ENTRY#13
I looked at my phone and took a deep breath. Miggy hadn't texted me a good morning message in three days, or even a message of any kind.
masasanay din ako.
"Nakakaloka naman ang mga locker dito!"
Lumuhod si Carmela sa sahig dahil nasa ibaba ang locker niya. Ang itsura kasi ng locker namin ay may hati sa gitna, Kay kezia at regine ang nasa itaas, pareho kami ni carmela na nasa ibaba ang locker katulad ng arrangement namin sa higaan.
"ang cute kapag may nang corner sa'yo ! di'ba ganoon iyong mga nababasa mo sa libro?" natatawang sabi ni regine.
"oo! paano kapag may mang corner sa'yo sa locker tas ganitong nasa ibaba? nakaluhod ka agad! ready na ready! hahahaha!"
Nagtawanan silang tatlo ako ay ngumiti lang. Tuluyang napa-upo sa sahig si Carmela kakatawa si regine naman nakasandal sa locker at si kezia pinapalo sa balikat si carmela, ako nakatanaw lang.
"hindi ko gets?"
Sabay-sabay silang tumigil at unti-unting nawala ang ngiti. mabilis akong tumingin sa ibang direksyon.
"okay lang iyan angela, isang araw mage-gets mo rin" sabi ni regine tapos nagtawanan ulit silang tatlo.
Pinagpag ni Carmela ang sarili niya pagtayo. Tapos na ang lahat ng klase namin at papunta kami sa stage kung saan mangyayari ang dance audition ng department.
Sa pinaka harap kami pumuwesto. Pumunta si carmela sa gilid kung nasaan ang sound system para ibigay ang remixed niya. Nandoon din ang kuya ni erick, nag apir sila ni carmela at nag-usap saglit.
Sumulyap sa akin si kuya Daniel at ngumiti, nag-iwas ako bigla ng tingin dahil nailanga ko. Maya-maya sinilip ko kung nakatingin pa ba siya, kausap na niya ang mga senior naming na classmates niya kaya Malaya ko siyang natitigan.
Naramdaman niya ata ang tingin ko kaya sumulyap siya ulit sa akin, tumingin agada ko kay carmela, Mabuti nalang lumingon din siya sa akin at ngumiti.
denim long sleeve ang suot ni Carmela na may itim na sando sa loob, itim ang fitted na pantalon at puting sapatos.
Umupo siya sa tabi namin ng magsimula na magtawag, ang daming nanunuod, ang iba nakatayo na dahil limited lang ang hinanda nilang upuan.
Hindi naman ako ang mag audition pero kinakabahan din ako samantalang si carmela kalma lang na nanunuod sa mga sumasayaw.
Malaking bagay daw ang maging dancer sa department. Kayo ang ilalaban sa mga competition sa loob o sa labas ng school. May benefits din katulad ng libre ang tech shirt, ID lace, at kung ano-ano pa.
Unang sumayaw ay lalaki. Ngumiti palang siya naghiyawan na iyong mga babae sa gilid at likod naming. Malakas ang dating niya dahil may itsura ang maganda pumorma pero ng sumayaw na siya parang dismayado iyong mga senior naming halos puro freshmen ang nag che-cheer.
"paupo ako ha"
Nagtayuan ata ang lahabiho ko sa batok ng marinig ko ang maskuladong boses ng kuya ni erick sa tabi ko. Nilingon ko siya at hindi ako nagpahalata na kinabahan ako, ngumiti siya sa akin bago nanuod ulit ng sumasayaw.
Lumapit si erick sa amin na may bitbit na upuan, tumabi siya sa kuya niya at dumekwatro ng upo.
"buti pa dito sa pwesto niyo mahangin " sabi ni kuya Daniel.
Hindi siya sa akin nakatingin pero ako simula ng umupo siya ay hindi ko na tinigilan ng titig.
"hindi magaling 'no? boring panuorin?" sabi nito at sa wakas tinignan ako ulit.
