Chapter 16

ISABELA

Four years later (present time)

"So, have you found him already?" tanong bigla sa 'kin ni Amanda na ka-video call ko ulit ngayon.

Napabuntong-hininga na lang ako at umayos ng pagkakaupo rito sa kotse habang nasa byahe pauwi sa bahay. She's talking about Arkhe again.

"Not yet," I answered. "Pero nag-umpisa na 'kong ipahanap siya kila Lukas no'ng nakabalik ako rito sa bansa several weeks ago."

"At wala pa ring balita hanggang ngayon?"

Umiling-iling ako. "They're doing their best, though. Siguro sa mga susunod na araw, makakapag-report na rin sa 'kin si Lukas. Hindi ko pala siya kasama ngayon. 'Yung ibang mga bodyguards ko ang sumama sa 'kin."

"Okay." She smiled. "What are you feeling right now? Kinakabahan ka ba sa idea na posibleng makita mo na ulit si Arkhe?"

"Of course. And scared, too. Alam ko naman kasi na malaki ang galit niya sa 'kin dahil sa ginawa ko. Parang naiisip ko na nga kung ano'ng magiging reaksyon niya kapag nagkita na kami ulit. Siguro ipagtatabuyan niya 'ko. Baka nga mapatay niya pa 'ko."

"What are you talking about? Bakit niya naman gagawin 'yon. It's been four years already. Who knows, baka naka-move on na siya."

Napangiti na lang ako nang mapait sabay ayos sa knitted shawl na nakapatong sa mga balikat ko. "I don't think that's possible. Ako nga, hindi pa nakaka-move on. And he hates me too much to forgive me that fast and easily. Siguro kung nakita mo ang itsura niya at narinig mo lahat ng sinabi niya sa 'kin noong naghiwalay kami, malalaman mong sobrang nasaktan ko talaga siya. Malamang sinumpa niya ako kaya ako nagkaganito ngayon." Natawa pa 'ko kunwari.

"Tumigil ka nga." Bigla namang sumeryoso ang boses nitong si Amanda. "Hindi biro 'yang nangyayari sa 'yo, 'wag mong pagtawanan."

Natahimik na lang ako.

At siya, napahinga nang malalim. "Anyway, naisip mo na ba kung anong mga sasabihin mo once makapagusap na kayo?"

"Yes. Naplano ko na sa isip ko lahat. I will explain everything to him. Alam kong posibleng hindi niya paniwalaan o baka hindi na siya interisado, pero magpapaliwanag pa rin ako." Sumandal ako rito sa upuan ng kotse at bumuntong hininga rin. "This might be my last and only chance, Amanda. Ayokong sayangin. Gusto kong gawin ang lahat ng makakaya ko para maibalik namin ang dati at maging maayos na ulit kaming dalawa."

"I admire how determined you are. If you need more people to help you look for Arkhe, just let me know. Padadalhan kita ng dagdag na tauhan diyan."

"No need. May tiwala akong magagawa ni Lukas nang maayos ang trabaho niya."

"Okay. Just keep looking for him, Isabela. Pero kapag nahanap mo na siya at pinagtabuyan ka niya, please, 'wag mong ipagpipilitan ang sarili mo. Just let go. Remember, you have your health to think about."

"I know. You don't need to keep reminding me that."

"Sinasabi ko lang. I'm worried here. Kaming lahat dito. Ewan ko nga ba kung bakit ulit kita hinayaang mag-isa diyan e. We all know you're not well."

"Amanda, please."

Natigilan siya. Pumikit siya nang madiin at tumango-tango na lang. "I'm sorry. Alam kong gusto mong mamuhay nang normal diyan sa Pilipinas. Hindi ko na dapat sinasabi ang mga 'to sa 'yo."

Umiwas ako ng tingin. Parang bigla akong nawala sa mood dahil sa mga pasimpleng hirit niya. "Mag-usap na lang ulit tayo next time. Malapit na 'ko sa mansion."

"O-okay. Uhm, by the way, Morris called me last night. Kinukumusta ka rin niya. Gusto niyang malaman kung nahanap mo na raw ba si Arkhe. Sabi niya, kung may iba ka pa raw na kailangan diyan, handa siyang ibigay agad. Gusto mo raw bang magpalagay ng new painting materials sa art room mo para may iba kang mapagka-abalahan diyan?"

Napangisi ako. "Nagpapatawa ba siya? Alam niya namang matagal na 'kong hindi nagpi-paint. Hindi ko na kaya simula no'ng pinaghiwalay niya kami ni Arkhe."

"He knows that. Nagbabakasali lang naman siya."

"Tell him to stop acting like he's concerned." Bumuntong-hininga ako. "Sige na, let's just talk some other time. Bye." I ended the video call and slipped my phone into my bag.

Sumasakit na naman ang ulo ko rito sa kapatid ko. Dapat yata hindi ko muna siya kausapin.

