Chapter 02

AUTHOR'S NOTE: This chapter hasn't been edited yet and is written in the third-person POV

**

ARKHE

Kanina pa hindi mapakali si Arkhe sa loob ng tattoo studio ng ka-tropa niyang artist na si Baron Medel.

Pa'no ba naman kasi, ilang beses na niyang sinusubukang tawagan si Jewel para sana hingin ang number ni Isabela, pero hindi naman siya nito sinasagot! Pati mga texts niya hindi rin nire-replyan.

"Tsk wala talaga sa ayos 'tong babaeng 'to," naiinis niyang sabi sa sarili. "'Pag ako na may kailangan, 'di na namamansin."

"Sino ba 'yan?" tanong na ni Baron habang abala sa pagta-tattoo sa isang kliyente. "Kanina ka pa 'di matahimik diyan tngina 'di ko alam kung nata-tae ka o ano."

"Si Jewel. Tinatawagan ko, binababaan lang ako."

"Sinong Jewel? Jewel Decena?"

"Oo."

"Tngina ka ba't nilalandi mo 'yan? 'Di ba may boyfriend 'yan."

"Hindi ko nilalandi, g*go. May kailangan lang ako sa kanya kaya ko tinatawagan."

"Anong kailangan mo?"

Sumandal siya sa inuupuang sopa tapos ngumiti. Naalala niya na naman kung ga'no ka-ganda si Isabela. "May nakilala 'kong babae sa club namin nung Sabado, brad. Mukhang anghel."

"Parang sinabi mo na rin sa 'kin nung nakaraang linggo 'yan, ah?"

"G*go hindi! Iba 'to. Unang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya na yung babaeng makakasama ko habang buhay."

Napahinto tuloy si Baron sa pagta-tattoo. "'Tol, alak ka ba?"

"Bakit?"

"Nakakasuka ka eh! Umuwi ka na nga. Itulog mo na lang 'yan, kulang ka lang sa tulog."

Natawa na lang din siya sa sarili niya. "Pero seryoso, trip ko talaga 'yung babaeng 'yon. Si Isabela. 'Pag nakita mo rin siya 'tol, sinasabi ko sa 'yo, para kang biglang nakarating sa langit. Sobrang amo ng mukha. Parang 'di marunong magalit. Ta's 'pag nagsasalita, sobrang pormal. Ang hinhin."

"Anak mayaman?"

"Parang. May driver pati may bodyguards."

Napangisi si Baron. "Goodluck. Ipagdadasal na lang kita tngina mukhang dehado ka diyan e."

Natawa siya. Minsan talaga wala rin sa ayos kausap 'tong si Baron.

Matagal na niya itong kaibigan. Nakikala niya ito no'ng minsan siyang nagpa-tattoo sa dati nitong pinagtatrabahuang studio. Ngayon, may sarili na itong tattoo shop sa Ortigas.

Baron is well known in the local tattoo industry. 'Pag sinabing magaling na tattoo artist, automatic, Baron Medel na agad. Mga sikat na artista at politicians nga ang nagpapa-tattoo rito.

Magka-iba silang dalawa ng hilig, pero pagdating sa mga babae, nagkakasundo sila. Palibhasa pareho silang lapitin ng mga chiks. Isang bad boy at isang playboy. Pwede na silang patayuan ng rebulto sa dami ng mga naging babae nila, eh.

"Nga pala, 'tol," biglang salita ni Baron. "Ba't pala tinatarget mo 'yang chiks na 'yan? 'Di ba parang nung nakaraang buwan lang may girlfriend ka pa? Nasa'n na 'yon?"

"Ah, 'yon. Wala na. Hiniwalayan ko."

"Bakit?"

"E tngina ang hilig magpabili! Kung anu-anong nirerequest."

"Anong mga pinabibili?"

"Nung isang beses nagpapabili sa 'kin ng laptop. Two weeks ko pa lang girlfriend 'yon ah."

"Tngina ang lakas."

"Kaya hiniwalayan ko e. Minahal ko na nga, nanghingi pa ng laptop."

