Chapter 36

ISABELA

"BAKIT HINDI MO agad sinabi sa 'kin na may tao palang nagmamasid sa 'yo sa labas?"

Hindi ako makasagot sa tanong sa 'kin ni Amanda. Tulala pa rin kasi ako habang nakaupo na rito sa opisina niya sa bahay.

I couldn't think properly sa sobrang takot, kasi paano kung si Morris nga talaga ang nakikita ko? Wala akong kaalam-alam, baka matagal na pala siyang nagmamasid nang gano'n.

We have no proof yet if it's really him. Pero na-realize ko, wala naman nga akong ibang kilala na pwedeng magmasid sa akin nang patago. Si Morris lang talaga. Akala ko nanahimik na siya, pero hindi pa rin pala siya tapos.

Takot na takot ako, biglang bumalik sa isip ko lahat ng pananakit at pang-aabuso na ginawa niya sa akin dati. Lahat ng pangma-manipula na ginawa niya kaya kami humantong ni Arkhe sa hiwalayan. Na-overcome ko na dapat ang trauma, pero ngayon, bumabalik lahat.

"Isabela." Umupo na si Amanda sa harapan ko at muli akong pinakalma. "You should've told me right away. Para naitawag agad natin sa mga pulis. Nagpakalat na ako ng mga tauhan natin sa paligid ng bahay, pero wala na raw silang nakitang kahina-hinalang lalaki sa labas. I'm sure nakaramdam na si Morris at malabo na muna uling magpakita."

I shut my eyes tight. "I'm so sorry. Hindi ko kasi masyadong pinagtuunan ng pansin. Akala ko napa-paranoid lang ako. And I don't want to distract you, too. Alam kong sobrang busy ka, eh."

"Isabela naman." Bigla niya akong niyakap. "Alam mo namang basta pagdating sa 'yo, gagawa at gagawa ako ng oras. Kung si Morris nga talaga ang nakikita mo, tuso talaga siya. Napakagaling niya pa namang magtago, mahihirapan na naman tayo sa paghahanap."

"I know. Amanda, hindi ako mapakali. Sa tuwing naiisip ko kung ilang gabi niya akong tinitingnan mula sa labas, kinikilabutan ako. Kailan niya ba ako titigilan?"

"He's still obsessed with you. Mahanap ko lang talaga ang demonyong 'yon, sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa kulungan. Siya at ang pamilya niya." She held my face to look straight at me. "Don't worry, okay? Nandito ako. Nagpa-dagdag na ako ng security para magbantay sa labas. Arthur is also busy working with the police. We're all here for you. At kung sakali mang may makita ka ulit na kahina-hinala, sabihin mo na agad sa 'kin."

Tumango-tango ako at muli siyang niyakap. "I hope we can find that demon sooner. Hindi ako matatahimik hangga't hindi siya nahuhuli, Amanda. Ang dami na niyang kasalanan sa 'kin. He ruined my life. Ngayon natatakot ako sa kung ano na ang pwede niyang gawin."

"We'll find him, okay? We will do our best to find him."

Hinagod niya ang likod ko para patuloy akong pakalmahin. "Demonyo talaga ang Morris na 'yon. Manang-mana siya sa ama niya na isa ring demonyo. Those Reverentes deserve a place in hell. Sanay na sanay sila sa ganito karuming mga bagay."

Bigla naman akong may naisip dahil sa sinabi niya.

Kumalas muna ako mula sa pagkaka-yakap. "Amanda, napuntahan na ba ang bahay kung saan ako tinago ni Morris dati?"

"Yes. Patuloy pa rin ang pagbabantay ng mga pulis doon, pero wala pa rin daw silang nakikitang bakas ni Morris."

"No, I-I mean—"

"Why, what are you thinking?"

I closed my eyes. "I'm not sure if this will make sense, but I just remembered something. What you said was right, sanay na sanay silang gumawa ng kasalanan. Napapaisip tuloy ako kung ano pa ang mga matitinding ginawa nila noon." Muli ko siyang tiningnan. "Amanda, naalala ko noong nandoon pa ako sa bahay na 'yon. Merong isang kwarto na palaging naka-lock at ayaw pabuksan ni Morris. I was able to get into that room and there I saw Arkhe and I's envelope. But besides that, ang dami pang ibang mga lumang files na nakatambak doon . . .

. . . The fact na ayaw magpapasok ni Morris sa kwartong 'yon may mean na meron pang mga importanteng bagay ro'n na hindi nila pinapaalam. Maybe we could find something there? Mga bagay na pwedeng makatulong para lumakas ang kaso natin laban kay Morris o para mas mapabilis ang pagbagsak ng mga Reverente. I know how badly you want that to happen. Makakalaya na ang mga negosyo natin sa pamilyang 'yon kung sakali."

