Chapter 11

ISABELA

"Ark!" I exclaimed the moment he answered my phone call. "I'm so sorry, ngayon lang ako nakabalik ng bahay."

"Ayos lang," he said on the other line. "Hindi ka pa naman gano'n katagal. Tapos na 'yung meeting mo?"

"Yes. Medyo na-late lang kasi nag-finalize pa ng details 'yung mga wedding coordinators. Nakakainis nga, pero okay na ngayon. I'll just get my stuff tapos magkita na tayo. Is it okay kung sunduin mo 'ko dito sa bahay?"

"O, akala ko tatakas ka? Hindi na?"

"Hindi na. Magsasabi na lang ako nang maayos sa mga bodyguards ko."

"Okay lang ba 'yon?"

"Yes. H'wag kang mag-alala, just trust me."

"Sige. Papunta na 'ko diyan. Malapit naman na sa inyo 'tong pinagtatambayan ko."

"Okay! See you in a few minutes." Binaba ko na ang tawag at dumiretso na sa kama ko para i-handa ang mga gamit na inayos ko na kagabi pa.

Arkhe will bring me to his hideout today. Excited nga ako. Mago-overnight kami ro'n para raw mas sulit ang punta namin. That's fine with me kasi komportable naman na 'kong kasama siya. At hindi rin naman ito ang unang beses na makakasama ko siya nang buong magdamag. Nagawa na namin 'yon no'ng sinama niya 'ko dati sa gig niya sa La Union.

As originally planned, dapat kaninang umaga pa kami magkikita, kaso naalala kong may naka-set nga pala akong meeting sa wedding coordinators ko this afternoon. Nakakainis kasi nawala 'yon sa isip ko, sira tuloy ang plano namin ni Ark. One of my coordinators said I need to finalize my wedding details today. Hindi ko na magawang magpalusot kasi baka malaman na naman ni Amanda.

Buti na lang talaga sobrang understanding ni Arkhe. Okay lang sa kanya na ngayong hapon na lang kami umalis. He's always very chill, ako lang talaga 'tong frustrated kanina pa.

Hindi nga ako nakapag-concentrate sa meeting. Mas iniisip ko 'yung pagpunta namin sa hideout. Kaya tuloy lalong tumagal ang meeting e — nahirapan akong mag-decide ng mga designs para sa reception venue dahil wala roon ang full attention ko. Gustong-gusto ko nang makauwi.

It's 3PM now at nagmamadali na ako sa pagbibihis.

I chose to wear a long pleated skirt and a slightly loose top. Sabi ni Ark, malamig daw ro'n sa hideout so I guess this clothing is just perfect. Nakakatawa, I don't usually care about my outfits, pero pagdating kay Arkhe, parang gusto ko palagi akong presentable.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos. Hope he likes what I'm wearing. I fixed my long and wavy hair next, then I finally grabbed my leather duffle bag from the bed and went out the bedroom door.

Naabutan ko dito sa labas ang isa sa mga bodyguards ko. Dala na niya 'yong mga painting materials na pinakuha ko sa kanya galing sa art room.

"Idi-diretso ko na ho ba ito sa kotse?" tanong niya sa 'kin.

"Uhm, not in our car. May susundo sa 'kin. Do'n mo na lang ilagay ang mga 'yan sa kotse niya."

"Sige ho."

Pababa na 'ko ng hagdan ngayon nang bigla namang mag-ring ang phone na hawak ko. Akala ko si Arkhe, ang kapatid ko palang si Amanda. Nagvi-video call.

Bumuntong hininga ako. Alam ko na kung bakit 'to tumatawag, eh. It's either makikibalita siya about the wedding preps o kikwestyonin niya na naman ako tungkol do'n sa nangyari no'ng nakaraang araw. Nakarating kasi sa kanya na tumakas ako sa mga bodyguards ko. Hindi pa 'ko nakakapag-paliwanag, at wala naman akong balak.

Binlock ko nga muna 'tong number niya ngayon sa phone ko. Ayoko muna ng istorbo habang magkasama kami ni Arkhe.

Pagkalabas ng mansion, saglit lang akong naghintay at mayamaya lang, dumating na rin si Ark.