Nag-iwas ako ng tingin hindi ko maipaliwagan. Kapag hindi niya ako tinitignan , tumititig ako pero kapag sasalubungin niya ang mata ko kinakabahan ako, pakiramdam ko may humahalukay sa tiyan ko at bumibilis ang paghinga ko.
"ayan na! ayan na! si Poseidon na" sabi ni erick na pumapalakpak pa.
Bumaling ako sa side ni regine, kunyare ay nanunuod ng husto. The usual nakatutuk lang siya sa phone niya at minsan sinusulyapan ang nasayaw.
Lumakas ang hiyawan ng sumayaw ni si Poseidon! Magaling siya base sa pagkakapalakpak ni carmela, pumalakpak din ang mga senior namin.
Tumingin sa side namin si Poseidon at nag flying kiss. Si kezia napangiwi, si carmela walang pakialam, si regine sinamaan ng tingin si Poseidon, iyong dalawa kong katabi na lalaki tumatawa pero iyong mga tao sa likod namin naghihiyawan.
"kuya crush ka daw niya!" sabi ng bakla sa likod at for sure may tinuro siyang kung sino kaibigan.
"next, carmela abades"
Huminga ng malalim si carmela bago tumayo.
She looked so confident standing in the midst of people, when the music start all eyes on her kahit ako napanganga ng magsimula na siyang umindak.
Iyong mga naglalakad huminto para panuorin siya, may mga lumabas sa gym na basketball player at nanuod din. Sa sobrang lakas ng hiyawan ay hindi ko marinig ang music kahit nasa harapan naman kami.
For the first time in my life I felt jealousy that is not for my brother but in a good way, like I want to do something to have a confidence like hers. I want to reach that level.
She finished with a loud bang sound. Nakangiting nag bow si carmela, at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri.
Bigla kong nilingon si kuya Daniel ng pumatong ang kamay niya sa balikat ko.
"ang galing niya 'no" nakangiti nitong sabi.
Naguluhan ako sa sasabihin kaya tumango nalang ako. Nakangiti parin siya at nakatingin sa unahan kung saan kinakausap ng ibang senior si carmela pero hindi parin niya inaalis ang kamay sa balikat ko. Para tuloy akong tuod at hindi gumagalaw.
Tumingin ako kay erick, baklang-bakla nitong hinaplos inangat ang kamay at parang may inipit na buhok kunyare sa tenga, nginuso nito ang kamay ng kuya niya sa balikat ko at kumindat.
"ewww!" sabi ng dalawang babae sa tabi ko.
"tara na!" may hingal pa si carmela ng lumapit siya sa amin. "bukas pa naman malalaman ang result, kain na tayo!"
"ang galing mo carmela" sabi ni Poseidon at tumayo siya sa tabi ni carmela.
Ngumiti si carmela. "magaling ka din!"
Yumuko si Poseidon pero nasilip ko pa ang pamumula ng pisngi niya. Tumayo na si kezia at sinabit ang bag sa balikat.
"sawang-sawa na ako sa pares sa dorm nalang tayo kumain." Sabi nito at nilahad sa akin ang kamay.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya at marahan niya akong hinila patayo. Dahil tumayo na ako at hindi gumalaw si kuya Daniel humagod sa balikat ko pababa sa braso at kamay ko ang malaki niyang palad hanggang sa tuluyan na iyong bumaba pabalik sa kandungan niya.
"ngayon palang ico-congrats na kita carmela" tumayo na si kuya daniel "tsaka ikaw din Poseidon!" tumawa ito at tinapik sa balikat ang kapatid bago umalis at bumalik sa mga classmate niya.
Humugot ako ng malalim na hininga, tumingin sila sa akin dahil parang kapos na kapos ako. Ngumiti lang ako at sinabit ang back pack sa balikat ko, nahirapan ako isabit ang isa kaya hinawakan ni kezia.
Tumingin ako sa phone ng saglit na sumulyap ako kay kuya daniel at nakatingin siya sa amin. Dahil nasa phone ang atensyon ko ay bigla ko na naman naalala si miggy.