ILANG SAGLIT PA ay nakarating na rin naman kami sa bahay.

Bumaba agad ako ng kotse pagkaparadang-pagkaparada namin at dumiretso sa may pool area. Hindi ko muna pinasunod sa 'kin ang mga bodyguards ko.

Dito ako umupo sa isa sa mga lounge chairs para magpahangin saglit. Ilang linggo pa lang mula nang makabalik ako rito sa Pilipinas pero naiinip na agad ako. Hindi ko pa rin kasi nakikita si Arkhe. Pakiramdam ko, nauubos ang oras ko.

I took a deep sigh now then tied my shoulder-length hair up into a bun. Tapos sumandal ako rito sa upuan at nilabas ulit ang phone ko. Tiningnan ko ulit 'yung nag-iisang picture namin ni Arkhe sa 'kin. Ito 'yung kuha sa 'min ni Jewel during my surprise exhibit.

Apat na taon na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Buhay na buhay pa rin sa isip ko kung paano kami nagkahiwalay ni Ark.

Kanina, nagsinungaling lang ako kay Amanda no'ng sinabi kong naplano ko na lahat ng sasabihin ko kay Arkhe oras na magkita na ulit kami. Kasi ang totoo, hindi ko pa talaga alam kung paano siya uumpisahang kausapin. I'm not even sure kung makakapag-banggit ako ng kahit na isang salita man lang. Natatakot ako. Pa'no kung hindi niya 'ko pansinin? Pa'no kung hindi na talaga siya interisado? Or worse, pa'no kung may bago na siyang girlfriend ngayon at huli na ang lahat para sa 'min?

I'm not ready for that. Ayoko ngang imaginin na may bago ng babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon kasi alam kong sobrang masasaktan lang ako. Ayokong masayang ang pagbalik ko rito. Ayokong masayang lahat.

Bumuntong-hininga ulit ako habang nakatingin pa rin dito sa picture namin.

Pero kumusta na kaya talaga siya? No'ng nagkahiwalay kami, hindi ko na ulit siya nakita. Sumama ako kay Morris no'ng bumalik ito sa New York at doon na 'ko nanirahan. Labag 'yon sa loob ko pero wala akong choice. Gusto ko pa rin kasing masigurong hindi niya talaga sasaktan si Arkhe kahit pa nagawa ko na ang pinapagawa niya. I no longer trust him.

At sa loob ng apat na taon na nasa kanya ako, hindi ako nakakuha ng kahit na anong balita tungkol kay Arkhe. Kahit pictures, wala. Mahigpit si Morris. Pinagbawalan niya 'kong magkaroon ng koneksyon dito sa Pilipinas. Nabaliw na yata siya nang tuluyan. Inaangkin niya talaga ako, and sadly, wala ring nagawa si Amanda tungkol do'n.

Nagalit ako sa kapatid ko that time. Pakiramdam ko kasi, hindi man lang siya lumaban at basta niya na lang akong pinamigay kay Morris. Pero pinaliwanag niya sa 'kin lahat — na wala rin siyang magawa.

Wala akong kaalam-alam na matagal na pala siyang hawak sa leeg ng mga Reverente. Hindi siya makalaban dahil tinatakot siya ng mga ito, silang dalawa ng asawa niya. Hindi ko matanggap na naging ganito na lang kami pagkatapos mawala nila Daddy. Naging sunod-sunuran kami sa akala namin kaibigan namin.

Pasalamat na lang talaga ako dahil nagkaroon ako ng pagkatataon na makawala kila Morris at makabalik dito sa Pilipinas. Magagawa ko nang mahanap si Arkhe.

Though I don't have much time. Kailangan kong kumilos nang mabilis. Kaya nga pagkabalik na pagkabalik ko rito a few weeks ago, inutusan ko na agad si Lukas na hanapin kung nasaan si Arkhe. Hindi ako pwedeng mag-relax relax lang.

MAYAMAYA LANG NAMAN ay bigla kong napansin si Lukas na dumating din dito sa pool area. May dala siyang mga envelopes.

Napatuwid agad ako ng upo. "M-may balita na ba?"

"Oho." Inangat niya ang hawak niyang mga envelopes. "Nakita na namin siya."

Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa! Tumayo na ako mula rito sa lounge chair para salubungin siya. "Where did you find him? Doon pa rin ba siya nakatira?"

"Oho, do'n pa rin." Binuksan niya 'yong isang envelope at nilabas ang mga laman no'n. Inabot niya sa 'kin. "'Yan 'yong mga kasalukuyang litrato niya na nakuha namin."

Isa-isa kong tiningnan at hindi ko na lang mapigilang hindi mapangiti. Sobrang saya ko! Ngayon ko na lang ulit siya nakita, kahit sa pictures lang.

He looked more handsome now. Just like a Hollywood hunk. Medyo nag-mature na ang dating niya at mas lumaki rin ang katawan niya. I wonder what kept him busy for the past four years.