Sinenyasan ko na agad ang isa kong bodyguard na ilabas na ang mga painting materials ko para ilagay sa sasakyan. Takang-taka nga si Arkhe habang pababa ngayon at palapit sa 'kin. Imbis na ako ang tingnan niya, do'n siya nakasunod ng tingin sa bodyguard ko na papunta naman sa car trunk.

"Ano 'yung mga 'yon?" Naka-kunot ang noo niya.

"My stuff. Naisip ko na mag-paint sa hideout mo kasi baka makakuha ako ng inspiration. Okay lang ba?"

"Ah, oo naman." Bumalik siya para buksan ang trunk. Tapos pinuntahan niya ulit ako para alalayan na sa pagsakay.

Bakit parang mas gumwapo yata siya ngayong araw? Partida, he's just wearing a simple shirt. Siguro natural lang talaga na malakas ang appeal niya. At ang bango niya rin talaga. Amoy na amoy siyang lalaki.

Pagkapasok ko rito sa loob ng sasakyan, napansin ko naman agad 'yong mga brown paper bags sa passengers' seat sa likod.

"'Yan ba 'yung mga binili mo sa grocery store?" Tanong ko no'ng makapasok na rin siya sa kabilang pinto.

"Oo. Magluluto tayo mamaya, 'di ba?"

Tumango-tango agad ako sa kanya. Mas lalo akong na-excite. "Oo nga. Nabili mo ba 'yung gusto kong instant noodles?"

He chuckled. "Oo, meron diyan. Na-adik ka na sa instant noodles, ah. Masama 'yan."

"Ngayon pa nga lang ako nag-uumpisang kumain ng gano'n. Hindi naman ako mamamatay agad." Nagkabit na ako ng seatbelt at inayos 'tong bag ko sa lap. "Anong una nating lulutuin mamaya?"

"Burgers. Kumakain ka ba no'n?"

Hindi ko siya sinagot, tiningnan ko lang siya.

Natawa lang naman ulit siya sa 'kin. "Oo nga pala, kumakain ka nga pala ng gano'n." Tapos bigla siyang napatingin sa suot ko habang nagkakabit na siya ng seatbelt. "Ang ganda na naman ng damit mo."

I smiled. "Really?"

"Oo. Kanina ko pa nga dapat pupurihin pagkababa ko ng sasakyan. Yung pormahan mo talaga, para kang palaging pupunta ng meeting e, 'no?"

Natawa na 'ko. Akala ko naman hindi niya napapansin ang mga sinusuot kong dresses. "Too formal ba?"

"Medyo. Pero bagay naman sa 'yo. Ang disente mong tingnan." He turned the car's engine on, pero bago siya nag-umpisang mag-drive, lumingon muna siya sa likod. "Nakakapanibago na walang nakabuntot na mga kotseng itim sa 'tin."

"Oo nga e. Wala akong bodyguards ngayon."

"Anong dinahilan mo sa kanila?"

"Wala naman. Sabi ko lang may importante akong aasikasuhin. Buti nga sumusunod pa sila sa mga utos ko despite what happened days ago. Ang sarap maging malaya."

Natawa siya tapos nag-umpisa nang mag-drive. "E 'di didispatsahin mo na talaga ang mga bodyguards mo niyan?"

"Gusto ko na nga. Kasi alam mo, kapag kasama kita, parang hindi ko na kailangan ng bodyguards. I feel safe when I'm with you."

"Naks. Medyo kinilig ako diyan, ah."

Napangiti na lang ako, tapos tumingin ulit sa mga gamit do'n sa likod. "May dala ka rin bang damit?"

"Meron. Hindi kasi ako sigurado kung may damit pa 'ko ro'n sa hideout. Wala akong susuotin kung sakali. Baka makita mo pa 'tong KPR ko."

"Anong KPR?"

"Katawang Pang-Romansa." Ngumisi pa talaga siya sa 'kin habang nagtataas-baba ng mga kilay.

Pinalo ko agad siya sa braso. "Ikaw talaga. Why do you always grin like that?"

"Bakit? Ayaw mo?"

"Mas lalo kang nagmumukhang makulit."

