Chapter XIII
COLEMAN
"CAPTAIN! SALO!"
"Huh?"
The ball hit me in the face as I was standing in the middle of the court. Halos maalog na ang tuak at mabali ang aking leeg sa sobrang lakas ng pagtama sa pisngi ko. I fell butt first on the maple floor of the gymnasium. Mabilis akong pinuntahan ng mga kasama ko at tinulungang tumayo.
"Thank you," I told them as I regained my balance.
My fault. My mind was all over the place. Hindi ako makapag-concentrate sa practice game namin. Sa sobrang pagiging preoccupied ng isip ko, pangalawang beses ko na 'tong matamaan ng bola. 'Yong una, sa may tagiliran. Ngayon, sa mukha na at napabagsak pa ako.
"Okay ka lang ba, cap?" tanong ng forward na si Jiao sabay tapik sa balikat ko.
"Baka gusto mong mag-break muna tayo?" dagdag ni Rhys na hawak-hawak ang bolang tumama sa akin.
"We don't have any second to waste," sagot ko sa kanila. "Malapit na ang inter-school basketball tournament. We can't let up, okay? We will continue kahit ilang beses pa akong matamaan ng bola."
"Sabi mo, cap—"
"No."
We all turned to the bleachers where a middle-aged man with moustache stood and walked toward us on the court. Nakasuot siya ng polo shirt na may fist-sized logo ng university sa chest part at ng kulay maroon na jogging pants.
"Let's take a ten minute break," the man said, sounding the whistle that hung around his neck.
"But coach—" I tried to protest but he shushed me by showing his hand.
"Wala sa basketball court ang isip mo, Cortez. Lumilipad yata sa ibang ibayo. Paano mo mamo-motivate ang mga teammate mo na maglaro nang maayos kung ikaw na team captain ay hindi makapag-concentrate sa practice game?"
Sir Leonard Cordero is the new coach of our basketball team this year. Dahil ilang taon nang nangulelat ang university namin sa inter-school tournaments, naisipan ng Sports Department na palitan ang dating coach na may katandaan na rin at ipalit itong si Sir Cordero. He's relatively young and fit—in his late twenties, I think?—so his insights and strategies might revitalize the team.
Maybe through his guidance and my leadership, we could make a comeback on the university basketball rankings.
He blew his whistle again, and the team dispersed. Naiwan akong nakatayo sa tapat ni coach. Hindi ko rin maisip kung saan ako magbe-break.
"What's going on, Cortez?" nakapamaywang niyang tanong. "Hindi ka ganito ka-sloppy maglaro kahit sa practice games."
"Sorry, Sir." Napayuko ang ulo ko, sinadya kong iwasan ang kanyang tingin. "Medyo distracted siguro ako ngayong araw kaya hindi maayos ang laro ko."
"Distracted?" he repeated with a scoff. "You can't afford to be distracted nowadays. Sabi mo nga kanina, malapit nang magsimula ang inter-school tournament. Every opportunity we get to practice is important."
"I am well aware, Sir." Naglakas-loob na akong tingnan siya sa mata. "Kaya nga gusto kong ituloy ang practice kahit na ganito ako ngayon. Ayaw kong masayang ang oras ng teammates ko."
"Maaapektuhan lang ang gameplay ng iba kung maglalaro ka na ganyan ka," sabi ni coach. "Pagkatapos ng break, diyan ka muna sa bleachers at panoorin mong maglaro ang teammates mo. Baka sakaling bumalik ang wisyo mo sa paglalaro nang maayos."
"Sige, Sir." Gusto ko sanang magreklamo, pero alam kong hindi ko na mababago ang isip niya. Sa ngayon. Pumunta na ako sa bleachers at umupo roon. Ini-stretch ko rin ang aking legs para hindi mamulikat.
"Maganda na rin 'tong practice para sa teammates mo, sakaling ma-injure ka in the middle of the game. They need to adjust their gameplay without you on the court."
Without me on the court? Something didn't feel right to me. Bumalik sa akin ang kaba ko nitong nakaraang linggo. If that thing got leaked, I wouldn't really be playing on the court. Not just for one game, but for the whole season.
I hope Sir Zack managed to change Beatrice's mind about the investigation. Ayaw kong mabalewala ang lahat ng pinaghirapan namin ng team ko sa nakalipas na buwan. Yes, what we did was totally wrong and against the school rules and regulations. But with all the pressure we had on our shoulders, we needed to find an escape. That seemed to be the most convenient at the moment.
