayan ulit tuloy ang mga bisita. Mayamaya pa ay nagtayuan na rin ang iba para sumayaw, kasama na si Unice. Kumuha sila ng kanya-kanyang mga partner.

Nagulat na lang naman ako nang bigla na ring tumayo itong si Arkhe.

I looked up at him with wide eyes. "W-what are you doing?"

He offered his hand. "Sayaw tayo?"

"Are you serious? Marunong ka ba talaga?"

"Hindi. Pero gusto kitang isayaw. Tara." Inabot niya ang kamay ko.

Umiwas naman ako. "No, Arkhe, I'm shy."

"Ayos lang 'yan. Minsan lang 'to." Inabot na niya ulit ang kamay ko at inalalayan na ako sa pagtayo. Dinala niya ako sa gitna.

Nagpalakpakan na naman nga ang mga pinsan niya. Nahihiya tuloy ako lalo. Nakayuko lang ako ngayon. Arkhe placed my hands on his shoulders then he gently put his hands on my hips.

Oh my God, I can't look straight at him. I know dancing with him like this is romantic, but I really can't help but get shy. Feeling ko ang pula-pula ng mukha ko ngayon.

"I don't know how to dance," I just said.

"Ako rin naman. Pero sumabay na lang tayo sa tugtog." He pulled me closer and we danced slowly to the beautiful song.

🎵 🎶 When the rain is blowing in your face
And the whole world is on your case
I could offer you a warm embrace
To make you feel my love

When the evening shadows and the stars appear
And there is no one there to dry your tears
I could hold you for a million years
To make you feel my love 🎶🎵

Habang lumalalim ang kanta, hindi ko napapansin na magkayakap na kami ni Arkhe habang sumasayaw.

Nakasandal ako sa dibdib niya at siya naman ay nakadikit ang mga labi sa ulo ko. Pakiramdam ko may sarili na kaming mundo ngayon at kaming dalawa na lang ang nandito sa gitna.

"Sab?" biglang bulong niya.

"Yes?" Hindi ako tumitingin.

"Kanina pala habang nag-iihaw kami, may sinabi rin si Mama sa 'kin."

"Ano 'yon?"

"Sabi niya gusto ka raw niya. Ang gaan daw ng loob niya sa 'yo."

Napangiti ako. "Your mom really said that?"

"Oo. Gusto ka niya. Tinatanong niya na nga ako kung kailan daw kita pakakasalan."

"And what did you say to her?"

"Sabi ko malapit na."

Hindi na ako nakasagot. Nakangiti na lang ako ngayon habang nakasandal pa rin sa dibdib niya at sumasayaw.

"Sab," bulong niya naman ulit sa ulonan ko.

"Hmm?"

"I love you."

Doon ako natigilan at napaangat agad ng tingin sa kanya. Wala pa rin naman akong nasabi. Nakatitig lang ako.

"Walang nagbago sa 'kin," dagdag niya. "Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita."

I smiled sweetly and closed my eyes. I feel like tearing up right now. Ngayon ko na lang ulit narinig ang mga salitang 'yon mula sa kanya. Ang tagal ko 'yong hinintay.

I placed my head back on his chest and answered. "I love you, too." Sabay pikit ko nang madiin para pigilan na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. This man never fails to make me happy.

Sobrang saya ko na ngayon, pero kasabay no'n, natatakot din ako.

Hindi ko kasi pwedeng kalimutan na may sakit ako. At kailangan ko munang unahin ang bagay na 'yon bago ang lahat.

I took a deep breath. I've decided now. Sa tingin ko ito na ang tamang panahon para gawin ko na 'yung bagay na ilang araw nang tumatakbo sa isip ko simula noong nagkabalikan kami. Gusto ko pang makaramdam ng ganitong klase ng saya at gusto kong makasama si Arkhe habang buhay.

I hugged him tighter and we continued dancing with our bodies pressed together.

🎵🎶I could make you happy, make your dreams come true
There's nothing that I wouldn't do
Go to the ends of this Earth for you
To make you feel my love. 🎶🎵

TO BE CONTINUED

AUTHOR'S NOTE: Divided this chapter into two parts so I could edit better. Thank you.

Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top