ENTRY#12
"sabihin mo abades resisdence" Kausap ni carmela si regine sa phone.
Kakatapos lang namin kumain ng hapunan. Si kezia hindi natiis at nilinis ang kwarto ni carmela, gagawin daw niya plates niya kasi sa lamesa tapos napaka daming kalat.
Naguusap lang kaming tatlo kanina ng marealized namin na habang nagchi-chikahan ay nagliligpit na si kezia at may hawak na walis.
Puro tawa lang si carmela sanay na daw siya na nag-uusap lang sila tapos maya-maya naglilinis na siya.
"ano daw gusto niyo inumin?"
"inumin? coke. " sagot ko kay carmela.
"ungas bakit iinom? gagawa nga ng plates di'ba?" tinuro ni kezia si carmela gamit ang walis.
"ano ka ba! pampasipag iyon!" sabi ni carmela sabay tawa. "ikaw angela? ano iniinom mo?"
"coke" ulit ko.
"hindi ! I mean, beer? gin?"
"hindi ako nainom ng alak"
"Ahh! okay lang" sabi ni kezia
"ikaw 'tong nag da-drama dapat iinom ka din"
"magtigil ka nga e sa hindi nainom e! wag pilitin" saway ni kezia
"umiinom kayo?"
We were like what? 18?
"oo! ayos lang naman iyon eh basta kilalanin mo kainuman mo, lalo pag inuman tapos kasama tropa"
"anong ginagawa niyo ng mga kaibigan mo dati pag nagbo-bonding kayo?"
Hindi ako nagsalita. Nilingon ko ang mga libro ni carmela para ibahin ang topic.
"nabasa mo na ba lahat iyan?"
"hindi pa"
"bakit mo binili"
"para pag gusto ko na basahin may copy ako"
Sa dami ng nasa bookshelves niya parang halos kalahati ata doon ay nakabalot pa.
"wala ka bang hobby?"
Nilingin ko ang drawing tube nila para ibahin ulit ang topic.
"ilang plates na natatapos niyo? tatlo ipapasa next week di'ba?"
"May alam kang series? kahit anong napanuod mo na?" Hindi pinansin ni carmela ang tanong ko at tuloy lang siya sa paguusisa.
Kinuha ko ang drawing tube at tinignan kung may sulat na ba ang mga A3 paper na nandoon. Si carmela naka 2 na si kezia 1.
"Kdrama? anime? wala?"
Hindi ko na maiiwasan ang mga tanong niya at nangingiwi ko siyang tinignan.
"amboring naman ng buhay mo angela" sabi ni carmela
"anong ginagawa mo kapag bakasyon sa school?" tanong ni kezia.
"nag advance study" nahihiya ako parang krimen ang kawalan ng hobby, ganoon ang nararamdaman ko.
"You know there is more to life than studying"
tinignan ko si carmela, seryoso siyang nakatingin sa akin habang nasa kaliwang tenga padin niya ang cellphone.
"wag mo sayangin ang kabataan mo kaka-pressure sa sarili mo. if you don't have friends before? you have now. "
Naantig ako sa sinabi niya.
"Okay lang iyan angela, tuturuan ka namin mag enjoy but not in a wrong way" sabi ni kezia
"gusto mo ng recommendation? anime you what? ano ba trip mo? try mo iyong boku no pi--"
"wag mo masubukan carmela hahambalusin kita ng walis"
Rinig ko mula sa phone na natawa din si regine, si carmela halos naiyak kakatawa. Pumamewang si kezia habang nakatingin kay carmela na hinahampas ang headboard ng kama kung saan siya nakasandal.
"boku no pi???"
She mouthed 'ko'
"is that c or k?"
"wag mo i-serach dalawa kayong hahambalusin ko ng walis"
Nauubo na si carmela kakatawa, parang iluluwa na niya ang laman loob niya sa kakaubo pero natawa padin.
Nalilito kong tinignan si kezia. Namura pa niya ng isang beses si carmela bago pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit.
Nacurios naman ako ano ba iyong sinasabi ni carmela kaya kahit nagbanta si kezia na hahambalusin niya kami ay nag search ako sa phone.
Naguluhan ako bakit nainis si kezia sa suggestion e mukha naman cute iyong anime, may Nakita pa nga akong batang nakain ng ice cream. Pero hindi ko hilig ang ganito kaya hindi ako interesado panuorin.
"ate may naghahanap daw sa iyo sa guard house" sigaw ng kapatid niya sa likod ng nakasaradong pinto.
Tumayo si carmela "si regine na iyon"
Lumabas siya para sunduin si regine, hindi daw kasi papapasukin ng mga guard kung hindi confirm na may sadya sa loob. Mahigpit ang security sa subdivision nila, ka subdivision kasi nila iyong mayor ng dasma. Mayayaman talaga ang nandito.
