ENTRY#24
[are you sure ? i can go to you if you're not okay? may usad ba ang report niyo?]
"I'm fine miggy"
[angel I'm worried]
I told him what happened, and he was so mad. I rant to him immediately pero ngayon niya lang ako nareplayan. Medyo late na pero hindi parin kami tulog. Nagrereview silang tatlo sa loob ng kwarto, nasa sala ako nakikipag-usap kay miggy.
Nakababa ang lahat ng kurtina sa bintana. Nagpa lagay din kami kanina pag-uwi ng double lock.
[how was your exam? nakapag focus ka ba]
"okay lang naman. Ikaw kamusta?"
I know he's busy. Hindi ko na rin matansya kailan niya ako kakausapin. Ako na ang mas madalas nag update, di tulad ng dati.
I want to say i miss him pero baka malungkot siya at mas madistract. I don't want to be selfish kaya tinitiis ko nalang na wag siya masyado istorbohin o bigyan ng isipin. I just don't know hanggang kailan ko kaya.
I don't think I can handle this long distance relationship. Is this considered long distance? 3 hours away from each other? or maybe 4 hours. Depende sa traffic at kung sa bacoor o alabang ang daan.
Gusto ko siyang tanungin tungkol kay mira pero napangungunahan ako ng kaba. Baka ako lang nag-iisip ng mali pero wala naman talaga.
[i'm fine medyo pagod lang... ]
he paused. I can sense the nervousness in his breathing.
"ano iyon?"
[mira is helping me]
Tinago ko sa pamamagitan ng pagtawa ang gulat at disgusto sa sinabi niya. I always have this bitter emotion kapag si mira ang involve. I don't like it but I can't help it.
The thought of them always together. It pains me. Napapaisip tuloy akong lumipat nalang ng school sa cavite.
I like it here sa taguig dahil malayo ako sa bahay. Hindi ako makahinga doon. Kung tutuusin ayuko na umuwi pero wala naman ako kasama sa dorm tuwing weekend kapag nanatili ako dito.
"in what?"
[they file a lawsuit againts my father. mira and her dad is helping us. Mira's dad is a lawyer.]
"why? close ba sila ng daddy mo?"
[no I.. I ask her]
"why her"
why not me? nauna siyang lumapit kay mira kesa sa akin? It hurts. Parang kinakatay ang puso ko. Gusto kong magalit kay miggy pero dapat kong pakinggan ang explanation niya.
[ I know you're awkward with your father that's why... ako nalang ang lumapit kay tito pero umayaw siya.]
It's reasonable, but my rational thinking is to log off. I can't sense any logical explanation in my mind. bakit ako nagagalit? I bit my lower lip 'cause I'm really pissed.
My dad and I may have an awkward bond, but I can still ask him or plead with him if Miggy asks me first. I'm willing, miggy.
But maybe he doesn't have faith that I can.
"gusto mo ba kausapin ko si daddy? maybe i can do something"
[it's fine angel it's already handled]
"ahh."
[i know you still need to review for your exam. good night angel]
walang i miss you? i love you?
Naghintay ako ng kaunti dahil baka sabihin na iyon pero wala.
"miggy"
[go on babe. good luck sa exam]
and he ended the call.
I can only sigh. Nawalan ako ng gana mag review. Ganito pala ang sinasabi ni carmela kanina na wala siya sa mood. Kanina pa kasi nakatitig iyon sa phone niya at naghihintay ng text. Sabi niya mag sorry lang daw si aldrin pupuntahan niya talaga pero sumupalpal siya kay kezia.
I'm really considiring na mag transfer hindi ko kaya ang ganito. Malayo kami ni miggy at hindi ako umuuwi ng madalas sa cavite. Nagsisimula na ako mag over think.
kakatayo ko palang sa sofa ng mag ring ulit ang phone ko. akala ko tumawag ulit si miggy pero si daniel pala. It's 11pm bakit siya natawag?
"hello?"
[hi angela]
"hello po" magalang kong bati.
[just want to make sure that you're okay]
Lumabas si carmela sa kwarto at lumingon sa akin
"okay naman ako daniel. Salamat sa concern"
Pupunta dapat si carmela sa kusina pero napabalik siya at tinignan ako ng may malisya. Bukas na bukas ang pinto ng kwarto kaya narinig din ako ng dalawa sa loob. dumungay ang mga ulo nila.
[mabuti naman kung ganoon. Nagre-review ka ba? gusto mo pumasok ng maaga bukas? turuan kita ng mga techniques. May subject ba na nahihirapan ka?]
Nagsalitan ang tingin ko sa tatlo. Kay carmela na nakangiti sa akin at sa dalawang ulo na nakadungaw sa pinto.
"okay lang naman daniel. Nandito naman sila kezia. sige na, magbabasa-basa pa ako eh. ba-bye"
"wooooohhh!!!"
