Chapter 30.2

ISABELA

"ATE SAB! IKAW nga!" Patakbong lumapit sa akin si Unice sabay niyakap ako nang mahigpit.

I quickly slid my phone back into my bag, then hugged her too.

I missed her so much! Ang galing, kasi dapat talaga hahanapin ko na rin siya kay Theo. Gusto ko rin siyang makita at makausap dahil alam kong malaki rin ang kasalanan ko sa kanya.

"Ate Isabela, ikaw ba talaga 'to?" tanong niya pa. "Walang nagsabi sa akin na pupunta ka pala ngayon. Ang saya-saya ko!" Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin.

Ang tagal naming ganito na para bang ilang taon kaming hindi nagkita, bago siya bahagyang kumalas para titigan ako. Her eyes were teary. "Naaalala mo na ba ako, ate Sab?"

Napangiti ako nang mapait.

Nakakatuwa, lahat sila iyon ang unang tanong sa akin. I didn't realize there are people who are truly concerned about me. Partida, may kasalanan pa ako. Ang dami kong sinabi kay Arkhe noon na masasakit na salita tungkol kay Unice. I remember I told him that I don't like his cousin. Pero wala lang talaga ako sa tunay kong sarili that time. I knew to myself that I love Unice.

Hinaplos ko na lang ang buhok niya. "Yes, I remember you now. Magaling na ako."

"Talaga, ate?" Her eyes seemed to twinkle, then she suddenly hugged me again. "I miss you, ate! Sana napatawad mo na ako. Sana hindi ka na galit sa akin."

Napakunot ako ng noo sabay bahagya muna siyang inilayo para tingnan. "Galit? Bakit naman ako magagalit sa 'yo?"

Tuluyan na siyang kumalas mula sa pagkakayakap, tapos ay yumuko. "Dahil sa nangyari dati noong pumunta ka rito, ate Sab. Ang dami kong kasalanan sa 'yo. Pakana ko ang surprise party, tapos pinakain pa kita ng seafood. Hindi ko alam na allergic ka pala. Sorry, ate."

Napabagsak ako ng mga balikat. 'Yon pala ang nararamdaman niya? Samantalang ang iniisip ko nga, ako ang may mali sa nangyari. Na hindi hahantong sa gano'n kung hindi ako nagwala.

Parang maiiyak na naman tuloy ako. Ilang buwan niyang dala-dala ang bagay na 'yon na akala niya siya ang may kasalanan.

Tumingin ako sa taas para pigilan ang mga luha ko, tapos ay hinawakan ko ang kamay niya. "Hindi ako galit sa 'yo, hmm? Wala kang kasalanan sa nangyari. Everything was my fault, so I should be the one to apologize to you. I'm sorry kung nagwala ako at nabastos ko kayo noong araw na 'yon. That was not the real me."

"Pero hindi ka naman magwawala ng gano'n kung hindi dahil sa akin, eh."

"Shh..." Pinalapit ko na lang ulit siya para yakapin. "Enough of that. Wag mong sisihin ang sarili mo. Ako 'yon, okay? Inaako ko iyon."

"Basta sorry pa rin, ate Isabela." Bigla niyang sinsiksik ang mukha niya sa damit ko.

I hugged her tighter and caressed her back. "Tama na. Wala kang kasalanan."

She then finally pulled away from our hug. Pinahid niya ang sulok ng mga mata niya. "Ano ba 'yan ate, nag-iiyakan talaga tayo rito sa gitna ng daan. Nakakahiya."

I chuckled. Basa pa ang sulok ng mga mata ko, pero napatawa niya talaga ako roon.

"Alam mo ate, araw-araw akong nagdarasal na sana dalhin ka ulit dito ni kuya Arkhe para makapag-sorry ako sa 'yo. Tapos ngayon, answered prayer ako. Dinala ka nga talaga niya! Wait, nasaan pala si kuya Arkhe, na kay tita ba?" Lumingon siya sa pinto ng kwarto ng mama ni Ark.

