Chapter 03
AUTHOR'S NOTE: This chapter hasn't been edited yet and is written in the third-person POV
**
ARKHE
"Let's go?" Alok na sa kanya ni Isabela.
Sumunod naman agad siya ng lakad. Abala na ulit si Isabela sa pagtingin sa mga paintings. Siya naman, abala sa pagtingin dito.
Mas maganda pa ito kaysa sa mga artworks na naka-exhibit. She truly looks like an angel. Napaka-bait ng mukha. Ngayon niya lang ito natitigan nang maliwanag ang paligid. Ang dilim kasi ro'n sa club kung saan niya ito unang nakita. Ngayon, nasiguro niyang iba nga talaga ang ganda ng babaeng 'to. Halatang laki sa yaman dahil sa makinis at maputi nitong kutis.
Mabuti na lang at matino rin ang hitsura niya ngayon. He's wearing a pair of gray pants and a black fitted t-shirt. Kita ang malaki niyang tattoo sa braso at bakat ang malapad niyang dibdib at naglalakikang mga biceps. Sa totoo lang, hindi naman talaga niya kailangang pumorma para mapansin. He has a very strong s*x appeal at natural siyang gwapo kahit na ano pang suotin niya.
Going back to Isabela, she seems like a shy girl. Tahimik lang ito habang naglalakad silang dalawa. Actually, buong lugar 'yong tahimik. Parang bawal mag-ingay. Ibang-iba ito sa mga bars at nightclubs na pinagkukuhanan niya ng mga gigs.
"So, ito naman pala ang mundo mo?" tanong niya para may mapag-usapan na sila.
Tumingin sa kanya si Isabela at ngumiti. "Yes. Hindi ka ba sanay?"
"Hindi masyado. Pero maganda. Madalas ka talagang pumunta sa mga gan'tong exhibits?"
"Oo. This is my place. Someday, gusto ko ring makapag-exhibit ng kagaya ng ganito." She smiled at him again. "I paint."
Namangha siya. "Talaga? Painter ka?"
Ayos! Pakiramdam niya ay naka-jackpot talaga siya sa babaeng 'to. Sinong mag-aakalang isa itong artist.
"I've been painting since I was little," Isabela added. "Pero hindi ko kayang ipakita sa iba ang mga gawa ko."
"Bakit?"
"Hmm, I don't know. I guess I lack the confidence."
Napangiti siya. "Sigurado namang magaling ka. Sa 'kin mo ipakita ang mga paintings mo, ako magsasabi kung kaya mo nang mag-exhibit."
Natawa lang ito. Tapos mayamaya lang ay umupo ito sa bench katapat ng isang malaking painting.
Tumabi siya. "Pagod ka na? Mukhang kanina ka pag nag-iikot dito."
"Hindi naman. I just love staring at this one. Binabalik-balikan ko 'to, eh. Namamangha kasi ako. Maganda, 'di ba? Oil paint ang gamit diyan kaya ganyan kasarap sa mata."
Tiningnan niya rin. Honestly, hindi siya makapag-bigay ng matinong opinyon kasi hindi naman siya maalam pagdating sa mga painting, pero oo, maganda ito.
"I admire the artist behind that work," dagdag pa ni Isabela. "Ang galing niya kasi sa mga portrait paintings, eh. Hindi ko kaya 'yon. Hindi ko kayang mag-paint ng mga tao."
"Nasubukan mo na ba?"
Tumango ito. "Many times. Kaso parating palpak."
"Ano bang mga pinipinta mo?"
"Landscapes. I love painting gardens, rivers, mountains. Gusto ko 'yong mga gano'ng lugar. Very calm. Very peaceful."
Nakangiti lang siya. Habang pinakikinggan niya ito, tsaka lang niya nauumpisahang ma-realize na parang magkaiba sila ng mga hilig.
Bigla naman siyang tiningnan ni Isabela. "First time mo bang pumunta ng art exhibit?"
"Hindi naman." Kunyari niya lang 'yon, pero first time niya lang talaga.
"Ibig sabihin umaatend ka rin talaga sa mga ganito? Anu-anong mga exhibits na ang napuntahan mo?"
Hindi siya nakasagot. 'Langya mukhang mayayari siya nito ah. "Hindi ko na maalala, medyo matagal na eh," palusot niya na lang.
Buti na lang kumagat 'tong si Isabela. Nginitian lang siya nito, tapos bigla nang tumayo mula sa pagkakaupo sa bench. "Tara, ikot na tayo ulit."
Hindi naman nito napansin na nahulog ang dala nitong panyo sa sahig.
Pinulot niya agad para ibalik. "Sab. Panyo mo."
Ang bilis nitong natigilan sabay lingon sa kanya. "W-what did you just call me?"
"Sab. Sorry ah. Medyo nahahabaan kasi ako sa pangalan mo. Kaya nag-isip ako ng pwedeng itawag."