Naghiyawan silang tatlo pagtapos ko ng tawag.
"para kayong ewan."
"naks naman! may pa late night call!" pumapalakpak pa si carmela.
Hindi ko pinansin ang pag 'ayieee' nila at pumunta na ako sa study table ko. Kumuha ako ng yellow pad para mag practice mag solve pero hindi ko magawa.
Bigla kong nilingon iyon dalawa at walang kahihiyan silang nakangiti sa akin. Pumasok si carmela na may dalang kape. Malawak din ang pagkakangiti nito sa akin.
"ang creepy niyo."
"Nililigawan ka na niya?"
"ha? may boyfriend ako"
"weh?"
"oo"
"ano pangalan?"
Hawak na ni carmela ang phone niya at alam kong ready na mag search.
"tsaka na."
Hindi ko gusto na mag stalk sila kay miggy. tsaka ko na sasabihin pag napakilala ko na ng personal.
"Alam ko pangalan! Daniel --"
Nagtawanan sila at tuloy parin sa pang-aasar.
"kung may boyfriend ka bakit pinapayagan mo si kuya daniel na pumarma sa iyo?"
"malisyosa ka carmela" saway ni kezia.
"no! kung may boyfriend ka dapat hindi ka na masyadong magdidikit sa ibang lalaki. For example si kuya daniel. Binibilhan ka niya ng food. katulad niyan, may pa check pa kung kamusta ka na kahit alam naman niya may kasama ka sa bahay at.. " tumingin siya sa dalawa "aminin niyo! iba siya tumuring kay angela!"
Para sa akin ay wala lang naman nag mga iyon. ayuko naman pag-isipan ng masama iyong tayo sa pagiging mabait niya.
"ah basta! i'm convince may something si kuya daniel sa'yo"
Tumango si regine. Hindi naman nagsalita si kezia, She also agreed.
"ayos lang naman kung mag love life ka" sabi ni kezia sabay tingin ng masama sa babaeng nasa kanan niya. "basta wag kang tutulad sa iba djan na puro jowa ang iniintindi. kapag talaga bumaba ang preformance mo lagot ka sa akin" sabi nito kay carmela.
"napunta na naman sa akin ? si angela pinag-uusapan dito."
Nagbangayan na naman iyon dalawa. Matapos ang dalawang oras ay bumalik na kami sa pag-aaral. Focus lang sa goal ang tema namin ngayon madaling araw.
"ay sa wakas makakatulog na" humiga na si carmela. "tara na tulog. Maaga tayo pupunta ng school"
8am nagbubukas ang library kaya maaga kami papasok.
Nagtext muna ako kay miggy na kakatapos ko lang magreview. si regine nakaupo sa kama niya at nagsusuklay. Nilingon ko si carmela, nakapikit na pero alam kong gising pa, hindi kasi agad nakakatulog iyan. Saktong pasok ni kezia galing sa paghihilamos at pinapatay ko na ang ilaw.
Umayos na ako ng higa.
"night guys" sabi ni kezia
Pagpikit ng mata ko ay narinig ko na agad ang alarm.
"put****** anong oras na ba!?"
Sabay-sabay kami bumangon.
"alas sais na pala!?"
tumulala si carmela ng ilang segundo bago tumayo.
"welcome to engineering guys! magkakape na ako ulit. Pucha pang ilan ko na 'to?"
Walang matinong tulog at minsan hindi na naliligo ang eksena namin tuwing exam week. Ang hirap ng pinasok ko. Mas mahirap siguro kung hindi ko sila kasama, paano kapag lumipat ako ng school? magkakaroon pa kaya ako ng friends? Sana ganito ulit.
Pulang-pula ang mata ni regine habang nag-aaral kami sa library. Sa open area kami lagi napwesto para pwede magdala ng pagkain. Tsaka kalimitan sa aircon room mga nag thesis ang nagamit.
"good morning guys!"
Bigla akong nailang sa pagdating ni daniel. Naalala ko ang usapan namin kagabi. totoo kaya iyon? na may pagtingin siya sa akin? hindi ako maniniwala hanggat hindi niya sinasabi. ayuko mag assume baka mamaya mabait lang naman talaga siyang tao.
"Angela, Breakfast?"
Nilapag niya ang isang food box at mango shake sa gilid ko. Agad akong napatingin sa tatlo pero mukha silang walang paki.
"Hindi ka na sana nag-abala daniel."
Lalo akong nailang dahil ako lang ang may pagkain.
"kailangan mo ng energy para sa exam. Sige bye! good luck girls." aniya at iniwan na kaming apat doon.
Sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga kaibigan ko pag-alis ni daniel. Si kezia inikutan ako ng mata, si regine nginuso ang pagkain sa gilid ko, at si carmela nakangiti na naman na parang ewan.