Hindi kaya masyado ko siyang nataboy noong huli kaming nag-usap? pero may point naman ako di'ba? nagets niya kaya ang gusto kong sabihin o minasama niya?
Ayuko naman putulin ang friendship namin, baka nag over react ako?
Pag-uwi namin nagluto agad si kezia ng hapunan. Nasa kwarto lang ako at nakatitig sa phone ko, habang tumatagal ay hindi ako nagiging komportable sa katahimikan namin ni miggy.
Tumayo ako at naisipan silipin si carmela sa likod bahay na nagpapaikot sa washing. Sinandya kong iwan sa table ko ang phone para hindi ko maisip si miggy. Aaliwin ko ang sarili ko sa panunuod.
"hindi ka ba pagod?" kumuha ako ng mono block at umupo sa gilid. "galing tayong school tapos sumayaw ka pa, naglalaba ka naman ngayon."
"pagod pero tambak na labahin ko"
Nagpapa-laundry ako sa may kabilang kanto dahil hindi naman ako naglalaba. Pinagmamasdan ko lang siya at mukhang madali naman ang gagawin.
"hindi ba masakit sa kamay?"
Kinukusot niya ang pantalon "hindi naman, may washing naman, hindi hand wash lahat"
Lumapit ako sa kanya, napatigil siya at tinignan ako. "tulong ka ? para matuto ka"
kinuha ko ang isang t-shirt at ginaya ang siya.
"wag ganyan ang hinhin mo naman. Ganito ang pagkusot.."
Hindi nga ganoon kasakit sa kamay pero medyo mahaba kasi ang kuku ko kaya may hapdi. Nilgay niya ang mga underwear sa isang mesh bag at sinama iyon sa pagpapaikot sa washing. Habang tinutulungan ko siya at tinuturuan niya ako ano gagawin kapag puti o dikolor ang damit. Banlawan ko daw ng tatlong beses tsaka ako maglagay ng fabric..
Dahil dalawa kami ay mabilis kami natapos, hindi tulad dati na inaabot si carmela ng dilim kakalaba.
"gusto mo ikaw hugas after kumain ?" tanong ni regine.
Napasimangot ako "bakit feeling ko inapai niyo ako?"
"para matuto ka... kung ayaw mo edi okay lang"
Nasa tabi ko si kezia habang naghuhugas ako ng pingan, pakiramdam ko para akong bata na tinuturuan ng nanay niya sa gawaing bahay.
I'm proud of myself na isang plato lang ang nabasag ko, muntik ko na nabitawan iyong baso kasi madulas pero na-grip ko agad.
"angela" tawag ni kezia mula sa sala.
Sinilip ko siya mula sa kusina, nagpupunas pa kasi ako ng kamay. After ko kasi maghugas ay naglagay ako ng tubig sa mga water bottle.
nakatayo siya sa tapat ng kwarto habang may hawak na walis.
tinuro ko ang sarili ko "ako magwawalis?"
Nakasimangot kong inabot ang walis, ginawa ko naman pero pinaulit ni kezia hindi daw kasi maayos at may mga buhok pa sa gilid-gilid. Kaninong buhok ba kasi ito at ang dami sa gilid.
Mag 10 pm na ng mahawakan ulit ang phone ko. Napabuntong hininga nalang ako ng walang naka pop up sa lock screen ko.
Nagbuklat ako ng notes para mag-aral. Bumalik na ang exam namin noong nakaraan, pasado pero hindi mataas. Three months palang ako sa engineering tanggap ko ng hindi ko kayang makapasok sa kahit anong cumlaude hierarchy. Pero as long as wala akong 3 ay pwede akong mag apply ng with honors, maliban daw kasi sa cumlaude ay kumukuha sila ng 10 with honors kada course pa consuelo sa mga hindi umabot sa hierarchy.
