ENTRY#15
Gabi na pero sure akong hindi pa tulog si miggy. Hindi ako nag message sa kanya para surprise.
Bumili ako ng favorite niyang nachos at sinamahan ko nadin ng soft drinks, bago pumunta sa kanila.
Malayo palang ay rinig ko na ang malakas na tugtug, akala ko sa ibang bahay pero galing nga kina miggy.
Iba't ibang sasakyan ang nasa labas ng bahay. Sumilip ako sa sala pero wala naman tao, puro bags ang nandoon.
Galing sa pool side ang party at rinig na rinig ko ang hiyawan. Lumakad ako papunta doon at wala akong kilala ni isang tao. lahat sila nasa pool at nagtatawanan.
May nakapansin sa akin at umahon, lumapit sa akin ang isang lalaki. "hey! come on join us" sabi nito na nakangiti.
"sister ka ba ni miggy?" tanong niya.
"nasan siya?" nahihiya kong tanong.
May nagpahina ng tugtug at lahat sila nakatingin na sa akin.
"nasa kwarto kasama si mira" sabi ng isang babae.
Mabagal akong tumango. inabot ko sa lalaki ang dala ko at tinalikura sila, Not sure kung aakyat ba ako sa kwarto.
Palabas na ako sa pinto ng matigilan. wala naman masama siguro kung maiistorbo ko sila sa ginagawa nila, saglit lang naman ako.
Umakyat ako sa hagdan ng dahan-dahan, pakiramdam ko bawal ako mahuli e wala naman akong kailangan itago.
Huminga ako ng malalim ng nasa pintuan na ako. Hindi na masyadong rinig ang tugtug sa ibaba at wala din naman akong marinig na kaluskos sa loob ng kwarto.
Baka naglalaro lang sila ng snake and ladder? favorite ni miggy iyon noong mga bata pa kami.
Inangat ko ang kamay ko at ready na kumatok...
"so hindi pa kayo nag uusap ulit ni angela?" sure akong si mira iyon.
"nope"
Nilapit ko ang tenga sa pinto para mas marinig sila ng ayos. Lasing na ata si miggy base sa boses niya.
"hindi siya nag message sa iyo?"
"hindi naman talaga mag message sa akin iyon! ako naman lagi nag approach doon."
pakiramdam ko napako ang puso ko ng marinig ang galit sa boses niya. Lasing na siya sure ako doon pero..
"alam mo mira, buti ka pa nga kahit wala kang kailangan sa akin nakakamusta mo ako. si angela? sus! magpaparamdam lang siya pag may kailangan. e ngayon na may iba na siyang kaibigan! wala na!"
Hinawakan ko ang door knob para buksan, gusto ko magpaliwanag bakit hindi ako nag message sa kanya.
"doon na siya! wala naman kwentang kaibigan iyon!"
Natigilan ako, nanlamig ang balikat ko sa naring.
"e bakit kayo magkaibigan kung ikaw lang pala may paki?"
"e kasi simula pagkabata magkasama na kami, alangan naman iwan ko . She doesn't have any other friends. She has no one but me."
"ang user naman niya"
Humugot ako ng malalim na hininga hindi ko alam na umiiyak na pala ako kung hindi pa ako kinapos ng hangin. I bit my lower lip to keep from crying; it would be too embarrassing if they discovered I had overheard their conversation.
I told myself na umalis nalang but I stay and keep listening.
"so? kaya ka ba malungkot nitong nakaraan dahil sa kanya?"
"hindi ah! tsk! i'm just stress from school work. bakit naman ako malulungkot e, siya nagsabi na distance daw. psh! kung may dapat man malungkot o makonsensya siya dapat iyon. ako na nga lang nag tyaga sa kanya tapos ganito pa."
that's it! I'm going!
"pero alam mo---"
pero ano miggy? walang kahit anong kasunod ng salitang pero ang makakapag pagaan ng loob ko ngayon kaya umalis na ako.
