Chapter 17
ISABELA
"Ark?
"Hmm?"
"What if I don't survive the surgery?"
Natigilan siya at bigla akong hinawakan palayo. Alalang-alala ang itsura niya. Ang tagal niya pa nga akong tinitigan bago siya nakapagsalita ulit. "Bakit mo iniisip 'yan?"
"I-I'm sorry . . ."
"Hindi ko binigay ang envelope sa 'yo para mag-isip ka ng ganyan."
"Sorry." Yumakap na ulit ako sa kanya at tumuloy sa pagsayaw. "Hindi ko na iisipin."
Naramdaman ko naman siyang napahinga nang malalim. "Ayoko nang marinig ulit 'yan sa 'yo. Tinatakot mo 'ko."
Tumango lang ako at siniksik ang mukha ko sa dibdib niya. Ang tagal naming ganito bago siya muling nagsalita. "Sab . . ."
"Hmm."
"Makakaligtas ka sa operasyon mo. Basta lumaban ka, ah? Labanan mo ang sakit mo. Wag mo 'kong iiwan mag-isa."
A tear suddenly fell out of my eye again. Parang mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.
Hinigpitan ko na lang ang pagkakayakap ko sa kanya para pasimpleng punasan ang luha ko. Tapos ay tumango ako. "Hindi kita iiwan. Walang iwanan."
• • •
NAGISING AKO NANG umiiyak.
I dreamt of Arkhe again. Pero mas malinaw na ang mukha niya ngayon. Kitang-kita ko na siya kaya siguradong siya talaga ang nasa panaginip ko. Sumasayaw raw kami pagkatapos niya akong bigyan ng regalo para sa New Year's eve: an envelope full of memories.
I remember that envelope. Parang palagi nga iyong pinapakita sa 'kin dati ni Arkhe, pero hindi ko pa rin siya magawang maalala. Hindi ko na rin ulit nakita ang envelope na 'yon pagkatapos.
I hugged my knees while I'm still on the bathroom floor. Dito na ako sa C.R nakatulog kagabi dahil sa sobrang takot ko sa ginawang pananakal sa 'kin ni Morris. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, o kung nasa kwarto pa ba siya.
I buried my face on my knees and kept crying. I can't accept what's happening to me anymore. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras, gagawin ko para hindi ko na lang niloko at hiniwalayan si Arkhe. Kung totoo nga ang panaginip ko na nangako kami sa isa't isa na walang iwanan, napakasama ko kasi iniwan ko siya.
I suddenly miss how he takes care of me even though I still can't remember him. Pero alam ko namang hindi ko na ulit mararamdaman ang pag-aalaga niyang iyon. Huli na ang lahat para sa akin. He won't accept me anymore because of what I did.
Ang gusto ko na lang talaga ngayon ay ang makawala kay Morris. Napaka-bobo ko na nagpa-uto ako sa taong iyon. Tinatapangan ko na lang ang loob ko, pero ang totoo, sobrang natatakot na ako sa kanya. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nakukuha nang buong-buo.
Pinahid ko na ang mga luha ko. I composed myself and finally stood up from the bathroom floor.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng C.R. Nang masiguro kong wala si Morris, tsaka ako tuluyang lumabas at humiga sa kama. Ang sakit ng katawan ko dahil sa magdamag na pag-upo sa sahig.
It's already 10 AM. Tinakpan ko ng braso ko ang mga mata ko para subukang matulog ulit.
But I suddenly thought of Amanda. Kamusta na kaya siya ngayon? It's been seven months. Hinahanap niya kaya ako, o totoo ang sinabi ni Morris na ayaw niya na rin akong makita?
Ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Nagkasakitan kami ng damdamin bago ang gabing umalis ako para sumama kay Morris.
***FLASHBACK***
"Isabela, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Arkhe?"
Tanong sa 'kin ni Amanda habang nasa kwarto ako at nakaupo sa paanan ng kama ko. I didn't answer and just heaved a sigh. Para namang hindi niya pa talaga alam kung bakit kami naghiwalay ng lalaki niya.
Lumapit na siya sa 'kin at hinarap ang mukha ko sa kanya. "Will you please stop ignoring me and give me answers? Why did Arkhe leave?"
