Chapter 29
ISABELA
Nasugbu, Batangas
"Ayos ka lang?" Pinatong ni Arkhe ang kamay niya sa isa kong hita habang patuloy siyang nagda-drive papunta sa bahay nila rito sa Batangas.
Napabuntong-hininga lang ako. "I'm still nervous. Ikaw kasi, e."
Natawa siya. "Bakit ako?"
"Ang daya mo. Akala ko simpleng pupunta lang tayo rito sa Batangas para makilala ako ng family mo. 'Yon pala, birthday ng Mama mo ngayon. Nahihiya tuloy ako."
"Kaya nga hindi ko na sinabi sa 'yo. Kilala kita. Alam kong mas lalo ka lang mahihiya."
Binaba ko ang tingin ko rito sa dala kong maliit na box. "Okay na ba talaga 'tong binake kong cookies? I should've bought your mom a better gift."
"Ayos na ayos na 'yan. Mas maganda nga 'yang pinaghirapan kaysa sa binili. Tsaka mahilig si ermat sa mga ganyan. Matutuwa 'yon."
"Really?"
"Oo nga. H'wag ka nang kabahan." Kinurot niya ang ilong ko. "Mag-enjoy ka lang mamaya. Mabait sila Mama. Makukulit din 'yong mga 'yon, kagaya ko."
Napangiti na lang ako nang tipid. "Okay." Sabay lipat ko na ng tingin dito sa bintana. "Malapit na ba talaga tayo sa inyo?"
"Oo. Ayan na, isang kanto na lang."
I took a deep breath again. Tensed na tensed na talaga ako. Kahapon pa 'to nung inamin sa 'kin ni Arkhe na birthday pala ng Mama niya kaya rin kami pupunta rito. Parang hindi na nga ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari ngayon at kung anong dapat kong i-expect. It's my first time meeting his family. Paano kung hindi nila ako magustuhan?
"Ark?" tawag ko na lang. "Marami ka na bang girls na napakilala sa family mo?"
Hindi naman siya sumagot.
Tiningnan ko siya. Nakangiti lang siya ngayon habang nagma-maneho.
"Ba't hindi ka sumasagot?"
Hindi pa rin talaga siya nagsalita. Nginingitian niya lang ako.
"Hmm, siguro marami ka nang naipakilala sa kanila kaya ayaw mong sabihin sa 'kin. Okay lang naman. Tanggap ko 'yon." Ngumiti ulit ako at tumingin na ulit dito sa bintana.
Mayamaya pa ay napansin ko nang pahinto na kami sa tapat ng isang bahay.
"Nandito na tayo," sabi ni Arkhe.
Hindi ko naman siya nasagot kasi napatingin agad ako roon sa tabi ng bahay nila. "M-may party pala ang Mama mo?"
May mangilan-ngilan kasing mga tao na nag-aayos ng mga tables at chairs. Para silang nagkakasiyahan. May naka set-up ring mga charcoal grills sa labas. Looks like there will be a Barbeque party.
"Oo," sagot ni Arkhe. "Pero maliit na party lang 'yan. Kami-kami lang ng mga pinsan ko tsaka mga kapatid nila ermat."
I looked at him and pouted my lips. "You tricked me again. Hindi mo rin sinabi agad na may reunion din pala kayo ngayon. Akala ko simpleng birthday lang. Talagang dinala mo ako rito kung kailan kumpleto kayo."
Natawa siya. "Para nga isang pakilala na lang. Tara na." Nagtanggal na siya ng seatbelt.
Siya ang naunang bumaba ng kotse para mapagbuksan niya ako sa kabilang pinto.
Kinalma ko naman muna ang sarili ko. My gosh, kinakabahan talaga ako. I'm still not used to socializing with a lot of people. Pero wala naman na akong magagawa, nandito na ako. Kailangan ko na lang labanan ang hiya ko.
I fixed my long-sleeved maxi dress, then took a deep breath again and finally went out of the car.
Ang bilis naman kaming napansin ng mga tao rito sa kanila.
"Nandito na si kuya Arkhe!" anunsiyo pa nung isang babae.