"Makulit ba 'ko?"

"Oo."

"Parang hindi naman. Hindi nga ako masyadong makapag-loko kapag kasama ka. Pumo-pormal din ako."

"Bakit ka naman pumo-pormal? This is just me, h'wag kang ma-pressure."

"Pa'nong hindi mape-pressure. Tingnan mo naman . . ." tinuro niya 'tong suot ko. ". . . Madam na madam ka. T*ngina nagmumukha na nga yata akong driver mo e."

"Hindi kaya! Tsaka ang hot mo namang driver kung sakali."

Bigla siyang napalingon sa 'kin. "Ha?"

Napaiwas agad ako ng tingin. "Wala."

"Ano nga? Paki-ulit, hindi ko narinig e."

"Wala nga." Nagpipigil na 'ko ng ngiti.

"Wala raw. Sabi mo, hot ako."

"Narinig mo naman pala. Oo na. Hot ka naman talaga kasi."

"Syempre naman. Kaya ka nga agad na-in love sa 'kin, 'di ba?"

Hindi ko siya sinagot, tiningnan ko lang siya nang masama.

Natawa lang naman ulit siya. "Ang cute mong mainis." Kinurot niya pa ako sa chin ko.

Alam na alam niya talaga kung paano maging sweet, e. Hindi naman na ulit ako nagsalita, binuksan ko na lang 'tong radio niya. Nakakatuwa nga kasi sakto, 'Country Roads' 'yung pinatutugtog.

Nagkatinginan agad kami ni Arkhe.

"Kanta mo 'yan ah," sabi niya pa sa 'kin.

"Oo nga e. Ang galing." Nilipat ko ang tingin ko sa bintana at pinakinggan na lang ang magandang music.

Country roads, take me home...
to the place I belong.
West Virginia, mountain mama,
Take me home, country roads...

Ang sarap sa pakiramdam. This song really soothes my soul. Sumakto pa na may kasama akong special na tao habang nakikinig. Para tuloy biglang naging unforgettable sa 'kin ang kanta pati 'tong moment na 'to.

Sinilip ko si Arkhe. Kumakanta na rin siya nang mahina while bobbing his head to the song. Napangiti ako. I know this isn't his type of music pero nakakatuwang makita na nae-enjoy niya ang mga bagay na gusto ko.

**

AS USUAL, HINDI ulit ako nainip kahit pa mahaba ang byahe. Magaan at masarap kasi talagang kasama 'tong si Arkhe. He's never the boring type.

Nag-uumpisa nang magdilim no'ng makarating kami sa lugar ng hideout niya. Nakapunta na pala ako rito sa Tagaytay dati, hindi ko lang alam na ito pala 'yon. Ang lamig ng hangin dito, at ang peaceful ng mood. Looks like I'll have a great time here.

"Ito na 'yong hideout," biglang sabi naman ni Ark.

Napatingin agad ako sa bintana. Papa-hinto kami sa tapat ng isang maliit na brick house. Sobrang serene ng dating kasi napapalibutan ito ng mga matataas na puno.

Bigla na naman tuloy akong na-excite. Nauna na akong bumaba ng sasakyan pagkahintong-pagkahinto namin. Hindi ko na hinintay si Arkhe na pagbuksan ako. I got so fascinated!

So, ito pala ang hideout niya.

"Pwede na ba akong pumasok?" tanong ko agad kay Ark na kaba-baba lang din.

"Sige, una ka na. Ito susi." Inabot niya.

Tinanggap ko at dumiretso na papunta sa hideout. This brick house kind of looks old, pero ganitong-ganito 'yung mga gusto ko. Pagkabukas ko ng pinto, mas lalo pa akong nagandahan sa itsura nitong loob. It's loft-style with a minimalist decoration. Kitang-kita ko na agad ang itaas na parte na ginawang open bedroom.

"Ayos ba?" biglang tanong sa 'kin na Arkhe na nasa likod ko na ngayon.

"I love it!" My eyes are still gazing around. "Who maintains this place?"

"Ako lang. Nakaka-relax dito, 'di ba? Kaya madalas akong nagso-solo dito e."