Inilag ko ang mukha ko sabay tingin sa kanya nang masama. "Bakit, nalungkot ka ba na hindi mo na siya makikita rito? Do you miss him already?"
Her brows furrowed. "What? What are you talking about?"
Tumayo na ako para harapin siya. "Why don't you just admit it? Na may lihim na relasyon kayo ni Arkhe at niloloko niyo lang ako pati na ang sarili mong asawa."
Bigla niya akong sinampal! Namanhid ang pisngi ko at hindi ako nakapagsalita.
"Saan mo nakuha 'yang kabaliwan na 'yan, ha?" tanong niya pa sa 'kin.
Hinarap ko ulit siya kahit na naiiyak na ako. "I just found out. It's true, right? Kaya pala madalas kayong magkasama. You always say you're busy at work, but the truth is, you're just busy flirting with Ark."
Pumikit siya nang mariin at kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay niya. Tapos ay tiningnan na ulit ako. May luha na rin sa gilid ng mga mata niya. "Hindi ako makapaniwalang nagagawa mo akong pag-isipan ng ganyan. Kami ni Arkhe. All we did was to love you and take care of you even though we weren't sure if you would still remember us again. Binigay na namin lahat-lahat sa 'yo."
Tumulo na ang luha niya, pero pinunasan niya agad 'yon at muli niya akong tiningnan. "Alam mo, ang hirap mong maging kapatid."
'Yon na lang ang sinabi niya, tapos ay lumabas na agad ng kwarto ko.
***END OF FLASHBACK***
Noong mga sandaling iyon, hindi ko pa ramdam ang nangyaring away sa pagitan namin. Basta ang alam ko, masama ang loob ko sa kanya dahil sinabi sa 'kin ni Morris na may relasyon sila ni Arkhe.
After that night, I secretly ran away and left with Morris. Isang bagay na sana hindi ko na lang ginawa. Kung sakaling makakabalik pa ako sa kanya, babawi ako. Ipararamdam ko sa kanya na hindi na ako mahirap maging kapatid. But again, I am not sure if that will still happen. Alam kong galit na galit siya sa 'kin, kaya nga baka totoo ang sinabi ni Morris na wala na itong balak hanapin ako. Their lives are now better without me.
I rolled to my side and curled into a ball. Tumulo ang mga luha ko sa unan.
Ang hirap tanggapin na naging miserable ako sa pinili kong buhay. Pero wala naman akong ibang sinisisi sa nangyari kung 'di ang sarili ko lang. I admit, I made a mistake and it was all my fault. Inaako ko naman lahat. Masyado lang talaga akong naniwala sa mga sinabi sa 'kin ni Morris. Sa kanila kasing lahat nila Amanda, si Morris ang mas natatandaan ko. Hindi ko alam kung bakit, pero mas pamilyar siya sa 'kin. So I thought we had good memories.
I closed my eyes tight and tried to stop my tears.
Noong una, akala ko totoong mabait si Morris at seryoso sa pagtulong sa akin na magkaroon ng bagong buhay. He told me he loves me. Sumama ako sa kanya sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.
Kaming dalawa lang sa malaking bahay na ito na tila isang impyerno. Paminsan-minsan, dumarating si Marisol, ang helper na kinuha niya para mag-asikaso sa bahay at maghanda ng pagkain.
Palaging naka-lock ang bahay kapag kailangang umalis ni Morris. Bantay-sarado ako ng mga tauhan niya sa labas at ng mga camera sa loob kaya wala talaga akong takas. I'm like a prisoner here. At kung sakali mang makatakas ako, hindi ko rin alam kung may iba akong mahihingan ng tulong. I don't think there's anyone else in this area.
During our first months together, Morris wasn't really evil. Pero isang gabi, nagbago ang lahat. He forced me to make love to him. That was the first time I suddenly remembered hints of Arkhe. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon, pero sa tagal kong pinipilit na matandaan si Ark, doon lang siya biglang pumasok sa alaala ko. I was able to recall some memories of us together, but they weren't clear.
Hindi na ako naging kumportable no'n kaya hinindian ko si Morris sa gusto niyang mangyari. He raged in anger. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit siya na humindi ako. He even called me useless.