"Is he still a DJ?" I asked.

"Yes, miss. Marami-rami ang nakakakilala sa kanya ngayon sa industriya. Pagma-may-ari niya rin 'yong bagong tayong night club sa Q.C. Ito ho."

Tinuro niya sa 'kin 'yung kasunod na mga pictures. "Yan ang 'Third Base'," dagdag niya. "Kabubukas lang niyan. Diyan siya regular na tumutugtog."

I smiled from ear to ear. I'm so happy for him. Natupad niya pala ang pangarap niyang 'to. Napagusapan namin 'to dati sa hideout e. Sabi ko pa nga, gusto ko nasa tabi niya ako kapag nag-opening na siya ng sarili niyang club. Hindi man 'yon nangyari, masaya pa rin ako para sa kanya. Alam ko naman kasi talagang kaya niyang tuparin 'to.

Tumuloy-tuloy ako sa pagtingin sa mga pictures niya. Parang okay naman na siya ngayon. Based dito sa mga latest photos niya, mukhang masaya na siya at walang problema.

"Tsaka nga pala," salita ulit nitong si Lukas. "Nakita rin namin 'to." Binuksan niya 'yung sumunod na envelope at naglabas ulit ng mga bagong pictures. Inabot niya sa 'kin.

Nagulat na lang naman ako kasi mga lumang pictures namin 'tong dalawa. Pati 'yung mga solong kuha niya sa 'kin dati, nandito rin. "W-where did you find these?"

"Online. Sa isa niyang social media account. Nasa pinaka-dulo 'yung folder na naglalaman niyang mga litratong 'yan pero nahanap pa rin namin."

My eyes suddenly got teary. Bakit hindi niya pa binubura ang mga ito? Sobrang dami nila. Hindi ko alam na halos lahat pala ng mga kilos ko dati, pini-picture-an niya.

Bigla na naman tuloy akong nalungkot ngayon. I miss him and I want to see him again so bad. Dahil sa mga photos na 'to, parang nagkaroon ako ng pag-asa na baka pwede pa ulit kami.

I looked back at Lukas. "Ito na ba lahat ng nahanap niyo tungkol sa kanya? Kasi magse-schedule na 'ko ng date kung kelan natin siya pupuntahan."

"Meron pa ho." Binuksan niya 'yong huling envelope na dala niya. Inabot niya ulit sa 'kin ang mga laman.

This time, mga pictures na ito ng ibang mga babae.

Agad na bumagsak ang mga balikat ko. 'Yung kaunting confidence na nabuo ko kanina no'ng nalaman kong tinatago niya pa pala ang mga pictures ko, nawalang parang bula. Bakit ba kasi pati ang mga 'to, naisip ko pang ipahanap kay Lukas.

"Are these his new girls?" tanong ko.

"'Yan 'yong mga naging girlfriends niya pagkatapos ninyong umalis papuntang New York. Marami-rami rin. Hindi nga namin sigurado kung 'yan na ba lahat. May mga kinita siya nang patago at mayroon ding mga saglitan lang. Hindi na namin ma-track kung sino-sino."

Tiningnan ko na lang din isa-isa 'tong mga pictures. I can't help but feel jealous. Sobrang dami niya pa rin palang naging babae pagkatapos ko. Ito na nga ba ang pinaka-kinakatakot ko e — ang malamang nagawa niya pa ring magkagusto sa iba. These girls are all gorgeous and sexy. Parang wala man lang akong laban. Lalo na ngayon na pakiramdam ko hindi na ako maganda.

Pagkalipat ko sa sumunod na picture, napakunot na lang naman agad ako ng noo.

It's still a photo of a girl pero parang iba ang dating nitong babae 'to kumpara sa mga nauna kong nakita. She's too cute and looks quirky, especially with her blonde-dyed hair. Parang hindi ganito ang type ni Ark.

Pero mukhang mali ako.

Kasi may mga photos din dito 'tong babaeng 'to na kasama si Arkhe. Natigilan nga agad ako kasi biglang kumirot ang dibdib ko. Bakit gano'n, iba ang ngiti ni Arkhe sa mga litratong 'to. Parang ang saya-saya niya. Ang saya-saya nilang dalawa. At 'yung mga kuha niya na nakatingin siya rito sa babae, sobrang nakakaselos. Kasi ganitong-ganito niya rin ako tingnan noon.

Napapikit na lang ako nang madiin. "Who is this girl? Ito ba ang bago niyang girlfriend?"

"Posible ho. 'Yan ang kasalukuyang dine-date ni Arkhe Alvarez ngayon. Barista ito sa isang coffee shop. Nakita namin sila na magkasama sa sikat na theme park sa Santa Rosa, Laguna."

"What's her name?"

"Nikola Noreen Arenas. They call her 'Koko'."

TO BE CONTINUED

Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter! And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top