Hindi ako nakasagot. I just looked away.

"Buti umuwi na si kuya Arkhe," dagdag niya pa. "Ang tagal na siyang hinahanap nila tita, eh. At buti rin sinama ka niya, ate. Ang saya-saya ko talaga ngayon!"

Nginitian ko na lang siya. I don't know what to say to her. Hindi niya pa rin pala alam na wala na kami ng paborito niyang pinsan.

I glanced at my wrist watch. Maaga pa naman. "Uhm, Unice, do you want to go out?"

"Saan tayo pupunta?"

"Ikaw. Anywhere you like. Gusto mong kumain tayo sa labas?"

Her eyes went huge in excitement. "Talaga, ate?"

"Yes. My treat."

"Ayun ang hinihintay ko! Ang magic word! Basta libre ate, G!" Bigla pa siyang yumakap sa braso ko.

I chuckled again. Dahil sa kanya, bigla kong nakalimutan ang lungkot ko. "Okay, let's go."

"Ay, hindi natin kasama si kuya Arkhe?"

Umiwas ako ng tingin. "Uhm, no. Just...just us."

"Hala! Baka hanapin niya tayo. Hintayin na lang natin siya o kaya sunduin natin siya sa kwarto."

Ngumiti ako nang mapait. "It's fine. Tayong dalawa na lang. Let's go?"

Takang-taka pa rin naman siya, pero hindi na ulit siya nagtanong. Sumama na lang siya sa akin. Mamaya ko na lang ipaliliwanag sa kanya ang lahat. And I will also need to text Theo to say that I am with Unice and we went out.

• • •

"ATE ISABELA, SOBRANG mahal dito. Sure ka ba talagang dito mo gustong kumain?" tanong sa akin ni Unice pagkarating namin sa isang restaurant na hindi kalayuan sa ospital.

I looked at the menu. Hindi naman mahal ang mga pagkain.

"Yes, don't worry," I just said. "Sige na, pumili ka na ng gusto mo."

"Kahit ano, ate? Nakakahiya naman. Baka maubos ang pera mo sa 'kin."

I chuckled. "It's okay. Pick whatever you want."

Pagkatapos naming umorder, nag-kwento lang ulit si Unice.

Magkatabi kami ng pwesto at nakikinig lang ako sa kanya. Masayahin pa rin talaga siya sa kabila ng mga nangyari.

I am glad I'm with her right now. She's always been a breath of fresh air. Kailangang-kailangan ko ito ngayon, eh. 'Yong saglit na pahinga mula sa mga problema. Hindi niya lang alam, pero napapawi niya ang lungkot ko.

"Alam mo, Ate Sab, dapat kaya pupuntahan kita sa Maynila. Sabi ko kay kuya Theo, sasama ako sa kanya. Kaso ayaw niya naman akong isama."

"Bakit mo naman ako gustong puntahan? Malayo rito ang bahay namin."

"Hindi kasi talaga ako natahimik dahil sa nangyari. Iniisip ko na galit ka sa akin. Ayoko na galit ka sa akin kasi love kita, ate. Hindi na nga ako makapasok sa school no'n sa sobrang lungkot. Napagalitan na tuloy ako ng Mama ko."

My shoulders dropped. Sobrang laki talaga ng epekto sa kanya ng ginawa ko. She's so innocent, tapos ay nadamay pa siya.

"I'm really sorry, Unice," I said. "Lahat ng mga ginawa ko noong araw na 'yon, hindi ko 'yon sinasadya. Kung naging mabilis lang sana ang paggaling ko, pupuntahan ko agad kayo para mai-ayos ko lahat-lahat. Kaso ang dami ring nangyari sa akin. Sorry, Unice."

"Okay na 'yon, ate. Happy na ako ngayon kasi nakausap na kita." Ngumiti siya nang matamis. Napakadali sa kanyang magpatawad.

