Chapter 14

ISABELA

"Anong gusto mo, juice lang?" asked Arkhe.

Tumango ako. "Yes. Apple juice please, kung meron. And cookies."

"Sige. Saglit lang." Bumaba na siya ng kotse para bumili sa convenience store rito sa hinintuan naming gas station.

Pauwi na kami ngayon galing sa hideout. Medyo na-late nga kami — ang plano talaga namin, morning kami aalis kasi nga didiretso pa kami ro'n sa kaibigan niyang tattoo artist. Pero mga after lunch na kami nakaalis ng Tagaytay.

May nangyari kasi. Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya kapag naaalala ko.

We made love again. But this time, in the bathroom. We were about to reach our climax pero bigla ko na lang nasira 'yung faucet kasi natungtungan ko masyado ng mga kamay ko while he's doing me from behind. As in umagos talaga 'yung tubig! Halos magbaha sa bathroom.

Nataranta kami ni Ark so hindi kami natapos sa ginagawa namin. Sobrang nakakahiya na nakakatawa!Imbis tuloy na makakaalis kami nang maaga, tinanghali na kami kasi inayos pa ni Arkhe 'yung gripo. Biniro niya nga ako e. Sabi niya, uwi na raw kami kasi baka masira pa namin 'yung buong hideout.

Sobrang memorable na lang talaga nung nangyari. Kanina pa nga namin topic 'yon ni Ark sa byahe kaya tawa kami nang tawa.

Ilang saglit lang, nakita ko na si Arkhe na lumabas na ng convenience store at pabalik na rito. Bagay talaga sa kanya 'yung suot niyang black polo shirt ngayon. He looks very manly.

Binigay niya agad sa 'kin 'yung brown paper bag na dala niya pagkapasok niya dito sa kotse.

Sinilip ko agad 'yung laman. "Oh, ba't ang daming cookies?"

"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo. Kaya bumili na lang ako ng marami para makapili ka."

Napangiti ako, then I kissed him on the cheek. "Ang sweet mo talaga. Thank you."

Ngumiti lang din naman siya tapos nag-umpisa na uling mag-drive.

"By the way," sabi ko habang binubuksan na 'tong isang cookies. "Alam na ba nung kaibigan mong tattoo artist na pupunta tayo ngayon sa kanya?"

"Oo. Tinawagan ko na siya kagabi. Sabi niya hihintayin niya na lang daw tayo."

"Great! I'm excited, kagabi ko pa nga 'yon iniisip."

Natawa siya. "Sigurado ka na ba talagang gusto mong magpa-tattoo? Baka mamaya pagdating natin do'n sa shop, bigla kang matakot tas umayaw, ah. Yari tayo kay Baron. Ayaw no'n ng kliyenteng hindi sigurado."

"I'm sure. Matagal ko na nga 'tong gustong gawin. Wala lang akong lakas ng loob."

"Hindi ka kinakabahan? Medyo masakit magpa-tattoo, lalo na 'pag unang beses mo."

"Hindi nga ako kinakabahan e. I don't know why." Tumingin ako sa kanya. "But could you still ask your artist friend to be gentle?"

He chuckled. "Syempre sasabihan ko pa rin siya. Para hindi ka masyadong masaktan." Kinurot niya ang pisngi ko pagkatapos.

I just smiled again and continued eating my cookies.

HINDI KO NAMALAYAN ang byahe kasi nakatulog ako pagkatapos kumain. Ginising lang ako ni Arkhe no'ng malapit na kami.

"Where's the tattoo shop?" I asked while fixing myself.

"Diyan sa loob ng mall." Tinuro niya. "Park lang tayo saglit."

Oh, sa mall pala. I'm imagining something different. Nag-park lang kami ni Arkhe sa tapat tapos bumaba na rin kaagad ng kotse. Parang mas na-eexcite ako ngayong palapit na kami nang palapit. I can't believe I'm really doing this. Lagot na talaga ako kay Amanda kapag nalaman niya na rin pati ang tungkol dito.

Hawak lang ni Arkhe ang kamay ko habang papasok kami sa mall at papunta ro'n sa shop ng kaibigan niya.

