ENTRY#14
"taray naman! bakit kaya iyong request ko nilangaw?" makahulugang sabi ni carmela.
Nasa roon na kami at naghihintay na ng prof. inaasar niya ako dahil na accept ako agad pero siya hanggang ngayon wala pa.
Wala parin paramdam sa akin si miggy at sa totoo lang nakakaramdam na ako ng lungkot.
"so... crush mo?"
siniko ni kezia si carmela dahil sa tanong niya.
"tanong lang eh"
umayos ng upo si carmela dahil nandjan na ang prof. at nagsimula agad mag lecture, walang good morning laban agad!
Napabuntong hininga nalang ako, ito ang ayuko sa prof. na ito sobrang bilis magsalita wala na akong maintindihan sa lesson.
Sinilip ko sa carmela sa kanan nag drawing siya ng multong naka f-you sa note book napailing nalang ako. Sa kanya pa naman ako umaasa magpaturo.Nilingon ko si kezia kung nakikinig ba, nagsusulat siya sa notebook. Dumungaw pa ako konti para mabasa anu ang sinusulat niya. Lyrics ng kanta ni taylor swift. Umagat ako ng konti para naman dungawin si regine. Please sana nakikinig siya sa prof. Nakatingin siya sa harapan pero halos bumagsak na ang mga mata for sure wala din napasok sa utak niya.
Ginaya ko nalang si regine at tumulala sa harap, kunyari nakikinig pero lumilipad ang utak.
comp 1 ang next namin subject. Kapag programing ay kay kezia ako tumatabi dahil magaling siya sa ganito. Madali lang naman intindihin pero mas gets ko pag si kezia ang nagtuturo kesa sa prof.
Binigyan lang kami ng gagawin dahil may meeting daw si sir.
magkakatabi kaming anim sa isang hilira at gingawa ang activity nang lumapit kay carmela ang class president naming si jeff.
"carmela, need daw natin ng representative per section. Mamimili sila ng ilalaban sa pageant"
"o tapos?" busy siya sa pag-aayos ng codes.
"ikaw nalang!" hinawakan ni jeff ang likod ng upuan ni carmela "ikaw ililista ko ah?"
Lumingon si poseidon sa president namin bago kay carmela. Di ko alam bakit parang naiirita siya na kinakabahan.
"may height ka, maganda, makinis, sobrang sexy mo pa, matalino tapos may talent pa! may laban ka doon"
Ngayon masama ang tingin ni poseidon, si kezia natigilan din sa pagtitipa sa keyboard kahit ako dahil parang ang manyak ng pagkaka describe ni jeff.
"sexy ba gusto mo? ayan si angela! kita mo hugis palang ng balakang ang ganda na. Maganda, Matalino tsaka may talent din iyan shy type nga lang" sa monitor parin nakatingin si carmela.
anong talent ko?
"baby pa iyan si angela. Hindi mo mapipilit mag swim wear iyan. pass!" sabi ni kezia.
"desisyon ka malay mo kaya ni angela" sabat ni erick.
Nilingon ako ni jeff at hinagod ng tingin. Pasimple akong yumakap sa sarili ko.
Namula ako sa pag describe sa akin ni carmela never pumasok sa isip ko na maganda ako at sa totoo lang naiirita ako sa balakang ko. Mas malaki kasi iyon kesa sa iba.
"kung sexy ang usapan mas lamang ang siya. kita mo gaano kaganda ang curve niya? may dibdib pa"
"carmela magtigil ka" saway ni kezia. "though may dibdib nga siya ikaw wala"
Nagtawanan sila maliban sa akin. compliment man maitutring ay hindi ako sanay. Sabi ni nelly pangit ako at never ako nasabihan ng sexy.
"gusto mo angela?" tanong ni jeff.
Mabilis akong umiling. tama si kezia, hindi nila ako mapipilit mag bikini.
"kung ayaw nila pres ako nalang" sabi ni cindy na nasa kabilang hilira, katapat namin.
Saglit na nag angat si carmela ng tingin sa kanila. Nagsalubong ang mata nila ni cindy and I swear nakikitaan ko ng disgusto si cindy sa kaibigan ko.
"ayan na, may represetative ka na" walang ganang sabi ni carmela at pinagtuunan agad ng pansin ang ginagawa.
"ikaw poseidon sa male"
"ayuko pag hindi si carmela ang partner"
Napasinghap si cindy at talagang nadismaya. Na kay carmela padin ang masama niyang tingin pero wala naman paki ang kaibigan ko.
"bakit naman poseidon? sayang naman panigurado tayo agad ang mapipili ng department" sabi ni cindy.
like I said before maganda si cindy lalo na at magaling siya mag-ayos ng sarili but compare kay carmela. Masasabi kong mas maganda si carmela, minsan wala siyang ayos pumasok pero may napapalingon parin sa kanya.
