Chapter 7
ARKHE
KINABUKASAN, ANG GANDA ng umaga ko kasi kasama ko na agad si Sab. Nandito kami sa tabi ng swimming pool ng bahay nila, katatapos lang kumain ng almusal. Mamaya magsi-swimming kami kasi gusto niya raw mag-swimming.
Ang saya ko ngayon na solo ko si Sab. Sila Amanda kasi, umalis ulit. May kailangang asikasuhin sa trabaho. 'Yong anak nilang si Toby, pumasok sa eskwelahan, tas ang mga katulong dito may ibang mga ginagawa kaya parang wala rin kaming kasama. Sa laki nitong bahay, kahit yata saan ko dalhin si Sab, walang manggugulo sa 'min.
"Ark?" biglang tawag sa 'kin ni Sab habang may tinitingnan siya sa notebook niya. "Is it Tuesday tomorrow?"
"Oo. Bakit?"
"I think I have a therapy schedule." Pinakita niya sa 'kin ang nakasulat sa notebook.
Tiningnan ko. Medyo naguluhan ako sa sulat niya pero naiintindihan ko naman. "Oo nga. Nabanggit sa 'kin ni Amanda na may therapy ka ngayong linggo. Ako na maghahatid sa 'yo bukas. Gusto mo ba 'yon?"
Ngumiti siya sabay tumango.
"Oo nga pala, may ipapakita ako sa 'yo." Hinila ko 'tong upuan ko palapit sa kanya tas naglabas ako ng cellphone. Ipapakita ko ang mga dati naming litrato.
Naitanong ko na kasi kay Amanda ang tungkol sa envelope na binigay ko dati kay Sab. Sabi niya hindi niya raw alam kung anong nangyari, pero bigla raw nawala sa bahay nila sa New York. Ilang beses na niyang pinahanap pero hindi makita-kita. Nagtataka rin ako kung paanong nawala 'yon, pero hindi ko na lang pinroblema. Kayang-kaya ko namang gumawa ulit ng gano'n. Wala nga lang akong masyadong oras ngayon kasi mas inuna kong asikasuhin ang paglipat ko. Kaya ito na lang munang mga pictures sa cellphone ko ang ipapakita ko kay Sab.
"Tingnan mo 'to." Pinakita ko ang litrato namin dati na magkasama kami.
Ang bilis niyang kinuha ang cellphone tapos tinitigan nang maigi ang picture. "My hair is still long! Kelan ito?"
"Sa art exhibit mo dati. Pinagawan kita ng maliit na exhibit para mapakita ko sa ibang tao kung gaano ka kagaling mag-paint."
Tumingin siya sa 'kin. "Y-you did that just for me?"
Ngumiti ako at tumango. "Gusto kasi kitang nakikita na masaya."
Tiningnan niya ulit ang picture. Ang cute niya, parang hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang nando'n. "I look different here. And you too. Parang bata pa tayo rito."
Natawa ako. "Matagal-tagal na kasi 'yan. Kaka-kilala pa lang natin."
"Kakakilala pa lang, tapos pinagawan mo agad ako ng exhibit?"
Tumango ako. "Sobrang gustong-gusto kita."
"Do we have other pictures? I want to see."
"Marami pa 'yan." Tinuruan ko siya kung paano niya makikita ang ibang mga pictures sa cellphone.
Manghang-mangha naman siya sa kada lipat niya. Nando'n ang mga pictures namin sa mga date namin dati, kapag sinasama ko siya sa mga gig ko, tsaka ang mga stolen na kuha ko sa kanya. Kung alam ko lang na ganito na ang magiging reaksyon niya ngayon, sana pala nung unang date pa lang namin, pinakita ko na 'tong mga pictures.
Binura ko kasi lahat sa cellphone ko nung umuwi ako galing sa New York para hindi ko na maalala ang nangyari sa 'min. Hindi ko rin naisip na i-save ulit sa cellphone ko kasi baka ayaw niya namang makita. Gano'n kasi siya sa Amerika dati, hindi siya interisadong makita ang mga pictures namin. Ngayon natutuwa ako na ganito na ang reaksyon niya.
