Chapter 26.1

ISABELA

Clark, Pampanga

HINDI KO PA rin maitago ang saya ko ngayong nandito na kami ni Arkhe sa Clark. Natuloy kami sa gig niya. 

Actually, kaninang hapon pa kami nakarating dito, pero dumiretso muna kami sa isang malapit na hotel para makapag-pahinga saglit at iwanan ang mga gamit namin.

We'll spend the night here then travel back to Manila tomorrow morning. Mapapagod na kasi masyado si Arkhe kapag nag-drive pa siya mamaya pauwi. Although maaga naman daw matatapos ang set niya dahil pangatlo siya sa lineup ng mga performers, ayaw niya pa ring magmaneho mamaya. Bukas na lang daw kami umuwi. Syempre gustong-gusto ko 'yon. I'll have more time with him.

Ngayon nandito na kami sa open grounds kung saan ginaganap ang event na tutugtugan niya. It's a music festival.

"Ayos ka lang dito?" biglang tanong sa 'kin nitong si Ark habang naglalakad kami.

I smiled at him and nodded. "I'm good."

"Masyadong maingay tsaka marami ng mga tao. Kapag mamaya hindi ka na kumportable, pumasok ka muna ro'n sa mall o kaya sa isa sa mga restaurants. Doon mo na lang ako hintayin."

"Okay lang ako rito. I wanna watch you perform up there." Tinuro ko 'yong platform ng DJ. "Uhm, aalis ka na ba ngayon? Kailangan mo nang magpakita roon sa organizer nitong event?"

Sumilip siya saglit sa wrist watch niya. "Mamaya na nang konti. Maaga-aga pa naman. Ikot muna tayo para mabilhan kita ng makakain mo."

At nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko para dumiretso sa paglalakad.

Ang tagal bago nag-sink in sa utak ko 'tong ginawa niya. Hindi niya naman ako tinitingnan. Parang patay-malisya lang siya na magka-holding hands kami.

I just smiled to myself. Ngayon na lang ulit kami nagka-hawak ng kamay nang ganito. I missed this. His hand still feels the same, warm and completely covers mine.

Binalik ko ang tingin ko sa mukha niya pagkatapos. May kadiliman dito sa open grounds dahil halos 'yong mga makukulay na laser at strobe lights lang ang nagbibigay ng liwanag, pero kitang-kita ko pa rin ang kagwapuhan niya. He looks so cool tonight with his loose shirt and ripped jeans — very street style. Dinagdagan pa ng messy hair niya.

Honestly, I still don't know why he's acting like this. Nagsimula roon sa birthday ng anak ni Jewel, sumunod sa date namin sa mall, tapos 'yong pagkikita namin noong isang araw bago itong gig niya sa Clark.

Oo, nagkita pa ulit kami. Akala ko nga busy siya at ngayon lang talaga 'yong time na pwede kaming magkasama ulit. But just the other day, he came to my house to see me.

Tapos kanina sa byahe tsaka sa hotel, nakikipag-kwentuhan na rin siya sa 'kin. Hindi na siya ganoon kalamig.

Bigla na talaga siyang nagbago. Parang bumalik siya sa mga panahon na gusto niya, halos araw-araw niya akong nakikita. Of course I like that idea, pero hindi ko maiwasang hindi magtaka kung ano ba talagang nangyari. Lalo pa't naaalala ko na may iba pang babae sa buhay niya ngayon at hindi ko alam kung ano na ang kasalukuyang estado nila.

Sabi nga sa 'kin ni Lukas kagabi, huwag daw muna ako masyadong magpa-kampante kay Arkhe. Hindi ko pa raw kasi nalalaman ang side nito. Well I know that. Pero masaya lang kasi talaga ako ngayon. Masaya ako na nakakasama ko na ulit si Ark at nararamdaman kong unti-unti na ulit siyang nag-e-effort sa akin.

I'm actually planning to talk to him later. Gagamitin ko 'tong pagkakataon na 'to na buong magdamag kaming magkasama.

Gusto ko na uling pag-usapan 'yong nangyari dati para maayos na namin nang tuluyan at tsaka para malaman ko na rin kung hindi na nga ba talaga siya galit sa 'kin. I know this might ruin the moment, pero bahala na. Gusto ko lang maging malinaw na ang lahat.

"Anong gusto mong kainin?" tanong na ulit sa 'kin ni Ark ngayong nandito na kami sa hilera ng mga food stalls.