Ang sarap ng tawa ni Baron! Pati siya natawa na lang din kasi naalala niya mga pinaggagawa sa kanya ng ex niya.

Hindi naman na uli siya nakapagsalita pagkatapos no'n. Sakto kasing nakatanggap na siya ng reply galing kay Jewel.

Binasa niya lang saglit ta's tumayo na siya para lumabas muna ng studio.

"Oy, sa'n ka?" tanong ni Baron.

"Dito lang. May kakausapin."

Pagkalabas niya, agad na niyang tinawagan ang number ni Jewel.

Ilang ring lang ay sa wakas sumagot na rin ito. "Hello?"

"Jewel."

Bumuntong hininga ito. "Alam mo Alvarez, ang kulit mo."

Napangisi siya. "Oo, alam ko 'yan. Ba't 'di ka sumasagot? Nag-text rin ako sa 'yo kanina ah, 'di mo nabasa?"

"Nabasa ko. Kaya nga hindi kita sinasagot eh."

Natawa siya. "Sige na kasi. Bigay mo na sa 'kin number ni Isabela. 'Yun lang hihingin ko sa 'yo tas ayos na."

"No. Kahit na anong pilit mo diyan, hinding-hindi ko ibibigay number niya sa 'yo."

"Bakit ba? May boyfriend ba 'yon?"

"Wala. Pero basta, hindi ko ibibigay."

"Eh bakit nga?"

"Kasi kilala kitang hayop ka! Paiiyakin mo lang naman 'yon 'pag sawa ka na eh. Iba sa Isabela ha. Hindi siya katulad ko, at hindi siya katulad ng ibang mga babae."

"Alam ko 'yon. Napansin ko. Kaya nga gusto ko siya."

Natawa sa kabilang linya si Jewel. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Gano'n mo siya kabilis nagustuhan?"

"Oo. Posible naman 'yon, 'di ba? 'Wag mong sabihing 'di mo naramdaman 'yon sa boyfriend mo."

"Tumigil ka nga! Nilipat mo pa sa 'kin. Kalimutan mo na si Isabela. Marami namang iba diyan, hanap ka na lang."

"Tsk ang dami mo namang sinasabi. Number niya lang hinihingi ko."

"Eh ayoko ngang ibigay eh." Halatang nakukulitan na ito sa kanya. "Bakit ba kasi hindi mo na lang personal na kinuha sa kanya 'yung number niya nung nando'n siya sa club? 'Di ba do'n ka naman magaling? Sa paghingi ng number ng mga girls?"

"Hiningi ko. Kaso 'di niya binigay. Strict daw parents niya."

Hindi nakasagot si Jewel. Para itong natigilan.

Nagtaka tuloy siya. "Oy, nandyan ka pa?"

"Nandito pa. Sinabi niya ba 'yon sa 'yo? Na strict ang parents niya?"

"Oo. Bakit?"

"Hmm, that's weird. Wala ng parents si Isabela."

Kumunot noo niya. "Ha?"

"They died two years ago. Hindi ko sure kung anong buong pangyayari pero alam ko may kinalaman sa yaman nilang mga Santiaguel. Kaya nga maraming bodyguards 'yang si Isabela eh. Todo bantay na rin sa kanya pagkatapos ng nangyari sa parents niya."

Bigla siyang natahimik.

Kaya pala gano'n na lang karami ang sumundo rito. "E ba't sinabi niya sa 'king strict parents niya?"

"Aba malay. Baka hindi nga kasi talaga siya interisado sa 'yo."

"Medyo ang sakit mo magsalita ah."

"Totoo nga! Hindi rin naman kasi talaga kayo bagay eh. She's too innocent for you. At isa pa, hindi mo siya kakayanin. Isabela's very high-maintenance. Like I said, galing siya sa mayamang pamilya. At hindi lang basta mayaman ha. Crazy rich! Kaya niyang bilhin lahat ng mga nightclubs dito sa Pilipinas."

Natawa na siya. "Ano ba, ibibigay mo ba number niya o hindi?"