"sabihin mo lang kung naiilang ka sa mga jokes ni carmela"
Nilingon ko si kezia, nakaupo siya sa swivel chair at nilalagyan na niya ng masking tape ang A3 sa table.
"ikaw ba? Naranasan mo na bang ma offend sa mga biro niya?"
Kinuha niya ang uni pin at nagbo-border na.
"Friendship lesson 101. Kapag may hindi ka nagustuhan sabihin mo agad kung tunay mo silang kaibigan hindi ka nila titignan as nag-iinarte, igagalang nila ang boundaries mo"
Hindi siya nakatingin sa akin, Naka concentrate ang mata niya sa plates na ginagawa. Maya-maya ay mechanical pencil na ang hawak niya at nag la-linings ng orthographic.
"carmela is like that, she's all about boundaries. Wag ka mahiyang magsabi sa kanya, mas gusto niya iyon kapag nagiging vocal ka."
"halata naman sa kanyang honest siya"
Nilingon niya ako at umiling "tanga rin siya sa social ques di lang niya alam"
Pagbalik ni carmela may dala siyang cooler at maraming chichirya. Si regine din may bitbit na kung anong matamis.
Hindi pa nangangalahati si kezia ng magpatugtug si carmela ng Korean song, nagustuhan ko ang kanta kaya tinanong ko siyang anong title.
"Dancing queen by girls generation"
"Tatapusin natin dapat mga ipapasa next week di'ba?" sabi ni kezia pero nililigpit na niya ang A3 paper.
"Bukas na iyan!" sabi ni regine na binubuksan na iyong isang the bar "pero ang paalam ko din school project" aniya sabay tawa.
"coke lang daw siya" si kezia ang kumuha ng isang baso at nilagyan ng yelo at coke.
"Lah!? There's always first in everything" inabot ni regine ang baso na may alak pero di ko tinanggap.
"wag pilitin pag di ready " sabi ni kezia
"oo wag natin biglain, masama ang binibigla" sabi ni carmela na may kakaibang ngiti.
"sige na nga baka maluha" sabi ni regine na ngumiti din ng kakaiba
"mga gago kayo" tatawa-tawang sabi ni kezia.
Hindi ko na naman masundan ang biruan nila pero masaya ako, atleast may kasama na ako ngayon kapag nalulungkot ako.
Silang tatlo lang ang uminom, coke lang ako dahil iyon lang ang kaya ko. Si carmela n amalakas mag-aya ay siyang unang humiga.
Inaasar siya ni kezia dahil lakas daw ng loob mag-aya una naman tutumba. Nakatulog na si carmela samantalang nagiinuman pa si kezia at regine.
Bandang 3am na kami humiga. Dapat sa guest room kami ni regine matutulog pero mas gusto naming dito sa kwarto kaya naglatag nalang kami ng foam sa sahig. Tabi sila ni kezia sa kama ni carmela kami naman ni regine sa ibaba.
10 am na ng magising ako. Nag check ako ng phone baka may text na importante pero wala.
Pinakain muna kami ng lunch ni ate minda bago kami umuwi. Lagkit na lagkit ako sa katawan ko at balak ko maligo agad pag uwi pero hindi ko na natuloy dahil pagpasok ko ay naabutan ko si miggy na nakaupo sa sala naming.
Tumayo siya agad ng makita ako. Para siyang nakahinga ng maluwag sa presensya ko.
"Angel"
"bakit?"
Hindi na ako galit. Tangin ang nararamdaman ko ngayon ay gusto ko maligo.
"can we talk" may pagmamakaawa ang mata niya.
"sure pero pwede bang maligo muna ako"
Tumango siya kaya iniwan ko na siya sa sala at pumasok ako sa kwarto. Nag showet agada ko pero hindi ako nagtagal dahil may naghihintay sa akin.
"yaya umuwi ba sila mommy?"
Tanong ko kay yaya pagbaba ko.
"hindi po miss, natawagan niyo na po ba? Alam na po ba ni ma'am nakauwi na kayo"
Umiling ako "okay lang"
Hinarap ko na si miggy. "gusto mo ng juice?"
"about what happened yesterday"
"okay lang miggy"
"h-ha?"
"pasensya ka na rin kasi feeling ko nadamay ka sa mood ko kahapon. Medyo badtrip kasi ako bago pumunta sa inyo kaya mabilis ako nairita"
I know darating din naman kami sa sitwasyon na ito, syempre hindi naman pwedeng hindi magka girlfriend si miggy. Baka iyon nga lang ang dahilan kaya inis ako kahapon dahil umaga palang hindi na maganda ang araw ko.
Tama din si kuya, Mag kaibigan kami pero as respeto sa kapwa ko babae hindi ko pwedeng iparamdam na may obligasyon sa akin si miggy dahil magkababata kami, nakakabastos iyon sa girlfriend niya.
