Chapter 26.2

ISABELA

Clark, Pampanga

MABILIS NATAPOS ANG set ni Arkhe.

I didn't even realize it was over as I totally enjoyed every tune he played. Mas lalo siyang gumaling! At mas lalo rin siyang sumikat ngayon.

Naalala ko sa La Union dati, hindi pa ganoon karami ang sumusuporta sa kanya. Pero kanina sa event, no'ng tinawag na siya at tumungtong na sa platform, naghiyawan talaga lahat ng mga tao at sinisigaw nila ang pangalan niya. I got goosebumps! Lalo tuloy akong naging proud sa mga narating niya.

Ngayon, nakabalik na kami rito sa hotel kung saan kami magpapalipas ng gabi. Wala pa namang alas-dose nang makarating kami rito.

This room is actually quite big for two. May isang king-sized bed at isang solo one sa gilid, may maliit na kusina kung saan pwedeng magluto, at meron ding sariling jacuzzi sa labas.

Pinuntahan ko na muna si Arkhe na nag-aayos ng gamit niya roon sa table.

"Hey." Umupo ako sa upuan. "Ang galing mo talaga sa event kanina."

Napangiti siya. "Kanina mo pa sinasabi 'yan."

"Hindi ko kasi makalimutan, eh. You've improved a lot."

"Nag-enjoy ka ba?"

"Syempre naman. Sino ba namang hindi mag-eenjoy sa gano'n?" Nangalumbaba ako rito sa mesa at tumitig lang pataas sa kanya na nakatayo ngayon. "And you've become more popular, too. Kanina pagkatapos ng set mo, ang daming mga nagpa-picture sa 'yo."

"Oo nga. Parang ngayon nga lang nangyari 'yong gano'n karami. Iba 'yong event kanina. Ang tindi."

"The crowd loves you."

Napangiti lang ulit siya, tapos bigla na lang naghubad ng T-shirt. "Ang init." Sinabit niya 'yong damit niya sa upuan.

Ang bilis ko namang napansin 'yong mga peklat sa katawan niya. Napatayo agad ako para tingnan nang malapitan ang mga 'yon. "What happened to you?"

"Bakit?"

"How did you get all these scars?" Tinuro ko 'yong mga nasa dibdib at likod niya. "Wala ka namang mga ganito dati, ah."

Umiwas lang siya ng tingin. "Wala 'yan."

"No, really, what happened to you?"

Hindi na siya sumagot.

"Arkhe?"

Bumuntong-hininga siya. "Wala. Madalas lang akong napapa-away no'ng mga panahong wala ka sa tabi ko."

Napabagsak ako ng mga balikat. "A-anong klaseng away? Nakikipag-saksakan ka ba? These aren't ordinary battle scars."

"Wala 'yan. Magaling na nga." Lumayo na siya sa 'kin para tumuloy sa pag-aayos ng gamit.

Hindi na lang ako nagtanong ulit. Bigla akong nalungkot at nag-alala. Ang dami pa pala talagang nangyari sa kanya dati na hindi ko alam. Hindi niya naman inalagaan ang sarili niya, eh.

Umalis na lang din muna ako para ayusin din ang gamit ko. "Ark?"

"Hmm?"

"I'll take a quick dip in the jacuzzi outside. You want to join me?"

Tumingin siya sa 'kin. "Ayos lang ba sa 'yo?"

"Oo naman. Bakit naman hindi."

Ngumiti siya nang tipid. "Sige. Magpapalit lang ako."

"Me too." Kinuha ko ang swimsuit ko sa bag at pumasok na sa bathroom para magpalit.

I'm not really prepared. Dala ko lang 'tong yellow one-piece swimsuit ko na mababa ang neckline at halos bukas ang buong likod. I partnered it with a lace cover-up.

