Chapter 26
ARKHE
"MALAPIT-LAPIT NA tayo. Are you ready?" tanong sa 'kin ni Patrice habang nagmamaneho.
Papunta kami sa restaurant kung saan kami magkikita ni Amanda.
Hindi ko siya nasagot kasi hindi ko alam kung handa na ba talaga ako.
Ilang araw ko ring pinag-isipan kung tutuloy ba ako sa pagpunta. Si Amanda ang unang kaibigan na haharapin ko matapos ang aksidente. Kinakabahan ako sa mga pwede kong malaman, pero gusto ko lang din siyang kumustahin at tingnan kung anong pakay niya.
"Arkhe, could you please check my phone again?" biglang sabi ni Patrice kaya napabalik ulit sa kanya ang atensyon ko. "May nag-reply na ba?"
Tiningnan ko naman ang cellphone niya sa bag. "Wala. Kaninong text ba ang hinihintay mo?"
"Kay Rose nga. Hindi kasi siya nagre-reply sa mga texts at tawag ko, eh."
"Baka busy lang."
"But it's been days. Matapos 'yung dinner namin, hindi na siya nagparamdam. Hindi niya nga rin ako tinext kung naka-uwi na ba siya no'n. Nag-aalala tuloy ako, baka kung napano siya. I think she's not feeling well that time."
"Hindi naman siguro. Baka may ginagawa lang talaga siya ngayon. 'Di ba sabi mo marami siyang pinagkaka-abalahan?"
Tumango siya sabay huminga nang malalim. "Pero nakakapagtaka lang kasi na kahit isang reply sa mga texts ko, wala. I'm really worried about her."
Napangiti ako. "Ganyan ka talaga, 'no?"
Saglit siyang napasilip sa 'kin habang nagda-drive. "Hmm?"
"Ang hilig mong mag-alala sa iba. Pati kaibigan mo, gustong-gusto mong inaalagaan."
"Minsan lang kasi ako magkaroon ng kaibigan na pakiramdam ko, kaibigan ko talaga. Maybe I just miss her. Nasanay na siguro ako na madalas ko siyang nakaka-usap."
"Magre-reply din 'yon, hintayin mo na lang. Wag ka nang masyadong mag-alala."
Tiningan niya lang ulit ako at ngumiti. "Okay." Tapos lumiko na siya papasok sa parking lot na pagba-babaan niya sa'kin. "I guess we're here."
Bumuntong-hininga ako. Tangina, bumalik na naman ang kaba ko. Sanay naman akong nakikipag-kita kay Amanda, pero iba na ang pakiramdam ko ngayon. Parang unang beses ko ulit siyang makikilala.
"Are you okay here? O gusto mong samahan pa kita sa loob?" tanong ni Patrice pagkaparada namin malapit sa restaurant.
Huminga lang ulit ako nang malalim. "Ayos na ako rito. Gumala ka muna saglit. Wag mo akong hintayin dito sa labas, baka mainip ka lang."
"Sige, babalikan na lang kita. Bye."
"Bye." Hinalikan ko siya pisngi, tapos bumaba na ng sasakyan.
Hindi ko pa ulit kayang magmaneho simula noong naaksidente ako. May trauma pa ako sa nangyari. Kaya sa tuwing may kailangan akong puntahan, palagi akong hinahatid si Patrice.
Kinondisyon ko muna ang sarili ko bago tuluyang dumiretso sa restaurant.
Pagkapasok sa loob, nakita ko na agad si Amanda na nakapwesto sa may dulo. Mag-isa lang siya. Sabagay, sino bang inaasahan ko na kasama niya?
Napatuwid nga agad siya ng upo nang makitang nandito na ako. Para bang hindi siya makapaniwalang pinuntahan ko talaga siya ngayon. Hanggang sa makalapit ako sa mesa niya, nakatitig pa rin siya sa 'kin.
Tipid ko na lang siyang nginitian. "Kumusta?"
Tsaka lang din siya napangiti. "Hey. Masaya ako na pumayag kang makipagkita sa 'kin."
