Chapter 31

ISABELA

"I THOUGHT WE'VE already talked about this, Isabela?"

Iyon agad ang bungad sa akin ni Amanda nang sabihin ko ang plano kong pakikipag-kita kay Patrice.

Dito sa opisina niya sa bahay ako dumiretso pagkarating ko galing sa Batangas. Nadagdagan ko pa tuloy ang stress niya sa trabaho.

She closed her laptop and massaged her temples. "Ano bang pumasok sa isip mo at nagparamdam ka pa ulit kay Patrice? Hindi ba't napag-desisyunan na natin na lalayo ka sa kanila?"

Yumuko ako. "Amanda, nanghihina na ang Mama ni Arkhe. Gusto niyang makita si Ark."

"Labas ka na ro'n. You've already helped them in the way you can. That's enough. Habang-buhay ka na nilang pasasalamatan dahil sa ginawa mo."

"It's not yet enough. You should have seen tita's condition. She is so weak and frail. I am scared for her, Amanda. Ang tanging gusto niya lang ay makita ulit si Arkhe."

Napahilot na naman siya sa noo niya. "Ang sabi mo sa akin, pupunta ka lang do'n para humingi ng tawad, then that's it. You will already move on. Pero bakit ngayon parang bumalik na naman tayo sa umpisa? Gusto mo na naman bang masaktan?"

Hindi na ako nakasagot.

Inaasahan ko na talaga na pagagalitan niya ako nang ganito. But I really wanted to stick to my plan. Hindi niya naman kasi nakita mismo ang kalagayan ng mama ni Arkhe, eh. Hindi niya alam kung paano ito umiyak para lang malaman kung nasaan si Ark.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nasa mesa. "Sasaktan mo lang kasi ulit ang sarili mo sa gagawin mo. At masasaktan mo lang din sila Patrice."

"I have no plans of hurting them in any way. Hindi ko naman sisirain ang relasyon nila."

"I know. Pero imposible na hindi mo sila masasaktan diyan sa pinaplano mo. Hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman ni Patrice kapag nalaman niyang dati kang girlfriend ni Arkhe? Patrice will still get hurt even if your intentions are clean. Baka isipin niya pa na gusto mo lang makipag-balikan kay Arkhe kaya mo ginagawa lahat ng ito. At si Arkhe, sa tingin mo ba matutuwa siya na tinutulungan mo pa ang pamilya niya kahit wala na kayong dalawa? Ayaw na niya ng kahit na anong koneskyon sa 'yo. He doesn't even want to see you and talk to you anymore."

Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon. Napabalik agad ako ng tingin sa kanya. "Why do you sounded so sure about that? Na ayaw na niya ng kahit na anong koneksyon?"

Bigla naman siyang umiwas ng tingin.

"Amanda? Bakit mo 'yon nasabi?"

Bumuntong-hininga siya. "Just listen to me, okay? Stay away from them. May masasaktan at masasaktan ka lang."

Hindi na lang ulit ako sumagot. Iniisip ko pa rin kasi ang sinabi niya. Alam ko naman na ayaw na talaga akong makita o makausap ni Arkhe, pero iyong pagkakasabi niya kasi, siguradong-sigurado siya. Para bang may alam siya na hindi ko alam.

Bigla siyang tumayo at lumipat sa upuan na katapat ko.

She held both my hands. "Isabela, please sumunod ka na lang sa 'kin para matapos na 'to. Let go of Arkhe completely. Putulin mo na lahat. Hangga't tinutulungan mo ang pamilya niya, hindi ka tuluyang makakalayo sa kanya at hindi ka makakausad sa buhay. I don't want to be rude, but let me just remind you that you are already the ex. Wala ka ng obligasyon kay Arkhe o sa pamilya niya."

A tear suddenly fell from my eye.

Alam ko naman 'yon, eh. Parte na ako ng past ni Arkhe at wala na akong karapatan sa mga ganitong bagay. I just really wanted to help.