"This one, when was this?" Pinakita niya ang picture namin nung dinala ko siya dati sa Batangas.
"Birthday 'yan ng mama ko. Unang beses kitang pinakilala sa kanila."
"Kilala na pala ako ng family mo? Did they like me?"
"Sobra." Inayos ko ang clip sa buhok niya. Ginagamit niya na ang bigay kong mga clip. "Palagi ka nga nilang hinahanap at kinakamusta sa 'kin hanggang ngayon."
Ngumiti siya nang mapait. "I'm sorry, hindi ko sila maalala. Hindi ko rin maalala na pinakilala mo ako sa family mo. Siguro masaya tayo no'n."
"Masayang-masaya talaga tayo no'n. Sinayaw pa nga kita. Ito, may picture tayo." Pinakita ko sa kanya ang litrato namin na kuha dati ni Unice, ang pinsan ko.
Tiningnan niya na naman nang maigi ang picture. "We're so sweet. I couldn't believe we really danced in front of all these people."
"Isa 'yan sa mga pinaka-masayang araw natin."
Bigla siyang napapikit sabay hawak sa noo niya.
Nataranta ako, napatuwid agad ako ng upo. "Bakit, sumakit ba ulo mo?"
Hindi siya sumagot.
Hinarap ko ang mukha niya sa 'kin at malambing kong hinilot ang noo niya. "Sorry, masyado yata akong maraming pina-aalala sa 'yo. Hindi mo pa nga pala kaya." Tsk, nawala sa isip ko na dapat unti-untiin ko lang.
"N-no, it's not that. I'm just sad that we have so many memories yet I can't remember even one."
Bumagsak ang mga balikat ko. Hinawakan ko ang magkabila niyang mga pisngi at tiningnan siya sa mga mata. "Wag kang malungkot. Ayos lang naman. Ang importante sa 'kin, nagkakasama na ulit tayo. Sapat na 'yon."
"But it's unfair to you. I'm sorry, Ark. I'm really sad this happened to me."
"Shh, tama na." Hinalikan ko siya nang madiin sa noo. "Ayokong nalulungkot ka. Kapag malungkot ka, malulungkot din ako. Gusto mo ba 'yon?"
Umiling siya.
Ngumiti ako, tapos hinalikan ulit siya sa noo. "Wag ka nang magisip-isip. Basta maging masaya ka lang sa nangyayari sa 'tin ngayon. Hindi naman kita iiwan. Maalala mo man ulit ako o hindi na, nasa tabi mo lang ako."
Siya naman ang napangiti habang titig na titig sa 'kin. "You're a good man. No wonder I fell for you before."
Ang sarap sa tenga. Isa 'yon sa mga pinanghahawakan ko e. Na kung minahal niya ako dati, alam kong magagawa niya ulit akong mahalin ngayon. Para sa 'kin lang si Sab.
Inayos ko ulit ang buhok niya, tapos kinuha ko na ang cellphone ko. "Sa susunod ko na lang ipapakita ang iba nating mga pictures."
"What? Why? I still want to see them."
"Bawal na. Baka mabigla ka, magagalit si Amanda sa 'kin. Sa ibang araw na lang, marami pa akong ipapakita sa 'yo."
Huminga siya nang malalim. "Okay." Tapos kinuha niya ang saging dito sa mesa. Tinitigan niya lang naman.
Napangiti tuloy ako kasi ang cute ng itsura niya. Ang inosente na parang ngayon lang siya nakakita ng saging. "Gusto mo niyan?" tanong ko.
Tumango siya, tapos dapat tatanggalin niya na ang balat.
Pero bigla kong naalala na hindi nga pala siya gano'n kumain ng saging. "Hindi ganyan." Kinuha ko muna sa kanya, tapos nilagay ko sa platito. Dito ko binalatan, tapos hiniwa ko ng tinidor. "'Yan. Ganito ka kumain ng saging, tini-tinidor mo."
"Really? I don't remember Amanda teaching me this."