Bigla siyang napatuwid ng upo at napatitig sa akin.

Napapikit naman ulit ako. "I'm sorry, I know this sounds insane, pero iba lang talaga ang kutob ko sa kwartong 'yon."

"No, it doesn't sound insane. That's actually a good place to look for any evidence against that family. Bakit hindi mo na naman agad sinabi sa 'kin ang tungkol diyan?"

"I forgot about it. Hindi ko rin naman kasi naisip na magagamit natin ngayon." I held her hand. "Amanda, tell the police to investigate that room. Sa totoo lang, nababagalan ako sa pagkilos ng mga pulis. Pero baka makatulong ang kwartong 'yon."

"Okay, I will call them now. Malaking tulong sa atin 'tong sinabi mo." She stroked my hair. "Don't worry, hmm? Relax. Wag ka na pala munang matulog sa kwarto mo nang mag-isa. Stay in our room for now."

Tumango-tango ako.

"And get ready," dagdag niya. "We will leave the country in a few days. Kailangan na talaga kitang mailayo rito."

Mabilis akong bumalik sa pagkakayakap sa kanya. That's a relief. "Thank you, Amanda. Thank you for doing this."

Kahit papaano, natuwa ako dahil sa wakas ay aalis na rin kami. Pero hindi pa rin talaga tuluyang panatag ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag ang tindi ng takot ko ngayon. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda.

• • •

PATULOY ANG PAGHAHANAP kay Morris.

Tama si Amanda, magtatago ulit ang demonyong 'yon. Ilang gabi ang dumaan, pero hindi siya nagparamdam sa street namin. Hindi naman kami tumitigil sa paghahanap, kahit na ngayong naghahanda na kami nina Amanda para sa pag-alis.

Bukas na ang flight namin papuntang Sydney.

Tuloy na tuloy na talaga. Amanda and Arthur said they will just take care of Morris's case from there. I can't wait to leave. At this point, hindi ko na naiisip sina Arkhe at Patrice, o ang iba pang maiiwan ko rito. Basta gusto ko na lang makaalis ng bansa.

'Yung kwarto na tinutukoy ko kay Amanda, napasok na rin daw ng mga pulis. Naghanap sila ng mga pwedeng mahanap doon, at ngayong hapon dapat ang balik nila sa amin para magbalita. We are just waiting for them.

Ilang saglit lang naman habang nag-aayos ako ng mga gamit, bigla kong narinig si Amanda na parang sumisigaw mula sa labas.

Nataranta ako! Lumabas agad ako ng kwarto nila para alamin kung anong nangyari. She's in her home office.

Tumakbo ako papunta roon dahil alalang-alala ako sa kanya, pero mabilis din akong natigilan nang makita si Amanda na umiiyak. Yakap-yakap siya ni Arthur, at may ilang mga pulis sa paligid.

Naluluha na rin ako kahit hindi ko pa alam kung ano talagang nangyayari. Amanda is a strong woman, and it's my first time to see her crying like this. Nahanap na ba ng mga pulis ang Morris na 'yon? May nakita ba silang kakaiba sa kwartong tinutukoy ko?

My hands were trembling as I approached my sister. "A-Amanda? What happened?"

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Iyak siya nang iyak sa leegan ko na para bang namatayan ulit kami.

"It was them," umiiyak niyang sabi sa 'kin.

"Ang alin? Amanda, I don't understand."

Umatras siya mula sa pagkakayakap at pilit na pinatahan ang sarili niya. "Ang mga Reverente. Sila ang pumatay sa mga magulang natin!"

Pakiramdam ko bumagsak ang langit sa akin.

I wasn't able to move nor speak. Hindi matanggap ng sistema ko ang sinabi niya. Nakakapit lang ako sa dibdib ko ngayon kasi para na itong sasabog sa sobrang kirot.

May kinuhang mga papeles si Amanda mula sa table, at pinakita ang mga iyon sa akin. Mga impormasyon at litrato ito ng mga magulang namin at nakatatandang kapatid na lalaki. May mga impormasyon din sa mga negosyo naming mga Santiaguel.

"The police found these in the secret room you told me," sabi niya. "All these years! Ang galing nilang magtago ng kalat nila, pero ngayon lumabas na ang katotohanan. They were the ones who planned the ambush!"

Hindi pa rin ako makapagsalita. Naba-blangko ang utak ko, hindi ko inaasahan na mangyayari 'tong lahat.

Mayamaya lang, may isang pulis na lumapit sa akin. "Pakinggan niyo ho ito." May pinarinig siya na isang phone call recording.

"Hello? Nandiyan na ba kayo?" It was Morris's father. Kilala ko na ang boses nito.