Nasa kalagitnaan ako ng pag solve ng may nag pop-up sa screen ko. akala ko message, friend request pala ni erick. I press accept, agad na nagpakita sa suggested friend ko ang kuya niya.
Sinilip ko ang mga kasama ko kung may nakatingin ba sa akin pero may kanya-kanya silang mundo.
Sinilip ko ang profile ni kuya daniel. Puro tungkol sa sayaw ang nandoon o di kaya meme sa course namin. Nag scroll lang ako pababa dahil nag-enjoy ako sa mga sine-share niya, nakakatwa kasi.
Hanggang sa nakaabot na ako sa 2014 at iyon na ang last dahil that time na siya gumawa ng facaebook.
"Instagram naman stalk mo"
Halos mapatalon ako sa gulat sa boses ni carmela. Dahil nag-enjoy ako mag scroll ay hindi ko napansin na nasa likod ko na pala silang tatlo.
"anong ginagawa niyo djan?"
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa mga ngiti nila.
"wala, curious lang bakit ka natawa." sabi ni regine
"nag friend request ka na? okay lang iyan kahit ikaw mauna" sabi ni kezia.
"wa.. hin.. na ano.. napindot ko lang iyong profile niya"
Binaba ko ang phone at bumalik sa sino-solve ko kanina na hindi ko na maalala ano bang ginawa ko dito, teka.. paano nga ulit 'to.
"nag friend request ako sa kanya" sabi ni carmela.
"same" si kezia
"me three" dugtong ni regine.
Nilingon ko silang tatlo na hindi padin umaalis sa likod ng upuan ko.
"so no big deal" si carmela.
Oo nga naman. Mas weird kung ako lang ang hindi, tsaka bakit naman hindi? wala naman malisya ah? kuya siya ni erick na classmate namin at nag friend request na ang friends ko. so, okay lang! di'ba?
Kinuha ko ang phone ko at pinindot ang request. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil doon.
"may inaccept na ba siya sa inyo?"
Bumalik na si carmela sa kama at nanunuod na naman siguro ng anime, si kezia k-drama ang pinapanuod, si regine naman may kausap na naman sa text.
"ewan ko kay carmela" sabi ni kezia.
"huh?"
"hindi naman kami close, nakakahiya. si carmela kasi magiging part naman siya ng dancers" sabi ni regine.
Nanlaki ang mata ko ! shit! gusto kong bawiin ang request ko! makikita ba niya kahit ma undo ko?
"relax! hindi siya madalas ang socmed. Tsaka hindi niya padin ako ina-accept" simpleng sabi ni carmela.
nainis ako bigla! bakit nila ako biniro ng ganoon. Dalawa na tuloy ang iisipin ko ngayon, si miggy at si kuya daniel. Nakakahiya kapag na decline niya ako.
"nakakainis kayo!"
sinubsob ko nalang ulit ang sarili ko sa pag-aaral hanggan sa natukin ako.
Kinabukasan, nagising ako sa mabangon amoy ng sopas. I checked the time, it's 7am. Lumabas ako ng kwarto dahil naiihi din ako.
Naabutan ko silang naghahain na sa mesa.
"morning"
Sinimangutan ko si carmela, aga-aga ang sigla-sigla kala mo hindi ko na prank kagabi.
"kain na" aya ni kezia.
Nag cr muna ako para makapaghilamos na din bago sila samahan sa lamesa. Masarap talaga ang luto ni kezia nakakatanggal ng inis.
Si regine na ang naghugas dahil pinapaligo na nila ako, kumpara daw kasi sa kanila ay matagala akong maligo. Hindi parin talaga ako sanay na walang heater ang shower dito pero ayos lang nakakayanan naman ang lamig.
sa sala ako tumambay habang hinihintay si carmela, siya ang last na naliligo dahil mas mabilis siya mag-ayos.
Tumunog ang phone ko, inisip ko agad na si miggy iyon dahil siya lang naman ang nasa notification ko ng ganito kaaga pero hindi..
Daniel Christopher Baltazar accepted your friend request.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top