Umupo na ako sa katapat niyang silya. "Sorry, ngayon ko lang nabasa 'yong sulat."
"It's okay." Bumuntong-hininga siya at muli akong tinitigan. Hindi pa rin yata talaga siya makapaniwalang kaharap niya ako ngayon. "How are you, Arkhe? It's been months since we last saw each other."
"Ayos naman. Buhay pa." Huminga rin ako nang malalim sabay tumingin sa paligid nitong restaurant. "Alam niya bang magkikita tayo ngayon?"
"Who?"
"Kilala mo na."
"Oh. My sister?"
Tumango ako.
"No, she doesn't know about this. Baka mag-alala lang siya kapag sinabi ko."
"Ah." Hindi ko na alam kung anong sasabihin. Pinipigilan ko talaga na hindi namin mapag-usapan si Isabela kahit na alam kong malabo.
"Ikaw, kumusta ka?" tanong ko na lang. "Stress pa rin sa mga negosyo?"
"Yes, as usual. Mas dumami pa ang mga problema, pero nakakaya naman."
"Ah. Bakit pala gusto mong makipagkita? Akala ko wala na tayong kailangan sa isa't isa simula noong umalis ako sa inyo."
Ngumiti siya nang mapait. "Gusto lang talaga kitang kumustahin. Ang tagal ka na naming hinahanap. We heard about the accident."
Napakunot agad ako ng noo. "Paano niyo nalaman?"
"We received a call that time. Napuntahan ka pa namin ni Arthur sa ospital no'n. But when we came back, you were gone. We've been looking for you since then. Mabuti nga't nabasa mo pa ang sulat na iniwan ko sa bahay mo."
Umiwas ako ng tingin. Wala na akong naisagot. Hindi ko alam na napuntahan pa pala nila ako sa ospital. Baka sila 'yong nabanggit sa 'kin dati ni Patrice.
"Have you fully recovered?" tanong niya ulit. "Saan ka nagpagaling? Umuwi ka ba sa Batangas?"
Bumuntong-hininga ako sabay tiningnan siya ulit. "May bago na akong kinakasama ngayon, Amanda. Si Patrice. Mabait siyang babae. Siya ang nagligtas at nag-alaga sa 'kin."
Siya naman ang napaiwas ng tingin. "I...I see."
"Bakit niyo pa ako hinahanap?" tanong ko. "Hindi niyo na dapat trabaho 'yon."
"What are you talking about? Alam kong marami ang nangyari, pero importante ka pa rin sa 'min at ayaw ka naming pabayaan ng ganun-gano'n na lang. We were so worried about you. Pati si Isabela. Noong nalaman niya ang nangyari sa 'yo, alalang-alala siya. She blamed herself for what happened."
Hindi na ulit ako sumagot. Ito na nga ang kinatatakot ko kaya nagdalawang-isip ako na makipagkita sa kanya ngayon. Kasi alam kong masasali't masasali sa usapan ang kapatid niya.
"Bakit nag-aalala siya sa 'kin?" tanong ko. "Tsaka wag niyang sisihin ang sarili niya, wala siyang kasalanan. Desisyon kong tangkain na magpakamatay nung gabing 'yon."
Napabagsak agad siya ng mga balikat. "S-so it's true? Arkhe, hindi mo dapat ginawa 'yon. Maraming nagmamahal sa 'yo."
Natahimik na ulit ako kasi ayokong pag-usapan. Tapos na ako ro'n.
Bumuntong-hininga naman siya. "Nalulungkot ako na ganito ang nangyari sa inyo ng kapatid ko. Dapat talaga hindi kita hinayaang umalis no'n sa bahay para hindi ka napahamak. At dapat mas inalam ko rin ang pinag-daraanan ni Isabela. Hindi sana nangyari ang lahat ng 'to."
"Wag mo nang balikan ang mga 'yon. Masaya na ako. At masaya na rin naman ang kapatid mo kay Morris, 'di ba?"
"No. My sister is not okay, Ark. She was never happy with Morris. She even suffered abuse from him."