Parang mas lalo tuloy akong kinabahan. Nakatingin na silang lahat sa amin, pero halata namang masaya sila na dumating na kami.
Si Arkhe, hinawakan na ako sa likod para pumasok na ngayon sa gate nila. Dala na niya ang gamit namin.
Sinalubong siya ng ilang mga dalagita na sa tingin ko ay mga pinsan niya. Ang galing, parang iba ang tono ng pananalita nila rito. Ganito siguro sila sa Batangas. Pinakilala lang ako saglit ni Arkhe tapos tumuloy na kami ng lakad papunta sa pag-gaganapan ng barbeque party.
"'Yon ang ermat ko." Tinuro niya sa 'kin 'yong babaeng nakatalikod at naglalagay ng tela sa mga mesa. "Ma!" tinawag niya.
Lumingon naman agad ito sa amin at ngumiti nang malapad.
"Nandito na 'ko, hindi mo 'ko pinapansin," biro nitong si Ark.
Natawa ako sa kanya.
'Yong Mama niya naman, lumapit na sa amin. Halata ang saya sa mukha nito. "Akala ko mamayang gabi pa kayo darating. Mag-iihaw pa lang kami nila Papa mo."
"Ayos lang. Tutulong ako," sagot ni Ark, tapos pinakilala na ako. "Si Isabela pala. Girlfriend ko."
"Hi po," I greeted. "Happy birthday." Binigay ko 'tong dala kong box ng cookies.
"Ay, salamat! Naku nag-abala ka pa." Tinanggap nito ang box at nginitian ako nang matamis. Then she stared at me behind her eye glasses. Parang kinakabisado niya ang mukha ko. "Ang ganda mo, iha. Salamat at nakadalaw ka rito sa amin."
Ngumiti lang ako at kumapit sa braso ni Arkhe. I'm really shy.
"O sige na," sabi na nito kay Ark. "Iakyat niyo na muna 'yang gamit niyo sa dati mong kwarto. Tsaka pagpalitin mo siya ng damit." Tinuro niya ako. "Maiinitan siya tsaka mag-aamoy usok ang suot niya. Sayang, ang ganda pa naman."
I just smiled again. "Thank you po."
"Sige, akyat lang kami saglit," sagot naman ni Ark. "Babalik kami. Si Papa pala, nasaan?"
"Baka nasa kusina. Puntahan niyo na lang do'n."
"Sige." Hinawakan na ulit ako ni Arkhe sa likod at dumiretso na kami sa loob ng bahay nila.
Pagkapasok naman namin, may nakasalubong agad kami na matandang lalaki. May dala itong basin na may lamang mga marinated meat.
"Oy, Pa," gulat na bati nitong si Ark.
Ah, so this is his Dad.
Hatalang natigilan din ito nung makatapat kami. "O, kanina ka pa dumating?"
"Kararating lang. Ano 'yan?" tinuro ni Arkhe 'yong basin.
"'Yong mga iihawin. Dadalhin ko na sa labas."
"Ah. Pa, si Isabela pala." Inakbayan niya ako. "Girlfriend ko."
I smiled shyly and waved at him. "Hello po."
"Hello rin. Nagutom ba kayo sa byahe? May pagkain na roon. Pero mas maganda kung hihintayin niyo na 'tong mga ihaw-ihaw natin mamaya."
"Syempre hihintayin na namin 'yan." Si Arkhe na ang sumagot. "I-aakyat ko lang saglit 'tong gamit namin tas lalabas na rin kami."
"Sige. Tumulong kang mag-ihaw." Ngumiti lang ulit sa akin ang Papa niya tapos tumuloy na ito sa paglabas.
Nang makalayo na ito, tsaka lang ulit ako nagsalita. "Arkhe, kamukhang-kamukha mo Papa mo."
Ngumiti siya sa 'kin. "Parehas kaming pogi, 'no?"
Tinakpan ko ang bibig ko para magpigil ng ngiti.
"Upo ka muna diyan." Tinuro niya naman bigla 'yong couch dito sa sala. "Sisilipin ko lang 'yong dati kong kwarto sa taas kung maayos."
"Saglit ka lang? Balikan mo 'ko agad dito, ah. Nahihiya ako."
"Oo, saglit lang ako."