Nauna na siyang pumasok sa loob dala 'yong mga binili niya sa grocery store. Nilagay niya ang mga 'yon sa two-seater na table sa may kitchen.

Tumuloy na rin ako sa pagpasok. Pinagmamasdan ko lang si Ark na binubuksan naman na ngayon 'yung long curtains ng mga bintana. Mas lalong umaliwalas dito sa loob dahil sa ginawa niya. Pumasok 'yung malamig na hangin galing sa labas.

Habang nag-aayos siya, naisip kong umakyat muna sa open bedroom sa itaas.

Nakakatuwa kasi kahit na first time ko rito, this place feels like home already. Pinatong ko ang bag ko sa queen-sized bed at nilibot ng tingin 'tong buong kwarto. Maaliwalas din dito, siguro dahil may malaking full-glass window sa tabi. Pumunta nga ako ro'n para sumilip. Ang ganda sa labas! Puro puno. Pakiramdam ko tuloy nasa malayo kaming lugar na kaming dalawa lang ang nakatira.

Ilang saglit lang naman, umakyat na rin dito sa Arkhe dala ang gamit niya. "Gusto mo rito?"

"Sobra. Gusto ko 'yung mga ganitong lugar."

"Oo nga e. 'Very calm, very peaceful', 'no?"

Napangiti ako. Kabisado niya na pati ang pananalita ko.

"Gutom ka na ba?" Sumunod niyang tanong. "Gusto mong maghanda na 'ko ng pagkain?"

"Mamaya na. Busog pa naman ako dahil sa ininom nating tea kanina sa byahe. Let's rest first."

"Sige. Kukunin ko pa pala 'yung mga pang-paint mo sa sasakyan."

"Oh! Yes, please. I'll paint here. Na-inspire ako, ang ganda nitong hideout."

He just smiled at me sweetly, tapos bumaba na siya ulit at lumabas para kunin 'yung naiwan kong mga gamit sa kotse.

Habang wala siya, hinanda ko naman muna ang mga personal stuff ko. Nilabas ko ang favorite night gown with matching silk robe ko, towel, at mga toiletries galing sa bag, tapos binaba ko na sa bathroom.

Then I went next to the kitchen to see the items Arkhe bought from the grocery store. Ang daming pagkain! Bakit para yatang hindi overnight kung 'di 3 days kaming magse-stay dito.

Nilabas ko 'yung laman nitong mga brown bags. Bukod sa pinabili kong instant noodles, may nakita rin akong bundle of three bananas. Parang gusto kong kumain nito. Pinatong ko na muna sila saglit sa table tapos pumunta ako ro'n sa mga kitchen drawers at isa-isang binuksan.

Sakto naman, bumalik na rin si Arkhe. Dala na niya 'yung mga painting materials ko.

"Sa'n ko 'to ilalagay?" tanong niya.

"Diyan na lang. I'll get them ready later."

Nilagay niya lang din naman sa living area 'yung mga gamit ko tapos lumapit na siya sa 'kin. "Anong hinahanap mo diyan sa mga drawer?"

"Uhm, fork."

"Para saan?"

"For the banana. Kakain ako e."

Nagsalubong ang mga kilay niya pagka-lapit niya sa 'kin. "Pati saging, tini-tinidor mo?"

"Yes, bakit? Mali ba?" Kinuha ko na 'tong fork na nakita ko sa isang drawer.

Hinugasan ko lang saglit tapos bumalik na ako ro'n sa table. Humila ako ng isang high stool at umupo.

Si Arkhe naman, sumunod lang sa 'kin. Takang-taka pa rin ang itsura niya, lalo na no'ng binalatan ko na 'tong banana at sinimulang hiwain at kainin gamit ang fork.

"T*nginang 'yan, ano'ng ginagawa mo." Parang natatawa na siya.

Natawa na rin tuloy ulit ako. "Why?"

"Ba't ganyan ka kumain. Medyo tanggap ko pa nung tininidor mo dati 'yung french fries. Pero saging?"

"I'm sorry. Gan'to talaga ako kumain ng banana ever since. Ayoko kasi kapag sinusubo nang buo."