"ang creepy niyo"
Nagtawanan silang tatlo. Sinilip ko anong laman. Tapsilog. Nag-ingay ang sikmura ko at naglaway ako sa amoy. Mukhang masarap pero nahihiya ako kainin.
"gusto niyo?" aya ko.
"kainin mo na iyan" sabi ni kezia.
Naglingunan sa amin ang mga kalapit namin estudjante habang kumakain ako. Sumubo si kezia ng dalawa, si regine isa, si carmela tatlo.
Wrong move ata na kumain ako bago mag exam dahil lalo akong inantok. kusang pumipikit ang mata ko habang nag so-solve. Panay pisil ako sa pisngi ko para hindi makatulog.
katulad kahapon ay ako ang unang lumabas sa aming apat. ninanamnam ko pa ang sakit ng ulo ko after ng exam ng tumunog ang cellphone ko. Si miggy ang natawag. Nilagay ko sa silent mode para di maingay at hinayaan ko lang mag ring. baka si mira na naman ito, ayuko sagutin.
-
miggy:
busy ka pa angel?
-
I answered the second time na tumawag siya. now that I confirm si miggy ang may hawak ng phone.
[busy babe?]
"kakatapos lang ng exam"
[mira told me na natawagan ka niya kahapon. why didn't you tell me?]
hinilot ko ang ulo ko. Masyadong masakit.
[sorry. nag seacrh lang siya dahil lowbat na siya kaya hiniram niya ang akin]
pumikit ako habang pinipisil ang sintido ko. medyo nakakaginhawa.
[angel? are you there?]
"yeah, sorry masakit lang ang ulo ko"
[baka nalipasan ka ng gutom]
"hindi naman kumain naman ako kanina"
[anong kinain mo?]
"kinain namin yung bigay ni daniel na tapsilog"
Natahimik sa kabilang linya.
[daniel?]
Napakamot ako sa ulo. patay! ayaw nga pala niya tumatanggap ako ng pagkain.
"malinis naman iyon tsaka hindi lang naman ako ang kumain sila carmela din"
[okay]
Wala akong makapang inis sa sagot niya, normal lang. so , baka okay lang talaga.
[take care angel, I have to go.]
"okay. bye"
Naghintay na ako na tapusin niya ang tawag pero tahimik lang sa kabilang linya.
[I love you]
"I love you"
Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Kinuha ko agad ang notebook ko para magbasa ng lesson sa last exam namin mamayang hapon.
"nakangiti ka ngayon ah?"
Humagikhik ako. Tumawa lang din si kezia at di na nagtanong pa. After ng last exam ay umuwi na kami agad. Nag-aya pa si poseidon ng kain sa labas o bgc pero pagod na utak at mata namin. Di ko mabilang ilan kape ang nilaklak ni carmela buong araw. Si regine din halos ipokpok na ang ulo sa pader dahil sa sobrang sakit.
Natigilan kaming apat sa dami ng delivery driver na nasa tapat ng dorm. sabay-sabay silang naglingunan sa amin.
"ma'am angela po?" sabi ng isa.
Halos nasa sampu siguro ang nandito at magkakaibang restaurant at fastfood.
bahagya akong tinulak ni regine dahil hindi ako agad nagsalita.
"bakit po?"
Kinabahan ako. Wala akong pambayad sa ganyan karaming order at hindi naman ako nag place ng order! na scam ata kami.
"delivery po for ma'am angela"
lahat sila isa-isa ng binubuksan at nilalabas ang mga karga.
"kuya hindi po ako nag order"
Pinicturan niya ang mga pagkain na sa dami ay lahat kami may bitbit. sa isang delivery driver lang iyon pano pa yung iba driver?
"magkano po ito?"
wala pa naman akong cash kailangan ko pa mag withdraw.
"okay na po ma'am" aniya at sumakay na siya sa motor niya. Lahat sila ay bayad na ang order at lahat din sa akin nakapangalan. pinagtulungan namin ipasok sa loob lahat.
Puno ng plastic at paper bag ang sala at kusina sa dami ng pagkain. Wala naman akong magawa kundi tanggapin ang mga inaabot sa akin.
"Kanino galing ito ? wala manlang mga pangalan?"
"baka kay daniel" kinikilig pa si carmela.
Kinuha ko ang phone ko para i-text si daniel to confirm if siya nga ang nagpadala. bakit naman niya ako papadalhan ng ganito karami. ang mahal for sure ng nagastos dito.
-
miggy:
I ordered food. ubusin mo iyan lahat. Sabihin mo sa daniel na iyon busog ka hanggang grumaduate siya.
-
Di ko mapigilan ngumiti. Nag-uunahan ata lahat ng happy hormones ko kaya napatili ako.
"kay daniel daw galing?" tanong ni carmela
Umiling ako "sa boyfriend ko" proud kong sagot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top