Pagbaba ko naabutan ko iyong lalaking kausap ko kanina na may hinahalungkat sa bag na nasa sala. Nanlaki ang mata niya ng makita ako pero hindi ko na pinag abahalan pang punasan ang luha ko.
I was right all along. Miggy was with me kasi nasanay siya, I'm a burdern. Now there's no need to pretend that he cares I heard everything!
Bumalik ako ng taguig. I can go home pero ano aabutan ko doon? wala naman din may paki sa akin doon kaya uuwi nalang akong dorm.
Mag alas dose na ng makarating ako, hindi ko alam na may ganito pala akong tapang mag travel ng alanganin oras pero wala akong paki. Kung dati naiisip ko na baka ma holdap ako o ma rape kapag lumabas ako ng alanganin oras ngayon wala akong paki.
Madilim na ang sala pero may ilaw ang kwarto. Umiiyak padin ako kaya kumuha ako ng tubig sa ref dahil sobrang tuyo ng lalamunan ko.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at lumiwanag konti sa sala.
"angela?" rinig ko ang boses ni kezia. "ikaw ba iyan? may dala akong pamalo kung sino ka man!"
"oo" my voice crack.
Humugot ulit ako ng malalim na hininga kasabay ng pag-agos ng luha ko. Putek! hindi ko mapigilan ang sakit na talaga ng dibdib ko kakaiyak pero mas masakit sa puso, daig ko pa ata broken hearted!
Umuulit sa isip ko ang mga sinabi ni miggy.
Bumukas ang ilaw sa kusina at may hawak ngang dos por dos si kezia sa likod niya si carmela at regine na nanlalaki ang mga mata sa akin.
"saan... mo .. nakuha.. iyang kahoy" sabi ko sa pagitan ng paghikbi.
Nilingon ko ang mesa, may food box doon at paper bag ng fast food. Lalo akong naiyak, kumain sila sa labas pero inuwian padin nila ako ng pagkain kahit pa umuwi ako ng cavite.
Uminom ulit ako ng tubig pero medyo natapos konti dahil nanginginig ako.
"bakit?"
Lumapit sila sa aking tatlo.
"hampasin mo... nalang ako .. ng kahoy.. mas mabuti iyon ... kesa ganito!" humagulhol ako.
Nilapag ni kezia iyong kahoy, umiyak ako ng umiyak. Tulad noong una ayuko mag kwento at nirespeto nila iyon. Sinamahan lang nila ako buong gabi habang umiiyak.
Naguilty ako na napuyat sila but at the same time may konting saya, atleast hindi ako nagkamali sa mga bago kong kaibigan.
Baka kaya matagal bago naparanas sa akin ni lord ang female friendship kasi sine-save niya ang the best. Iyong best quality.
Mabuti nalang at hapon ang klase namin kinabukasan, 10am na nagising si kezia at nagluto agad siya ng sinaing.
"anong gusto?" tanong niya sa akin. "may pork pa tayo at chicken, walang fish"
"meat balls"
"that's your comfort food?" sabi ni carmela habang nagtitimpla ng kape.
Si kezia milo ang iniinom dahil ayaw daw niya ng kape. Si regine naliligo na para daw hindi kami gahol mamaya at init na init naman na din daw siya.
"ice cream"
"kumain muna tayo ng kanin tas mamaya bili tayo ice cream sa 7/11" sabi ni kezia.
Naghalo siya ng bawang, sibuyas ,carots sa giniling, harina at itlog tapos binilog-bilog niya tsaka pinirito.
Kahit pano ay gumaana ng loob ko lalo na sa kulitan nila habang kumakain kami. Malapit na matapos ang sem pero parang ayuko pa. Ayuko umuwi pero ano naman gagawin ko dito sa dorm kung ako lang mag-isa.
"Angela! penge yellow pad" bulong ni carmela dahil magagalit si ma'am kapag may narinig siyang nanghihingi.
estudjante daw kami kaya kailangan may yellow pad kami. Mag papa-quiz si ma'am at copy and answer.
Pasimple akong pumilas at patagong inabot sa kanya.
"bumili ka na kasi!" bulong ko sabay tingin sa harapan baka makita kami ni ma'am. lagot kami!
