Chapter 18

ISABELA

"ISABELA!"

Tuluyan nang nasira ni Morris ang pinto ng silid.

Wala na akong naramdamang kahit na anong takot. Nakaluhod lang ako rito sa sahig at umiiyak habang yakap-yakap ang envelope na binigay sa 'kin ni Arkhe. Pumipintig ang ulo ko sa sakit dahil sa dami ng mga ala-alang bumalik sa 'kin, pero mas nangingibabaw ang sakit ng puso ko. Hindi ko matanggap na hinayaan kong mawala sa 'kin si Arkhe.

"You really never listen!" Bigla akong hinigit ni Morris sa braso patayo at bumulyaw mismo sa mukha ko. "'Di ba sinabi kong huwag na huwag kang papasok sa kwartong 'to!" Sabay sampal niya sa 'kin nang malakas sa pisngi!

Hindi ako nakalaban at dumiretso ako ng bagsak sa sahig. My knees were shaking but I still managed to stand up right away and I hit him in the chest. "Demonyo ka talaga! Napakasama mo, napakasama mo!" Pinaghahampas ko siya sa dibdib.

Hinawakan niya naman ako palayo at muli akong sinigawan. "Stop it! Masasaktan talaga kita!"

"E 'di saktan mo ako!" Galit kong inalis ang mga kamay niya mula sa mga balikat ko. "'Yan lang naman talaga ang kaya mong gawin. Ngayon alam ko na kung bakit ayaw mo akong papasukin dito sa kwarto. Kasi nandito lahat ng mga kademonyohan mo! Ano pang mayroon sa kwartong 'to, ha? Ano pang mga sikreto niyo rito!"

Hindi siya nakasagot at dapat aagawin niya na lang sa 'kin ang kapit kong envelope, pero nagmatigas ako at hindi ko binigay sa kanya. "No! Napakasama mo para itago ito sa 'kin. Lalo mo lang akong nilayo sa mga alaala ko!"

Bigla niya akong hinawakan sa mukha gamit ang isang kamay at diniin ang mga kuko niya sa mga pisngi ko. His eyes were burning with rage. "At ano naman ngayon? Ano, matapang ka na dahil nakita mo na 'yan? Nothing will change, Isabela. Akin ka pa rin at hindi ka na makakawala pa!"

"Who told you that? Makakawala ako sa 'yo! Babalikan ko si Arkhe at ipakukulong ka namin!" Tinulak ko siya at tumakbo ako palabas ng silid habang yakap-yakap pa rin ang mga alaala namin ni Arkhe.

Tinawag pa ako ni Marisol na ramdam kong nag-aalala, pero hindi ko siya pinansin.

Hindi na ako natatakot. I've had enough! Kung kailangan ko ng tumalon sa bintana ng attic para lang makawala, gagawin ko. Gagawin ko lahat para lang makabalik kay Arkhe at Amanda.

Hindi pa naman ako nakakalayo nang marinig ko si Morris na biglang tumawa nang malakas. Napahinto ako sabay tingin nang masama sa kanya.

Lumabas na rin siya ng silid at tawa pa rin siya nang tawa sa 'kin. 'Yong tawa niya, nakaka-insulto. Baliw na talaga siya!

"Ah yes, that Arkhe," mayabang niya pang sabi sa 'kin. "Ayokong sirain ang pagda-drama mo, pero wala ka ng Arkhe na babalikan."

My hand balled into a fist. "What are you talking about."

Unti-unti na siyang naglakad palapit sa 'kin. "Alam mo, wala na nga dapat akong interes sa Arkhe na 'yon. Nakuha naman na kita kaya wala na akong pakialam sa kanya. But just earlier at the office, someone broke the news to me . . ."

Ngumisi pa siya bago nagpatuloy sa pagsasalita.

". . . Arkhe is dead."

Ang bilis nanghina ng mga tuhod ko at bigla akong nahirapang huminga. Pinipilit kong iproseso sa utak ko ang sinabi niya sa 'kin.

I know it's not true. That's impossible! Tinitigan ko siya nang masama kahit na sinasalakay na ako ng takot. "Napakasinungaling mo talaga. Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa 'yo?"

"You don't have to believe me if you don't want to, sweetheart. But I'm telling the truth. Kaya nga gustong-gusto ko na sana agad makauwi sa 'yo ngayon para masabi ko na ang magandang balita. He's gone. Your beloved Arkhe is gone."

Bumuhos ang mga luha ko. Agad ko siyang sinugod at muli ko siyang pinaghahampas sa dibdib. "You're really a demon! Anong ginawa mo sa kanya, ha? Anong ginawa mo kay Arkhe!"

Nilayo niya ako sabay bigla ulit akong tinawanan na parang isang baliw. "Anong ginawa ko? You're accusing the wrong person, Isabela. It's not because of me. He died because of you."

Natigilan ako at napatulala sa kanya. "W-what?"

Muli niya akong nginisian. "Yes, you heard that right. He killed himself in a car crash seven months ago. Suicide. And that's just because you left him and cheated on him with another man. Tragic, isn't it?"