"Sino ba kasing nagsabi sa'yong isubo mo nang buo? Konti-konti lang."

"No, I mean, kapag sinusubo mo siya sa mouth. 'Di ba parang ang pangit tingnan?"

Natahimik naman siya, tapos bigla na lang napangisi.

Nagtaka ako. "Bakit?"

"Wala." Nagpipigil na siya ng ngiti. "May na-imagine lang ako."

"Anong na-imagine?"

"Secret. Baka hindi mo pa alam 'yon e."

Late ko na na-realize kung ano 'yung tinutukoy niya. Napaikot tuloy ako ng mga mata tsaka tumuloy sa pagkain. "Ah, that. Alam ko 'yon."

"Talaga? Pa'no mo nalaman, sabi mo hindi ka pa nagkaka-boyfriend."

"Hindi pa nga. But I watch movies, and I read books. So I know stuff like that."

Napangisi siya. "Anong klaseng mga libro ba 'yang binabasa mo."

Natawa na lang ako, tapos tumuloy lang sa pagkain ng banana.

"Ano pa lang ipi-paint mo?" tanong niya naman ulit.

"Hmm, I'm not sure yet." Sabay titig ko sa kanya. "Gusto ko nga sana, ikaw e."

"O, akala ko ba mga landscapes lang ang pine-paint mo? Ba't biglang ako 'yung gusto mong ipinta. Mukhang na ba 'kong bundok ngayon?"

Natawa ako habang ngumunguya. "You're really crazy. H'wag ka ngang nagpapatawa kapag kumakain ako."

"Hindi ako nagpapatawa. Ba't nga kasi ako?"

"Wala lang. I just wanna try. Malay mo, ikaw 'yung unang portrait painting na mape-perfect ko."

"Sabagay."

"So, payag ka? Mamaya mag-pose ka ro'n sa couch."

"Oo ba. May damit o nakahubad?"

I bit my lower lip to keep from smiling. "Syempre may damit."

"H'wag, ang korni no'n. Hindi magandang i-paint. Nakahubad na lang."

"Bakit ba mas marunong ka pa sa artist?"

"Nagsu-suggest nga ako para mas gumanda 'yung gawa mo. Nakahubad na lang."

"No. Half-naked. Hanggang do'n lang."

"Tsk, may pa-half-half pa. Kayang-kaya ko namang buohin."

"Ark!" Napalo ko na siya sa braso. "You're too naughty, stop that."

Natawa lang naman siya. "Binibiro ka lang e. Sige na nga, half-naked lang. Naka T-shirt, pero walang pantalon tsaka briefs. O, half 'yon, ah."

Napanganga na lang ako. Gusto ko sana ulit siyang paluin, pero ang bilis niya nang pumunta ro'n sa living room. Tumatawa-tawa pa. This guy's really impossible.

INUBOS KO LANG 'tong banana ko, tapos sinundan ko na rin siya sa living room.

Nagulat na lang naman ako kasi naka-posing na pala siya rito sa couch without his T-shirt on. "Oh, akala ko..."

"Akala mo ano? Na pantalon tsaka briefs talaga ang huhubarin ko? Ikaw, ah. Gano'n pala talaga ang gusto mong mangyari."

"Hindi, 'no." I rolled my eyes. "Ang ibig kong sabihin, akala ko mamaya pa tayo mag-uumpisa sa painting session."

"Ngayon na. Na-excite ako e. Ayos ba 'tong posing ko? O masyadong hot?"

Natawa na lang ako, tapos nilapitan na siya. Inayos ko 'yung pahiga niyang pose dito sa couch.

I admit, he's really too hot. It's not my first time seeing him half-naked like this though, but I still couldn't help myself but stare at his body — especially at his broad chest and tattooed arm. Para tuloy biglang uminit ang mga pisngi ko.

Tinapos ko na lang ang pag-aayos sa pose niya, then I started preparing my stuff.

God, this is going to be so hard. Ngayon na nga lang ulit ako magta-try mag-paint ng tao, tapos half-naked pa.

"Hey," I called him. "Kapag natapos ko na 'tong painting, don't judge, okay?"

"Oo naman. Kelan ko ba hinusgahan 'yung mga gawa mo."