Tumayo na si Amanda at lumapit sa akin. She hugged me and burried my face on her stomach. "Hindi kita pinagagalitan, Isabela. Pinoprotektahan lang kita."

"I know." Sabay yakap ko rin sa baywang niya.

"Listen to me, hmm? Wag ka nang makipag-kita kay Patrice. Kalimutan mo na si Arkhe at ang pamilya niya. You've done your part, and that's enough."

Tumango-tango na lang ako. Ayoko siyang kontrahin kasi tama naman talaga siya. Sadyang nalungkot lang talaga ako dahil hindi siya pumayag. But I completely understand her.

Kumalas na ako mula sa pagkakayakap at pinilit na ngumiti. "I will just text Patrice to cancel our planned lunch this weekend."

"Okay. Then take a rest already. Alam kong pagod ka sa byahe galing Batangas." Hinaplos niya ang buhok ko.

I just smiled again and said goodbye to her. Then I went to my room.

Ang bigat ng pakiramdam ko habang naglalakad pabalik sa kwarto ko. Hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ko naibabalik si Arkhe sa pamilya niya. Pero siguro kailangan ko na lang din talagang tanggapin ang lahat.

When I got to my bedroom, I just showered for a while, then I already texted Patrice. Nahihiya ako sa kanya, sa totoo lang. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya na hindi siya magtatampo. Excited pa naman siya kanina noong nag-reply siya sa text ko kung pwede kaming magkita. Ang bilis niyang pumayag. Tapos ngayon, bigla kong babawiin.

Nilakasan ko na lang ang loob ko. Bahala na. Nag-sorry lang ako sa kanya, tapos ay sinabi ko na agad na ica-cancel ko ang lakad namin.

Hindi ko na nabasa ang reply niya kasi pinilit ko nang makatulog. Today was an exhausting day.

• • •

KINAUMAGAHAN, NAGISING AKO sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko.

My eyes were still droopy from sleep as I grab my phone from the bedside table. Pagkatingin ko sa screen, sobrang dami na palang missed calls at texts ni Patrice. I opened one of her messages, and she said she had an accident!

Biglang nagising ang dugo ko!

Taranta akong bumangon mula sa kama at agad siyang tinawagan. She's not answering, but I still did not stop contacting her. Hindi na ako mapakali! Ang dami kong attempts na tawagan siya bago niya ako tuluyang nasagot.

"Hello? Patrice! Are you okay?" I immediately asked worriedly.

"Hi, Rose." Ang tamlay ng boses niya. "Sorry, nakaistorbo pa ako."

"It's fine! What happened to you? Naaksidente ka?"

"Nabangga ako kanina habang tumatawid."

"WHAT!" Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. "Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita." Nagmadali na akong dumiretso sa C.R para mag-ayos sagli.

"Dinala na ako rito sa ospital nung driver na nakabangga sa akin. Don't worry, it's nothing serious. Nag-panic lang ako kanina kaya hindi na ako nakapag-isip. Ikaw na ang natawagan ko."

"Oh my God, Patrice, I am so sorry! Natutulog pa kasi ako, hindi ko narinig ang mga tawag mo sa 'kin. W-where's your boyfriend? Is he with you now?"

"Uhm, wala. Hindi ko tinawagan si Arkhe."

Natigilan ako. "What? Why? You should call him."

"Ayoko siyang mag-alala. Tsaka binabantayan niya kasi si Jasmine sa bahay. Ikaw ang huli kong tinext kagabi kaya hindi na ako nagdalawang-isip na sa 'yo humingi ng tulong."

Napapikit ako nang mariin. I feel so bad. "I'm really sorry, Patrice. Mag-aayos lang ako saglit, tapos pupuntahan na kita diyan. Are you still okay there?"