Pagkarating naman namin dito, may nakita na agad siya na kakilala niyang lalaki. Nilapitan namin. "Oy, 'tol! Si Baron?"

Nakipag-apir ito sa kanya. "Nasa loob. Kanina pa nga kayo hinihintay." Pinapasok na kami nitong lalaki sa shop pagkatapos.

Hindi ko naman inaasahan na ganito pala ang itsura ng tattoo shop. Natigilan ako at napahawak ng mahigpit sa kamay ni Arkhe.

"O, ayos ka lang?" tanong niya sa 'kin.

I wasn't able to respond quickly. Nakatulala lang ako sa mga lalaking nagpapa-tattoo rito sa loob at sa iba't ibang mga posters ng tattoos na nakapaskil sa mga pader.

"Sab?"

Napatingin na 'ko sa kanya. "Bigla akong kinabahan. It looks scary here."

Natawa siya. "'Yan na nga ba'ng sinasabi ko e. Alam kong matatakot ka talaga. Uwi na lang tayo ngayon? Andyan na si Baron, o."

Nilipat ko ang tingin ko ro'n sa lalaki na papalapit sa 'min. My eyes widened in amazement! Woah, ang dami niyang tattoo sa katawan! Punong-puno 'yung mga braso niya at mga kamay. Meron din siya sa leeg. Mas napansin ko pa nga 'yon kesa sa mismong mukha niya.

"Ang tagal niyo, p're," sabi agad nito nang makalapit na sa 'min. "Akala ko hindi na kayo darating e. Aalis na dapat ako."

"Sorry. Hindi na 'ko nakapagtext no'ng malapit na kami," sagot naman ni Ark, sabay pakilala sa 'kin. "Si Sab nga pala."

"Sab?" Kumunot ang noo nitong si Baron. "Parang ibang babae 'yung binanggit mo sa 'kin kagabi."

"G*go! Si Isabela, siya nga 'yon. Ilang beses ko na siyang kinikwento sa 'yo, hindi mo na naman natatandaan."

"Ah, oo." Tumingin ito sa 'kin. "Sorry, miss. Hindi kasi ako masyadong magaling pagdating sa pangalan ng mga babae. Hindi ako interisado sa mga ganyan-ganyan."

"T*ngina mo ul0l hindi bagay sa 'yo," sabat agad ni Arkhe tapos bumulong sa 'kin. "'Wag kang maniniwala diyan, babaero din 'yang isang 'yan."

Natawa na lang ako. They seemed super close. Parang ngayon ko lang kasi narinig si Arkhe na magsalita nang ganito. He doesn't say bad words that much when he's with me.

"Iyakin ka ba?" biglang tanong naman sa 'kin ni Baron.

"Ha?" 'Yun lang ang nasagot ko.

"Tinatanong ko kung iyakin ka. Bawal iyakin dito sa shop ko."

Lalo akong kinabahan. Ang tapang niyang magsalita, nakakatakot. Napahawak tuloy ulit ako nang mahigpit dito kay Ark.

Dinipensahan niya naman agad ako. "'Wag mong takutin. Sinabi ko na nga sa 'yong first time niya."

Natawa na lang 'tong si Baron. "Biro lang. Tara na, umpisa na tayo."

Pinasunod na niya kami sa kanya. Dito niya ako pinapwesto sa isang chair na may kalayuan sa ibang mga lalaki niyang kliyente.

Iniwan muna nila ako rito saglit para raw makapaghanda ako. I used this chance to tie my hair up and remove my cardigan. Buti na lang may dala akong off-shoulder blouse no'ng pumunta kami sa hideout, kaya ito ang suot ko ngayon. Sakto kasi na sa upper back ako magpapalagay ng tattoo.

Pagkatapos mag-ayos, tiningnan ko lang si Arkhe at si Baron na naguusap sa may gilid. Hindi mapagkakailang magkaibigan sila kasi parehas sila ng dating. They're both good-looking. Mas marami nga lang talagang tattoo sa katawan 'yong si Baron. Sa unang tingin pa lang, malalaman mo na talagang artist siya. At mas mukha siyang bad boy.