Isa pa nakikita ko siyang matulog o bagong gising. Maganda siya kahit may muta pa, natural beauty. pawis na't lahat-lahat maganda parin.
Hindi ko ito sinasabi dahil kaibigan ko siya. Observation ko lang naman.
"wala ka bang tiwala kapag ako ang naging partner mo?" halata ang lungkot sa boses ni cindy.
Medyo nakaangat na siya sa upuan para makausap si poseidon. Nakatingin na din pati mga kaibigan niya sa hilira namin.
tinignan siya ni poseidon at ngumiti ng konti "no offense cindy, maganda ka naman pero ayaw ko talaga ng pageant."
"pero kapag si carmela payag ka?"
Inosenteng lumingon si carmela kay poseidon. Hindi ba talaga niya napapansin na may favoritism si poseidon?
"kaibigan ko syempre dadamayan ko" simpleng sagot nito.
Ngumiti si carmela sa kanya at nagpatuloy na. Nakatingin parin si poseidon kay carmela, kita ko ang pagpapawis nito kahit pa naka aircon ang room.
"edi maging magkaibigan kayo ni cindy" singit ni jeff. "problem solve! ganoon kasimple!" nakangiti siya at gandang-ganda sa suggestion.
"mag decide na kayo pwede? hindi ko mahanap iyong mali sa program ko ang ingay niyo" sabi ni regine.
Bumaling ulit si jeff kay poseidon. "sige na! malakas ang laban ng section natin kapag ikaw! may insentives daw sabi ni sir"
"Hindi naman ako naghahabol ng grades hindi ko kailangan niyan"
Lahat kami lumingon kay poseidon parang nainsulto ata siya kaya sumeryoso ang boses. Matalino naman talaga siya at hindi niya kailangan noon pero for sure meron sa classmates namin na kailangan iyon. Kapag kasi galing sa amin ang magiging representative lahat kami may plus points. Since engineering school kami nahahati lang sa section ang mga estudjante kada course. May Limang section ang ECE ngayon taon. Ganoon karami kaming first year.
"wag pilitin kung ayaw. Pumili ka nalang sa iba pres" sabi ni kezia.
Nag okay nalang si jeff at naglibot na, tinapos ko nalang ang program ko baka hindi pa ako makapag pasa kaka-chismis sa kanila.
Walang pumayag sa ibang boys kaya dulo-dulo si jeff nalang. Matangkad siya at may itsura naman pero patpatin kaya alam mo agad na hindi pang pageant. Parang pinagsisihan naman ni cindy ang pagsali niya, gusto na niya umatras pero sabi ni pres. napasa na daw niya ang pangalan sa prof kaya wala ng urungan.
After ng class ay lunch break, ang daming tao sa canteen kaya late na kami nakakain. Wala naman masyadong makakainan sa labas kaya naghintay nalang kami na may mabakanteng upuan.
Mabilisan ang ginawa namin pagkain, hindi ko sure kung nanguya ko ba ng ayos dahil na pressure ako sa bilis ng mga kasama ko.
Lakad -takbo ang ginawa namin dahil male-late na kami for afternoon class. Hingal na hingal ako sa pag-akyat namin sa 3rd floor.
Sa pagmamadali ko ay muntik na ako mahulog sa hagdan buti nalang saktong pababa si kuya daniel at nasalo ako. Bumagsak ako sa braso niya.
"Angela okay ka lang?"Pinisil ko ang biceps niya at ang tigas may ganito din naman si miggy pero mas natutuwa ako pisilin ang kay kuya daniel
"Oy! Angela bangon na!" Sigaw ng isa sa mga kaibigan ko di ko malaman kung sino
Umahon ako mula sa alanganin posisyon, hawak ni kuya daniel ang braso ko at nag check kung ayos lang ba ako, ako din nakahawak pa sa biceps niya.
"O-okay lang ako pasensya na" I cleared my throat.
Tumitig ako saglit sa kanya bago tumakbo ulit.
"hoy kuya! accept mo din ako! si angela na accept mo na ako hindi?!" sigaw ni carmela habang tumatakbo kami.
Nakarating kami sa classroom na wala pang prof. buti nalang dahil hinahabol ko pa ang hininga ko. Umupo kami sa bandang likod katapat ng aircon. Kahit pawis ay tumapat ako, hindi ko na kaya parang nag-iinit ang balat ko.
Nag concentrate ako pero sumusulpot sa isip ko ang nangyari kanina. Dahil sobrang lapit ko kanina naamoy ko siya at ang bango niya, lalaking-lalaki ang amoy pareho sila ng amoy ni miggy. Alam ko iyon dahil kabisado ko si miggy.
"so... crush mo?"
Naririnig ko si carmela sa isip ko. Hindi naman ako ganoon ka inosente para hindi malaman ang crush. pero ano ba ang basihan na crush mo na ang isang tao?
dumaan si kuya daniel at may dala siyang projector. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumampas na ng room. Kapag nakatalikod ay para siyang si miggy tumindig.