Napakunot agad ako ng noo sabay titig sa kanya. Ang tagal bago 'yon nanuot sa isip ko. Hindi gano'n ang balita na naiisip kong marinig. Akala ko, masaya si Sab.
Huminga ulit siya nang malalim. "Morris manipulated Isabela. He kept my sister in captive and abused her physically and emotionally for many months. Ang tagal din naming hinanap ang kapatid ko. At nakita na lang namin siya na tumatakas mula kay Morris. Punong-puno siya ng pasa at may saksak sa tiyan habang yakap-yakap ang envelope na binigay mo. Sobra siyang naghirap na halos ikamatay niya na rin." Pumikit siya saglit, tapos tinitigan ako. Ang seryoso ng mga mata niya. "Arkhe . . . Isabela remembers you now."
Hindi ako nakapagsalita.
Pero inaamin kong naapektuhan ako sa huli niyang sinabi. Biglang nanginig ang mga kamay ko. Pumikit na lang din ako nang mariin. Hindi ko inasahan na makakaramdam pa rin ako nang ganito kapag narinig ko ang mga salitang 'yon.
"She's back to her old self," dagdag pa ni Amanda. "And now she's looking for you, too. Mahal na mahal ka pa rin ng kapatid ko, Arkhe."
Bumuntong-hininga ako nang malakas para matigilan siya. Tapos tinitigan ko siya nang diretso. "Bakit mo sinasabi lahat ng 'to sa 'kin? Bakit kailangan mo pang i-detalye lahat?"
Nagulat siya at hindi nakasagot.
"Amanda, matagal na kaming hiwalay ng kapatid mo. Kung ano mang nangyari o nangyayari sa kanya ngayon, wala na akong pakialam."
Bigla siyang napayuko. "I-I'm sorry. I just thought you deserve to know what Morris did to her. Sising-sisi ang kapatid ko sa ginawa niya sa 'yo. She was also a victim here. At gusto ko ring malaman mo na hindi siya nagbago. Hinahanap-hanap ka pa rin niya."
Ngumisi ako. "Naiintindihan ko na gusto mo lang siyang ipagtanggol. Pero hindi mo ba naisip na kaya hindi ako nagpakita matapos ang aksidente e dahil gusto ko na siyang kalimutan?"
Hindi na naman siya nakasagot.
Huminga na lang ulit ako nang malalim at kinalma na ang sarili ko. "Sorry. Hindi ko sinadyang magtaas ng boses."
"It's okay. I understand where you're coming from. And I'm sorry, too. Wala akong ibang intensyon. I just really wanted to let you know what happened."
"Ayos na ako. Hindi mo na ako kailangang balitaan tungkol sa kanya. At kung pwede lang din, ito na sana ang huling beses na magkikita tayo at pag-uusapan ang tungkol sa kapatid mo."
"Hindi ka man lang ba makikipagkita kay Isabela? Ayaw mo ba siyang makausap tungkol sa nangyari sa inyo? Kahit saglit lang?"
"Hindi na kailangan. Sabi ko nga, ayos na ako."
"Pero ang kapatid ko, hindi pa. She still wanted to see you and apologize to you. Baka pwede mo siyang pagbigyan? Maybe the both of you need closure to completely move on."
"Amanda, espesyal sa 'kin ang girlfriend ko ngayon. Ayokong isipin niya na may interes pa rin ako sa kapatid mo. Ayoko siyang masaktan."
Muli siyang napayuko. Pansin ko ang lungkot sa itsura niya.
"Sorry," sabi ko na lang.
Tipid lang siyang ngumiti. "It's okay. I respect you and your decision. Alam ko rin namang wala akong karapatan na mangialam sa inyo ni Isabela. I'm sorry for acting like this. Gusto ko lang talagang tumayo para sa kanya kasi alam kong hindi niya 'to kayang gawin. Hindi ka niya kayang kausapin nang ganito. Don't worry, hindi na ito mauulit. Ito na ang huling beses nating pagkikita, kung 'yon ang gusto mo. Wag ka sanang magalit sa 'kin."