Pagkalabas ko ng bathroom, wala naman na rito sa kwarto si Ark. Nauna na pala siyang magbabad doon sa jacuzzi. Parang ang bilis niya naman yatang nakapag-palit ng damit pang-ligo?

Sumunod na lang ako sa labas. Relax na relax na siya sa tubig pero agad din siyang napalipat ng tingin sa akin no'ng hinubad ko na 'tong cover-up ko, revealing me in my skimpy swimsuit. Hanggang sa makalublob na ako rito sa jacuzzi, titig na titig pa rin siya sa 'kin.

"Why?" Napatanong na ako.

Umiling lang siya tapos umiwas na ng tingin.

Tumabi naman na ako sa kanya. Wala siyang suot na T-shirt ngayon kaya ramdam ko kaagad ang init ng balat niya.

I leaned my back here then twirled my hair up into a bun. Nabigla na lang ako nang haplosin niya ang tattoo ko sa bandang itaas ng likod.

Napangiti ako. "Natatandaan mo 'yan?"

"Syempre."

"Ang ganda niya pa rin, 'di ba? Alam mo ba, nakita 'yan dati ni Morris. Tapos sobrang nagalit siya sa 'kin, lalo na no'ng nalaman niyang ikaw 'yong kasama ko no'ng pinagawa ko 'yan. He hates it so much. Kulang na lang nga burahin niya."

Napabuntong-hininga siya. "Gustong-gusto ka talaga ng taong 'yon, 'no?"

"Yeah . . . unfortunately. Matagal niya na pala akong gusto kaya siya pumayag na ma-arrange marriage sa akin at kaya galit na galit siya no'ng nalaman niya ang tungkol sa 'yo. But don't worry, he's out of the picture now. Hindi niya na tayo guguluhin."

"E 'yong bago mong bodyguard?"

Napakunot ako ng noo. "Si Lukas? Bakit, anong meron sa kanya?"

"May gusto rin ba 'yon sa 'yo?"

Muntik akong matawa! "Are you serious? Bakit naman siya magkakagusto sa 'kin?"

Ang tagal niya muna akong tinitigan bago siya umiwas at umiling. "Wala. Parang lang. Masyado ka niyang inaalagaan."

"He's paid to do that."

"Hindi naman ganyan 'yong dati mong mga bodyguards."

Napangiti ako. "Hey, are you jealous?" biro ko kunwari.

Hindi naman siya nakasagot kaagad. Bigla lang siyang yumuko at bumuntong-hininga ulit. "Wala naman akong karapatang mag-selos. May kasalanan pa nga ako sa 'yo."

"A-anong kasalanan?"

Tuluyan na siyang hindi sumagot. Natahimik na lang siya habang nakalublob dito sa jacuzzi.

Hindi na lang din muna ako nagsalita at ninamnam na lang 'tong maligamgam na tubig.

Bigla nang nag-iba ang dating niya. Parang ang lalim-lalim na ng tumatakbo sa isip niya ngayon. Siguro kailangan ko na ring i-open up ulit 'yong tungkol sa amin para mapag-usapan na, kaso hindi ko naman alam kung papaano ako mag-uumpisa sa mga sasabihin ko.

Ang tagal naming ganito na tahimik hanggang sa nagawa na ulit niya akong kausapin.

"Sab . . ."

Nagulat ako, napabalik agad ako ng tingin sa kanya. Ngayon niya na lang ulit ako tinawag nang gano'n.

Hindi niya naman ako tinitingnan. Seryoso lang siya habang nakatitig sa mga bula rito sa tubig.

"W-why?" I asked.

"Bago ka bumalik dito, may nakilala akong ibang babae."

Natahimik ako. Si Nikola ba? Hindi ko inaasahan na babanggitin niya ang tungkol doon.

Tumingin siya sa 'kin. "Nagustuhan ko siya at binalak ko siyang seryosohin."

Napayuko na ako. Bigla akong nakaramdam ng bigat sa dibdib. "W-why are you saying this to me?"