"Ay ate Sab," salita niya naman ulit. "Tawagan mo si kuya Arkhe, sabihin mo sunod siya rito. Miss ko na rin ang kuya kong 'yon. Ang tagal niyang hindi dumalaw sa Nasugbu. Samantalang dati, madalas siyang umuuwi kahit na walang okasyon."

Umiwas ako ng tingin.

Hindi ko pa magawang sabihin sa kanya kasi ramdam kong ang saya-saya niya ngayon, tapos ay sisirain ko lang.

Sinilip niya naman ang mukha ko. "Ayaw mo siyang pasunurin, ate? Gusto mo girl bonding muna tayong dalawa?"

I took a deep breath, then looked back at her. "Unice, your kuya Arkhe is not here with me."

"Nasaan siya?"

"I-I don't know where he is. Pero hindi ko siya kasama rito. Binalitaan lang ako ni Theo tungkol sa lagay ng Mama niya kaya ako pumunta para dumalaw."

Her brows furrowed. Para bang may malaking question mark sa harapan niya. "Hindi mo kasama si kuya Arkhe? Ibig sabihin hindi pa rin talaga siya umuuwi rito? Bakit hindi kayo magkasama, ate. LQ ba kayo?"

Ngumiti ako nang mapait. "Yeah."

Bigla naman siyang tumawa. "Marunong ka palang mag-joke, ate! Hindi ako naniniwalang hindi mo kasama si kuya at LQ kayo."

"It's true." Huminga ulit ako nang malalim, tapos ay tinitigan siya nang malungkot. "Unice, hiwalay na kami ng kuya Arkhe mo."

Kitang-kita ko ang dahan-dahang pagkawala ng ngiti sa mga labi niya.

Napayuko ako. "I'm sorry, hindi ko nasabi agad."

Hindi na siya nakaimik. Nakatitig na lang siya sa 'kin na para bang hindi pa rin siya naniniwala sa sinabi ko.

"Sorry," I told her again. "I know you are not ready for this. But I wanted to tell you the truth. Wala na kami ni Arkhe. Matagal na."

Hinang-hina siyang napasandal sa upuan. Napatulala siya sa hangin. "Bakit, ate Sab? Anong nangyari sa inyo?"

"It's a complicated story. Baka hindi mo lang maintindihan, bata ka pa."

"Pipilitin kong intindihin."

Ngumiti ako nang mapait. Well, I think she does deserve to know everything. After all, isa siya sa mga tao na sumuporta sa amin ni Arkhe noon.

Huminga lang ulit ako nang malalim, tapos ay kinwento ko na sa kanya lahat-lahat kung bakit kami naghiwalay ni Arkhe.

Sinabi ko na ako ang may kasalanan kung bakit kami humantong sa ganito. I admitted that I cheated on Ark. Okay lang kung magalit siya sa akin dahil sa ginawa ko sa kuya Arkhe niya. I just wanted to be honest. Gusto kong malaman niya na hindi ako mabait. Na maraming beses sa buhay ko na nagkamali rin ako at nakasakit ng kapwa.

Matapos kong magkwento, natahimik na lang ulit siya.

Naluluha na ang mga mata niya, hanggang sa hindi na niya napigilan. Bigla na siyang napaiyak.

I immediately hugged her to calm her down. Naiiyak din ako. Alam kong nasaktan siya sa nangyari sa amin ni Arkhe. "I am so sorry, Unice. Na-disappoint kita."

Kumalas naman siya sa pagkakayakap ko at pinahid ang magkabila niyang mga pisngi. "Hindi, ate. Biktima ka lang din naman. Pero sobrang nalulungkot lang ako kasi naghiwalay kayo ni kuya Arkhe. Akala ko forever na kayo, eh."

My eyes also welled up with tears. "I thought so, too. Mahal na mahal ko pa rin naman si Arkhe. Pero alam kong mas magiging payapa ang buhay niya kapag wala ako."

Umiling-iling naman siya. "Kilala ko si kuya Arkhe, hindi siya ganyan mag-isip. Alam kong mahal ka pa rin niya, kahit na wala na kayo."

