ENTRY#11
Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa mall para bumili ng binder. Gusto ko mag record ng mga pangyayari sa buhay ko. Bumili din ako ng iba't ibang ballpen at pang lettering, marami akong nakitang gel pen kay carmela na different colors, bibili din ako pan design.
Hindi ganoon kalakas ang ulan sa cavite, unlike sa metro manila na talagang may kasamang malakas na hangin.
Pagdating ko sa bahay nagulat pa ang mga katulong na nandoon ako. Nagbihis muna ako bago bumaba ulit para hanapin si mommy.
"akala namin kakain kayo sa labas?" sabi ng isa namin katulong.
"Wala naman pong sinabi si mommy"
Nagkatinginan sila at biglang naging akward ang paligid.
"Narinig ko po kasi ang daddy mo ma'am, Mag lunch daw sila kasama ang kuya mo. Akala po namin dadaanan ka" medyo nahihiya pa ang katulong sa pagsasabi sa akin.
Saglit na naging blangko ang isip ko. Pinilit kong matawa at magbigay ng reaksyon.
"ahh! oo naalala ko na yaya, tinanggihan ko pala. "
Kumuha ako ng tinapay sa kusina at nilagyan ng peanut butter. Binitbit ko iyon sa kwarto at doon kinain.
Nakakaisang kagat palang ako ay nawalan na ako ng gana. Kung pwede lang na hindi na ako umuwi dahil mas gusto ko sa dorm lalo kapag sabay-sabay kami nakain. Nawawalan na ako ng gana kapag wala akong kasabay ngayon.
Naglunch na kaya sila??
Nakatulala lang ako sa bintana ng kwarto ko, Mukhang malungkot ang una kong entry sa binder.
It's not the first time na lumabas sila ng walang abiso sa akin but it still hurt everytime. I want to text kuya to ask but I'm scared malamang hindi niya alam na wala akong alam, palagi naman ganoon. Magtatanong nalang siya bakit hindi ako kasama at mag dadahilan ako para hindi siya maguilty.
Inabala ko ang sarili ko sa paggawa ng plates namin sa technical drawin pati narin ang mga notes na kailangan ko isulat.
Before studying is enough but now nabo-bored na ako na gawin ito mag-isa. Gusto ko may kadaldalan na.
Bandang 6pm ako sinundo ni miggy. Wala padin sila mommy at daddy. Hindi ko alam kung dapat ko bang itext si mommy at magpaalam katulad ng ginagawa namin sa dorm, inaabisuhan nila ako if may gagawin sila o kung nasa dorm na sila.
"everything is fine angel?"
Nawala ang pagkakatitig ko sa phone ng hawakan ni miggy ang kamay ko. Nasa kalsada parin ang tingin niya at nag da-drive.
"y-yeah" humugot ako ng malalim na hininga at tinago ang phone sa bag.
Nasa labas na si tita at naka abang sa amin. sinalubong niya ako agad ng isang mahigpit na yakap pagbaba.
"I miss you baby" hinalikan niya ang pisngi ko. "Mukhang nagkalaman ka ah! hindi ka na buto't balat! tama iyan pangit sa babae ang masyadong payat tama ang katawan mo ngayon mukhang nakakakain ka na ng tama"
Naka yakap parin ang isang braso sa akin ni tita habang naglalakad kami papaso. Nasa tabi ko si miggy at nakamasid lang sa amin.
"mabuti naman at hindi ka busy akala ko mahihirapan ako magpa schedule ng dinner kasama ka"
"mom stop squeezing her"
Tinapik ni tita ang kamay ni miggy na hihila dapat sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kilos nilang dalawa kahit hindi sila araw-araw magkasama ay close parin ang mag-ina.
"ikaw angela? kailan ka magpapakilala sa akin ng manliligaw?"
"p-po?" nag-init ang pisngi ko sa tanong niya.
"May guest kasi tayo ngayon hija. Girlfriend ni miggy, gisahin natin ng makilala"
Hindi pa na poproseso ng utak ko ang sinabi ni tita ay nakita ko na ang isang babae sa dinning table. Tumayo ito agad ng pumasok kami at pinakita agad ang maganda niyang ngiti.
Natigilan ako sa paglalakad. Na estatwa ako sa gilid habang si tita ay kinuha niya ang mga putahe at nilalapag sa lamesa. Dama kong katabi ko si miggy at hindi din gumagalaw.
She's taller than me, but only a few centimeters shorter than Miggy. She looks like a model, especially since she has Korean glass skin and a small frame. lalong ang tangkad niyang tignan sa highwaist pants and crop top niyang suot.