Pasimple kong kinuha ang phone ko, naka silent mode iyon kapag nasa klase ako kaya di ko alam if may nag message ba.
wala...
Tinignan ko ang profile ni miggy. Walang bago o kahit ano last na share niya ng meme ay iyong mismong araw na nag dinner kami sa kanila tapos wala na, kahit tag post na kasama siya wala. Binago ko ang settings ng messenger at i-on ang active status para makita ko rin sinong online.
active 4 days ago
Napabuntong hininga ako. Nasaktan ko ba siya? Nagtatampo ba siya?
Kung sa bagay hindi naman biro ang pinagsamahan namin dalawa pero mali ba ang desisyon ko?
Hindi ko naman sinabi na stop na kami ah? sabi ko lang distansya.
sari-sari idea ang napasok sa isip ko at natatakot ako sa hindi maipaliwanag na dahilan, haluan pa ng lungkot. Hindi ko alam paano gagawin ko dahil hindi padin naman kami nag away ni miggy kahit minsan.
Late nag dismiss ang prof namin kaya wala kaming choice kundi tumakbo ulit dahil sa kabilang dulo pa ng campus ang susunod namin klase. May 15 minutes naman kaming interval dapat pero late na nag dismiss at wala nangahas sa mga classmate ko na pigilan ang prof. sa pagkukwento ng buhay niya na wala naman relate sa topic niya.
Hihikain ata ako.
Hindi ko na kinaya at napatigil ako.
"u... ahhh.." lumunok ako "una...ahh.. na... kayo" hindi ko na talaga mahabol ang hininga ko.
"akin na bag mo"
kinuha ni regine ang bag ko, gumaan agad ang paghinga ko dahil sa bigat na nawala.
"ayos lang kayo? namumutla ka na angela"
Hindi ko alam bakit nasa tabi ko na agad si kuya daniel. Punong-puno ng pawis ang mukha ko at oo, namumutla na ako kaya nakaramdam ako ng hiya na nandito siya.
"late na kami kuya" sabi ni erick.
aakayin dapat ako ni kezia at carmela, hinawakan na nila ang braso ko pero bumaba si kuya daniel.
"sakay! dali na!"
Natulala ako for a second. Inalalayan nila ako para sumampa. Tumakbo ulit kami or sila dahil naka piggy back ride ako kay kuya daniel. Nasasabayan niya ang mga kaibigan ko sa pagtakbo kahit bitbit niya ako. parang hindi siya nabibigatan.
Binaba niya ako sa pintuan ng mismong room. Wala na akong oras magpasalamat dahil pumasok na kami agad nandjan na kasi ang teacher.
Nagbabye siya sa amin mula sa bintana. Nginitian ko siya.
Napagmasdan ko ulit ang likod niya, katulad ng ginagawa ko kapag hinahatid ako ni miggy sa classroom dati.
saktong alas singko ay natapos na ang klase. Pinagke-kwentuhan nila ang nangyari sa amin ngayon araw at nagtatawanan.
sobrang daming nangyari ngayon araw, hindi ko alam kung normal bang ganito kapag college.
Dumaan kami sa bulletin board para makita ang mga nakasali sa dance group at nandoon ang pangalan nila carmela at poseidon. Alam naman namin na pasok talaga sila kahit hindi tignan ang bulletin pero natuwa padin kami kahit expected.
"tara kain tayo sa labas! libre ko" aya ni poseidon.
"ay gusto ko iyan libre!" sabi ni kezia.
Naglalakad na kami palabas ng school. nasa unahan si kezia at regine, sa gitna naman si erick at poseidon nasa likod kami ni carmela. Nag-ayos kasi siya ng sintas at inintay ko nalang dahil nauna na ang mga kasama namin, kawawa naman.
Sinilip ko kung mahaba ba ang pila sa sakayan dahil gusto kong umuwi. Gusto kong kausapin si miggy. Hindi normal na hindi siya nag online ng apat na araw.
o baka hindi sila chat ng girlfriend niya?
Pero hindi naman tungkol sa relasyon nila ang dahilan kaya kakausapin ko siya kundi sa amin. Kahit naman may girlfriend siya magkaibigan parin naman kami, matuturing bang clingy kung lilinawin ko iyon?
ako ba ang hindi nakaintindi sa sinabi ko o siya?
pero si miggy ito... hindi ako dapat mag overthink tungkol sa amin. siya ang pinaka matagal ko ng kaibigan kaya ayuko naman na maging baliwala lang kami basta.
kung aawayin man ako ng girlfriend niya sasabihin ko magkaibigan parin kami at alam ko ang lugar ko pero gusto ko lang linawin ang lahat.
Hinatak ko ang braso ni carmela. Medyo nagulat pa nga siya.
"tawid mo nga ako sa sakayan"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top