"isabay mo nalang ako! katamad kasi"
"ang sabihin mo iba ang nabibili mo pag napunta tayong bookstore hindi school supply" pumilas din si kezia at agad na bumalik sa upuan niya.
""ako din! ako din! ako din!" napilasan ng konti sa gilid dahil sa bilis ng paghablot ni regine.
ang pasensya ko sa kanila hindi mauubos pero ang yellow pad ko ubos na.
Nagsimula na ang quiz, hindi naman ganoon kahirap basta naaral mo iyong nakaraang dalawa topic. Hindi ko naman kailangan isipin ang tatlong 'to dahil kahit nakahilata sila madalas ay alam kong hindi naman sila nagpapabaya.
kampante kaming nagpasa ng papel, mag check daw agad si ma'am. Binigyan niya kami ng topic na ire-report kaya nag draw lots ang buong klase, four people per group.
"okay class"
Natahimik kaming lahat at nahinto ang pag-usap tungkol sa report.
"with no particular order"
Hindi naman ako kinakabahan dahil nadalian lang ako sa exam. Pero after bangitin lahat ng score parang parang gusto ko ulit mag ice cream.
Regine – 0/25
kezia – 1/25
ako – 2/25
carmela – 3/25
Walang pumasa sa klase, wala ngan lumampas ng 10. Ang highest ay si Poseidon na 7/25. Si erick 0/25 din.
"tang*na mag shift na ako" reklamo ni erick paglabas namin.
"mag shift ka na talaga, hindi ka ba marunong mag calcu?" tumabi si Poseidon kay erick at may tinuro sa papel niya "60 degrees minus 35 degrees ilan?"
"25 degrees"
"o bakit 30 sagot mo? baliw!"
Sinilip ko din kung ano iyon pinag-uusapan nila. Mali nga equal ni erick, sayang 5 points.
"Hala bobo ko naman! Dapat talaga nag calcu lagi kahit 2+2 shet!"
Tumabi si Poseidon kay carmela na inaaral din bakit ganoon ang score niya. "tara carmela may meeting daw tayo diba?"
Tumango lang siya at hindi na tinignan ang katabi. "baka mga 9 or 10 ako makauwi ah" tumingin siya sa amin at nag wave.
"gusto ko mag library"
"tara samahan kita"
Tumingin ako kay regine.
"uuwi na ako gusto ko humiga" sabi ni kezia.
Si regine lang ang kasama ko, 8pm pa naman magsasara ang library kaya mahaba pa ang oras ko. Nagbuklat agada ko ng libro at inaral ang bagsak kong papel sinagutan ko ulit isa-isa hanggang sa maintindihan ko at makuha ang tamang sagot.
Ganoon din si regine pero iba ang inaaral niya. Nag codes siya sa laptop, nag ready siguro sa parating naming practical exam. Isa ko pa palang problema iyon.
May part dito na aircon meron din naman na electric fan lang at open windows. Doon kami umupo, sa may aircon kasi bawal magdala ng pagkain.
"pssst!"
Sabay kaming tumingin ni regine sa bintana. Naka leggings na si carmela at malaking t-shirt. May dala siyang zest-o at turon na nilusot niya sa bintana.
"salamat!" sabi ko bago siya umalis.
Dahil ayaw ni regine maglagkit ang kamay niya sa turon at ma-transfers sa laptop ako nalang ang humawak at sinubuan ko siya.
Unti-unti ng nag didilim at kaunti nalang rin ang nasa library. Isang ang lumipas ay umunat si regine, nag-angat ako ng tingin sa kanya dahil baka mag-aya ng umuwi.
"cr lang ako" paalam ni regine.
Pinagpatuloy ko lang ang pag solve. May isang question pa akong hindi makuha.
"hi"
Kung wala sigurong sandalan ang upuan ko ay bumaliktad ako. Nagulat ako na nasa tabi ng table naming si kuya Daniel, sa gulat ko ay nagulat din siya. Nagkagulatan kami.