"it's not like that angel mommy just assuming because--"
"upo na mga anak" aya ni tita.
Tumutulong iyong girlfriend ni miggy kay tita mag ayos ng mga pagkain sa mesa. Nag-aalanganin akong umupo. Magkatabi kami ni tita michaella si miggy naman ay nasa harap at katabi ang girlfriend niya.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nanginginig. Nasa plato lang ang tingin ko habang si tita ay nagtatanong ng kung ano-ano sa kanila.
"Oh! mag classmate pala kayo, that's nice"
Uminom ako ng juice at nagsandok na ng kanin at ulam.
Bakit ako naiinis?
"Angela and Miggy have been closed since childhood. Did he introduce you to her?" nakangiting tanong ni tita.
"no po tita, actually never po nabanggit ni miggy si angela" sumulyap siya sa akin.
Nalunok ko biglang iyong kakasubo ko palang na kanina mabuti nalang kaunti lang.
"why is that miggy? you wouldn't like it if magkaka boyfriend si angela at hindi niya sinasabi sa'tin" nawala ang ngiti ni tita " they are like sibling na kasi hija" sabi nito.
"Hi Angela, I'm Almira. You can call me Mira."
"Mom, I told you we are not in a relat--"
"miggy a word please"
Natigilan silang lahat at tumingin sa akin. tumango si miggy kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa sala.
I can't explain the pain in my chest. Just like that time that I saw the post of Miggy having fun and lying to me. I felt betrayed, unimportant, and perhaps a little jealous that I'd been set aside.
"why didn't you tell me?"
"Tell you what?"
Tumayo siya sa harap ko, nakatalikod sa kitchen.
"That you have a girlfriend"
"She's not."
"You invited her to dinner." mahina ngunit gigil ang bawat salita.
"I just mentioned to my mom that we went out once and she said we should invite her."
"That is having a girlfriend going out."
"No! We just eat nothing special bakit ka ba nagagalit?"
Napa atras ako. This time sinasabayan na ni miggy ang inis ko. Nakakunot ang noo niya sa akin at matigas na rin ang bigkas sa bawat salita. Umahon ang iba't ibang emosyon sa dibdib ko.
Gusto kong maiyak sa inis pero hindi ko maisip ng tama ang tanong niya.I feel like I'm being unreasonable by being angry and I have no right to question him about it. It's like he's telling me to fuck off his business.
Kitang kita ko sa mata niya ang inis niya.
"I don't know maybe because hindi mo sinabi?"
"I don't see it as a big deal"
Natahimik ako. Not a big deal? But when I don't tell him something, it's a big deal. He looks at me like I'm a crazy person and overreacting. Maybe I am?
"Really! it's nothing , hindi ka dapat ganyan mag isip sa akin"
"O bakit? Ayaw mong pinakeke-elaman ka? Wow! I can't believe hindi ako nakakaramdam ng ganyan kada pinakeke-elaman mo ako"
Hindi siya nakapagsalit at parang nagulat sa sinabi ko. I composed myself before speaking again.
"Uuwi na ako"
"Teka , wait. Why?"
"Cause I shouldn't be here. This is a family dinner"
Bumalik ako sa loob para magpaala kay tita, sabi ko may biglaan akong gagawin parasa school project and this is a emergency. sabi ko babawi nalang ako next time, nag dadalawang isip ako because I miss her but I can't be here.
"sorry po tita"
"it's okay, pahatid ka na kay miggy"
"wag na po! nakakahiya namans a bisita niya kung aalis pa siya ulit."
Nilingon ni tita si mira at ngumiti agad ito.
"o basta mag ingat ka ah"
"opo"
and i started to walk.
"angel"
Miggy tried to stop me pero tinignan ko siya ng masama. I don't like this. I hate this feeling. I don't know where the hatred is coming from.
I get my things and call the only friends I have. I don't know if one of them will answer, but I'll still try. I tried calling Carmela first, but she didn't answer, and then I tried calling Kezia, but she's out of range. Regine has also not responded.
Napailing ako. Bakit ba ako umaasa?
Huling beses akong tumingin sa loob. He's beside his girlfriend again.
Lumakad lang ako ng lumakad. I don't know saan pupunta dahil ayuko umuwi. Wala rin naman makakapansin pag hindi ako umiwi.
I was heavily crying on the side of the road when my phone rang .
"Hello"
[Hey sorry nag charge ako kanina kaya iniwan ko phone ko]
Tinignan ko ang screen para malaman kung may kausap ba talaga ako o baka nananagip ako.