"Gusto ko kasing maging tapat sa 'yo. Para kapag naging tayo na ulit, alam mo lahat. Wala akong lihim."

Ang bilis kong napabalik ng tingin sa kanya. Natulala ako kasi sobrang gulong-gulo ako.

"Nikola ang pangalan niya," he continued. "Madalas kaming lumalabas dati tsaka nagustuhan ko talaga siya. Pero hanggang doon na lang 'yon."

Tumingala siya sa langit. "Naisip ko na hindi pala ganoon kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Kasi nung hindi na ulit siya nagparamdam dahil ayaw niya naman talaga sa 'kin, hindi ko man lang binalak na maghabol. Hinayaan ko lang . . .

. . . Siguro inakala ko lang na gustong-gusto ko siya kasi ang dali lang ng lahat sa amin, hindi ako nahihirapan at napapasaya niya rin naman ako kahit papaano, pero hindi ko naman pala talaga siya ganoon ka-gusto. Ngayon, hindi na ulit kami nagkikita pati nag-uusap. Tapos na 'yong sa amin."

Tiningnan niya na ulit ako. Ang lungkot na ng mga mata niya. "Sab, h'wag mo sanang isipin na kaya lang ako nandito sa 'yo ngayon e dahil wala na 'yong sa amin ni Nikola. Hindi gano'n 'yon."

Napangiti ako nang mapait. "Wala naman akong iniisip na ganyan."

Bumuntong-hininga siya. Ang tagal bago siya nakapagsalita ulit. "Sorry."

"It's okay." Sinuklay ko ang gilid ng basa niyang buhok. "I understand your part. Inasahan ko naman na posible ka talagang magkaroon ng iba."

"Hindi lang naman dahil do'n kaya ako nagso-sorry. Sorry sa lahat-lahat. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, may kasalanan pa ako sa 'yo."

Hindi ako nakasagot. Napatitig lang ulit ako sa kanya.

Bigla niya namang hinaplos ang isa kong pisngi. "Sobrang laki ng pagkakamali ko. Nagtanim ako ng sama ng loob sa 'yo, tumingin ako sa ibang mga babae, tapos hindi pa agad kita pinaniwalaan no'ng nagpaliwanag ka na. Masyado akong naging matigas sa 'yo. Sorry."

Ang bilis uminit ng sulok ng mga mata ko. Para bang bigla na lang akong maiiyak. "N-naniniwala ka na ba sa 'kin?"

"Pasensiya na kung natagalan, pero oo." Bumuntong-hininga ulit siya. "Sobrang sarado kasi ng isip ko. Masyado akong nabulag ng galit kaya hindi ko naisip na alamin muna kung totoo ba talaga 'yong mga sinabi mo sa 'kin. Pinagpilitan ko pa nga ang sarili ko kay Nikola para lang patunayan na nakalimutan na talaga kita at hindi na kita kailangan sa buhay ko. . ."

Napayuko na siya. ". . . kung hindi ko pa napag-alaman na normal talagang nagpapa-patay sila Morris, hindi pa ako matatauhan. Hindi pa mabubuksan 'tong isip ko. Sorry. Alam kong sobrang nasaktan kita, hindi ko dapat ginawa sa 'yo 'yon."

Napangiti na lang ulit ako nang mapait. Nasagot na ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko nitong mga nakaraang araw. Kaya pala siya biglang nagbago at bumalik sa dati—kasi naiintindihan niya na ako.

"Hindi mo kailangang mag-sorry sa 'kin," sabi ko naman. "You have every right to get mad at me. Ako ang naunang nanakit, eh. Ako ang dahilan kung bakit ka nagka-ganyan. Dapat ako ang nagso-sorry ngayon, hindi ikaw. Kung sakali nga na hindi mo na talaga ako kayang bigyan ng isa pang pagkakataon dahil tagos sa buto talaga 'yong ginawa ko sa 'yo dati, maiintidihan ko. Pero syempre, gusto ko pa rin sanang ibigay mo sa 'kin 'yon."