Mayamaya pa, binalikan na nila ako. Baron started preparing his stuff while Arkhe went straight to me.

Hinaplos niya ako sa buhok. "Ayos ka na? Hindi ka na kinakabahan?"

"Konti na lang." I held his hand. "Don't leave me, okay? Just stay here."

"Oo. Do'n lang ako sa upuan." Tinuro niya 'yung couch sa may tabi. "'Pag sinaktan ka ni Baron, sumbong mo agad sa 'kin. Sasapakin ko."

I just pouted my lips.

Natawa naman siya tapos kinurot ako sa pisngi. "Relax ka lang. Mabilis lang 'yan matatapos."

"Okay."

Hinalikan niya lang ako sa ulo, tapos umalis na siya para umupo ro'n sa couch.

Si Baron naman, handa na rin at pumwesto na ito rito sa likod ko. "Ano nga uling pangalan mo?" he asked.

"Uhm, Isabela."

"Isabela, may oras ka pa para umurong."

Natawa ako. "No, I won't back out. I really want to get a tattoo."

"Hindi. Ang ibig kong sabihin, may oras ka pa para urungan si Arkhe. Mababaliw ka lang diyan sa hayop na 'yan."

Mas lalo akong natawa. Hindi ko na lang siya sinagot, pero sa isip-isip ko, gusto kong sabihin na nababaliw na nga ako sa kaibigan niya ngayon.

***

MABILIS NATAPOS ANG tattoo session namin.

Ang sakit nga ng balat ko ngayon, pero natutuwa ako kasi kinaya ko. Even Arkhe, proud din siya na nagawa ko 'tong bagay na akala ko hindi ko magagawa kahit kailan.

We're at his place right now. Dito muna kami dumiretso pagkaalis sa tattoo shop ni Baron. Gusto pa kasi naming makasama ang isa't isa.

"Kanina mo pa tinitingnan 'yan, ah. Baka matunaw 'yan," biglang biro ni Arkhe habang palapit sa 'kin.

Nandito na naman kasi ulit ako sa tapat ng salamin sa living area nila. Tinitingnan ko ulit 'tong bago kong tattoo sa likod. "I'm just happy. Maganda ba talaga?"

"Oo nga, maganda. Ang hot mong tingnan." He traced it with his finger. "Sobrang sakit pa rin ba?"

"It's bearable already. Pero siguro mahihirapan akong matulog mamayang gabi kasi mahihigaan ko."

"Dito ka na lang sa 'kin matulog. Para mabantayan kita."

Napangiti ako sa kanya sa tapat ng salamin. "Gusto ko nga sana. Kaso baka magtaka na talaga ang kapatid ko. Hindi niya pa alam ang tungkol sa 'yo."

"Hmm. Sige, sa susunod na lang ulit." Hinaplos niya ang buhok ko na naka-tali pa rin ngayon. "Kailan mo pala siya balak kausapin tungkol sa napag-usapan natin kagabi?"

"I'll call her tonight and tell her everything."

"Aaminin mo sa kanya na ako ang dahilan kung bakit ayaw mo nang magpakasal kay Morris?"

"Yes. I need to be honest with her para matulungan niya 'ko na i-cancel ang arranged marriage. Pero sa kanya ko lang sasabihin 'yon. Hindi pwedeng malaman ng mga Reverente ang totoong dahilan kasi siguradong hindi sila papayag. Dapat magmumukhang may kinalaman pa rin sa future ng mga businesses namin kung bakit ako magba-backout sa kasal."

Napabuntong-hininga siya. "Parang ang hirap niyan."

"I can do it. Don't worry too much, okay? Gagawin ko lahat para mapapayag ang kapatid ko at ang mga Reverente. You just have to trust me."

"May tiwala naman ako sa 'yo."

Sinilip ko siya sa likuran ko at nginitian siya. "Thank you. By the way, 'wag mo na pala akong ihatid sa bahay mamaya, ah. Susunduin na lang kasi ako ng mga bodyguards ko sa isang restaurant sa Q.C."

"Ba't nagpasundo ka pa? Pwedeng-pwede naman kitang ihatid sa inyo."