Tuluyan nang dumilim ang paningin ko. Hinang-hina akong napaatras ng lakad at napahawak sa pader. "N-no, no. You're just lying. W-why do you always lie to me?"

Tumawa lang ulit siya nang mayabang. "I also wish I was just lying. Pero totoo. Tsk, tsk. Poor guy. Hindi niya man lang makikita na ikakasal ka sa akin."

I crumpled my chest because of too much pain and grief. I don't want to believe him. I know he's just lying again. Pero ang matinding sakit na nararamdaman ko ngayon, pinararating sa 'kin na totoo nga talaga ang sinasabi niya. That Arkhe is gone because of me.

Lalong bumuhos ang mga luha ko at napasandal na lang ako sa pader habang yakap pa rin ang envelope namin ni Arkhe. I broke down crying. Hindi ko 'to matatanggap. Hindi ko matatanggap na dahil sa akin, hindi ko na siya makikita at makakasama pang muli. Arkhe, hindi ko kaya!

"Shh . . ." pang-aasar pa talaga sa 'kin ni Morris. "My poor Isabela, don't cry like that. Matagal naman na iyong nangyari. Let's just move on."

Tiningnan ko siya nang masama kahit na hirap na akong makakita dahil sa kapal ng luha ko sa mga mata. My entire body was trembling in sorrow and anger. "It's all your fault. Everything was your fault!"

Biglang tumapang ang itsura niya. "My fault? Bakit, ako ba ang nanakit at nang-iwan sa kanya? 'Di ba ikaw? You're too stupid to fall into my trap." Naglakad na siya para lapitan ako.

Pero muli akong naglakad palayo. "Don't you dare come near me."

Ngumisi lang naman siya at tumuloy pa rin sa paglapit.

"Sinabi nang huwag mo akong lapitan!"

"Come on, Isabela, palalayuin mo ba talaga ako? I am the only one you have left. Galit na galit silang lahat sa 'yo, sinisisi ka nila sa pagkawala ni Arkhe. No wonder your sister isn't looking for you anymore."

"STOP IT!" Napahawak ako sa ulo ko habang naglalakad palayo hanggang sa mabangga ko ang pahabang mesa. Nahulog sa sahig ang isang display plate, basag!

Nawala na ako sa sarili. Kinuha ko agad ang matalim na piraso ng nabasag na plato at galit na galit iyong pinakita kay Morris. "Sige! Lumapit ka sa 'kin!"

Pero hindi man lang siya natakot sa banta ko. Talagang tumawa pa ulit siya. "And then what, you'll kill me?"

Hindi na ako nakapagsalita. Nanginginig lang ang kamay ko habang hawak-hawak ang piraso ng plato.

"Can you really kill me, Isabela?" pang-aasar niya pa rin sa 'kin. "I know you can't. You're too weak to do that."

Napangisi na lang din ako habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha. "Sinong nagsabi sa ang ikaw ang papatayin ko?"

Nawala ang mayabang na ngiti sa mga labi niya. I laughed at his serious face. Nababaliw na rin ako, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa 'kin. Gusto ko na lang ding mawala. Gusto ko na lang ding sumunod kay Arkhe!

Tinapat ko sa 'kin ang matalim na bubog at walang takot kong sinaksak ang sarili ko!

"MISS ISABELA!" Marisol was the one who screamed in fear.

Napahawak ako sa mesa habang tinitiis ang matinding sakit ng saksak ko sa tiyan. I panted heavily as my blood rushed down. Wala na akong ibang naririnig at nakikita, pero pinilit ko pa ring titigan si Morris. "D-don't come near me. O-or else I will stab myself again."

Pero hindi talaga siya natakot at tinangka niya pa rin akong lapitan. "No. You cannot die, Isabela. Hindi ka pwedeng mawala sa 'kin ng ganun-gano'n na lang!" Tatakbo na dapat siya papunt sa akin, pero nagulat na lang ako nang bigla akong tinulungan ni Marisol!

Kinuha niya ang isang babasaging vase at hinampas iyon sa ulo ni Morris! "Miss Isabela, takbo!"

Using the little strength left in me, I picked up the envelope and did everything I could to escape. Pinilit kong umakyat sa attic kahit na ilang beses akong natapilok at bumagsak sa hagdan.

Hindi ko na alam kung paano ko pa nagagawang tumakbo ngayon. Nanghihina na ako sa dami ng dugong nawawala sa akin, wala na akong maaninag, at hindi ko na matiis ang kirot ng saksak ko sa tiyan. I know I will collapse anytime soon but I still forced myself to run until I reached the attic window.

"ISABELA!" I heard Morris yelled.

Takot na takot na ako pero tinuloy ko pa rin ang pag-akyat sa bintana. I hugged the envelope and endured the intense pain of my stab wound as my tears continue rolling down my cheeks.

I love you so much, Arkhe. Sorry sa lahat ng kasalanan ko sa 'yo.

If I don't survive this, please wait for me in our next life. Magiging masaya na tayo ro'n. Hindi na tayo magkakahiwalay pa.

I shut my eyes tight and with no second thoughts, I jumped out of the attic window.

Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top