Umiwas ako ng tingin. "Hindi ako galit sa 'yo. Hindi na rin ako galit sa kapatid mo. Matagal ko na siyang napatawad. Gusto ko na lang talaga ng tahimik na buhay ngayon. Sana maibigay niyo 'yon sa 'kin."
Tumango siya.
Bumuntong-hininga lang naman ulit ako, tapos naglabas na ng cellphone para tawagan si Patrice. Hindi ko na kaya. Baka bumigay na ako rito kapag nagtagal pa ang pag-uusap namin.
"Mauna na ako," sabi ko na kay Amanda. "Sana hindi na makarating sa kapatid mo 'tong pag-uusap natin."
"O-of course. This is just between you and me."
"Salamat. Ingat ka pauwi." Tumayo na ako pagkatapos at umalis ng restaurant.
• • •
HININTAY KONG MAKABALIK sa Patrice.
Sumakay agad ako sa kotse niya pagkarating na pagkarating niya at sinandal ang ulo ko sa upuan. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko.
"Are you okay?" Hinaplos niya agad ako sa balikat.
Hindi ako nakasagot kasi pakiramdam ko kapag nagsalita ako, tuluyan na akong maiiyak.
Kanina ko pa 'to pinipigilan. Tangina, hindi ko alam kung anong nangyari sa 'kin. 'Yung inasta ko kanina kay Amanda, hindi ako 'yon. Umarte ako na matapang at wala ng pakialam sa kapatid niya, pero ang totoo, may pakialam pa rin ako. Kaya nga ako nakipagkita ngayon. Hindi ko lang maamin, pero gustong-gusto kong makipagkita sa kanya para magkaroon ng balita tungkol kay Sab.
Inipit ko ang pagitan ng mga mata ko para hindi ako maiyak.
"Arkhe?" tawag naman ulit ni Patrice. "What happened?"
Umiling ako at umiwas ng tingin.
Hinaplos niya na lang naman ang buhok ko sabay hinalikan ako sa pisngi. "It's okay. Hindi mo kailangang sabihin sa 'kin kung ayaw mo. We'll go home now, hmm? Para makapagpahinga ka na." Kinabitan niya ako ng seatbelt, tapos nagmaneho na siya paalis.
Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko sa byahe, pero hindi ko talaga magawa. Iniisip ko si Sab. Iniisip ko lahat ng binalita sa 'kin ni Amanda tungkol sa kanya.
'Yung ginawang pang-mamanipula ni Morris, inaasahan ko na 'yon. Alam ko naman talagang nilason ng gagong 'yon ang utak ni Isabela.
Pero 'yung pag-kulong at pang-aabuso niya kay Sab, 'yon ang hindi ko matanggap. Akala ko aalagaan na niya si Isabela sa pagkakataong 'to dahil napagbigyan na nga siya, pero demonyo talaga ang hayop. Sinaktan niya pa rin si Sab.
At naaalala na pala ulit ako ni Isabela.
Hindi ko alam kung dapat ko pang ikatuwa 'yon o ika-lungkot, kasi para saan pa? Ang tagal kong hinintay na bumalik ang mga alaala niya at matandaan niya na ulit ako, pero wala ng saysay sa 'kin 'yon ngayon. Huli na ang lahat.
Napakuyom ako ng kamao at muling sinandal ang ulo ko sa upuan.
Bigla na lang namang hinawakan ni Patrice ang nanginginig kong kamay.
Natigilan agad ako at tiningnan siya kahit na nangingilid ang luha sa mga mata ko.
Ang tamis ng ngiti niya sa 'kin. "Calm down. I'm here, okay? You'll be fine."
Napabagsak ako ng mga balikat.
Pumikit na lang ako at hinawakan din nang mahigpit ang kamay niya para kumuha ng lakas.
Tangina hindi na dapat ako naaapektuhan nang ganito pagdating kay Sab, pero apektadong-apektado pa rin ako. Akala ko ayos na ako, hindi pa pala.
Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top