Kung ako man hindi ko magugustuhan kapag may sobrang close na babae ang magiging boyfriend ko. Kahit pa sabihin na magkaibigan sila ay hindi parin tama dahil iyon ay boundaries na ng friendship niyo.
Sabi nga nila wag mo gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
Hindi ako pwedeng maging selfish dahil lang nasanay akong nasa akin ang atensyon ni miggy. Normal lang na maramdaman ko na parang na set aside ako dahil nasa processing para kami ng paghihiwalay naming ng landas.
Hindi naman kami habang buhay magiging mga bata kailangan talaga naming maghiwalay ng landas para mag grow at kung gusto na niyang magka girlfriend wala akong Karapatan magalit.
"it's true she's not my girlfriend"
"bakit kayo lumabas?"
"I'm just bored"
Tumabi ako sa kanya sa sofa, nakatitig parin siya sa akin. Umiling ako.
"mali iyan! Wag kang paasa sa mga babae" sabi ko ng pabiro.
Dama ko na tensyonado siya at gusto kong pagaanan ang sitwasyon.
"I'm sorry kung hindi naging maayos ang conversation natin kagabe" naka kunot ang noo niya.
Alam kong tinitimbang niya ang mood ko. But I'm serious i'm fine if magkaka girlfriend na siya.
"sorry din baka nasira ko ang dinner niya"
Naguguluhan siya sa pagiging kalmado ko. Hindi ako sigurado pero parang may sakit na dumaan sa mga mata niya.
"ayos.. lang sa iyo... si almira?"
Tumango ako at ngumiti "oo naman!"
"Galit ka ba sa akin? Iba kasi ang pakiramdam ko eh"
"bakit naman ako magagalit?"
"di ka ba nagtatampo?"
Umiling ako "hindi" and I honestly don't.
"angel are we cool?"
"of course! But then.."
binasa ko ang labi ko at napalunok, parang disappointed pa siya na ganito ang reaksyon ko. Hindi ba dapat matuwa siya dahil ayos lang sa akin ang lahat.
"if you're are going to have a girlfriend of course may magbabago sa atin"
"what do you mean?"
Tinitigan ko siya maigi. I hate to admit pero masakit ang part na kailangan may magbago sa amin but like I said respeto sa kapwa ko babae.
I'm the girl bestfriend but that doesn't mean that I'll be on their way. I have to respect the fact that he's having another close relationship to other girl.
"you can't hold me like before.. hindi mo na ako pwedeng halikan sa pisngi as good bye and I know your just concern about me but I think too much concern about my life would be necessary"
"why are you saying good bye to me"
"I'm not! What I'm saying is... that's rude. Even if we are close, we have to establish this boundaries because ayukong pagmulan ako ng away ng girlfriend mo and I hate the idea na nabibigyan ko ng trust issue ang ibang tao"
Sumeryoso ang mukha niya. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko but that's it ! kailangan niya din tanggapin na ang mga pagbabago sa Samahan namin ay makakatulong sa kanya o sa akin para magkaroon ng healthy relationship.
"Why? Do you like someone now? that's why you're eager to set this so-called boundary"
Bahagya akong kinabahan sa marahas na pagtaas baba ng adams apple niya. He's mad, I know from the sound of his words. He's protective I understand that.
Mas lumapit siya sa akin, halos ilang pulgada nalang ang layo ng mukha niya. Hinaplos niya ang braso ko pababa sa palad ko at mahigpit iyong hinawakan.
"kaya mo ba talaga akong makitang may ibang babaeng kasama?"
Diretso siyang nakatitig sa mga mata ko at sa hindi ko maipaliwanag na dahil ay pakiramdam ko nagmamakaawa siya na wag akong tumingin kung saan kundi sa kanya lang.
It's a weird feeling.
"aaminin ko sa iyo hindi ako matutuwa kapag malaman kong may iba kang lalaking sinasamagan."
Ngumiti ako kahit hindi ko naman feel. "'cause we grow together and I understand that you're over protective of me specially Nakita mo akong inaasar sa school"
Binitawan niya ako at bahagyang lumayo. Yumuko siya at parang napapagod na sa usapan naming.
Nakagat ko ang labi ko sa kawalan ng sasabihin, Dama ko ang iritasyon niya at parang pagod na pagod siya base sa buntong hininganiya.
"Si angela ka nga, you see the world as plain and simple"
Hinawakan niya ang mukha ako at hinalikan ako sa pisngi ng limang beses bago bumaba ang mukha niya sa leeg ko, inamoy niya iyon katulad ng ginagawa niya noon. Hinalikan niya ulit ng isa pang beses ang pisngi ko bago tumayo.
"As you wish! Let's do that. From now on I'm not going to meddle with your life as before."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top