Nasanay na siya na tinatawag akong gano'n. He's been verbally abusing me since then, calling me names and humiliating me even when Marisol, the helper, and his bodyguards are around. Okay na nga lang sana kung gano'n lang. But he's also hurting me physically, especially when I refuse to make love to him. I experienced him punching me in the stomach. Ilang araw akong hindi nakakain no'n nang maayos. I thought that was already the worst, pero ang pinakamatindi na ngatin ay ang nangyari kagabi nung sinakal niya ako.
Palagi niyang sinasabi na mahal niya ako at ayaw niya akong mawala sa kanya, pero iba ang klase ng pagmamahal na alam niya. He's crazy. Nandidiri ako sa kung paano niya ako angkinin.
Sa loob ng maraming buwan, tinitiis ko si Morris. Tinanggap ko lahat ng pananakit niya dahil alam kong tama lang 'to sa 'kin—that I really deserve to feel and experience all these. Kailangan kong pagbayaran ang mga ginawa kong kasalanan. But Morris was too much. Ngayon takot na takot na ako sa kung ano pang pwede niyang gawin sa 'kin sa bahay na 'to.
Napatigil ako sa pag-iyak nang bigla akong makarinig ng ibang boses mula sa ibaba.
Binuhat ko agad ang sarili ko patayo sa kama. Bahagya kong binuksan ang pinto ng kwarto para pakinggan kung sino ang dumating.
May mga kausap si Morris na parang mga kasamahan sa trabaho. Paakyat sila rito sa taas.
"Where is she?" May isang lalaki na nagtanong.
Nabobosesan ko siya. At tumama nga ang hula ko noong tuluyan na silang nakarating dito sa kwarto namin. It's Morris' father. He's a pig—sa itsura at ugali. He's a greedy, evil-looking man, just like his beast son.
Nang makita niya akong nakasilip sa pinto ng kwarto ay bigla siyang ngumiti na para bang may masamang binabalak. "Oh. There you are."
Pumasok siya rito sa kwarto kasunod si Morris, tapos ay nilapitan ako. Pero humakbang agad ako paatras at umiwas ng tingin.
"How are you, our dear Isabela?" tanong niya pa.
Hindi ko siya sinagot. Takip-takip ko lang ng silk robe ang sarili ko. I don't like talking to him. Wala pa naman siyang ginagawa sa 'kin, pero dahil kay Morris, hindi na rin naging magaan ang loob ko sa kanya. I feel like he's even worse than his son. Alam niya nga na sinasaktan ako ng anak niya, pero wala siyang pakialam doon.
Hindi na rin naman siya nagsalita. Bumuntong-hininga siya, tapos ay may pinatong na mga makakapal na folders sa ibabaw ng mesa kung saan ako nag-aaral.
Then he faced Morris. "You know what to do. And make it fast." Lumabas na ito ng kwarto pagkatapos kasama ang mga tauhan nito.
Naiwan si Morris. Lumapit siya sa likod ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat, pero mabilis kong tinaboy ang mga kamay niya. "Don't touch me."
Ngumisi siya nang mayabang. "Why? Is it still because of what happened last night? I already said sorry. Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?"
"Forgive you? You almost killed me!"
Natawa siya. "Almost. Pero binuhay pa rin naman kita, 'di ba?"
Napabagsak ako ng mga balikat. Hindi na ako makapaniwala sa ugaling mayroon siya, nasobrahan na siya sa pagkabaliw.
Natawa na nga lang ulit siya, tapos ay pinakita sa 'kin ang mga folders na nilagay ng tatay niya roon sa mesa. "I want you to read and study all these. Tungkol ito sa kumpanya ng mga Reverente."
Napakunot ako ng noo. "Why do I need to learn about your family's company?? 'Di ba dapat, mga businesses lang na pinatatakbo nila Amanda ang pinag-aaralan ko? Anong kinalaman niyan sa 'min?"
"Nothing. But we want you to learn and master it. Fast." Muli niya akong nilapitan sabay hinaplos sa pisngi.
Inilag ko naman agad ulit ang mukha ko.