"Hindi."

Napahinga siya nang malalim. "Sige, gan'to na lang. 'Pag binigay mo sa 'kin number niya, ipalilista kita sa guest list ng club namin. Regular 'yon. Libre na kayong makakapasok ng boyfriend mo."

Biglang natahimik ang linya ni Jewel.

Ang tagal bago ito nakasagot uli. "Seryosong offer ba 'yan?"

He smirked. Sabi na e, alam na alam niya ang kahinaan ni Jewel. "Oo nga, seryoso. Basta bigay mo sa 'kin number niya."

Natagalan uli bago ito sumagot. "Pag-iisipan ko muna. Ite-text na lang kita. S'ya sige na, nasa work ako."

"Sige. Antayin ko text mo. Bye." Binaba na niya ang tawag.

Sinuksok niya sa bulsa niya ang phone niya tapos bumalik na sa loob ng studio. Ngiting tagumpay ang loko!

**

"O ano, nakausap mo?" Tanong naman agad ni Baron pagkabalik niya.

"Oo," sabay muling umupo. "Mukhang makukuha ko na number ni Isabela."

Napangisi na lang si Baron. "Interisado ka talaga diyan sa anghel na 'yan ah. Baka ika-bait mo 'yan."

"Mabait naman ako dati pa."

"Tngina mo. Sabi na sa 'yo itulog mo na 'yan eh."

Natawa na lang siya. "Huling kliyente mo na ba 'yan? Sa'n ka mamaya pagkatapos mo diyan?"

"Bakit? Inom tayo?"

"Pwede ka?"

"Pwede naman. Mukhang 'di naman magpapasundo sa 'kin si Leila ngayon."

"Leila? 'Yan pa rin ba 'yung photographer?"

"Oo."

Napailing-iling siya. "Ang tagal mo nang binabakuran 'yan ah. Wala pa rin?"

Ngumisi ito. "Magiging akin 'din 'yon. Maghintay ka lang."

Napangisi na lang din siya. "Good luck. Ipagdadasal na lang din kita dahil mukhang dehado ka diyan."

Ilang sandali lang naman e nakatanggap na uli siya ng text galing kay Jewel.

Napatuwid agad siya ng upo sabay basa ro'n sa message. Pinadala na nito ang number ni Isabela. Sinave na agad niya tapos tinext niya. Nagpakilala lang siya at sinabi ritong alam na niya ang number nito.

Maya-maya lang naman may nag-text na uli sa kanya. Akala niya nga nagreply na agad si Isabela, pero si Jewel lang pala uli ang nag-text. May pahabol lang itong message:

| Na-send ko na number niya. Pasalamat ka talaga nakuha mo 'ko sa alok mo. Btw, baka lang interisado ka, nasa art exhibit si Isabela ngayon. Puntahan mo siya kung gusto mo. I'll send you the venue details |

Hindi na siya nagpa-tumpik tumpik pa! Nilabas na niya ang susi niya ng kotse at tumayo para umalis.

Nagtaka na naman nga si Baron. "O? May kauusapin ka na naman?"

"Wala. Aalis na 'ko."

"Akala ko iinom pa?"

"Ikaw na lang muna. Mas importante 'to."

"Tnginang 'yan! Ikaw nag-yaya ta's mang-iiwan ka?"

Natawa na lang siya sa reaksyon ni Baron, pero hindi na niya ito pinansin.

Dumiretso siya sa pinagpaparadahan ng kotse niya. Mabilis siyang sumakay at no'ng bubuhayin na niya ang makina, saktong nag-text na uli si Jewel. Sinabi na nito kung sa'n ang eksaktong pinagga-ganapan nong exhibit.

Pinaandar niya agad ang sasakyan papunta ro'n. Na-eexcite siya. Parang ngayon na lang uli siya kinilig ng gano'n sa babae.

**

Bandang alas-otso na nang makarating siya pinaggaganapan ng art exhibit. 'Di niya alam kung may maaabutan pa siya. Sabi kasi ni Jewel sa huling text nito, kanina pang 6pm nag-start ang event.