"Kayang-kaya kong ibigay sa 'yo 'yon." Binalik niya sa akin ang tingin niya. Tinitigan niya ako nang malalim. "Sab, gusto kong subukan ulit. Hindi naman natin kailangang biglain lahat. Kasi aaminin ko sa 'yo, medyo may takot pa rin ako hanggang ngayon. Pero hayaan mo akong bumawi. Patutunayan ko sa 'yo na may napuntahan pa rin 'yong pagsasakripisyo mo dati."

Doon mismo, bigla nang tumulo ang mga luha na kanina pa nangingilid sa mga mata ko.

Ito na 'yong gusto kong marinig mula sa kanya. Ang tagal ko 'tong hinintay! Akala ko hindi niya na magagawang sabihin.

Pinahid ko ang mga pisngi ko at mabilis na akong yumakap sa leeg niya. Dito ako tuluyang umiyak. Nilabas ko lahat ng bigat at lungkot na matagal ko nang kinikimkim sa dibdib ko.

Niyakap niya rin naman ako pabalik at hinaplos pa ako sa buhok. Mas lalo tuloy akong napaiyak. Pero ang sarap na sa pakiramdam ng pag-iyak ko ngayon, kasi nasa loob na ako ng mga yakap niya.

"Ark . . . I missed you so much. Sorry for everything, for hurting you. Ayaw talaga kitang iwanan dati pero wala akong nagawa. Ayokong mapahamak ka."

"Tama na." Tumuloy siya sa paghaplos sa buhok ko. "Ayos na 'yon, naiintindihan ko na lahat. H'wag ka nang umiyak. Ayoko na uling nakikita kang umiiyak."

I hugged him tighter. "You have no idea how much I've longed for this moment. 'Yong makabalik ulit ako sa mga yakap mo. Takot na takot ako dati, Arkhe. Sobrang natakot ako no'ng nawala ka sa tabi ko. Araw-araw kitang hinahanap, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko kinaya."

Inangat niya ang mukha ko paharap sa kanya. "Hindi ko rin naman kinaya. Pero umpisahan na nating kalimutan 'yon. Ang importante, magkasama na tayo ulit. Babawi ako, Sab. Babawi ako para sa mga panahong kinailangan mo ako pero wala ako."

Ngumiti ako nang matamis kahit na panay pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. "Thank you for this. Sobrang pinasaya mo ako ngayon."

Napangiti rin siya, tapos bigla niya na lang hinawakan ang magkabila kong mga pisngi at dahan-dahang nilapit ang mukha niya para halikan ako.

Nanlambot ang buo kong katawan. His kiss. It's like the first time.

Napapungay na lang ako ng mga mata habang magkadikit ang mga labi namin. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko ngayon sa ilalim ng tubig, pero ang labi niya at ang init ng paghinga niya, ramdam na ramdam ko pa rin.

His lips then started moving. Hinila niya ako papunta sa ibabaw niya at hinalikan niya ako nang mas madiin. I kissed him back without hesitation, I showed him how much I missed him. Niyakap ko pa siya sa leeg nang mas mahigpit. Ayoko siyang pakawalan.

Mayamaya pa ay siya na ang unang tumigil sa paghalik. Dinikit niya ang noo niya sa noo ko habang sunod-sunod siyang humihinga nang malalim. "Ang tagal kong hinintay na makaramdam ulit ng ganito, Sab. Ikaw lang talaga ang may kakayahang magparamdam ng ganito sa 'kin."

Niyakap niya na ulit ako pagkatapos. Sinubsob niya ang mukha ko sa basa niyang leeg. Hindi na siya nagsalita at hindi na rin ako nagsalita. Basta ninamnam na lang namin 'tong mga sandaling ito.

TO BE CONTINUED

Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top