Chapter 35

ISABELA

"PATAPOS NA AKO sa pag-eempake ng mga gamit. Kailan tayo aalis?" tanong ko kay Amanda.

She's here in my room again. Simula noong nag-breakdown ako several days ago dahil kay Arkhe, hindi na ako iniwan ng kapatid ko. Kulang na nga lang tabihan na niya ako sa pagtulog. I appreciate her so much.

"Can you give me a couple of days more?" sagot niya naman sa 'kin. "Arthur and I just need to finish some business here. Kapag naasikaso na namin lahat, babalik na tayo sa Sydney."

Napayuko ako habang nakaupo rito sa paanan ng kama.

Pangalawang beses na ito na inurong niya ang plano naming umalis ng Pinas. Gustong-gusto ko na talagang lumayo, pero naiintindihan ko naman ang sitwasyon. Amanda still has responsibilities here that she cannot just walk away from. Ayoko naman na mag-sakripisyo ulit siya para sa 'kin.

"I'm sorry, Isabela." Hinaplos niya ang buhok ko.

I just smiled at her. "No, it's okay. I understand."

"Kung gusto mo, pwede ka nang mauna sa pagpunta sa Sydney. I'll just have my secretary accompany you. Susunod na lang kami ni Arthur doon kapag tapos na ang mga trabaho namin."

"Hindi na. Sasabay ako sa inyo ni Arthur. Ayokong mahiwalay sa 'yo, natatakot ako."

Ngumiti siya nang mapait. "Are you sure? I know you don't feel good here in the Philippines anymore. I'm really sorry."

"No problem, I can wait. Basta kapag pwede na tayong umalis, handa na ako. Just let me know."

"Okay." She stroked my hair again. "Kumusta na pala ang pakiramdam mo? Have you taken your meds already?"

"Wala na akong lagnat. Medyo nanghihina na lang, pero kaya ko na."

"That's good. Tine-text ka pa ba ni Patrice?"

Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko alam. Gamit ko na ang bagong number na binigay mo sa 'kin. I no longer have access to my old one, so I don't know."

"Tama 'yan. Umiwas ka."

"I want to completely forget about her and Arkhe, especially Arkhe. Ayoko na nga siyang pag-usapan. Tapos na ako sa kanya."

Hindi na siya sumagot.

I looked at her again only to see her staring at me as if she was very proud of what I said. I just smiled a bit. "I'm sorry if I just now realized that I need to stop loving him."

Muli siyang ngumiti nang mapait. "Okay lang. Ang importante, nagising ka na. I know you will realize that one day."

Bumuntong-hininga ako. "Nakakapagod pala, ano? Sa tingin ko, tamang tao naman ang minahal ko, pero nakakapagod pa rin. Maybe Arkhe is not really the right person for me."

"It's just because you gave him everything you had. Wag mo na uling uulitin 'yon, ha? Para hindi ka na ulit maubos. It's okay to lose people, Isabela, but never lose yourself."

Huminga ulit ako nang malalim at tumango. "I can't wait to leave this place. I can't wait to start a new life again."

"Malapit nang mangyari 'yon. Matapos ko lang talaga itong inaasikaso namin ni Arthur, ipahahanda ko na agad ang flight para makaalis na tayo."

I smiled sweetly at her. "Thank you, Amanda. I owe you everything."

"No, you don't owe me anything. I'm doing all these because I love you." Muli niya akong hinaplos sa buhok. "Sige na, take a rest now. Alam kong pagod ka dahil kagagaling mo lang sa lagnat tapos nag-empake ka pa ng mga gamit."

"Okay. I'll take a rest in a bit. Good night."

"Good night." Marahan niya akong niyakap, tapos ay tumayo na siya mula sa kama at lumabas ng kwarto ko.

Sinundan ko lang siya ng tingin.

She has no idea how thankful I am to have a sister like her. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala siya. Siya lang ang nag-iisang tao na hindi ako iniwan. Sa dami ng mga pinagdaanan ko at sa lahat ng mga kasalanang ginawa ko, nandyan pa rin siya.