"Yes. Pinagpapahinga lang muna ako ng doctor dito sa emergency room. Hindi naman malakas ang pagkakabangga sa akin. May mga galos lang ako. "

"Okay, okay. Kung kaya mo pang mag-text, i-text mo sa akin kung nasaang ospital ka. I will be there as quick as I can. Just wait for me."

"Okay. Salamat, Rose. Sorry, ha? Ikaw lang kasi talaga ang naisip ko."

"Don't worry about it. Sige na, magpahinga ka muna. Pupuntahan kita riyan."

Nagpaalam lang ako, tapos ay binaba na ang tawag.

Nagmadali akong naligo at nag-ayos ng sarili. Hindi ko talaga mapigilan ang pagkataranta ako. Bakit ba kasi hindi ko narinig ang mga tawag niya? I am so worried about her! Alam kong bawal akong makipagkita sa kanya at posible rin na magtagpo na kami ni Arkhe o malaman niya ang tungkol sa amin ni Patrice, pero wala na akong pakialam. Ayoko na munang isipin ang mga iyon. Basta hindi ko pwedeng pabayaan si Patrice.

Matapos kong mag-ayos ng sarili, bumaba na agad ako, dala-dala ang bag ko.

Nadaanan ko si Amanda na nagka-kape sa breakfast nook kasama ang asawa nitong si Arthur.

"Good morning!" bati niya pa sa 'kin.

Hindi ko na siya nagawang pansinin kasi nagmamadali na ako. Kakausap pa ako ng driver na pwedeng maghatid sa akin sa ospital.

Nagtaka naman si Amanda, sinundan niya ako agad. "Isabela? Where are you going?"

"Naaksidente si Patrice. Pupuntahan ko siya sa ospital."

"What?" Bigla niya akong hinabol sabay hinigit sa braso para paharapin sa kanya. "Will you stop this, Isabela? Stop acting like you care for her."

"I am not acting! I really care for her."

Natigilan siya sa sagot ko. Hindi siya nakalaban.

Hindi ko intestyon na taasan siya ng boses, pero kasi, nagmamadali na talaga ako. I just held her hand. "I'm sorry, Amanda. But please, let me do this. Let me go to her."

Wala na siyang sinabi. Ramdam ko na sumama ang loob niya, pero hindi niya naman na ako pinigilan. Nagkusa na lang siyang bumitiw sa akin at humakbang paatras.

I just thanked her, then left the house immediately.

• • •

PAGKARATING KO SA emergency room ng ospital, naroon nga si Patrice. Nakahiga siya sa isang kama. She's all alone. Ang putla-putla niya at may mga galos siya sa braso.

Nilapitan ko siya agad. "Patrice. I'm here."

Dahan-dahan siyang dumilat at nginitian ako. Her eyes look tired, she cannot fully open them. "Rose. Pumunta ka talaga."

"Of course." I stroked her hair. "Kumusta ka? Ano bang nangyari, hmm? Sobrang pinag-alala mo ako."

"Sorry. Umupo ka muna. Alam kong nagmadali ka."

Humila na lang din muna ako ng isang plastic chair, tapos ay umupo sa tabi ng kama. "Anong nangyari? Okay lang kung nanghihina ka pa para magkwento."

"No, I'm okay. Nakapag-pahinga na rin naman ako." She closed her eyes for a while then took a deep breath.

"Wala yata ako sa sarili kanina, lumilipad ang isip ko," kwento na niya. "Papunta ako sa flower shop, tapos nabangga ako habang patawid. Hindi ko napansin ang kotse, eh. Honestly, hindi ko nga matandaan lahat ng nangyari kanina. Ang bilis. Basta biglang nakahiga na ako sa kalsada, tapos may mga tao nang nakapaligid sa akin."

"My goodness." Napapahid ako sa noo ko. Para akong pinagpawisan nang malamig dahil sa sinabi niya. I could imagine how terrified she was during that moment. "Where's your car?"