Pinarada lang niya ang sasakyan niya sa tapat tapos tumuloy na agad siya ng pasok sa venue.

May karamihan pa ang mga tao sa loob. Lahat ng mga ito'y tinitingnan isa-isa ang mga naka-display na mga paintings. Akala niya nga mahihirapan siyang hanapin si Isabela, but he was wrong. Nahagip agad ito ng mga mata niya. Nakikipag-kamayan ito sa ibang mga bisita sa lugar. Napangiti siya. Pati sa pakikipag-shake hands ay parang ang hinhin pa rin nitong kumilos. At ang ganda na naman nito ngayong gabi. No wonder nag-stand out ito sa crowd.

She's wearing a long casual dress and her hair is up in a messy bun. Sobrang disente nito sa paningin niya.

No'ng wala na masyadong taong nakapaligid kay Isabela at abala na rin ito sa pagtingin-tingin sa mga paintings, tsaka lang niya ito nilapitan.

Kunwari pa siya na nakikitingin din sa mga paintings na ine-exhibit, pero ang totoo, gusto niya lang talagang mapansin siya ng target niya. Tinabihan niya si Isabela. Natatawa nga siya kasi hindi man lang talaga siya nito napapansin.

Maya-maya, tinawag na niya ito. "Hi, Isabela."

Natigilan agad ito at pinanglakihan ng mga mata. Sobrang cute nitong magulat. "A-Arkhe?"

"Ako nga. Hello."

Lumingon-lingon pa muna ito sa paligid bago muling nagsalita. "What are you doing here?"

"Iuuwi ka..."

"What?"

"...sa inyo. Iuuwi ka sa inyo. 'Di pa kasi ako tapos."

Natawa ito nang mahinhin. "Silly. Yung totoo nga, what are you doing here?"

"Susunduin ka sana. Ihahatid kita sa inyo. Nag-text ako eh, 'di mo nabasa?"

Kinuha naman agad nito ang cellphone nito mula sa maliit na bag para i-check. Binasa nito saglit ang text tapos binalik na uli ang phone sa bag. "Ngayon ko lang nabasa. How did you know my number?"

"Secret."

"You got it from Jewel, right? Siya rin ba ang nag-sabi sa 'yong nandito ako sa exhibit?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Sorry. 'Di kasi talaga 'ko matatahamik hangga't 'di ko nakukuha number mo, kaya kinulit ko siya. Pauwi ka na ba ngayon? Pwede ba kitang ihatid?"

"Uhm, hindi pa 'ko uuwi. Hindi pa tapos 'tong exhibit, eh."

"Mamaya? Antayin kita."

Ngumiti ito nang tipid tapos umiwas ng tingin. "I'm sorry. May nagsusundo kasi sa 'kin."

"Gano'n ba. Kahit ngayon lang? Sayang naman, nandito na 'ko. Ikaw lang talaga pinunta ko dito."

Hindi nakasagot si Isabela. Parang nabigla niya yata ito masyado. "Pero kung hindi talaga pwede, ayos lang," sabi niya na lang.

She smiled bitterly. "I'm really sorry, Arkhe."

Napabagsak siya ng mga balikat. "Ok lang, naiintindihan ko. Strict parents?"

Kunyari niya lang kasi nalaman na naman niya talaga ang totoo kay Jewel.

Itong si Isabela naman, natawa lang sa sinabi niya. "Yes, strict parents." Tapos natahimik ito saglit. "Hmm...but if you want, pwede mo na lang akong samahang mag-ikot ikot dito hanggang sa matapos 'tong exhibit. Para naman hindi sayang ang punta mo. What do you think?"

Lumaki mga tenga niya sa narinig. Syempre naman gustong-gusto niya 'yon!

Hindi niya 'to lugar, pero kung dito niya lang pwedeng makasama nang mas matagal si Isabela, hindi na siya hi-hindi.

TO BE CONTINUED

Love this chapter? Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter! And please don't forget to include #EIW in all your posts/tweets.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top