"Hindi ako makalusot e. My head bodyguard called me earlier. Pinababalik na 'ko sa bahay kasi may emergency raw. Hindi niya sinasabi sa 'kin kung ano."

"Emergency? Baka seryoso 'yan."

"I don't think so. Malamang hinahanap lang ulit ako sa kanila ni Amanda at wala na silang maipalusot kaya gusto na 'kong pauwiin. Binlock ko rin kasi ang kapatid ko sa phone ko kaya hindi niya 'ko nako-contact."

"Sigurado ka?"

"Yeah." I smiled and caressed his cheek.

"Sige. Mamaya nang konti ihahatid na rin kita sa mga bodyguards mo. Gabi na rin kasi. Baka masyado ka nang mapagod."

"Hindi naman ako pagod. Baka nga ikaw 'yung pagod diyan."

Natawa siya sabay iwas ng tingin. "Medyo nga. Kanina pa 'ko inaantok."

"O, see. Ang haba kasi ng byahe natin galing sa hideout e. Tapos naghintay ka pa ro'n sa tattoo shop. Do you want something right now?"

Napaisip muna siya bago sumagot. "Gusto ko ng kape. Timplahan mo 'ko?"

"Okay. Kaso baka hindi ka masarapan kasi hindi ako masyadong marunong."

"Basta mag-timpla ka lang. Iinumin ko."

"Pinky swear?"

"Pinky swear."

"Okay." Iniwan ko na muna siya para pumunta sa kitchen.

Hindi talaga ako marunong magtimpla ng coffee kasi hindi naman ako umiinom ng gano'n. At kung iinom man ako, I have helpers who will prepare one for me. But I still want to do my best just for Ark.

I poured hot water into the mug, tapos nilagyan ko ng one tablespoon of coffee, two tablespoons of sugar, and then the creamer. Feeling ko nga lang medyo kulang pa 'yung kape so I added another tablespoon. Ayan, I guess tama na 'to.

Tinawag ko na si Arkhe pagkatapos. "Your coffee is ready."

Pinuntahan niya agad ako. Ang lapad-lapad pa ng ngiti niya. "Ang sweet naman. Parang ang sarap niyan ah, naaamoy ko e."

Ngumiti lang ako, tapos inabot na sa kanya 'tong mug. "Careful. It's too hot."

Dahan-dahan naman siyang humigop. I just waited for his reaction. Nag-eexpect ako na mapapangiti siya nang malapad at sasabihin niya sa 'kin kung ga'no kasarap, kaso bigla na lang niyang ibinalik sa pagkakapatong 'yung mug dito sa table tapos yumuko siya.

"W-why?" I asked. "Anong lasa?"

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at do'n ko nakitang nagpipigil na pala siya ng tawa.

Bumagsak ang mga balikat ko. "Hindi masarap?"

"Ga'no karaming kape ang nilagay mo?"

"Uhm, 1 full tablespoon. Tapos I added another one. So bale two. Kulang ba?"

Natawa siya lalo. "T*ngina ginawa mong Milo 'yung kape ah."

"Arkhe! What does that mean?"

Umiling-iling lang naman siya habang natatawa pa rin, tapos umalis siya para kumuha ng bagong mug.

"Halika dito, tuturuan kita magtimpla."

I pouted my lips. So ibig sabihin hindi niya nagustuhan ang hinanda ko. Sumunod na lang agad ako sa kanya at tinabihan siya. "Sorry, Arkhe. Hindi ako marunong magtimpla ng coffee, e."

He just smiled at me and kissed me on the forehead. "Ayos lang. Mahal pa rin kita."

"Really?"

"Oo. Kahit na muntik na 'kong atakihin sa puso dahil sa dami ng nilagay mong kape."

Natawa na ako at napatakip ng mukha. "Ah, marami pala. Sorry. Akala ko kasi kulang pa kaya dinagdadan ko. Ilang tablespoon ba dapat?"

"Mga 1/4 lang ng kutsara. Ganito." Pinakita niya sa 'kin habang nagtitimpla siya.

Nakakahiya tuloy. Sobrang dami pala talaga nung nilagay ko. "I'm sorry," I just said once again.

