Chapter 37
ISABELA
"ISABELA?" MULING LUMAPIT sa akin si Arthur dito sa loob ng museleo. "Let's go home, it's past 12 midnight. You need to rest."
Umiling ako habang nakatulala sa kawalan. "I don't want to leave. Hindi ko iiwanan si Amanda."
"It's late. Let's just go back here tomorrow morning."
"Ayoko. Kayo na lang ang umuwi."
"Please, Sab. Baka ma-ospital ka na naman niyan. Amanda won't be happy seeing you like this."
Bigla na naman akong napaluha. "I said I don't want to go home. Dito lang ako kay Amanda. Dito lang ako sa pamilya ko."
He didn't respond anymore. He was just staring at me. Then I heard him took a deep sigh before he turned away and left our museleo again. Hindi pa rin siya napapagod sa pagkumbinsi sa akin na umuwi na, at hindi rin naman ako napapagod na humindi.
My greatest fear has happened. Amanda is gone.
Why does life have to be this cruel to me?
Sobrang sama ko bang tao para mangyari ang lahat ng ito sa 'kin?
Gusto kong isipin na nananaginip lang ako, na pagkagising ko, nasa tabi ko na ulit ang kapatid ko. Pero hindi. Wala na siya. Wala na ang natitirang tao na nagmamahal sa akin. Mag-isa na lang ako ngayon.
Muli kong pinahid ang luha ko na katutulo lang.
Hindi ko na kaya, pakiramdam ko mababaliw na ako. I am here weeping silently in our museleo. Nailibing na si Amanda sa kung saan din nakalibing ang mga magulang namin. I wasn't able to hug her for the last time. Hindi man lang ako nakapag-paalam nang maayos sa kanya.
Noong sinugod kasi namin siya sa ospital at dineclare na dead on arrival, nag-collapse ako. I was unconscious for several days. Siguro dahil hindi ko na kinaya at bumigay na ang buong sistema ko. Nang magising ako, ililibing na si Amanda. Kung alam ko lang na gano'n na ang madadatnan ko, sana hindi na lang ako nagising.
If only God could give me one last time to hug her again and tell her how much I love her, kahit ilang minuto lang, I'll do it. But she's gone now. She's gone forever and will never come back again.
Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko para matigil na ako sa pag-iyak.
Pagod na pagod na ako. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan pa ako nakakakuha ng lakas ngayon para manatili rito sa museleo namin. Gusto ko ng sumuko. Gusto ko na ring sumunod kay Amanda. Kapag nangyari 'yon, makakasama ko na ulit ang buong pamilya ko. We will be complete once again and be a happy family in heaven. Nakakainggit na buo na sila ro'n, pero ako, naiwan dito.
I don't know if I can ever get through this. Kahit kailan hindi ko matatanggap na nawala na rin sa 'kin si Amanda. Iba ang klase ng sakit na nararamdaman ko ngayon. I feel like I'm being tortured.
There are times when I already question God. Bakit si Amanda pa? Siya na nga lang ang meron ako, ang nagiging lakas ko sa mga panahong mahina ako. Ilang beses akong nagmakaawa sa Diyos na wag kukunin sa 'kin ang kapatid ko kasi hindi ko kaya, pero kinuha pa rin. Gusto kong magalit! Amanda is an angel and loved by many. She has a husband, a child, a happy family. Bakit kung sino pa ang sobrang bait, 'yun pa ang kinuha niya? Bakit hindi na lang ako na ilang beses ng nagkasakit at wala naman nang patutunguhan ang buhay? Sana ako na lang. Handang-handa na ako, eh.
Napatakip ako ng mga kamay sa mukha ko dahil muli na naman akong napahagulgol.
Hindi ko na talaga kaya. I want to take my own life right now so I can finally end all these pain and sufferings. Pagod na pagod na akong mabuhay.
"Isabela?"
Pinuntahan ulit ako ni Arthur, pero hindi ko na siya pinansin. Iyak lang ako nang iyak habang nakatakip sa mukha ko.
"Isabela...someone wants to see you."
Sumilip ako kung sino ang dumating, at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
It's Arkhe.
I immediately looked away. Nakarating pala sa kanya ang balita. I didn't expect he will really come here after everything that happened to us. Ngayon ko na lang ulit siya nakita.
Yumuko na lang ako kasi hindi ko siya kayang tingnan. I don't even think I have the strength to talk to him. Kung pwede lang sana, ayoko muna ng kausap.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.
Hindi siya nagsasalita. Hindi rin naman ako nagsasalita. I'm just weeping silently again so he wouldn't hear.
Ilang saglit lang ay huminga siya nang malalim. "Sinabi sa 'kin ni Arthur ang nangyari. Hindi ko matanggap na nangyari 'to kay Amanda. Nakikiramay ako."
Pinilit kong ngumiti kahit na patuloy ako sa pagluha. "Thank you. Amanda will be glad that you went here to see her."
"Ayaw mo raw umuwi sabi ni Arthur. Pinasundo niya ako sa bahay nila Patrice para ibalita ang nangyari at tulungan siya na kausapin ka para umuwi."
I closed my eyes tight. "I'm sorry kung kinailangan niya pang gawin 'yon. Nakakahiya kay Patrice. Baka magalit siya."
"Umuwi ka na muna para makapagpahinga ka," sagot niya lang naman. "Baka ikaw naman ulit ang magkasakit."