"Parang ang aga mo naman yata akong binigyan ng nickname? Dalawang beses pa lang tayong nagkakasama."
Ngumisi siya. "Ayaw mo ba ng palayaw na 'yon?"
Napangiti lang ito, tapos kinuha na sa kanya ang panyo. "Hindi naman. Nagulat lang ako. Na-miss ko bigla ang dad ko. Ganyan din kasi ang tawag niya sa 'kin."
"Ah talaga?" Mukhang pagkakataon niya na 'to para malaman ang tungkol sa parents nito. "Daddy's girl ka?"
She nodded. "Ako ang favorite daughter ni daddy no'ng nabubuhay pa siya." Bigla itong natigilan pagkatapos. Mukhang napagtanto nitong nadulas ito at nabuking ang sikreto.
Hinayaan niya na lang. "Wala na pala ang daddy mo. Kung ayos lang itanong, anong nangyari?"
Hindi ito nakasagot agad. She let out a deep sigh bago muling nagsalita. "Wala. Basta pumunta na sila sa heaven ni mommy, kasama ang kuya ko. Kami na lang ni ate ang naiwan."
Napatitig siya rito. Heaven. Sobrang inosente nitong magsalita. Siya naman tuloy 'tong hindi nakasagot.
Pinalipas niya muna ang ilang sandali bago siya ulit nagtanong. "Ate mo ba ang kasama mo sa bahay?"
"Uhm, no. Mga maids and bodyguards lang. My sister Amanda is in Australia with her husband. Kakakasal lang nito. Tumira nga ako sa kanila dati but only for a few months. Mas gusto ko rito sa Pilipinas. Mas gusto ko sa mansion namin."
Wow, Mansion. Tngina mukhang anghel nga talaga 'tong natitipuhan niya dahil langit ang sinusubukan niyang abutin.
"Bakit sinabi mo pala sa 'king strict ang parents mo?" Sa wakas, naitanong niya na rin.
Natawa tuloy si Isabela. "Akala ko hindi mo na 'yon mapapansin."
"Naalala ko lang bigla."
"Sinabi ko lang 'yon para hindi mo makuha ang number ko."
"Ah. Pero nakuha ko pa rin naman."
"Oo nga, eh. Jewel's fault."
Natahimik na sila pagkatapos.
Nakakapanibago na para siyang nauubusan ng sasabihin pagdating kay Isabela. He's not like this. Matinik siya pagdating sa mga chiks at kayang-kaya niyang mapa-hulog ang mga ito sa kaunting salita niya lang. Pero pagdating dito kay Sab, natatameme siya. Hindi siya makaporma. Para bang bigla niyang nakalimutan kung papaano umiscore sa babae.
"Bukod sa pagpi-paint, ano pang ibang hilig mo?" naitanong niya na lang.
Napaisip muna si Isabela. "Hmm, I like music."
'Yon! Sa wakas ay may pagkaka-pareho na rin sila. "Anong klaseng music ang pinakikinggan mo?"
"Old songs," sagot nito.
"Ga'no ka-old?"
"Like Country Roads kind of old. Do you know that song?" Bigla nitong kinanta. "Country roads, take me home, to the place I belong, West Virginia, mountain mama. Take me home, country roads."
Napingiti siya bigla nang malapad. Parang lalo siyang na-inlove sa babaeng 'to.
Napasimangot naman si Isabela. "Ba't ganyan ang reaksyon mo. Natatawa ka ba? Sorry, I'm not a singer."
"Hindi 'yon. Natuwa lang ako kasi kinanta mo pa talaga. Alam ko 'yong Country Roads."
Bigla itong umiwas ng tingin. Parang nahiya. Hindi na makatingin ulit sa kanya.
"Mga old songs lang ang pinakikinggan mo?" tanong niya na lang para mawala ang pagkahiya nito.
"Oo. Mga classic songs. Old soul kasi ako. Ikaw? Anong type of music ang gusto mo?"
"EDMs, mga club music. Hindi ka siguro nakikinig ng gano'n. Gusto mo kasi 'yong mga very calm, very peaceful. 'Di ba?"
Napangiti ito. "Yes. I don't even know what EDM means."
Hindi niya na lang pinaliwanag. Baka hindi lang kasi nito maintindihan. Magkaiba talaga sila. Sobrang magkaiba sila.
Ilang saglit lang naman ay napansin na niya na nag-uumpisa nang magligpit ang mga organizers ng exhibit. Mukhang patapos na ang event. Kumonti na rin kasi ang mga tao sa loob.
"Hihintayin mo pa ba 'tong magsara talaga, o uuwi ka na?" tanong niya kay Sab.
Tumingin naman ito saglit sa suot nitong wrist watch. "Late na pala."
Late? Kumunot ang noo niya. Late na ang tingin nito sa alas-nueve, samantalang mga gan'tong oras pa lang nag-uumpisa ang trabaho niya.