"Pinky swear?"

Napangiti siya. "Pinky swear. Game na, medyo nangangalay na 'ko."

"Agad? Hindi pa nga tayo nag-uumpisa."

"'Yun na nga e. Ang hirap palang maging model. Dapat may bayad 'tong kiss mamaya, ah."

Natawa na lang ako, tapos nag-umpisa na rin sa pag-paint.

'Yan na naman siya sa kiss. Bigla ko na naman tuloy naalala 'yung gabing hinalikan niya 'ko.

That was my first. Isa nga yata 'yon sa reasons kung bakit hindi na siya nawala sa isip ko tsaka kung bakit tumuloy 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung gano'n ba talaga humalik ang mga lalaki, pero ang intense nung kanya. It's like he's been wanting to kiss me for a very long time.

Sinilip ko siya ngayon do'n sa couch. Nakatingin lang din pala siya sa 'kin at pinanonood ako. I just smiled at him.

Ano bang ginagawa nitong lalaking 'to, he's becoming more and more handsome in my eyes. Naalala ko rin tuloy 'yung gabing tumakas ako sa mga bodyguards ko para lang puntahan siya sa club.

Ewan ko ba kung bakit pumasok sa isip ko na gawin 'yon knowing na mahina ako sa directions at malaki ang possibility na maliligaw ako. Siguro kasi sobrang namimiss ko na talaga siya that time dahil nga ang tagal na naming hindi nagkikita o nagkakausap. Totoo nga ang sabi nila, na kapag nainlove ka, meron ka talagang mga bagay na magagawa para lang sa taong 'yon.

Honestly, hindi ko inexpect na mahuhulog ako rito kay Ark kasi nga saglit ko pa lang naman siyang kakilala. At first, I admit ginamit ko lang siya para mabawasan ang pagkainip ko sa bahay. Pero ngayon, tuluyan na 'kong na-fall sa kanya. This certified playboy.

Naiinitindihan ko na tuloy si Jewel sa sinabi niya sa 'kin dati na maraming nababaliw na babae kay Ark. It seemed true, kasi isa na rin ako sa mga nababaliw kay Arkhe ngayon.

I can't get him off my mind. Mas lumalim pa 'yung nararamdaman ko sa kanya no'ng nakita ko siyang nakipag-away just to save me, tsaka no'ng pumayag siya na sulitin namin yung three months na hindi pa ako kasal. Akala ko walang lalaki na papayag sa gano'n, but here he is. He makes love so easy.

I somehow felt guilty that time, though. Kasi wala pa rin naman talaga akong assurance na maibibigay sa kanya. Pero ayoko nang magpakipot. Tutal, 'yon naman talaga ang gusto kong mangyari.

Sinilip ko ulit si Ark ngayon sa couch. Medyo napapa-pikit pikit na siya.

Natawa na lang ako. Ilang minutes pa nga lang siya sa posing niya pero inantok na siya agad. Sabagay, nabanggit niya sa 'kin dati na mabilis siyang mainip pagdating sa mga ganito.

Nilapitan ko na lang muna siya para ayusin ulit ang pose niya.

Halata namang nagulat siya na lumapit ako. Bigla siyang napadilat. "Nakatulog ba 'ko?"

I chuckled. "Yes. Medyo nagulo na nga ulit 'yung posing mo e."

"Sorry, sorry." Bumangon siya.

"It's okay. Let me fix it."

Aalalayan ko pa lang sana siya sa shoulders niya, pero bigla niya na lang akong hinila sa kamay. I lost balance and fell on top of him!

He then smirked na para bang may pinaplano siyang hindi maganda sa 'kin. At meron nga. He grabbed my head and kissed me full on, on the lips! Nabigla ako pero ang bilis ko rin namang bumigay. Parang wala man lang akong nagawa. I admit I missed this so much.

I placed my full weight on his body and started kissing him back. Hindi talaga ako marunong ng ganito but I just let his lips guide me. They were warm and hungry and aggressive. Now I can feel my cheeks heating up again. Alam ko, dapat patigilan ko siya dahil mali 'to at baka kung saan pa kami mapunta, pero hindi ko rin naman magawang magpigil. Gustong-gusto ko kung paano niya 'ko halikan.