Umiling lang ako.
Ang hinahon niyang makipag-usap na para bang wala kaming masakit na pinagdaanan. From the tone of his voice, I knew he was also deeply affected by what happened to my sister.
Hindi pa rin naman ako makatingin sa kanya. Nakayuko lang ako at nakatitig sa sahig.
"Sab...alam kong wala 'tong kasing sakit. Kahit ako, sobrang nasasaktan ngayon kasi may pinagsamahan din kami ni Amanda. Pero kailangan nating maging matatag."
Napatakip ulit ako sa mukha kasi napalakas na naman ang iyak ko. "Hindi ko na kayang maging matatag. Wala ng natira sa 'kin, Arkhe, eh. Wala na ang buong pamilya ko. Saan pa ako kukuha na lakas para maging matatag? Mag-isa na lang ako."
I couldn't control my sobs anymore. Nauubo na ako at hindi na naman ako makahinga dahil sa sobrang paghagulgol. Kung dati kaya kong magpanggap na okay lang ako sa tuwing nasasaktan ako, ngayon hindi ko na magawa. I'm really devastated. Nahihiya ako na umiiyak ako nang ganito kay Arkhe ngayon, pero hindi ko kayang pigilan at wala na rin akong pakialam.
Nagulat naman ako sa ginawa niya. Bigla niya na lang akong niyakap!
Napatigil ako sa pag-iyak at nanigas sa kinauupuan ko.
No, this feels so wrong. Ayokong may ibang maisip si Patrice dahil sa ginagawa niya ngayon.
Sinubukan kong lumayo, pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin. I could feel his heart beating and his heavy breathing on my neck.
"A-Arkhe..."
Hindi pa rin siya kumalas sa pagkakayakap.
Hindi na ako lumaban. I'm so drained, I don't have the strength anymore.
Pumikit na lang ako at hinayaan ang mga luha ko na muling bumuhos. I broke down in his arms. "Thank you, Arkhe. You don't have to do this, but thank you."
Doon niya lang ako dahan-dahan na pinakawalan. He looked straight at me. Naiiyak ang mga mata niya, alam kong naaawa siya sa 'kin. Nagawa ko na rin siyang tingnan kahit hindi ko naman siya makita nang malinaw dahil sa kapal ng luha sa mga mata ko.
"Hindi ko kaya, Arkhe," sabi ko sa kanya. "Kahit kailan hindi ko makakayang tanggapin na wala na si Amanda. Ngayon pa nga lang ako babawi sa kanya, eh. Ngayon ko pa lang ibubuhos sa kanya lahat ng oras ko, pero huli na naman ako. Kung may magagawa lang sana ako para maibalik siya. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras para hindi na lang 'to nangyari."
Sobra kasi akong nanghihinayang. Dapat aalis na kami nila Amanda papunta Sydney, eh. Flight na namin no'n kinabukasan bago siya mabaril, pero hindi pa siya umabot. Sa tuwing naiisip ko 'yon, lalo akong nasasaktan. We were so close to leaving this place. So close!
I balled my hands into fists. "Nagagalit ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko, kasalanan ko."
"Wag kang mag-isip ng ganyan. Kinwento sa 'kin ni Arthur lahat ng nangyari, at wala kang kasalanan do'n.
Tumingala ako para pigilan ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng mga luha ko. "Sana kasi hindi ko na lang sinabi kay Amanda ang tungkol sa kwarto na tinatago nila Morris. That triggered the demon in him. Oo, nalaman nga namin na ang pamilya nila ang pumatay sa parents ko at kuya ko, pero ang kapalit naman no'n, nawala rin si Amanda. Sana pala nanahimik na lang ako. Eh 'di sana kasama pa natin si Amanda ngayon."
Hinaplos niya ako sa likod para patahanin. "Pinagbabayaran na nila Morris ang kasalanan nila. Nakakulong na sila ngayon. Nakakuha ka na ng hustisya para kay Amanda at sa pamilya mo."
"That's not enough. Kahit pa nahuli na ang Morris na 'yon at kahit mabulok pa sila sa bilangguan, balewala na rin dahil hindi na no'n maibabalik ang buhay ng kapatid ko. I don't want anything else right now, Arkhe. I just want my sister back." I covered my face again. Nahihiya na ako sa paghagulgol ko. "I'm so sorry, Ark. Hindi ako dapat naglalabas ng ganito sa 'yo. You can go home now if you want. I'll just stay here with my family."
"Ayos lang, sasamahan kita."
"Baka magalit si Patrice. Ayoko na pag-awayan niyo 'to."
"Nagpaalam ako sa kanya."
I didn't answer anymore. Nahihiya lang talaga ako. Gano'n na siguro ako ka-kawawa para pilitin niya ang sarili niya na samahan ako kahit na alam niyang may naghihintay sa kanya na makauwi.
"Hangga't kailangan mo ng kausap, ng mapaglalabasan ng lahat ng nararamdaman mo, sasamahan kita. Isantabi muna natin ang mga nangyari sa 'tin. Nandito ako ngayon bilang karamay mo."
I bit my lips to control my sobs. "Thank you, Arkhe."
Akala ko nag-iba na siya, pero hindi pa rin pala. Siya pa rin ang mabait at maalalahanin na Arkhe na nakilala ko. I won't put any meaning to this; I just truly appreciate him for being with me during the lowest point of my life.
Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top