Now I'm thinking, maybe I'll just become an old maid and stay with Amanda for the rest of my life. I'll take care of her. Tutal, hindi ko na rin naman nakikita ang sarili ko na mag-aasawa o magmamahal ulit. Okay na sa 'kin na ang kapatid ko na lang ang mayroon ako. At least siya, alam kong hindi ako sasaktan at iiwan.

Tumayo na rin ako mula sa kama pagkatapos para ligpitin ang iba kong mga gamit.

Ang gulo ng kwarto ko ngayon dahil nga nag-eempake ako para sa pag-alis namin. I'll be staying in Sydney, Australia for good. Doon kasi talaga nakatira sina Amanda at Arthur. Sa kanila na lang din ako titira kasi wala naman na akong ibang kasama sa buhay. Hindi ko pa alam kung anong gagawin o pagkaka-abalahan ko ro'n, pero bahala na. Basta ang priority ko lang muna ngayon ay ang makalayo kay Arkhe.

I'm not mad at him. Kahit kailan hindi ko magagawang magalit sa kanya. Sobrang nasaktan lang talaga ako sa mga nangyari.

Gano'n pala 'yon, ano? Darating talaga tayo sa punto ng buhay natin na kusa na lang tayong titigil. Alam kong imposible na bumalik pa kami ni Arkhe sa dati, kahit bilang magkaibigan na lang, pero nagpapasalamat ako na nakilala ko siya. Kapag natuloy na kami sa pag-alis, hinding-hindi na ulit magtatagpo ang mga landas namin. Hinding-hindi na ako magpapakita sa kanya.

Nagpatuloy ako sa paglilinis sa kwarto ko.

I wish I could bring all my stuff to Sydney, kaso masyadong marami tsaka hindi ko na rin naman gagamitin ang iba. Habang nag-aayos ako, may napansin akong pamilyar na clear folder. Kinuha ko at muling umupo sa paanan ng kama para tingnan.

Mga records at documents pala ni Lukas ang nandito sa loob. Napangiti na lang ako.

Lukas was my former bodyguard. Oh. No. He's not just that, he's a good friend of mine.

Isa-isa kong tiningnan ang mga papeles. Hindi ko alam na nandito pa pala sa 'kin ang mga ito. Lukas submitted these papers when I hired him before to work for me.

Grabe, ang tagal na rin noong huling beses kaming nagkita. 'Yon pa 'yung bago ako pumunta sa Amerika para sa brain surgery ko. Hindi pa nga masyadong maayos ang paghihiwalay namin no'n kasi tinanggal siya ni Amanda sa trabaho, tapos nalaman ko pang may gusto pala siya sa akin, kaya parang nagka-ilangan kami. I wonder where he is now. Kumusta na kaya siya?

Hinanap ko rito sa mga papeles ang contact details niya. Kung nandito pa rin siya sa Pilipinas, baka pwede kaming magkita bago ako umalis papuntang Sydney. Tutal, huli na 'to. Hindi na ako babalik dito.

I found his number and his email address. I'm not sure if these are still active, but I will still try to contact him. Kinuha ko ang phone ko mula sa bedside table at pinadalhan siya ng message. Sana matanggap niya. Gusto ko lang sana uling makita ang isa sa mga taong alam kong naging tapat at totoo sa akin.

Pagka-send ko ng message, binalik ko na ulit itong mga papeles niya sa loob ng clear folder. Pinasok ko sa isa kong maleta, tapos ay tumuloy na ulit ako sa pagliligpit.

At around 10 P.M, natapos na rin ako sa paglilinis ng kwarto. I took a shower afterward, then went out on the terrace of my bedroom.

Magpapahangin lang ako saglit. Hindi pa ulit kasi ako lumalabas ng bahay simula noong nag-breakdown ako dahil kay Arkhe, kaya sa ganitong paraan lang ako nakakapag-relax.

Tumayo ako malapit sa balustrade ng terrace at tumanaw lang sa labas. Pero may napansin agad akong tao na parang nagtatago sa madilim na parte ng kalye namin at tila nakatingin sa 'kin dito sa terrace.