"Remember that I stuck my neck out for you and your teammates."
My eyes widened. I lifted my head and stared at our coach whose back was turned to me. He was looking over his left shoulder.
"I want our team to end the drought we've had for the past three years," he added, turning his head away. "Gagawin ko ang lahat para masigurong manalo tayo. Kaya nga nagawa ko kayong pagtakpan sa ginawa n'yo."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I didn't expect him to bring that up. Parang guilt trip tuloy ang dating sa akin.
Our coach was the first to know about the results of the drug test. Nang nalaman niyang nag-positive kami, sermon ang inabot namin sa kanya. He was extremely disappointed back then. If there were more capable players in the university, he would have removed us from the team. Pero wala na siyang ibang maaasahan kundi kami. Imbes na isumbong kami sa Office of Student Affairs, napagdesisyunan niyang huwag ipaalam sa iba ang resulta para makapagpatuloy kami sa laro.
"Don't make me regret that decision, Cortez," he warned. "Kung ikaw rin pala ang magiging dahilan kung bakit matatalo tayo sa tournament, mas mabuti pala na isinuplong ko na kayo."
I clenched my fists. My nails dug deep into my skin. Kapag nalaman ng iba ang tungkol doon, it would be all over for me. Gagawin ko ang lahat para manatiling sikreto ang dapat manatili na sikreto.
"Understood, Sir," I said, looking up at him. "I won't disappoint you again."
"You better not."
It's embarrassing for me, as the team captain, to be asked to sit on the bench during a practice game. I should be there, on the court. I should be dribbling that ball and shooting it into the ring. Pagbalik ng teammates ko, nagulat sila nang sabihin ni coach na magpapahinga raw muna ako sa game na 'to. They gazed at me with a look of worry in their eyes. Parang tinatanong ako kung paano na sila kapag wala ako. Umiwas ako ng tingin.
They put down their energy drink bottles on the bleachers and returned to the court. The practice resumed, and they wasted no time running across the maple floor, passing the ball from one player to another, and shooting it from the three-point line.
Sinundan ko ng tingin si Rhys na siyang tumalon para supalpalin ang bola. Siya ang pinakamatangkad sa amin, dala na rin ng pagiging half foreigner niya, kaya siya ang maaasahan namin sa block at rebound. Nang makuha niya ang bola, ipinasa niya agad 'yon sa kakampi niyang si Lorde, pero na-steal ni Jiao bago pa nito mahawakan.
"Nice steal!" sigaw ko mula sa bleachers. I was so used to being the player on the court that I almost forgot how it felt to be an audience enjoying a game.
Hindi pinansin ni Jiao ang puri ko sa kanya. Well, that's okay. He needed to focus. He made a beeline for the other side of the court, with Rhys and Lorde running after him. Before they could try to make a steal, he jumped from the three-point line and let go of the ball.
Shoot!
Napatayo ako at pumalakpak habang nag-appear-an sa ringside si Jiao at ang teammates niya. Maging ang coach namin, mukhang impressed sa ipinakitang performance nito.
The sound of my clap slowly faded as someone entered the gymnasium. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa mga naglalaro sa court, tila may hinahanap na player. Itinaas ko ang aking kamay, kumaway hanggang sa mapansin niya. I smiled at her, and she replied with a forced smile.
I'd known Stacy for almost a year now. Alam ko kapag pilit ang ngiti niya. Not only her lips looked strained, but her eyes didn't have the sparkle that they usually had.
She must still be grieving about Sir Zack. Lumipas na ang buong araw, pero hindi niya basta-basta nagawang tanggalin sa kanyang isip ang nangyari. Maybe she's still in denial? Or maybe the news of his death really stabbed deep into her heart. Hindi na ako magtataka pa kung bakit ganito siya ka-affected. They were quite close after all.
"Hey, kumusta?" I greeted her as she sat next to me.
"Hey," matamlay niyang sagot at saka niya ibinaba ang kanyang bag sa tabi. Ngayong malapitan ko na siyang nakita, napansin kong namumugto ang mga mata niya. Mukhang kagagaling niya lang sa banyo para umiyak.
I knew it. She's still grieving.
"Are you . . . okay?" Hindi ko alam kung ano'ng word na dapat gamitin. Obvious namang hindi siya gano'n kaayos ngayon. She wiped her tears, fixed her make up and put on that fake smile, but she's not fooling anyone. "Nakakain ka na ba?"