Tumingin-tingin muna ako. Nakita ko 'yong nag-iihaw ng mga hotdogs and sausages. Tinuro ko. "Can I try that?"

"Sige." Pumunta kami roon at bumili siya ng sausage on stick para sa aming dalawa.

Sakto namang naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko agad galing sa bag. Lukas is calling. Sinagot ko na muna, baka importante. "Hello?"

"Miss Isabela."

"Yes, hi! Sorry, hindi kita marinig nang malinaw. Malakas ang music dito, eh. Bakit ka tumawag?"

"Nothing. Just wanted to check if you're okay."

Napangiti ako. "Bakit, hindi ka sanay na hindi ako binabantayan?"

Ang tagal bago siya nakasagot. "Yes."

I smiled again. "Don't worry, I'm fine here. Ark is taking good care of me. Nandito na nga kami sa venue."

"I see. Okay. Nadala mo ba ang gamot mo?"

"Yeah, they're here in my bag. Iinom ako kapag kinailangan."

Napansin ko naman na si Arkhe na pabalik na sa 'kin kaya nagpaalam na agad ako rito kay Lukas. "Hey, I'll update you later. Arkhe is back here."

"Sige."

"Bye." Binaba ko na ang tawag at pinasok ulit ang phone ko sa bag.

"Sino 'yon?" Tanong agad sa 'kin ni Arkhe na dala na ang binili niyang pagkain.

"Si Lukas, tumawag."

"Bakit?"

"Wala naman. Chine-check niya lang kung okay lang ako."

Biglang napakunot ang noo niya. Ang tagal nga bago siya nakapagtanong ulit. "Saan mo ba nakilala 'yan?"

"Uhm, sa New York. Kinuha ko siya at tinrain siya ng kapatid ko para pumalit sa dati kong head bodyguard. Why?"

Umiling lang siya tapos binigay na sa 'kin 'tong sausage at baso ng lemon juice. "Kain ka na."

"Thank you."

"Saan ka pala pe-pwesto mamaya?" tanong niya ulit habang kumakain na rin.

"Hmm, anywhere. Kung saan kita mas mapapanood nang maayos."

"H'wag ka sa masyadong ma-tao, baka maipit ka."

Napangiti ako. "Bakit naman maiipit?"

"Tingnan mo," tinuro niyo 'yong field na puno ng mga tao na nag-eenjoy sa music. "Nagtatalunan na 'yang mga 'yan. Mas lalala pa 'yan mamaya. Buti na nga lang ganyan ang suot mo. Hindi ka ulit naka-palda nang mahaba. Kung 'di, mahihirapan ka ring gumalaw."

Naka-white romper lang kasi ako at flat sandals ngayon. Not my usual outfit.

"But I'll be fine," sabi ko na lang. "Di ba naisama mo na ako dati sa gig mo? Sa La Union, remember?"

"Oo, pero mas konti ang mga tao ro'n. Hindi katulad dito. Mas malaki 'tong lugar na 'to."

"Kaya ko naman ang sarili ko, eh."

"Walang magbabantay sa 'yo. Basta doon ka sa pwesto na hindi ka nila maiipit."

Ngitian ko siya. "Nag-aalala ka ba sa 'kin?"

Hindi na siya nakasagot. Bigla na lang siyang tumuloy sa pagkain ng sausage.

Napangiti na lang ulit ako at kumain din. "I'll be okay, don't worry. Just give us a good show."

Ang tagal bago siya nakapagsalita ulit. "Tatawagan kita mamaya kapag tapos na ang set ko."

"Sige."

"Saglit lang naman 'yon. Pagkatapos ko, babalik na rin agad tayo sa hotel."

"Oh, why? Hindi na natin tatapusin 'tong event?"

"Gusto mo ba? Madaling-araw pa 'to matatapos. Mapapagod ka lang."

Napaisip ako. Oo nga. Baka umatake pa ang sakit ng ulo ko. Ang lakas pa naman ng tugtog at mga ilaw dito sa lugar.

"Okay," sabi ko na lang sa kanya. "Balik na lang agad tayo sa hotel."

Mayamaya lang naman ay may napansin akong babae na palapit dito kay Arkhe. I can't help but stare at her because she's wearing a super short shorts and an off-the-shoulder crop top.

"DJ Arkhe Alvarez!" masayang tawag na nito kay Ark.

Nabigla naman si Arkhe at napatingin agad dito. "Oy!"

"Grabe, kanina pa ako nagbabaka-sakali na makita ka bago ka tumungtong sa stage."

"Ba't nandito ka sa Clark?" he asked her. "Taga-rito ka na ba?"