Siningkit ko ang mga mata ko para subukan siyang mukhaan, pero masyadong malayo at madilim. I looked around to see if this person is only waiting for someone, pero mukhang sa kwarto ko talaga ito nakatingin. What is he even doing there at this hour of the night? He looks so creepy.

Hindi na ako kumportable kaya bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko. I locked the terrace doors and went straight to bed.

• • •

SEVERAL DAYS HAVE passed, and I'm starting to get paranoid.

Gabi-gabi ko na kasing nakikita ang taong 'yon sa street namin. Ang mas creepy pa, parang palapit siya nang malapit. Naba-bother na ako.

I wanted to tell Amanda about it, but she's too busy with work. Ayoko na siyang guluhin kasi gusto ko nang matapos ang mga inaasikaso niya para makaalis na kami. Tsaka hindi ko rin kasi alam kung dapat ba talaga akong matakot do'n sa umaaligid na 'yon, o baka nasa utak ko lang lahat. Maybe I'm just still stressed with what happened to Arkhe and I that's why I'm feeling this way.

Hahayaan ko na lang muna siguro. Hindi ko na muna iisipin, tutal, aalis ako ngayong araw para mag-enjoy.

Surprisingly, Lukas replied to my email, and I will meet with him today. Ang saya ko nga kagabi nung nabasa ko ang message niya. Nasa Pilipinas pa rin pala siya. Hindi ko inexpect na makakakita ulit ako ng dating kaibigan. Para bang biglang nawala ang lungkot ko kahit papaano.

We will meet in a park near my place. I arrived earlier before 5 P.M. Akala ko nga ako ang mauuna, pero pagkarating ko sa park, nakita ko na si Lukas na naghihintay.

"Lukas!" excited kong tawag ka sa kanya.

Tumayo agad siya pagkakita sa akin at sinalubong ako ng isang matamis na ngiti.

Hindi nagbago ang dating niya. He's still the quiet and mysterious-looking man I met years ago. Pati ang pananamit niya, hindi nagbago. Naka-all black pa rin siya at cap na kulay itim din.

Nilapitan ko na agad siya at niyakap. "I missed you!"

Akala ko maiilang siya dahil nga sa nangyari dati, pero niyakap niya rin naman ako nang marahan. "Kumusta ka?"

"I'm okay."

"Nasa Pilipinas ka na pala ulit."

"Yes, matagal-tagal na ring nakabalik galing sa surgery ko sa New York. Ikaw, how are you? It's been a while. I thought I will never see you again."

Tipid lang siyang ngumiti, tapos ay bumalik sa pagkakaupo sa bench.

Hindi pa rin pala siya masyadong mahilig magsalita hanggang ngayon.

I just followed him and sat down next to him. "Akala ko nasa Amerika ka na ulit. I saw your old documents and records so I thought of contacting you. I was surprised you replied. Ang tagal nga lang. Tamad ka pa rin bang mag-text?"

Napangiti lang ulit siya. "Hindi ko lang nabasa agad. Wala kasing signal sa tinitirhan ko."

"Oh. Why, where do you live now?"

"Malayo rito. May bago akong binabantayan."

"You have a new job?"

Tumango siya, tapos ay tumingin ulit sa 'kin. "Kumusta ka na? Anong pinagkaka-abalahan mo ngayon?"

"I'm okay. Actually, I'm leaving the Philippines. Babalik na kami nila Amanda sa Sydney. Kaya nga natutuwa ako na nagkita muna tayo bago ako tuluyang umalis."

"Hindi ka na babalik dito?"

Umiling ako. "Hindi na. I'll stay there for good."

"Kasama mo rin ang asawa mo?"

I squinted my eyes at him. "Asawa?"

"Si Arkhe. Hindi pa ba kayo kinakasal?"

Napaiwas ako ng tingin. Kumirot na naman ang dibdib ko. I am really trying to look like I'm fine. Wala nga rin sana akong balak na i-open up ang tungkol kay Arkhe. Gusto ko lang talagang mag-unwind ngayon. Pero imposible nga naman na hindi niya 'yon itanong sa akin.