Nagulat na lang ako no'ng maramdaman ko na ang kamay niya na humahaplos sa likod ko. And all of a sudden, he gripped my hips and pulled me closer to his crotch. I felt something bulging in his pants!

Napatigil agad ako sa paghalik at tarantang tumayo. "Oh my God, I-I'm sorry."

Nagtaka siya pero ang bilis pa rin namang umalalay sa 'kin. "Ayos ka lang?"

"Yeah, I...I just need to go to the bathroom."

I composed myself and walked away.

Hindi naman siya sumagot. Pero nakita ko siya na napangisi na naman tapos binagsak ang katawan niya sa couch sabay haplos sa buhok niya.

God, my cheeks and hands feel numb right now at ang lakas pa ng tibok ng puso ko. Dumiretso na 'ko sa bathroom para magtago saglit.

Pagkapasok ko rito, napansin ko agad 'tong mukha ko sa salamin. Sobrang pula ko! Sana hindi 'to nakita ni Arkhe, nakakahiya. Actually, hiyang-hiya ako bigla ngayon. I covered my entire face.

Alam ko, ginusto ko rin 'yon at pinayagan ko si Arkhe na gawin 'yon. But that thing that just happened wasn't right. I'm getting married in a few months, for Pete's sake! Bakit ba sa dinami rami ng pagkakataon na pwede akong magkasala, ngayon pa.

Naghilamos na lang muna ako ngayon ng mukha para mabawasan kahit papa'no 'tong nararamdaman kong init.

Ilang saglit lang naman, bigla na lang akong kinatok ni Arkhe dito sa bathroom. "Sab?"

I panicked! Hinarangan ko agad 'tong pinto kasi baka buksan niya. "Y-yes?"

"Ayos ka lang diyan?"

"Uhm, y-yes. I'll just take a quick shower tapos magpe-paint na ulit ako."

"Hmm, sige. May kailangan ka ba?"

Chineck ko muna 'tong mga gamit ko sa loob na nilagay ko na kanina pa, tsaka ako sumagot. "I'm good. Thanks."

"Okay. Nandito lang ako 'pag may kailangan ka."

Hindi na ako sumagot. Sumandal na lang ako rito sa naka-lock na pinto at hinawakan ang dibdib ko. I shut my eyes tight, feeling my heart still pounding loud in my chest. Bakit gano'n, bakit kung kausapin niya 'ko parang wala lang? Para walang muntik na mangyari.

Mayamaya lang nag-umpisa na rin akong mag-shower. Tinagalan ko talaga para makapag-isip isip muna ako ng gagawin ko tsaka sasabihin ko 'pag labas ko.

Pero parang hindi pa rin naman nakatulong. Hindi pa rin ako mapakali ngayon kahit pa na-relax na ang katawan ko dahil sa maligamgam na tubig. I put on my black, floral night gown with matching silk robe and headed out the bathroom.

Naabutan ko si Arkhe sa kitchen na nagpe-prepare na ng lulutuin niya.

Napalingon nga agad siya sa 'kin pagkalabas ko. He's still shirtless. "Ang tagal mo naman. Gutom ka na?"

"Uhm, hindi pa naman. But I'll help you prepare food. Mag-aayos lang ako." Umakyat na ako sa itaas.

"Sige. Maliligo lang din ako saglit."

Since this house is a loft-style, nagawa ko siyang sundan ng tingin habang siya naman ang papunta ro'n sa bathroom dala ang towel niya. Buti na lang nakaligtas ulit ako at hindi ko pa siya kinailangang kausapin nang matagal. I'm still not ready to face him.

Pagkarating ko rito sa itaas, nilabas ko agad ang hair brush and body lotion ko galing sa dala kong duffle bag.

Nag-ayos ako ng sarili. I massaged some of my favorite Victoria's Secret lotion on my hands and arms, and then on my legs. Tapos tumayo na 'ko dala naman ang hair brush ko. Dito ako nagsuklay sa tapat ng bintana. Madilim na sa labas, walang ibang ilaw kaya kitang-kita ko ang buwan at mga bituwin sa langit.