"Wala akong dala. Pinapaayos ko kasi, kaya nag-commute lang ako papasok. Hindi lang din talaga siguro ako nakapag-ingat nang sobra kanina."

"And you didn't call your boyfriend about this?"

Umiling siya. "Ayoko na nag-aalala si Arkhe. Matataranta lang 'yon at baka bigla pang maghanap ng paraan para lang mapuntahan ako. Ayoko ring mapabayaan si Jasmine sa bahay."

"But he needs to know. Mag-aalala pa rin naman siya sa 'yo, sabihin mo man agad o hindi."

Ngumiti siya nang mapait. "I know. Sasabihin ko na lang siguro sa kanya mamaya pag-uwi. O kaya sa ibang araw." Bigla na ulit siyang pumikit. "May trauma rin kasi si Arkhe pagdating sa mga car accidents dahil nga sa nangyari sa kanya dati. Ayoko siyang ma-trigger kasi naaawa ako sa kanya kapag inaatake siya ng anxiety at depression niya. Okay na 'tong ganito na wala muna siyang alam."

My shoulders dropped.

Why is she so selfless? No wonder why Arkhe loves her. Napakabait niya na mas inuna niya pang isipin ang kalagayan ni Arkhe kahit na siya na nga itong nabangga at na-ospital. Mas lalong tumaas ang respeto ko sa kanya.

I just caressed her hair again, then held her hand. "I understand your side. Pero wag mo na 'tong uulitin, ha? Kapag may nangyaring masama sa 'yo, ipaalam mo agad sa boyfriend mo. He is your partner."

Muli siyang ngumiti nang mapait. "Okay. Kanina pa naman bago ako umalis sa bahay, sinabihan niya ako na mag-taxi papasok. Um-oo naman ako, pero napaisip kasi ako na sayang, kaya nag-commute na lang ako. I'm sure kapag nalaman niya ito, magtatampo 'yon sa akin kasi hindi ko siya sinunod."

"See? He cares for you. Basta wag mo na 'tong uulitin. Tsaka mag-iingat ka palagi. Sobrang nag-alala talaga ako sa 'yo."

"Oo nga, eh. Sorry, Rose. But I really appreciate you for rushing here as soon as you can. Nahiya nga ako sa 'yo, kasi kagabi lang noong nag-text ka sa akin na hindi na tayo tuloy sa lunch natin this weekend. Tapos bigla kitang tinawagan kanina para lang manghingi ng tulong. Pasensya na talaga sa istorbo. Nag-panic talaga ako kaya ikaw na ang una kong natawagan."

"Hey, that's nothing. I actually felt bad that I didn't hear your calls right away. Ako pa sana ang nagdala sa 'yo sa ospital."

"Okay lang. Tinulungan naman ako noong driver na nakabangga sa akin. Mabuti nga't hindi ako tinakbuhan."

"Nasaan na pala ang driver? Nandito pa ba siya?" Lumingon-lingon ako sa paligid.

"I think so. Hinihintay niya yata na makabangon ako."

"Okay. I will just talk to him later. Kumusta ka ngayon? Anong nararamdaman mo? May masakit ba?"

"Medyo makirot lang ang mga galos ko, tsaka shocked pa talaga ako sa nangyari. Para bang kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon. Pero okay naman na. Wala namang sobrang masakit sa 'kin."

Hinaplos ko ulit siya sa buhok. "I understand. Kahit siguro ako 'yan, hindi talaga agad-agad mawawala ang takot ko. Itong mga galos mo, nagamot na ba?"

"Oo, naasikaso na kanina ng nurse. Mabilis naman sila rito."

"That's good. Paano ka pala uuwi mamaya sa bahay?"

Bigla siyang napaiwas ng tingin. "Honestly, hindi ko alam. Ayoko pa talagang tawagan si Arkhe dahil magpa-panic 'yon."