Huminga ako nang malalim. "Actually, Arkhe and I are no longer together. Matagal na kaming hiwalay."

His shoulders quickly dropped. I did my best to make it sound light, pero nagulat ko pa rin talaga siya. Wala nga siyang nasabi, napatitig lang siya sa 'kin.

Bumuntong-hininga lang ulit ako sabay nginitian siya nang mapait. "Everything was my fault, though. Kaya wag kang manghinayang."

Napabuntong-hininga rin siya. Ang tagal bago siya nakapagsalita ulit. "Anong nangyari?"

Tumingala ako sa langit para lumasap ng hangin. "Marami. I lost my memories after my brain tumor surgery. Nakalimutan ko si Arkhe. Sobrang naghirap siya at ginawa niya lahat para lang bumalik ang mga alaala ko, but I was so hideous. Ako pa ang may ganang magloko at mag-cheat sa kanya." I looked at Lukas again. Takang-taka siya sa sinabi ko.

Ngumiti na lang ulit ako nang mapait. "Remember Morris? He manipulated me, told me lies about Arkhe, and I was so stupid to fall for his tricks. Nakipag-hiwalay ako kay Ark at sumama kay Morris. But just like before, he abused me again for many months. At noong bumalik na ang mga alaala ko at nahanap na ako nila Amanda, huli na ang lahat. May iba ng mahal si Arkhe, at ngayon magpapakasal na silang dalawa. What a love story, right?"

Lukas remained speechless. Titig na titig pa rin siya sa 'kin na halatang hindi siya makapaniwalang sa ganito ako humantong.

I faked a laugh. "But that's okay. Gano'n naman talaga ang buhay. We don't always get a happy ending. Nagmu-move on na lang ako ngayon. Kaya nga rin aalis na ako ng Pilipinas, gusto ko na ng bagong buhay."

Natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi ko. I'm acting like everything's fine and I'm already okay, but deep inside I know I'm still broken.

Matagal pa akong tinitigan ni Lukas bago siya napapikit at huminga nang malalim. "Sa tagal nating hindi nagkita, akala ko masaya ka."

Hindi na ako sumagot. Ngumiti na lang ako nang mapait.

Binalik niya naman ang tingin niya sa 'kin. "Nakapag-usap ba kayo nang maayos? Kasi kung nakapag-usap kayo at pareho niyong tanggap ang nangyari, hindi na ako malulungkot."

I looked at him, too. "Oo, nakapag-usap kami nang maayos at masaya kami para sa isa't isa. I like his fiancée, so there's nothing to be sad about."

Ang hirap magsinungaling, pero okay na rin ito. He doesn't have to know everything. Ayoko rin naman kasing sirain ang mga sandaling ito dahil ngayon na nga lang ulit kami nagkita. Tsaka ngayon na lang din ulit ako nakalabas ng bahay kaya ayoko na muna talagang maging malungkot.

Bumuntong-hininga ako at iniba na agad ang usapan. "So . . . ikaw naman ang magkwento. Tell me about your new job. Do you love it?"

Napahinga siya nang malalim. "Gusto ko na ngang umalis."

"Oh, why?"

"Parang anak ng demonyo yung batang binabantayan ko."

I chuckled! "Why? How old is he? Or she?"

"Babae. 23 na, pero asal 5 years old." Napailing-iling pa siya na para talagang naiinis.

Natatawa na lang ako rito. "That's so cute."

Kumunot ang noo niya sa 'kin. "Cute? Araw-araw niyang sinusubok ang pasensya ko. Kung hindi lang malaki ang ibabayad sa 'kin ng tatay niya, iiwanan ko na talaga siya mag-isa ro'n."

Napatakip na ako ng bibig kasi lumakas ang tawa ko.

"Bakit mo 'ko tinatawanan?" His eyebrows were still frowning at me.

"I just find it really cute. Kasi kilala kita na mahaba ang pasensya at hindi nagrereklamo. But right now, it looks like your patience is wearing thin. Ang haba pa ng mga sinasabi mo, hindi ako sanay. Siguro naipon na talaga lahat ng inis mo sa kanya kaya nailabas mo sa 'kin."