"Ayos lang. At least marunong ka na sa susunod. 'Wag mo 'kong papatayin, ah?"

Natawa na lang ulit ako. Tapos tumalikod na para bumalik sa table. Liligpitin ko na dapat 'tong palpak na coffee na tinimpla ko nang mapansin ko si Ark na sumunod agad sa 'kin.

Pinatong niya 'yung bago niyang kape rito sa table, then he gently traced my new tattoo again using his finger and stared at it. "Bagay talaga sa 'yo."

"Na-in love ka ba lalo sa 'kin?"

"Oo, e. Masyado na nga akong patay na patay sa 'yo. Gusto na kitang pakasalan bukas."

Natawa ako. "Pwede naman."

Natawa rin siya tapos bigla niya na lang akong niyakap mula sa likuran. E wala siyang suot na shirt ngayon kaya naramdaman ko agad ang init ng katawan niya.

He whispered near my ear. "Sab."

"Hmm?"

"I love you."

I smiled. "I love you, too."

"Hindi ako magsasawang sabihin 'yon sa 'yo nang paulit-ulit." Hinalikan niya pa ako sa balikat.

Sasagot dapat ako sa kanya pero hindi ko nagawa kasi biglang nagtuloy-tuloy ang paghalik niya. Umakyat ang mga 'yon nang dahan-dahan sa leeg ko.

I gasped and closed my eyes. "A-Ark."

Hindi siya tumigil. Dinikit niya pa lalo ang katawan niya sa likod ko. His hand began roaming around my upper body and the moment he reached my bo0b, he grabbed it and gently massaged it while still sucking my neck.

Oh my God. Gusto kong bumigay pero pinigilan ko ang sarili ko. Umikot ako paharap sa kanya at hinarangan siya sa dibdib. "Hey, s-stop."

Tumigil naman agad siya tapos napangisi na lang. "Bakit?"

"I don't want to do that here."

"Bakit?"

"Wala. Gusto ko sa hideout lang natin gagawin ang bagay na 'yon."

"Ha? E pa'no kung gusto ko? Kagaya ngayon. Pupunta pa tayo sa hideout?"

I chuckled. Then I squeezed his cheeks and kissed him on the lips. "You're so cute. Basta, gusto ko sa hideout lang tayo magga-gano'n. Para special."

Wala na siyang nasabi. Napakamot na lang siya sa ulo niya. "Akala ko pa naman..."

"You thought what?"

"Akala ko matutuloy na tayo ngayon. Nabitin ako kaninang umaga e. Panira kasi 'yung gripo."

Natawa ako sabay palo sa dibdib niya. "'Wag mo na ngang ipaalala 'yon. Nahihiya ako na natatawa e. That was so epic."

Pati siya natawa na rin. "Sa susunod na balik natin do'n sa hideout, sa sahig na lang natin gawin. Para siguradong wala tayong masisira."

Natawa lang ulit ako tapos hinaplos ko ang gilid ng buhok niya. "Ikaw talaga. Ubusin mo na nga lang 'yung coffee mo. I think I need to go home already. Baka kulitin na naman ako ng head bodyguard ko."

"Oo nga pala. Sige, tapusin ko lang 'to." Kinuha na niya ulit ang mug niya para uminom.

***

HINDI NAGTAGAL AY umalis na rin kami ni Arkhe sa bahay nila at hinatid na niya ako sa mga bodyguards ko.

Mabilis kaming nakarating dito sa tapat ng restaurant sa Q.C kasi malapit lang naman 'to kila Ark. Tinawagan na nga ulit ako ng head bodyguard ko kasi kanina pa pala sila naghihintay, pero hindi ko pa rin sila pinupuntahan hanggang ngayon. Nandito pa rin ako sa loob ng sasakyan ni Arkhe. Ayoko pang bumaba e. Parang nalulungkot ako kasi hindi ko na naman siya makakasama.

"Call me when you have time, okay?" sabi ko habang nakayakap sa kanya ngayon. I just can't let him go.

Hinaplos-haplos niya naman ang likuran ko. "Tatawagan kita tsaka ite-text palagi. Kelan ba tayo ulit magkikita?"