"h-hello po"
Tinakpan ko ang exam paper ko pero mukhang Nakita na niya iyon.
"okay lang iyan! Normal iyan sa course natin"
Ilang akong ngumiti. Nahihiya ako.
"ayaw ni erick, sayang iyo nalang"
Naglapag siya ng food box ng chowking. Kumabog ang dibdib ko, bigla akong may naalala.
"kainin mo habang mainit pa"
"h-ha?"
Gusto ko sana tanggihan tsaka may kasama ako. Nakakahiya naman na ako lang ang may pagkain, gusto ko sana magdahilan pero walang salita na lumabas sa bibig ko.
"ito para sa desert"
Binuksan niya maigi ang plastic para mapakita sa akin ang cheesecake
"hala kuya wag na po. Nakakahiya"
"Daniel nalang 2 years lang naman tanda ko sa iyo"
Ngumiti siya at mas lalo akong nawalan ng sasabihin ng sinundan niya iyon ng pagkindat bago umalis. Sakto naman na bumalik na si regine, may pagaalinlangan niyang nginitian si kuy-- Daniel ng magkasalubong sila.
"ano sabi?" tanong niya agad pagbalik sa pwesto naming.
Nilingon niya ang pagkain. Lalo ako nakaramdam ng hiya.
"g-gusto mo?"
"sa'yo binigay. Iyo iyan. Kainin mo na habang mainit pa"
Namula ako. Hindi naman niya narinig iyon kanina pero parang may laman kasi ang sinabi niya.
Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa. Sinusulyapan ko si regine na hindi parin naalis sa akin ang tingin. Sumubsob ako lalo.
Makalipas ang ilang minute nasagutan ko din sa wakas. Ang bobo ko, madali lang talaga siya sadyang kailangan mo lang intindihin ng sobra.
"regine? Baka gusto mo na umuwi?"
Wala na kasi siyang ginagawa sa laptop, nag cellphone nalang at naglalaro. Bigla kong naalala na hindi ko pa pala nahawakan ang phone ko buong araw. Wala naman mag message doon kaya okay lang.
"tapos ka na ba?"
Tumango ako at nagligpit na. Hindi ko alam kung dapat ko ba iuwi 'tong chowking.
"daan tayo 7/11 nagugutom na ako. Nag chat ako kay kezia nagpapabili nalang siya ng pares hindi daw siya nagluto."
Bigla ako nakahinga ng maluwag sa sinabi ni regine. Doon ko nalang kakainin.
Nasa hallway na kami palabas ng school ng may mapansin akong pamilyar na sasakyan. Huminto ako sa paglalakad at napahawak sa siko ni regine kaya huminto din siya.
"bakit?"
Hinanap ko kung nasaan siya. Tinignan ko sa wristwatch ng kaibigan ko kung anong oras na.
7pm.
Umiling ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Baka same model lang, hindi naman ako sure sa plate number.
Huminto ako ulit.
Sinong niloko ko. Syempre kabisado ko ang plate number ni miggy. Lumingon ako ulit at hinahanap siya pero wala naman. Konti lang ang tao kaya imposible na hindi ko siya makita.
Alangan naman nagtatago sa mga halaman, anung trip iyon. Punta-punta siya dito tapos mag hide and seek kami?
"ano ba iyon?"
"wala"
Bahala siya kung nasaan man siya. Naglakad na kami ulit at diretso na talaga sa gate.
Bumagal ako hanggang sa tuluyan ng tumigil dahil sa lalaking nakatayo sa tabi ng guard. Nakapamulsa ito sa fitted niyang maong at tila may hinihintay.
"angela! Naiinis na ako! Ano ba iyon?"
Tumingin sa akin si miggy. He's both relieved and nervous at the same time.
Binabawi ko na ang sinabi ko. Mag hide and seek nalang pala kami, hindi pa ako ready na makita siya! Walang paglagyan ang kaba ko.
Lumapit siya at huminto sa tapat ko.
"nag dinner ka... na.." tumingin ito sa dala kong chowking.
"miggy" halos bulong ko.
"Let's talk, angel."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top