Umakyat na siya sa hagdan dala ang gamit namin. Ako naman, umupo na muna rito sa couch at kinandong ang handbag ko.
Nilibot ko ng tingin 'tong buong bahay nila. May kalakihan ito at maayos — mukha ring mas bago kaysa roon sa bahay nila sa Manila. Nakakatuwang isipin na nandito ako sa lugar kung saan lumaki si Arkhe. I'm sure he has a lot of memories here.
Napansin ko naman 'yong mga framed pictures na nakadisplay sa isang open cabinet sa may gilid. Tumayo muna ako para tingnan nang malapitan. Tapos napangiti na lang ako. Mga old family pictures at childhood photos pala ito nila Ark.
Kinuha ko 'yong isang naka-frame. Mukhang si Arkhe ito nung bata pa siya. Nakakatuwa, siyang-siya na talaga 'to. He's so cute. Bata pa lang talaga, gwapo na siya.
Gusto ko pa sanang tingnan isa-isa 'tong ibang mga pictures, kaso narinig kong parang may bumababa na sa hagdan. Binalik ko agad 'tong hawak ko sa cabinet at mabilis na umupo sa couch.
Akala ko si Arkhe na 'yong bumaba, pero hindi. Ibang lalaki. Mahaba ang buhok nito na naka-man bun. May kaunti rin itong balbas at ilang mga piercings sa tenga.
Natigilan siya at nagkatitigan kami. Hindi niya yata inaasahan na may ibang tao rito sa sala.
Ngumiti na lang ako nang tipid. "H-hi. Good afternoon."
Tsaka lang siya ngumisi at tumuloy sa pagbaba. "Bisita ka ni Arkhe?"
I nodded. "Y-yes."
"Ah, may kasama pala siya. Kaya pala biglang naglinis ng kwarto niya sa itaas."
Napangiti na lang ulit ako.
Dumiretso siya sa kusina at nagbukas ng ref para kumuha ng maiinom. "Girlfriend ka niya?"
"Uhm, yes."
"Taga-Maynila ka rin?"
Tumango ulit ako.
"Himala yata, nagsama ng babae rito ang utol ko. Theo nga pala. Kuya niya."
My eyes grew big! "Oh, h-hi." Hindi ko inexpect, akala ko isa rin siya sa mga pinsan ni Ark.
Ngumisi lang naman siya tapos naglakad na rin palabas nitong bahay. "Nag-aayos lang si Arkhe sa taas. Bababa na rin 'yon."
"Okay, thank you." Sinundan ko ito ng tingin.
Ang alam ko nga talaga may nakatatandang kapatid si Ark, pero hindi ko inasahan na iyon 'yon. Hindi kasi sila masyadong magka-mukha. His brother looks more rugged and outdoorsy to me.
Mayamaya lang naman ay napansin ko na rin si Arkhe na pababa sa hagdan.
"Sorry, ang tagal ko," sabi niya agad sa 'kin. "Nagligpit lang ako saglit."
"Ah no, okay lang." Tumayo na ako, kapit-kapit ang hand bag ko. "By the way, I just met your brother, Theo."
"Kinausap ka? Anong sabi?"
"Wala naman. Nagulat lang siya na may kasama ka."
"Ah, hindi ko kasi nabanggit na isasama kita rito. Tara, punta na tayo sa taas." Kinuha na niya ang kapit kong bag para siya na ang magdala.
"Hindi mo masyadong kamukha 'yong kuya mo," sabi ko naman habang paakyat kami.
"Ampon kasi 'yon."
My eyes widened. "R-really?"
Natawa siya. "'De, biro lang. Hindi lang talaga kami magkamukha. Pero halos parehas kami ng ugali. Kaya magkasundo kami."
"Oh. Close kayo?"
"Oo. Siya ang katulong ko sa Third Base. Minsan, pumupunta siya sa Maynila." Pumasok na kami sa isang kwarto rito sa taas pagkatapos.
"Ito ang kwarto ko," sabi niya sabay sara sa pinto. "Pasensya na, hindi gano'n kaayos."
"It's okay." Pinuntahan ko na 'yong isa kong bag na nasa kama. Kaunti lang naman ang dala kong gamit kasi bukas, uuwi na rin kami.
