ENTRY#0
Pinagmasdan ko ang bakanteng bahay. Malinis na ang bawat sulok maging ang cabinet ay wala ng nakalagay.
I got my phone and played "Welcome to Wonderland" by Anson Seabra. para may ingay manlang akong naririnig habang inaayos ang malata ko.
Welcome to Wonderland, we've got it all
Potions and pastries that make you grow tall
Forests and cottages, castles and cards that can talk
Ako ang huling aalis sa dorm. I can't believed ang bilis lumipas ang taon at graduation na next week.
Everyone that leaves has a heavy heart
Oh, Wonderland I love
Pinagpatong-patong ko ang 17 notebook na naging listahan at saksi ng lahat ng masasaya at masasakit na bagay sa akin sa nagdaang taon. Hindi ko mapigilan buklatin ang isa para silipin.
ENTRY # 548
I'm starting to feel okay again. I guess the storm in my heart has ended. My friends are really worried about me. Buti nalang napapatawa ako ni carmela kahit corny ang jokes niya. buti nalang binubusog ako ni kezia. Tsala buti nalang ginawa ni regine iyong assignment ko, walang-wala talaga ako sa wisyo kaya hindi ko naalala. Galing pala manggaya ng penmanship ng isang iyon.
Hindi ko mapigilang matawa sa pag-alon ng mga ala-ala. Kahit ramdam ko na medyo namamasa na ang mata ko at nagbabadya ang luha.
I looked at our dorm one last time before I left. This is the place where I experience to be human, to feel emotion and overcome pressure. This is the place where I feel safe and at home, where I recall my brightest memories.
Pero lahat naman ng magandang bagay natatapos. Kung pwede lang na hindi na kami matapos ng college para manatili kaming magkakasama pero mukha naman kaming tanga noon.
Mixed emotion ako pagdating ng graduation day. We took a lot of pictures and cried a bit.
"yes naman! iyong gaga natin friend nakahabol sa graduation!" hiyaw ni regine.
Nagtawanan kami, kahit si carmela tinawanan lang ang asar sa kanya.
We chat a bit bago sila nagpuntahan sa kanya-kanya pamilya at umalis. Lumakad na ako papunta sa parking lot kung nasaan si mommy. Sa Sobrang busy niya tanggap ko na noong una na hindi siya makakarating, buti nalang nakahabol.
Tanaw ko na siya na may kausap sa tabi ng kanyang sasakyan. Hindi pa malinaw sa akin kung sino dahil nakatalikod sa akin ang lalaki pero unti-unting bumagal ang lakad ko ng halos tatlong metro nalang ang layo.
"Angela! lika ka na bunso. Kain na tayo"
Nakangiti sa akin si mommy pero hindi ko maalis ang tingin sa lalaki hanggang sa tuluyan na itong humarap.
"hi, angel."
Hindi ko narinig ang endearment na iyon sa loob ng apat na taon.
Iniabot niya ang bouquet of flowers pero hindi ko tinanggap.
"happy graduation"
Mas nilapit niya pa ang bulaklak. Maganda pa ang pagkakangiti. Akala mo walang nangyri.
"sorry medyo may jetlag pa ako kay--"
Hinablot ko ng mabilis ang bouquet at sinampal sa mukha niya. Sa sobrang inis ko hindi ko tinigilan hanggang hindi nalalagas lahat ng petals ng bulaklak.
Akala ko nakamove on na ako. Hindi pa pala! Masakit padin kahit apat na taon na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top