Ngumiti na lang ako nang mapait. Hindi ko masabi sa kanya na malabo na iyon, kasi may Patrice na si Arkhe. May bago ng babae sa puso niya ngayon.

Pinunasan niya ulit ang mga luha niya. "Kaya ba hindi nagpapakita rito si kuya Arkhe, ate? Kasi nag-away kayo?"

"I-I am not sure about that."

Sumandal siya sa upuan sabay yumuko. "Gets ko na ngayon. Kaya pala nawala si kuya Arkhe. Tapos hindi mo rin alam kung nasaan siya?"

Umiling ako. Hindi ko siya matingnan.

She heaved a heavy sigh. "Hinahanap siya nila tita at kuya Theo. Naaawa na nga ako sa kanila, eh. Sobrang problemado sila ngayon kaya tinutulungan namin sila. Minsan, kami ng Mama ko ang nagbabatay kay tita sa ospital kapag kailangang umalis ni kuya Theo."

"D-do they really want to see Arkhe so bad?"

"Sobra, ate Sab. Kaya natuwa ako ngayon kasi akala ko naman nandito na rin si kuya Arkhe. Patong-patong na ang problema nila tita. Alam mo ba, hindi na rin nila alam kung papaano makakabayad sa ospital? Ang laki na raw ng bill ni tita sabi ng mama ko."

Napakunot ako ng noo. Theo did not mention that to me.

"They can't pay the hospital bills?"

"'Yon ang sabi ng mama ko. Hindi ko naman naiintindihan, pero naaawa lang din ako. Ngayon lang kasi nagkasakit ng ganito si tita, eh. Tapos wala pa si kuya Arkhe. Hindi sila handa."

Napapikit ako nang mariin. Why didn't Theo tell me that?

Tsk, hindi pwedeng wala akong gagawin. I don't want to see them suffering like this. Kahit na wala na kami ni Arkhe, importante pa rin sa akin ang pamilya niya.

"Unice?"

Tiningnan niya ako.

"Mamaya pagbalik natin sa ospital, pwede mo ba akong samahan sa billing's office?"

• • •

UNICE DID ACCOMPANY me.

Pagkabalik namin sa ospital matapos kumain, dumiretso agad kami sa cashier.

Nagpa-assist ako sa isang staff para sa hospital bills ng mama nila Arkhe. I paid for everything. Ayoko kasi na may iisipin pa sila. Mahirap magkaroon ng sakit. I experienced that first-hand. At mas mahirap pa kung may iba kang pinoproblema. Besides, maliit na bagay lang itong ginawa ko kumpara sa laki ng kasalanan ko kay Arkhe.

Matapos magbayad, nagpalipas oras muna kami ni Unice sa maliit na outdoor garden ng ospital. Nagkwentuhan lang ulit kami. Sinusulit ko na kasi alam kong ito na ang huling beses na pupunta ako rito.

Unice and I went back after an hour.

Nakita ni Unice ang Mama niya kaya sumama muna siya rito. Mag-isa na lang akong bumalik sa kwarto ng Mama ni Arkhe para muling dalawin tsaka makapag-paalam na rin kasi kailangan ko nang umuwi.

Sakto naman na habang naglalakad ako sa hallway pabalik sa silid, nakasalubong ko si Theo.

Agad niya akong nilapitan. He seemed troubled. "Isabela."

I just smiled at him. "Hey. I'm sorry, I was with Unice. Kumain lang kami sa labas. How's your mom?"

Pero hindi niya sinagot ang tanong kong iyon. Para talaga siyang wala sa sarili.

"Is everything okay?" I asked.

"Galing ako sa billing. Ikaw ba ang nagbayad ng bill ni mama?"

I was stunned for a second because he sounded so serious. Ngumiti na lang ulit ako. "Yes. I paid for everything."

Bigla siyang napapikit. "Bakit mo binayaran? Kami ang magbabayad no'n. Nakakahiya sa 'yo."

"That's okay."