"Baka hindi niya lang napapansin kasi hindi kayo madalas magkasama dati. Ikaw lang ang kilala ko na ganito kumain ng saging kaya hindi ko nakalimutan." Sinubuan ko na siya pagkatapos.
Ngumiti naman ulit siya habang ngumunguya. "Hindi ko na rin 'to kakalimutan."
NAGPAHINGA PA KAMI saglit, tapos nag-swimming na.
Ang cute na naman nga ni Sab. Hindi siya makatingin sa 'kin kasi wala akong suot na pang-itaas ngayon. Naka-board shorts lang ako. Kapag lumalapit ako sa kanya, natataranta siya tapos umiiwas agad ng tingin at lalayo. Ayokong mang-asar, pero ang cute niyang mahiya.
"Sab," tawag ko na lang. "Halika rito."
Umiling siya sabay sinubukan na namang lumangoy paalis. Natatawa talaga ako. Nag-swimming na lang siya kahit halatang hindi pa siya marunong. Nilibot niya na 'tong pool. Baka mapagod 'to. Ang laki pa naman nitong pool nila.
Lumangoy na lang din ako para malapitan siya ulit. Pagka-angat niya ng mukha galing sa tubig, gulat na gulat siya kasi nasa harapan na niya ako. Dapat iiwasan niya na naman ako, pero hinawakan ko na agad siya. "Bakit lumalayo ka sa 'kin?"
"I'm not. Nagsi-swimming lang ako." Hindi niya pa rin ako matingnan sa mga mata.
"Dito ka muna sa 'kin."
"But I want to swim."
"Mapapagod ka niyan. Kanina ka pa pabalik-balik."
"Amanda said this is a good exercise."
Napangiti ako. "Ah, oo nga, maganda 'to para sa 'yo. Pero magpahinga ka rin dapat, layo ka nang layo sa 'kin e."
Hindi siya sumagot, nakanguso lang. Ang cute talaga. Mas nacu-cute-an ako sa kanya ngayon, ang sarap niyang i-baby.
"Gusto mo palagi na tayong magsi-swimming sa umaga?" sabi ko. "Para exercise mo na rin."
"You'll join me?"
"Oo naman."
"Okay. But I don't want you like that."
"Alin?"
"Like that." Tinuro niya ang katawan ko, pero hindi pa rin siya tumitingin.
Natawa na lang ulit ako. "Ayaw mo na wala akong T-shirt?"
Tumango-tango siya.
Kinurot ko siya sa pisngi kasi nanggigil na talaga ako. "Ang cute mo. Sige, magda-damit ako sa susunod. Basta sasamahan na kita palaging mag-swimming."
"Thank you." Tiningnan niya na ako nang diretso. "Si Amanda, hindi niya ako sinasamahan mag-swimming. She just watches me sometimes. Minsan naman, wala talaga siya. Mga maids lang ang kasama ko rito sa labas."
"Busy kasi si Amanda sa mga negosyo niyo kaya siguro hindi ka niya nasasamahan. Pero nandito naman na ako. Ako na ang sasama sa 'yo palagi."
"Close ba kami ni Amanda?"
Napakunot ako ng noo kasi hindi ko alam kung bakit niya 'to tinatanong. "Oo, sobrang close kayong dalawa. Mahal na mahal ka nga ng kapatid mo."
Napangiti na rin siya. "Ikaw, may kapatid ka rin?"
"Meron. May kuya ako. Sobrang close din kami."
"Have I met him before?"
"Oo. Nung dinala kita sa pamilya ko sa Batangas, nakikala mo na rin siya."
Bigla siyang umiwas ng tingin na parang nag-isip. "I can't remember his face. But I'm sure he looks exactly like you."
Natawa ako kasi hindi naman na talaga kami magkamukha ni Theo. Inayos ko na lang ang basa niyang buhok na nakadikit sa pisngi niya. "'Di bale, ipapakilala na lang ulit kita sa kapatid ko.
"Sige."
Matagal-tagal pa kaming nag-swimming ni Sab, tas umahon na rin kami kasi pagod na raw siya.