"Mr. Reverente, oho," sagot ng isa pang boses sa recording. "Nandito na kami sa lugar."

"Good. Huwag kayong papalpak. I want you to kill the Santiaguels with no trace of evidence."

"Kasama nila ang anak nilang lalaki. Idadamay na ba?"

"Yes. All of them. Ang gusto ko, hindi na makikilala ang mga bangkay nila."

Doon na tuluyang bumigay ang mga tuhod ko.

Bigla akong napaluhod sa sahig. Inalalayan agad ako ng pulis at nila Amanda, pero hindi ko na sila mapansin kasi nawala na talaga ako sa sarili.

Bumuhos ang mga luha ko sa pinaghalong galit at poot. Bakit ngayon lang 'to lumabas? Bakit ngayon lang namin 'to nalaman? We've been seeking justice for my family for so long!

"Isabela?" Tinapik-tapik ni Amanda ang pisngi ko para bumalik ako sa sarili.

I tried to look at her. May luha pa rin sa mga mata niya. Pero hindi na dahil sa lungkot kung 'di sa galit.

"Isabela, hindi pwedeng wala ulit tayong magagawa," sabi niya sa 'kin. "We need to take revenge for what they did to our family. Nahanap na ng mga pulis kung saan nagtatago si Morris at ang pamilya nito. Pupunta kami ro'n ngayon para mahuli na sila."

"Sasama ako."

"No! It's too dangerous. Just stay here with my son."

"Gusto kong sumama, Amanda. Isali mo naman ako. I'm their daughter, too!"

Bumagsak ang mga balikat niya, tapos ay bigla na akong hinawakan sa kamay. "Okay. Let's go."

Nagmadali kaming umalis.

Kung noong una natatakot pa ako, ngayon hindi na, dahil alam kong mas lumakas ang laban namin sa mga Reverente. Hindi ako nagkamali ng kutob sa pamilyang 'yon. They are all murderers!

Pagkalabas namin ng bahay, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

May sasakyan na biglang huminto sa tapat. Mula roon ay lumabas si Morris at ang ama nito. Everything was so quick!

Morris pulled out a gun and pointed it at us. "Congratulations, you already found out the truth. Now you may join your beloved parents in heaven." Bigla niyang pinutok ang baril!

Napasigaw ako sa matinding takot! Wala akong maaninag at wala na rin akong marinig dahil sa lakas ng putok.

"AMANDA!" A voice then shouted.

Tiningnan ko agad ang kapatid ko at nakitang nakabulagta na ito sa sahig, may tama ng baril sa dibdib!

My whole world crashed in front of me.

Nagpalitan na ng bala sila Morris at ang mga pulis, pero kami ni Arthur ay sumugod agad palapit kay Amanda para pilitin itong gisingin. She's not responding! Oh my God, no. No, no, no, this can't be happening!

Iyak ako nang iyak at wala na ako sa sarili nang isakay namin siya sa sasakyan papunta sa ospital. We are all in panic!

Hawak-hawak ko ang kamay ni Amanda at tuloy-tuloy pa rin siyang ginigising. "Ate! Ate, please gumising ka!"

Tinatapik ko ang pisngi niya para magkamalay siya kahit kaunti. "Wag kang susuko, please. Aabot tayo sa ospital, okay? Ililigtas ka namin!"

Pero hindi pa rin talaga siya sumasagot. Takot na takot na ako, hindi na ako makahinga nang maayos sa halu-halong nararamdaman ko ngayon. Si Arthur, natataranta na rin at pilit na ginigising ang asawa niya.

Hinaplos ko ang may dugo niyang kamay sa pisngi ko. "Ate ko, wag mo akong iiwan. Ikaw na lang ang meron ako. Please, wag mo akong iiwan mag-isa."

Kung isa lang 'tong matinding bangungot, sana magising na ako kasi hindi ko kaya na mawala sa 'kin ang kapatid ko.

I looked up as my tears aggresively rolled down my cheeks. Nagdasal ako habang kapit pa rin ang kamay ni Amanda. God, I will do everything! Everything! Kung kailangang ako na lang ang mawala, okay lang. Huwag lang si Amanda. Parang awa niyo na, wag niyo siyang kukunin sa 'kin. She's all I have!

Amanda's hand then moved a bit.

Natauhan agad ako at mabilis na hinaplos ang pisngi niya. "A-Amanda? I'm here, okay? Your little sister is just here. I won't leave you. Please fight."

She's crying and I could see it in her face that she's in pain. Ngumiti siya nang mapait, tapos ay pinilit na pahirin ang luha ko sa pisngi. "B-be brave, Isabela. I love you so much."

Tuluyan nang bumagsak ang ulo niya pagkatapos at dahan-dahan nang dumulas ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

"Amanda!"

Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top