He smirked. "You're one of us now, Isabela. Very soon, we'll get married. Then we will finally announce you as part of our corporation. Magugulat na lang ang kapatid mo na tuluyan nang nagsanib ang mga Reverente at Santiaguel, wala na siyang kawala."
Halos bumigay ang mga tuhod ko sa sinabi niya sa 'kin. Hindi na ako nakapagsalita. Nanlalaki lang ang mga mata ko habang nanginginig ang mga kamay sa galit. Wala talaga siyang kasing sama!
Bigla niya naman ulit akong hinawakan sa magkabilang balikat. "Relax, sweetheart. I'm not doing anything to you. I'm just telling you the plans. Kapag buong-buo na naming nakuha ang lahat ng mayroon kayong mga Santiaguel, patatalsikin na natin si Amanda at ang walang kwenta niyang asawa sa eksena. You'll be their new boss. I'm sure your sister will be very proud of you."
Galit kong tinaboy ang mga kamay niya. "Sinong nagsabing papayag akong magpakasal at gawin ang lahat ng gusto mo? Hindi ko na ulit sasaktan pa si Amanda!"
"Uuliitin ko na naman ba sa 'yo? You are bound to marry me, Isabela. This has long been planned, kung hindi ka lang nauto ng Arkhe na 'yon at pinaniwalang patay na patay siya sa 'yo."
"Liar! I am now remembering hints of Arkhe. Alam ko ng hindi siya masama katulad ng mga sinasabi mo!"
"Really? Well, you can ask your sister about our cancelled wedding before. Pero 'yon ay kung magkikita pa ulit kayo."
Nilaksan ko na ang loob ko at sinampal ko siya sa pisngi! "I will never marry you!"
Ngumisi lang naman siya na parang hindi nasaktan sa sampal ko. "Let's just see." Hinawakan niya ako sa mukha pagkatapos at binulungan sa tainga. "Sundin mo na lang ang pinagagawa ko sa 'yo, hmm? I will just leave for a while now. I'll see you later, my love." Sabay halik niya pa talaga sa pisngi ko.
I pushed him away and wiped my cheek that he kissed. Nandidiri ako sa kanya!
Pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto, pinag-iitsa ko lahat itong mga folder na pinaaaral niya sa 'kin. No! I won't hurt my sister and the people who truly love me ever again!
Pumikit ako nang mariin habang nanginginig ang buong katawan sa galit.
I really need to get out of this place. Pipilitin kong gumawa ng paraan. Kailangan kong mabalikan sila Amanda para hindi na matuloy nila Morris ang masama nilang plano. Those Reverentes deserve to rot in hell!
• • •
BUONG ARAW AKONG nag-isip ng paraan kung paano ako makakatakas.
With all the bodyguards and security cameras surrounding the home, the window at the attic is my only chance to escape. 'Yon lang kasi ang walang bantay. Kaso hindi ko kayang tumalon doon. It's too high for me.
Tsk, naiiyak pa rin talaga ako sa galit kapag naaalala ko ang mga sinabi sa 'kin ni Morris kanina. Hindi ko nga ginawa ang inutos niya sa akin. Naka-kalat pa rin sa sahig ang mga folders na pina-aaral niya.
Seven o'clock in the evening. Hindi pa rin siya umuuwi, kaya lumabas na muna ulit ako ng kwarto at bumaba para maghanap ng makakain.
Marisol, the helper Morris hired to take care of the house, is here in the kitchen.
Tiningnan niya nga agad ako, siguro dahil namamaga na naman ang mga mata ko at mukha akong may sakit.
"Gusto mo na bang kumain?" tanong niya pa. "Nagbilin sa 'kin si Sir Morris kanina na paglutuan ka ng masarap na hapunan. Sandali, ipaghahanda kita."
"Wag na. Kaya ko," I said coldly without looking at her.
Marisol is fake. She doesn't really care about me because she's one of them.
Mabait ako sa kanya noon. Alam niyang sinasaktan ako ni Morris at akala ko naaawa siya sa sitwasyon ko. Pero nung nakiusap na ako sa kanya dati na tulungan akong makatakas, hindi niya ako pinagbigyan at sinumbong niya pa ako kay Morris. That was when Morris punched me in the stomach and I wasn't able to eat for days. I will never forget that. Nagkamali na naman ako na ang bilis kong nagtiwala sa isang tao.