Hindi naman na siya sumagot. Nahiya na siguro kasi pinuna ko siya.

I just chuckled again. "What's her name?"

"Corrine."

I tapped his shoulder. "Well, good luck with Corrine. I'm sure you can find a way to tame her."

Matagal-tagal pa kaming nag-kwentuhan ni Lukas. Tahimik na tao pa rin talaga siya, kaya most of the time, ako lang ang nagkikwento. Okay na rin. Kahit saglit, nakalimutan ko si Arkhe at nakatawa ulit ako. Ang sarap nang may naka-kwentuhan.

Noong magdidilim na, napag-pasyahan na naming umuwi. Malayo pa kasi ang tinitirhan ni Lukas at hindi niya raw pwedeng iwanan nang matagal si Corrine. We said our farewells to each other. Nag-iwan din kami ng contact sa isa't isa para makapag-usap pa rin kami kahit na nasa ibang bansa na ako.

This may be the last time I will see Lukas, but I will never forget him. He's a true friend.

• • •

INABUTAN NA AKO ng gabi sa byahe.

My driver and I were about to reach our village when my cellphone rang. Tumatawag si Amanda.

Sinagot ko agad. "Hey."

"Isabela? Isabela, where are you?"

Napatuwid agad ako ng upo sa loob ng sasakyan kasi parang nagpa-panic at nag-aalala ang boses niya. "Pauwi na ako. Bakit?"

"Go straight home, okay? Wag ka nang magtagal sa labas o dumaan-daan sa iba. Dumiretso ka na ng uwi rito. Do you understand?"

"O-okay. Malapit na ako sa village. Bakit, may nangyari ba?"

"I'll explain everything here. Basta wag ka nang magtatagal. Wag ka ring lalayo sa mga bodyguards mo. I will call them now to watch over you more. Okay?" Sabay baba na agad niya sa tawag.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Sa tono pa lang ng boses niya at sa pag-aalala niya sa akin, alam ko nang may hindi magandang nangyari.

Sumandal ako sa upuan ng sasakyan sabay pahid sa noo ko. Para akong pinagpapawisan nang malamig. Si Amanda naman, hindi pa diniretso sa akin. Pinag-ooverthink pa ako.

Sa wakas naman ay nakarating na kami sa village. Pero pagkalikong-pagkaliko namin sa kanto ng street namin, may napansin na naman akong lalaki na nagtatago sa dilim. Muli akong napatuwid ng upo at hinabol ito ng tingin, pero hindi ko mamukhaan. Masyadong madilim at tago sa pwesto niya.

Napakapit ako sa dibdib kasi lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko. I could even hear my heartbeats now. Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko sa taong 'yon. Siya rin ba ang tumitingin sa akin sa terrace ng kwarto ko? I'm getting so anxious.

Pagkarating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Amanda at niyakap ako nang mahigpit. "Isabela! Are you okay?" Hinaplos-haplos niya pa ang pisngi ko para masigurong walang nangyaring masama sa akin. "Ito na muna ang huling beses na aalis ka, ha? Wag ka na muna uling lalabas ng bahay."

Nakakunot lang naman ang noo ko kasi takang-taka talaga ako sa kanya. "Amanda, kanina pa ako kinakabahan sa 'yo. Ano ba talagang nangyari?"

"Morris is back!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. "W-what?"

"May nakakita sa kanya na pa-gala gala. Tumawag na ako sa mga pulis, at sinabi nilang posible nga na si Morris na iyon. Isabela, it looks like he's targeting you again. But I will protect you, okay? We will all protect you."

Nanlambot na ang mga tuhod ko. Para bang babagsak na lang ako sa sahig ano mang oras dahil sa sobrang takot. Yung taong laging tumitingin sa akin sa terrace, is that him? Is that Morris?

Nanginginig akong napayakap sa kapatid ko. "Amanda, m-mukhang alam ko na kung nasaan ang demonyong 'yon."

Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top