"I don't know yet. Kailangan ko munang magpalakas kay Amanda ngayon para payagan niya 'ko sa gusto kong mangyari."

"Hmm, sige. Balitaan mo 'ko kung ano'ng napag-usapan niyo."

"I will. Tapos kapag pumayag na siya at ang mga Reverente, magkita agad tayo kasi sasama na ako sa 'yo no'n. I'll live with you."

"Gusto ko 'yan. Hihintayin ko ang tawag mo." He kissed me on my head. "Sige na, puntahan mo na 'yung mga bodyguards mo sa labas. Kanina pa sila naghihintay. Baka barilin na 'ko ng mga 'yan."

Natawa ako tapos kumalas na sa pagkakayakap sa kanya. "I'll see you again soon. I love you."

"I love you."

We kissed on the lips, bago niya ako inalalayan pababa ng kotse.

Kinuha niya ang mga painting materials ko at ibang mga gamit mula sa car trunk para ilipat naman sa sasakyan na sumundo sa 'kin. I just waved goodbye at him after and got inside our car.

Pagkaupong-pagkaupo ko, tinanong ko agad ang head bodyguard ko. "Anong nangyari sa bahay? Hinahanap na naman ba ako sa inyo ni Amanda?"

Hindi ito sumagot. Sinenyasan lamang nito ang driver na magmaneho na para umalis.

Hindi na lang ulit ako nagtanong. Wala rin naman kasi talaga akong makukuhang sagot sa kanya. My bodyguards were ordered not to speak too much. Ang trabaho lang talaga nila ay bantayan ako.

I just relaxed here in the car. Ngayon ko na naramdaman 'yung pagod mula sa dami ng ginawa ko kahapon tsaka kanina. Hinihiling ko na lang na sana hindi kami maipit sa traffic para makauwi na 'ko agad.

Natupad naman ang hiling ko. In less than an hour, nakarating na rin kami dito sa exclusive village.

Hinanda ko na ang sarili ko at ang mga gamit ko, pero natigilan na lang nang makitang ang daming mga sasakyan sa labas ng bahay namin. Are these my other bodyguards?

Tinanong ko nga ulit 'tong head bodyguard ko kung ano ba talagang meron, but as expected, hindi pa rin niya 'ko sinagot.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Don't tell me my sister is here? Kaya ba siya tumatawag sa 'kin kahapon? It's impossible, kasi nagsasabi naman 'yon sa 'kin kapag may balak siyang magbakasyon dito sa Pilipinas.

Pumarada na ang sasakyan namin at agad na akong bumaba para pumasok sa bahay.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng main door, tumambad sa 'kin ang mga naka-black uniform na bodyguards. Pinanlakihan ako ng mga mata at mas lalong tumindi ang kaba ko.

I know these guys. They're not my sister's bodyguards, they are Morris'!

Hindi ko na sila nagawang pansinin, nagmadali na agad akong umakyat papunta sa dating office ng parents ko sa itaas. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon! God, please tell me na mali ako ng iniisip. Please tell me na hindi si Morris ang dumating kahit na alam kong siya talaga dahil kilalang-kilala ko ang istura ng mga tauhan niya.

Pagkapasok ko rito sa office na alam kong pwede niyang pag-stay-an, wala naman akong naabutang tao. Pero alam kong may gumagamit kasi bukas ang mga ilaw at aircon, at may naka set-up na laptop sa desk.

Dumiretso agad ako ro'n. My eyes quickly widened in horror when I saw Arkhe's photos scattered here on the table! Oh my God. Taranta kong kinuha lahat at isa-isang tiningnan. May mga documents din dito na naglalaman ng lahat ng mga personal information ni Arkhe!

No, no, this can't be happening. Nanginginig na ang mga kamay ko ngayon. Morris already knew about Ark. Pa'no 'to nangyari!

Napansin ko na bukas rin pala 'tong laptop na nandito sa desk. I moved the mouse to light it up. At halos bumigay na lang nang tuluyan ang mga tuhod ko nang makita kung ano ang nasa screen. It's a CCTV footage. May kuha kami ni Arkhe no'ng unang beses niya 'kong hinalikan sa tapat ng bahay!

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top