Kumuha lang ako ng juice at ng biscuits, tapos ay umalis na ako para bumalik sa kwarto.
Pero bago ako umakyat ay napansin ko na bukas ang silid sa may dulo na palaging naka-lock kasi bawal akong pumasok. I don't know what's inside. Pero the fact na pinagbabawalan ako ni Morris na pumasok ro'n, siguro may hindi ako pwedeng makita.
Lumingon ako sa likod para tingnan si Marisol. She's still busy in the kitchen. Pasimple kong pinatong ang dala kong pagkain sa kalapit na console table, tapos ay nagmadali akong pumunta sa nakabukas na silid. Kaso bigla akong napansin ni Marisol at mabilis siyang humabol sa 'kin.
"Miss Isabela!" Inunahan niya ako para mai-kandado niya kaagad ang pinto.
Tiningnan ko siya nang masama. "I just want to see what's inside."
"Bawal kang pumasok dito bilin ni Sir Morris. Kapag pumasok ka—"
"Ano, isusumbong mo ulit ako?"
Umiwas siya ng tingin. Hindi ko alam kung nakunsensya na siya, pero ilang saglit lang ay nilabas niya ang susi ng silid at muli iyong binuksan. "Hindi na ako magsusumbong. Basta saglit ka lang sa loob."
Tipid akong ngumiti. Dapat ay papasok na ako, pero sabay kaming nataranta nang marinig ang biglang pagbukas ng gate at ang dumating na kotse. That's Morris!
Alam kong magbabago na ang isip ni Marisol kaya inagaw ko sa kanya ang susi at tinuloy ko ang pagpasok sa loob sabay ni-lock agad ang pinto.
"Miss Isabela! Si Sir Morris!" Sunod-sunod niya akong kinatok, pero hindi ko na siya pinansin.
I turned on the lights, but I saw nothing but a bunch of old folders and files. Napabagsak ako ng mga balikat. What is this? Bawal akong pumasok dito?
Naglakad ako at sinimulang tingnan ang ibang folders, pero wala akong maintindihan. They're all about Reverente's businesses. I continued to scan the room until I saw something familiar on one of the shelves. It's an envelope. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
"Miss Isabela! Bilis, nandito na si sir!"
Hindi ko pa rin pinansin si Marisol at nagmadali na ako para kunin ang envelope. My hands trembled as I stared at it. I remember this. Ito ba 'yon? The envelope from Arkhe? Why is it here?
"ISABELA!"
Gulat akong napalingon sa pinto nang si Morris na ang kumatok. Halos sirain na niya ang pinto sa lakas at sunod-sunod na pagkatok niya.
Nanginig ako sa takot pero hindi ako nagpapigil. I opened the envelope and I saw all the pictures of me and Arkhe together. Bumigay ang mga tuhod ko at dahan-dahan akong napaatras pasandal sa pader.
This is really the envelope. Morris hid it. He really planned everything from the beginning!
"ISABELA! OPEN THIS DOOR!"
Para akong nabingi at hindi ko na marinig ang mga sigaw at pagkatok ni Morris. Basta isa-isa ko na lang na tiningnan ang mga litrato. My head throbbed in pain. I know I've seen these pictures before, but the impact on me is different now.
May notebook din sa loob ng envelope. Ngayon ko lang yata mababasa ito. Mabilisan kong dinaanan ang mga nakasulat hanggang sa napaiyak na lang ako nang isa-isa ng bumalik sa akin ang mga nawala kong alaala.
"Ark, could you promise me one thing?"
"Kahit ano," sagot niya.
"Promise me that whatever happens, never ever let me go."
"'Yan lang pala, eh. Syempre naman."
"Promise me."
"Promise nga."
I raised my pinky finger. "Pinky swear?"
"Pinky swear."
I knelt on the floor and held my chest as tears poured down my cheeks. Arkhe Alvarez. Paano ko nagawang kalimutan at saktan ang nag-iisang lalaking laman ng puso ko?
Love this story? Support me on Patreon and help me keep writing beautiful novels: www.patreon.com/barbsgaliciawrites.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top