"Hmm, I think I can go home now," sabi pa nito. "Naka-ilang ikot na rin naman ako mula kanina. Tatawagan ko na ang driver ko." Kinuha nito ang cellphone nito mula sa bag.
Nalungkot siya. Parang ang bilis. Saglit pa lang silang nagkakasama tapos uuwi na naman ito. Sana pala hindi na lang siya nagtanong. Tsk, kung pwede lang kasi niya itong ihatid pauwi, ginawa na niya para magkasama pa sila nang matagal.
"Malayo ba bahay mo dito?" tanong niya pagkatapos makipag-usap ni Isabela sa cellphone.
"Uhm, medyo."
"Ayos lang ba kung mayamaya ka na umuwi? Kape muna tayo."
"You like drinking coffee?"
"Oo. Ikaw ba?"
"No. I prefer tea."
"Ah sige. E 'di mag-tea na lang tayo. Kahit saglit lang."
Hindi ito sumagot. Binalik lang nito ang cellphone nito sa bag tapos nginitian siya nang mapait. "Sorry. Maybe next time. Nagpasundo na kasi ako sa driver eh. Dadaanan na 'ko diyan sa tapat."
"Next time? Talaga? Ibig sabihin posible pa tayong magkita ulit?"
Natigilan ito. Tapos natawa na lang.
Natawa din siya. "Sinabi mo na 'yan ah, bawal bawiin."
"Oh, Arkhe. Are you really like this?"
"Alin?"
"Makulit?"
Ngumisi siya. "Oo. Lalo na 'pag type ko 'yong babae."
Umiwas ito ng tingin sabay tipid na napangiti. "You're crazy. Sige na, I need to go. Thank you sa pagsama sa 'kin. Naappreciate ko. Sana nag-enjoy ka kahit hindi mo 'to lugar." Kumaway lang ito tapos tumalikod na.
"Sab?" tawag niya naman.
Lumingon ito.
"Next time ah? Ikaw nagsabi no'n."
She didn't answer. Ngumiti lang ulit ito at saka tumuloy sa pag-alis.
Hindi na rin naman siya nagtagal sa loob. Umalis na rin siya ilang minuto lang mula nang umalis si Isabela.
**
Pagkasakay niya sa kotse niya, naisipan niya munang tawagan si Baron bago magmaneho.
Ang bilis nga nitong sumagot. Mukhang nasaktuhan niyang hawak nito ang phone nito.
"Oy," sagot ni Baron sa kabilang linya.
"'Tol, nasa'n ka ngayon? Nasa studio ka pa?"
"Wala na. Nakauwi na 'ko. Umiinom ako."
"'Yon, sakto! Sinong kainuman mo?"
"Wala. Ako lang mag-isa. 'Di ba sabi mo, ako na lang uminom mag-isa?"
Natawa siya. "G*go! Sino ngang kasama mo?"
"Ako nga lang. Tngina nito ayaw pang maniwala. Nasa'n ka ba?"
"Pauwi na sana. Pero pupuntahan na lang kita diyan."
"Bakit, nasa'n na 'yong babae mo? Hindi mo nai-uwi?"
"Tngina mo. Good girl 'yon."
"Sus! Wala naman sa 'yo kung good girl o hindi. Basta natripan mo, ikakama mo. Sige na, hihintayin na lang kita. Magdala ka ng pulutan."
Natawa na lang ulit siya. "Sige."
Binaba na niya ang tawag tapos binuhay na ang makina ng kotse.
Parang bigla niya lang kasing gustong tumuloy sa pag-inom. Masaya siya. Kailangan niyang mag-celebrate dahil ngayon na lang ulit siya tinamaan nang matindi sa isang babae na kakikilala niya pa lang.
Natutuwa siya kay Isabela. Naalala niya tuloy no'ng kumanta ito kanina ng Country Roads. Para siyang tinamaan bigla ng pana ni kupido, eh. Na-fall agad-agad ang kilalang certified playboy! Hindi niya kasi inaasahan na from being a shy and very prim and proper woman, kakanta ito bigla na parang bata. Natatawa na lang siya. He finds her so interesting. Siguro dahil na rin iba ang mga hilig nito sa mga hilig niya. Para silang dalawang tao na nanggaling sa magkaibang mundo tapos pinagtagpo.
Mas lalo niya pa tuloy itong gustong makilala ngayon. Hindi naman talaga siya usually ganito. Wala siyang pakialam sa pagkatao at background ng isang babae as long as hot ito, wild, at kaya siyang i-satisfy sa kama. Pero iba kay Sab. Iba ang tingin niya rito. She's like a rare gem na gusto niyang suriin at pag-aralan, and at the same time, ingatan.
Makikipag-kita siya rito ulit. Sisiguraduhin niya 'yon. Hindi pwedeng ito na ang huling beses na makakasama niya ang mala-anghel na si Isabela.
TO BE CONTINUED
Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter! And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top