"Hindi okay. Ang laki no'n. Babayaran ka namin. Hindi mo na dapat ginawa 'yon."

"Hey, don't worry about it. It's just my small way to help your family. Wag mo nang isipin, maliit na bagay lang 'yon."

Hindi siya makapagsalita. Alam kong nahihiya pa rin siya sa 'kin.

I just tapped his shoulder. "I said don't worry about it."

"Babayaran ka namin."

"No need. Hindi ako humihingi ng kapalit. I just really wanted to take some weight off of your family's shoulders."

Bumuntong-hininga siya, pero hindi pa rin siya makatingin sa akin. "Salamat, Sab. Sobrang nakakahiya. Pero salamat. Sasabihin ko na lang 'to kila Mama."

"No worries." I then glanced at my wrist watch. "Uhm, Theo. Pupuntahan ko lang ulit si tita, tapos uuwi na ako. Hindi ako pwedeng gabihin."

Tumingin din naman siya sa relos niya. "Oo, sige. Ihahatid kita pabalik."

"Oh, no need. I have some bodyguards with me, remember? Sa kanila na ako sasakay pauwi."

"Hindi pwede. Nagsabi ako sa kapatid mo na ako mismo ang maghahatid sa 'yo pabalik ng Maynila."

"It's too far. Ako nang bahalang magsabi kay Amanda. I'm sure she'll understand."

"Sigurado ka?"

Tumango ako, tapos ay ngumiti nang matamis. "Dito ka na lang, samahan mo ang Mama mo. I'll be fine."

"Sige." Huminga ulit siya nang malalim. "Tara kay Mama?"

Sabay na kaming bumalik sa kwarto.

I am thankful that tita is still awake. Makakapag-paalam ako nang maayos.

"Ma, uuwi na si Sab." Si Theo na ang nagsabi.

Nilapitan ko na agad si tita. She's trying to smile widely at me.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Tita, magpapaalam lang po ako. Kailangan ko na po kasing umuwi."

"O sige. Mag-ingat ka, ha? Salamat sa pagdalaw mo sa akin."

Umiinit na naman ang sulok ng mga mata ko. "Opo. Magpagaling po kayo. Sana kung magkaroon ako ng pagkakataon na muling makadalaw, sana po malakas na kayo ulit."

Muli lang siyang ngumiti sa akin.

I bid my goodbye, then I embraced her lightly. "Isasama ko po kayo sa mga prayers ko, tita." Kumalas na agad ako sa pagkakayakap pagkatapos.

Akala ko okay na 'yon, pero bigla niya ulit akong hinawakan sa kamay. "Isabela, hindi na ba talaga kayo magkakabalikan ng anak ko?"

Napabagsak ako ng mga balikat. "P-po?"

"Akala ko kasi hindi na kayo magkakahiwalay dahil nakita kong mahal na mahal niyo ang isa't isa. Ang sabi pa sa akin ni Arkhe, gusto ka niyang pakasalan."

Umiwas agad ako ng tingin kasi ang bilis nangilid ng luha sa mga mata ko. Uuwi na lang ako, pero nasasaktan pa rin ako.

Kasalanan ko kasi kung bakit hindi na matutuloy ni Arkhe ang plano niya. Hindi ko masabi kay tita ang mga nagawa kong kasalanan kay Ark. I hurt her son and I will never ever forgive myself for that.

"Alam mo," dagdag niya pa. "Gusto kita para kay Arkhe. Ipagdarasal ko na magkabalikan kayong dalawa."

I quickly looked up to stop my tears from falling.

Ang sarap sa tainga na marinig ang mga salitang 'yon, pero alam kong kapag nalaman niya ang ginawa ko kay Arkhe, babawiin niya ang sinabi niya. Magagalit siya at kailanman ay hindi na niya ako magugustuhan para sa anak niya. Lalo na siguro kapag nakilala niya pa si Patrice. I'm sure she will love Patrice more because she is way, way better than me.

Mabuti na lang at nakaramdam si Theo na hindi na ako kumportable ngayon.