Naglabas lang ako ngayon ng ibang damit kasi magpapalit ako.
"Uhm, okay lang ba kung ito ang suotin ko mamaya sa Barbeque party?" tanong ko sa kanya sabay pinakita 'tong kulay yellow kong short floral dress.
Napangiti naman siya. "Ang ganda niyan. Suotin mo na nga. Titingnan ko kung bagay rin sa 'yo kapag hindi mahabang damit."
"Okay, magpapalit lang ako. Labas ka muna."
"Sige, babalikan kita dito. O kaya tawagin mo 'ko sa labas." Lumabas na siya ng kwarto.
Ako naman, nagpalit na agad nitong short dress.
Reserbang damit ko lang sana dapat 'to kasi hindi naman talaga ako mahilig magsuot ng mga bistida na kita ang legs ko. Pero buti na lang dinala ko kasi sabi nga ng Mama ni Ark, baka mainitan ako sa labas.
After changing clothes, I just tied my hair up into a loose bun to show the criss-cross detail at the back of my dress.
Ilang saglit pa, may kumatok na sa pinto nitong kwarto.
"Come in," I said. "I'm done changing."
Narinig kong bumukas ang pinto. "Arkhe?"
Pero iba pala ang pumasok. Nagulat ako at napalingon agad ako sa likod. It's Ark's mom.
Bigla na naman tuloy akong nakaramdam ng hiya. "H-hi po. Wala po si Arkhe rito, eh."
"Nasaan? Lumabas ba?"
"Opo."
"Hindi ko yata napansin. Okay lang bang pumasok?"
"S-sige po." Inayos ko ang mga gamit ko na nilabas ko sa kama.
Tumuloy naman ng pasok ang Mama ni Ark. May dala itong mga pillow cases. "Lalagyan ko lang ng punda itong mga unan. Nawala kasi sa isip ko kagabi. Alam mo naman, tumatanda na."
Napangiti lang ako.
"Ano nga uling pangalan mo?" tanong nito sa akin habang nilalagyan na ng punda 'yong isang unan.
"Isabela po."
"Ah. Isabela, h'wag kang mahihiya rito sa bahay namin, ha? Masaya kami dito, lalo na ngayong nandito rin ang mga pinsan ni Arkhe. Kumpleto ang mga makukulit. Mamaya mag-enjoy ka at kumain nang marami. Mahilig ka ba sa mga ihaw-ihaw?"
"O-opo. Kumakain po ako ng barbeque."
"Mabuti. Pasensiya ka na pala, magulo itong kwarto. Hindi ko na kasi gaanong nasisilip gawa ng wala naman nang natutulog dito simula nang lumipat si Arkhe sa Maynila. Tapos ito pang magaling kong anak, hindi man lang agad nagsabi na may kasama pala siyang pupunta ngayon. Hindi tuloy ako nakapag-linis nang maayos. Nakakahiya sa 'yo."
"Ah, no. Okay lang po. Hindi naman po masyadong magulo, eh."
Ito naman ang ngumiti sa 'kin. Tinapos nito ang paglalagay ng punda sa mga unan tapos biglang lumapit sa 'kin na nakatayo lang ngayon sa tabi ng kama. She stared at me. "Ang amo ng mukha mo, ano? Kaya ka siguro nagustuhan ni Arkhe."
Bigla akong napaiwas ng tingin. I felt my cheeks turn red.
"Isabela, alam mo naman siguro na marami nang naging nobya ang anak ko sa Maynila pati rito sa Batangas, ano?"
I smiled shyly. "Opo, alam ko."
"Pero alam mo rin bang ikaw pa lang ang nag-iisang babae na dinala at ipinakilala niya rito sa amin?"
Natigilan ako. "R-really? I didn't know that po."
"Totoo. Kaya nga natutuwa ako na nandito ka. Ang tagal ko na kasing kinukulit 'yang si Arkhe pati si Theo. Sabi ko bakit hanggang ngayon, wala pa rin silang pinakikilalang babae sa amin, samantalang alam na alam ko namang marami silang nagiging nobya. Mga wala yata silang balak magsipag-asawa at bigyan ako ng apo."