Kinakabahan pa rin ako. Feeling ko may mangyayari ngayong gabi na hindi dapat mangyari. Ang mas kinakatakot ko pa, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I might give in this time.

Nagulat na lang naman ako no'ng narinig ko na si Arkhe na lumabas galing sa bathroom. Paakyat siya rito sa itaas.

Inaabangan ko siya, pero napaiwas din naman agad ako ng tingin no'ng nakaakyat na siya rito na bago ng ligo. He's wearing nothing but a towel wrapped around his waist. Ano ba, nananadya na ba talaga siya?

"Sorry," sabi niya naman. "Hindi ko pala nakuha 'yong damit ko rito sa itaas."

"It's okay."

"Ang bango mo naman. Ikaw ba 'yon?"

"Uhm, I guess. Baka 'yung lotion ko."

Akala ko didiretso na siya ro'n sa mga gamit niya, but no. Dito siya dumiretso sa 'kin, sa tapat ng bintana. I can now smell his after shower scent.

"Sab?"

Hindi ko siya pinansin.

Tumuloy pa rin naman siya ng lapit tapos bigla niya na lang akong hinawakan sa magkabilang balikat ko. I gasped and shut my eyes. God, please tell me hindi pa ito 'yon.

Dahan-dahan niya akong inikot paharap sa kanya. He's staring at me now like I'm his fantasy. I also tried to look straight at his eyes, pero hindi ko kinaya. Ako ang unang umiwas. Masyadong malalim ang tingin niya, parang bigla na lang akong matutunaw.

Nilipat ko na lang ang tingin ko sa katawan niya. My finger slowly traced his chest.

Pansin kong nakatingin lang siya pababa sa 'kin at pinanonood ako. "Anong gusto mong gawin?"

Napalunok ako. Bakit parang mas naging sexy pa ang boses niya ngayon? I bit my lower lip and just answered, "I don't know."

"Ano nga?"

Umiling ako.

Nagulat na lang naman ako, bigla niyang inangat ang mukha ko gamit ang daliri niya tapos hinalikan ulit ako. His mouth started moving, pero hindi ko na siya magawang sabayan this time. I was so stiff.

Parang nagtaka tuloy siya. Tumigil siya sa paghalik at tiningnan ako. "Bakit?"

"I...I'm nervous."

Ngumisi lang naman siya sa 'kin, tapos bigla niyang inabot ang isa kong kamay at ipinahawak sa towel na nakabalot sa ibaba niya. "'Pag handa ka na, hilain mo lang 'yan."

My eyes widened in shock! "Arkhe."

"H'wag kang mag-alala, ayos lang."

"No. Stop teasing me like this." Nagpipigil na nga ako pero ganito pa siya.

He just gave me another smirk though, tapos bigla na niya uling nilapit ang mukha ko at tinuloy ang paghalik sa 'kin. Hindi pa rin naman ako nakapalag. He's even more aggressive this time — tipong hindi ako nakahinga dahil sa bilis ng bibig niya. Gusto ko na siyang harangan at awatin dahil 'yun ang tama pero mas diniinan niya lang ang paghalik niya. I feel like he's chewing and eating my entire mouth!

Diretso-diretso siya sa paghalik hanggang sa bumababa na ang mga labi niya sa jaw line ko, down to my neck, then to the upper part of my breast. He bit me there and sucked my skin! Do'n ako tuluyang nawala sa sarili. Mabilis ko nang hinila 'tong towel na nakabalot sa kanya at hinayaan 'yong mahulog sa sahig — revealing him in his full nakedness.

Bahala na, I'm willing to face any consequences. I just want to be all his.

Mukha namang 'yung towel lang talaga ang hinihintay niyang go signal. His lips smirked against my skin tapos bigla na niya akong sinandal dito sa pader sa gilid ng bintana. He aggresively held both of my wrists up and continued kissing me up and down my neck! I got completely turned on I couldn't help but m0an a little!

My God, hindi ko na alam kung ano na'ng mga nangyayari. But one thing's for sure, this guy is going to ravish me tonight.

TO BE CONTINUED

Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter! And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top