Lumapit siya sa akin at pinaalala sa Mama niya na kailangan ko nang umuwi.

Nagpaalam na lang ulit ako, tapos ay sinamahan na ako ni Theo palabas.

"Pasenya ka na kay mama, ah?" sabi niya sa akin. "Nalulungkot lang 'yon sa nangyari sa inyo ng kapatid ko."

Ngumiti ako nang mapait. "Naiintindihan ko naman. I'm okay, don't worry."

"Tara, ihahatid na kita papunta sa mga bodyguards mo."

"AYOS KA NA rito?" tanong ni Theo sa akin pagkarating namin sa parking lot ng ospital kung saan naghihintay ang mga bodyguards ko.

"Yes," I said. "Hindi na pala ako nakapagpaalam sa papa mo."

"Ayos lang, may inaasikaso rin kasi 'yon. Busy."

"Kay Unice rin, hindi na ako nakapag-paalam. Ikaw na lang ang bahalang magsabi sa kanya na umuwi na ako."

"Sige."

Nginitian ko siya pagkatapos. "Theo, thank you for bringing me here. I really appreciate your help."

"Wala 'yon. Salamat din. Lalo na sa pagbayad mo sa bill namin dito sa ospital. Sobrang laking tulong."

"You're welcome. Masaya ako na nakatulong ako kahit papaano."

Dapat magpapaalam na ako sa kanya, pero bigla pa siyang nagsalita.

"Sab . . ."

"Hmm?"

"Sorry, pero kung sakaling magkaroon ka ng balita tungkol sa kapatid ko, ayos lang ba kung tawagan mo ako?"

Hindi agad ako nakasagot. Pero sa bandang huli ay ngumiti pa rin ako at tumango. "Okay. I will let you know."

"Salamat. Nakakahiya sa 'yo, pero ginagawa ko na lang talaga 'to para kay mama. Kailangan ko nang makita si Arkhe."

"I-I understand. Pero pwede rin ba akong humiling sa 'yo?"

"Oo naman."

"Kapag bumalik na sa inyo si Arkhe, okay lang ba na wag mo ng sabihin sa kanya na nagkita tayo at pumunta ako rito?"

He didn't answer.

Yumuko ako. "Sorry, gusto ko lang talaga siyang iwasan. Ayokong isipin ni Arkhe na bumabalik pa ako sa buhay niya. Mas lalo lang siyang magagalit sa akin."

Bumuntong-hininga siya. "Sige. Hindi niya malalaman."

"Thank you. And one more thing. Kung sakaling magkaroon nga ako ng balita kay Arkhe at tinawagan kita, pwede bang wag mo na ring ipaalam sa kanya na ako ang nagsabi sa 'yo? Let's just pretend na wala akong kinalaman. That will really give me peace of mind."

Tumango siya. "Sige."

Ngumiti ako. "Salamat, Theo. I appreciate that."

Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos. Inalalayan niya naman ako pasakay sa kotse.

Bago niya isara ang pinto, nagpaalam lang ulit siya. "Ingat ka. Salamat ulit. Balitaan mo na lang ako."

"Okay. Thank you."

Sinara na niya ang pinto ng sasakyan, tapos ay umalis na agad kami.

I rested my head on the car seat and closed my eyes. Gusto ko sana munang umidlip dahil napagod ako sa mga nangyari ngayong araw, pero bigla kong naalala si Patrice.

Napadilat agad ako sabay napatuwid ng upo. Oo nga pala! I called her earlier. Pero hindi ko na ulit na-check ang phone ko kasi masyado nang natutok ang atensyon ko kay Unice.

I immediately took my phone from my bag.

Ang dami ng missed calls at texts sa akin ni Patrice. Tinatanong niya kung bakit daw ako tumawag kanina.

I closed my eyes for a second, then took a deep breath. Alam kong walang mali sa naiisip kong gawin, lalo na kung makakatulong naman ako.

I replied to one of Patrice's text messages:

| Hi, Patrice. Can we meet? |

Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top