I chuckled. Palabiro pala itong Mama ni Ark. Parang unti-unti na tuloy nawawala ang hiya ko at nagiging kumportable na ako.
"O sige na, lalabas na ako, ha," sumunod na sabi nito sa 'kin. "Pagbalik dito ni Arkhe, bumaba na agad kayo para makapag-enjoy na kayo kasama ang mga pinsan niya."
"Opo, sige po. Thank you."
Lumabas na ito pagkatapos.
I just smiled to myself. Ako pala ang nag-iisang babae na pinakilala ni Arkhe, ha. Kanina nung tinatanong ko siya tungkol doon, hindi niya ako sinasagot. Ngayon alam ko na. Mamaya nga, bubiruin ko 'yon.
Tumingin na muna ako sa maliit na salamin na nandito sa kwarto.
Chineck ko lang kung maganda ba ang pagkaka-tali ko sa buhok ko. Basta-basta ko lang kasing inangat kanina.
Mayamaya lang naman ay may kumatok na ulit sa pinto. "Sab? Tapos ka na?"
Si Arkhe na 'yon. Lumingin ako. "Yeah, come in."
Tumuloy siya ng pasok pero agad ding napahinto nung makita ang itsura ko. Napatitig siya sa dibdib ko tapos sa mga legs ko na litaw na litaw ngayon. Para siyang na-stun, eh.
Natawa tuloy ako. "What happened to you?"
Doon lang siya napangisi sabay dumiretso na rito sa loob. "Ang cute naman niyang suot mo."
"Thank you. Okay lang ba? Hindi ba ako pagtitinginan sa labas?"
"Pagtitinginan. Ang ganda mo e. Pero ayos lang 'yan. Matutuwa sila sa 'yo." Ngumiti siya tapos pinuntahan na 'yong bag niya. Naglabas din siya ng damit. "Magpapalit din ako. Dito ka lang?"
"What?"
Bigla niya nang i-unbuckle ang belt ng pantalon niya. Nagulat ako! Napatalikod agad ako mula sa kanya. "Ark, w-what are you doing?"
Narinig ko siyang natawa. "Magpapalit ng shorts. Mag-iihaw ako eh."
"Bakit hindi mo muna ako hinintay na makalabas?"
"Ayos na 'yan. Bakit, nahihiya ka ba? Nakita mo naman na 'to dati."
"Oh my God." I covered my face with my hands.
Tinawanan niya lang naman ulit ako.
Gosh, feeling ko namula na naman 'tong mga pisngi ko. He's such a naughty man! Hindi ko na lang nga pinatulan at kunwari na lang akong nag-ayos dito sa tapat ng salamin.
Ewan ko naman kung mapapangiti ako o ano ngayong alam kong sa likuran ko lang siya mismo naghuhubad at nagpapalit ng damit.
"Uhm, ano nang meron sa labas?" tanong ko na lang. "May naririnig na akong music."
"Baka nag-setup na ng sounds si Theo."
"Ah, parehas pala kayong mahilig sa gano'n?"
"Oo. Sabi ko nga sa 'yo, siya ang katulong ko sa Third Base. Nagdi-DJ din 'yon, pero hindi na masyado ngayon. May iba na siyang trip sa buhay."
Lumapit na siya sa 'kin pagkatapos. At ako naman 'tong natigilan at napatitig sa kanya.
Ang gwapo niya sa suot niyang brown cargo shorts at puting sando. Bagay pala sa kanya ang ganitong porma, pansin na pansin ang malapad niyang mga balikat pati na ang malaking tattoo sa braso niya.
"Bakit?" biglang tanong niya sa 'kin nung mapansing titig na titig ako.
Ngumiti lang ako at hinaplos ang dibdib niya na bakat rin sa suot niyang sando ngayon. "Nothing. You look cool."
"Cool lang? Hindi ba hot?"
I pouted my lips. "Tumigil ka na nga, kanina ka pa."
Natawa na naman siya sa 'kin. "Binibiro ka lang, eh. Tara na, baba na tayo." Hinawakan na niya ang kamay ko at lumabas na kami.
TO BE CONTINUED
Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top