Sa kwarto niya na lang kami tumambay pagkatapos. Kumportable naman siya na kaming dalawa lang ang nandito. Halata ngang masaya siya, binida niya pa sa 'kin ang mga libro na kinuha niya kay Amanda at sinusubukan niyang basahin. Puro tungkol sa negosyo.
"Parang ang hirap intindihin nito ah," sabi ko habang tinitingnan ang mga pahina ng isang libro dito sa mesa niya.
"It's really difficult. But I'm trying my best to learn," sagot niya. Nando'n siya nakaupo sa kama, nagpapahid ng lotion.
Ngumiti na lang ako. "Gusto mo na talagang magtrabaho ngayon."
"Yes. Napapaisip pa rin nga ako kung bakit hindi ako nagtrabaho dati. Baka kaya ako nagkasakit kasi na-bored ako sa bahay."
"Hindi naman sa gano'n." Sinara ko na 'tong libro tas humarap na ako sa kanya para panoorin na lang siya habang naglo-lotion. "Ayaw mo bang subukan na mag-pinta ulit?"
Napatingin din siya sa 'kin. "Why, do you want me to paint again? Ayaw mo ba akong magtrabaho?"
"Syempre gusto ko. Kung ano naman na ang gusto mong gawin ngayon, susuportahan kita."
Ngumiti lang siya nang matamis. Tapos sakto, biglang may nag-ring na cellphone. Napakunot ako ng noo. "Iyo ba 'yon? May cellphone ka?"
Akala ko wala, kasi hindi ko pa siya nakakausap ulit sa phone. Si Amanda lang palagi ang contact ko.
Binuksan niya naman ang kalapit na drawer. Nando'n ang cellphone na nagri-ring.
"May cellphone ka pala," sabi ko.
"I don't really use this. Amanda gave this to me in case of emergency."
"Ah." Kaya pala. "Baka siya 'yang tumatawag." Lumapit ako sa kanya sa kama. "Alam mo ba kung papa'no sagutin?"
"Can you just answer it for me?" Binigay niya ang cellphone.
Kinuha ko. Iba ang number na nasa screen. Parang hindi galing Pilipinas ang tumatawag. Sinagot ko pa rin naman, pero hindi muna ako nagsalita.
"Hi, Isabela. How are you?" boses ng lalaki.
Napakunot na naman ako ng noo, at tsaka sumagot. "Hello. Sino 'to?"
Biglang tumahimik sa linya niya, tapos naputol na ang tawag. Tiningnan ko agad 'tong screen ng cellphone. Binabaan yata ako.
"Who's that?" tanong naman ni Sab.
Hindi ko muna siya sinagot. Hindi ko gawain na mangialam ng cellphone nang may cellphone, pero parang iba ang kutob ko. Ngayon lang naman tumawag 'tong number, pero may mga texts na pala siya nung mga nakaraang araw. Hindi pa nga nabubuksan, ako na lang ang nagbukas para basahin lahat. Puro pangangamusta kay Sab ang mga texts. Naggu-goodnight pa. Sino 'tong gagong 'to?
Tumabi ako ng upo kay Sab at pinakita sa kanya 'tong mga texts. "Kilala mo 'to?"
Ang tagal niyang tiningnan. Pinipilit niya sigurong intindihin. "No. Why?"
"Alam mo ba kung may ibang pinagbigyan si Amanda ng number mo?"
Umiling siya sa 'kin. 'Yung itsura niya halatang wala talaga siyang ideya.
Bumuntong-hininga ako. Parang hindi maganda pakiramdam ko dito, ah.
"Why, Ark?" tanong niya naman. "Is there a problem?"
Nginitian ko na lang siya. "Wala." Tapos sinara na 'tong telepono at binalik ulit sa drawer.
Ang sama ng kutob ko. Hindi ako kumportable na may tumatawag at nagte-text kay Isabela ng gano'n. Ayoko na may nanggugulo sa kanya, lalo na ngayong nagiging maayos na ulit kami. Tsk, mukhang hindi pa ako pwedeng makapante kahit dito na ako nakatira kila Sab. Ang daming demonyo sa paligid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top