"Hindi. Sinundan lang kita . . . JOKE! Joke lang." sabay tawa nito. "Niyaya lang ako ng boyfriend ko tsaka mga friends niya rito, tapos saktong nakita ko ang pangalan mo sa list of performers nitong event. O 'di ba, small world!"

Napangiti lang naman itong si Arkhe, tapos bigla na akong pinakilala. "Si Isabela nga pala."

The girl stared at me. "Isabela?" Naningkit pa ang mga mata nito na para bang kinikilala niya ako sa dilim, tapos napangiti na lang ito nang malapad. "Ah, oo! Naalala ko. Napakilala mo na siya sa 'kin dati."

Kumunot ang noo ko.

Halatang namang nagtaka rin si Arkhe kasi napatanong agad siya. "Talaga? Kelan 'yan?"

"Dati pa, sa Manila. Sa coffee shop yata 'yon. Wow, kayo pa rin pala hanggang ngayon? Ang tatag niyo!"

Ang bilis kong nag-iwas ng tingin at kumain na lang nitong sausage. Bigla akong nahiya.

But yeah, I remember her. Siya 'yong ex ni Arkhe na nakita namin dati sa isang cafe. Inakala niya pala na kami na ni Ark no'ng nakita niya kami, pero sa pagkakatanda ko, dating pa lang naman kami no'n.

"O siya, sige na. Maiwan ko na kayo," sabi naman na nitong babae kay Ark. "Bibili lang talaga dapat ako ng pagkain e. Pero buti nakita kita. Hihintayin kitang umakyat ng stage mamaya ah, gandahan mo ang mga tugtugan mo." Naglipat ito ng tingin sa 'kin pagkatapos. "Bye, Isabela. Nice seeing you again. Stay strong kayong dalawa." Kumaway ito sa 'min at tumalikod na.

Nakaramdam na talaga ako ng awkwardness kaya tumuloy na lang ulit ako sa pag kain. Ang sarap sanang pakinggan nung 'stay strong', kaso hindi naman ganoon ang estado naming dalawa.

"Natatandaan mo ba siya?" tanong naman sa 'kin nitong si Ark noong makalayo na 'yong babae.

"Oo. Nakita natin siya sa cafe dati. Sabi mo nga, siya 'yong ex mo na hindi mo na gusto kasi nasobrahan sa pagka-bad girl?"

"Ah, oo. Ang tagal na no'n, ah."

Napangiti na lang ako. "Oo nga e. Nakakatawa, akala niya tayo pa rin hanggang ngayon."

"Pwede naman, 'di ba?"

Nagulat ako, napatulala ako sa kanya.

Hindi naman na siya nakasagot kasi bigla siyang napa-kapa sa cellphone niya sa bulsa. May tumatawag yata sa kanya. Nilabas niya agad 'yon at tiningnan ang screen.

"Tinatawagan ka na ng organizer?" tanong ko na lang.

"Oo. Baka kailangan ko nang magpakita sa kanila." Sinagot niya lang saglit 'yong tawag tapos sinuksok na ulit ang cellphone sa bulsa. "Pinapupunta na nga nila ako ro'n."

"Ah. O sige na, go there now."

"Ayos ka lang dito?"

"Oo naman. H'wag ka nang mag-alala sa 'kin. Just enjoy up there."

"Sige." Kinuha na niya ang stick ng kinain kong sausage pati na 'yong baso ko ng juice para siya na ang magtapon. Tapos nagpaalam na siya sa 'kin. "Pupunta na 'ko ro'n. Tatawagan na lang kita mamaya."

"Okay."

Nakangiti lang ako habang sinusundan siya ng tingin.

Sayang, naputol 'yong topic namin kanina. Halos tumalon pa naman 'tong puso ko no'ng bigla niyang sinabi na pwede namang maging kami pa rin hanggang ngayon.

Pero okay lang, mamaya makakapag-usap pa naman ulit kami. Mas matagal pa nga.

Sinunod ko na lang muna ang kanina niyang pakiusap. Lumipat ako sa pwesto na wala masyadong naghihiyawan na mga tao, pero syempre siniguro ko pa ring mapapanood ko siya nang maayos.

Sobrang excited ako kasi ngayon ko na lang ulit siya mapapanood na tumugtog bilang DJ. Para akong fangirl dito na nag-aabang sa idol ko.

TO BE CONTINUED

AUTHOR'S NOTE: Divided this chapter into two parts so I could edit better. Thank you.

Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top