Huminga ako nang malalim. "Sige, ako na ang bahala. Ipahahatid na lang kita mamaya sa inyo."

"Thank you, Rose, ah? Grabe, nahihiya ako sa 'yo. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, tapos ganito pa."

"It's okay, don't worry about it."

"Thank you. Sobrang bait mong kaibigan. I am very lucky to have you."

Bigla akong natigilan doon.

Alam kong mali na tawagin kaming magkaibigan, pero ang sarap pa rin sa tainga ng sinabi niya. She was the first person to tell me that.

Napangiti na lang ako nang mapait, wala na akong naisagot.

• • •

HINDI KO INIWANAN si Patrice. Nasa tabi niya lang ako hanggang sa makabawi siya ng lakas.

Noong umayos na ang pakiramdam niya at pinayagan na siya ng doktor na umuwi, nagpatawag lang ako ng isa sa mga driver namin at pinapunta rito sa ospital para may maghatid kay Patrice pauwi sa bahay.

"Sigurado ka bang hindi ka na makakasama sa paghatid sa 'kin?" tanong ni Patrice nang makasakay na siya sa kotse.

Ngumiti ako nang mapait. "Sorry, gustong-gusto ko pero hindi na talaga kita maihahatid. May gagawin pa kasi ako kasama ang kapatid ko, eh. Nangako ako sa kanya."

I lied. Ang totoo, kaya hindi ko siya pwedeng ihatid ay dahil baka makita pa ako ni Arkhe sa bahay nila.

"Okay," sagot niya naman. "Are you sure pwede akong sumakay dito sa kotse niyo?"

"Oo naman. Pinapunta ko talaga 'to para sa 'yo. Ayokong mag-commute ka ulit. O sige na, kailangan mo nang makauwi para makapag-pahinga ka na. Don't forget to tell your boyfriend about what happened, okay?"

"Okay. Salamat talaga, Rose. Hulog ka ng langit."

I smiled sweetly. "Magpagaling ka at mag-ingat na sa susunod. Wag mo na akong pag-aalalahanin ulit, hmm? At i-text mo rin pala ako kapag nakauwi ka na."

"Sige. I'll just text you. Thank you, Rose."

Pagkatapos no'n, sinara ko na ang pinto ng kotse. Sinundan ko lang sila ng tingin habang papalayo.

Dapat tatalikod na rin ako para umuwi, pero natigilan agad ako nang mapansing naiwan pala sa 'kin ang shawl ni Patrice. Hinawakan ko kasi 'to kanina noong inaalalayan ko siya papunta sa sasakyan.

Hinabol ko ng tingin ang kotseng sinakyan niya, pero masyado na itong nakalayo.

'Di bale, makikipag-kita na lang siguro ulit ako sa kanya para ibalik 'tong shawl. Ang importante sa akin ngayon ay makauwi na agad siya para makapag-pahinga. Alalang-alala talaga ako. At sana rin sabihin na niya kay Arkhe ang nangyari sa kanya. I know that man so well. Baka sisihin pa nito ang sarili nito kapag nagkataon.

Mayamaya lang ay tuluyan na rin akong umalis ng ospital.

Kinakabahan akong umuwi dahil alam kong masesermonan na naman ako ni Amanda. But you know what? I feel good right now. Walang guilt feeling, worries, o whatsoever. Ang sarap ng pakiramdam ko na natulungan ko si Patrice ngayon. Ganito rin siguro ang mararamdaman ko kapag naibalik ko na si Arkhe sa pamilya niya. Magiging payapa na rin siguro ang loob ko.

I am really still not over that idea. Gustong-gusto ko pa rin talagang tulungan ang pamilya ni Ark kahit na alam kong baka matakwil na ako ni Amanda.

I will still to do something about it. Kapag maayos na ang pakiramdam ni Patrice, makikipag-kita ulit ako sa kanya, at gagawin ko pa rin ang kailangan kong gawin.

Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top