[Angela? Hoy! Bakit ka kako tumawag? Nandito si kezia kasama ko gusto mo siya kausapin mo?]
"Can I sleep in your house?" I let my voice break.
[Hoy gagi bakit ka umiiya?]
[Umiiyak?] rinig ko ang pag lapit ni kezia sa mouth piece ng phone
"I'm sorry sa istorbo but can I sleep over?"
[Oo naman! sunduin ka namin, nasan ka ba?]
I told her na sa mall nalang kami magkita iyon lang kasi ang landmark na alam ko para hindi din ako mapunta kung saan-saan.
Naghihintay lang ako sa waiting sched ng may humintong itim na sasakyan. Bumaba ang bintana ng nasa backseat at dumungay si carmela.
Kinawayan niya ako bago bumaba. Sumakay ako agad, nasa gitna ako nila kezia at carmela at bigla akong nahiya ng nasa harapan ang parents niya. Tatay niya pala ang nagda-drive.
"you okay?" tanong ng nanay niya.
"o-opo" nahihiya akong tumango.
Tahimik lang kaming tatlo habang nabyahe. Hindi ko alam anong iniisip nila pero ako nire-rewind ko sa isip ko ang mukha noong mira, pamilyar kasi.
binuksan ko ang social media ko para hanapin ang sa wall ni miggy ang post nila noong nag bar siya at hindi nga ako nagkamali iyong mira ang naka kawit sa braso niya.
Hindi pala girlfriend ah!
"kumain ka na ba angela? magluluto palang si ate minda ng dinner, sumabay ka na sa amin" aya ng nanay ni carmela habang tinatanggal niya ang seatbelt.
"salamat po pero indi pa naman po ako gutom" sabi ko pero tinanggi iyon ng tiyan ko.
Napayuko ako sa hiya ng kumalam ang sikmura ko. Tinapik ako ni kezia sa likod habang natawa sila.
"kumain ka hija! wag mo titipirin ang sarili mo, wag mo atupagin ang diet-diet na iyan" sabi ng tatay niya.
Hindi naman ako nag diet eh, sadyang wala lang ako gana kanina.
Bumaba kami sa sasakyan, pinakilala ako ni carmela sa yaya nila. Tinama pa niya ang term ko, hindi daw yaya kundi kasama sa bahay, parang pamilya narin daw kasi nila si ate minda.
Pumunta muna kami sa pantry para kumuha ng kung ano-ano. Inabutan niya ako ng chichirya, si kezia halatang palagi na dito dahil basta nalang niya binuksan ang ref at kinuha ang mga can ng coke kasama ng isang malaking slice ng cake. Si carmela ang may hawak na tinidor at platito para sa cake.
"wag na kayo masyadong kumain dahil maghahapunan na" sabi ni ate minda
"gutom na siya ate, papakainin muna namin. Kakain pa iyan ng hapunan ako bahala" sabi ni kezia.
"'nay sa kwarto lang kami!"
Umakyat kami agad sa kwarto ni carmela pagdating. Una kong napansin ang malaki niyang bookshelve na halos wala ng paglagyan ng libro. Kahit namumugto ang mata ko ay kita kong makalat ang kwarto niya.
May ilang magkakapatong na anime books, manga ata ang tawag doon sa table niya. Iyong damit niya nakasabit sa swivel chair, hindi ko sure kung nasuot na ba o itutupi palang.
Iyong bag niya ay nasa sahig katabi ng lamesa katabi noon ang drawing tube niya. Malamang gumagawa din sila ng plates dahil nakita ko din ang drawing tube at t-square ni kezia.
Umupo ako sa kama niya dahil walang ibang mauupuan puro may nakapatong. hinila ni carmela ang maliit niyang table at doon pinatong ang mga dala namin pagkain bago sila tumabi sa akin at parang may hinihintay.
Paano ba magkwento ? hindi ko alam saan magsisimula.
"bad day?" si kezia ang bumasag ng katahimikan.
Kinagat ko ang labi ko dahil nagsisimula na akong humikbi. magkakasunod akong tumango at hindi ko alam paano ko ba sasabihin.
Maliban ata sa nagising ako ay wala pang nangyaring maganda sa akin ngayon araw. It's too much, from my parents demonstrating that I was not their favorite child, then miggy... I felt bitter.
Yumakap si carmela sa akin at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Si kezia naman hinahaplos ang likod.
"it's okay friend, hindi mo kailangan sabihin kung hindi ka komportable. yayakapin nalang kita"
And just like that, I let myself cry, hard. I let all my negative emotions out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top