"Hindi pa." Inilabas niya ang isang compact mirror at tiningnan ang reflection niya sa salamin. "Wala pa rin akong ganang kumain."
Niyaya ko siyang kumain kaninang lunchtime para makumusta siya. Pero tinanggihan niya ako at sinabing gusto niya munang mapag-isa. I asked her if there's anything I could do for her. She said there's none. Hindi ko na siya kinulit pa at ipinilit ang akin. I just told her to eat once she had the appetite. Mukhang hanggang sa sandaling 'to, wala pa rin siya n'on.
Hindi ko na tuloy alam kung saan itutuon ang atensyon ko. In front of me was the practice game that I should be watching to get myself motivated. To my left was my girl who's obviously in great distress. Both were equally important to me, and if you were to ask which I'd choose between the two, I couldn't possibly answer that question. Parang tinanong mo kung ano ang pwede mong tanggalin sa akin: utak o puso?
"Bakit hindi ka naglalaro?" tanong ni Stacy. "Na-injure ba ang kamay o paa mo?"
Bumuntong-hininga ako at ibinalik sa teammates ko ang aking tingin. "Pinagpahinga muna ako ni coach ngayon. Wala raw ako sa tamang mindset para maglaro. Distracted kasi ako."
"Distracted? Saan?"
Ibinaling ko ang aking ulo sa kanya. "Sa pagkamatay ni Sir Zack. Sa pagpunta natin sa police station natin kahapon. At siyempre, sa 'yo."
"Sa akin?" kunot-noo niyang tanong.
"Alam ko na sa ating apat na nasa despedida ni Sir, ikaw ang magiging pinaka-apektado." Nakatitig pa rin ako sa mga mata niya. "Halata naman. Hindi ka nakapag-breakfast kaninang umaga. Matamlay ka noong pumasok tayo sa campus. Wala kang gana na kumain ng lunch. 'Tapos ngayon, kagagaling mo lang umiyak."
Napatingin sa ibaba ang mga mata niya't huminga nang malalim. I let her collect her thoughts, but my eyes didn't let go of her. No matter how good she was at faking her smile, she couldn't completely hide the pain in her eyes. Parang giraffe na nagtago sa damuhan pero kita pa rin ang ulo at leeg nito.
Ibinalik ko muna sa court ang tingin ko. Baka napansin ni coach na mas naging distracted ako ngayon compared kanina. Rhys was able to slam dunk the ball in the ring, leaving Jiao's mouth hanging open.
"I wish it's just about Zack."
I turned to my left again. Nakayuko pa rin si Stacy, pero nagsalita na siya. We're not supposed to exhibit public display of affection, but I couldn't help it. I held her hand gently. Wala na akong sinabi sa kanya. I wished that was enough to reassure her that I was here for her. Pinagmasdan ko siya nang maigi. Bahala na kung makita at mapagalitan ako ni coach.
"Remember the lead role in the theater prod?" she spoke after a minute of silence. This time, iniangat na niya ang kanyang tingin sa akin.
"'Yong role na automatic na ibinigay sa 'yo?" Tanda ko pa ang araw na ibinalita niya sa akin 'yon. First time ko yatang nakita na todo-kislap ng kanyang mga mata. She's so happy na daig pa niya ang nanalo ng lotto. It had been her dream to land on a lead role in our theater play. This might not be Broadway, but that's already a big deal for her. And that also became a big deal for me.
"Sir Garcia wants to open the audition for the role." She sniffled, her eyes blinking. Ramdam kong pinipigilan niyang maiyak ulit.
"What?!" I exclaimed. Halos mapatayo ako mula sa bleachers. Mabuti't nakontrol ko pa ang sarili ko. Baka naistorbo ko ang game sa harapan namin. "Binawi niya ang lead role mula sa 'yo? How is that possible? Hindi pa ba done deal 'yon?"
"Hindi raw talaga siya ang may gusto na ibigay sa akin ang role. Zack—" her voice cracked, "—Sir Zack recommended me to him, and he considered the suggestion. Now he's taking it back. Gusto raw niyang malaman kung may iba pang babagay sa role maliban sa 'kin."
Ayaw ko na sana siyang pagsalitain pa dahil baka masaktan ulit siya. Pero baka mas mabuti kung mailalabas o maise-share niya sa akin ang dahilan ng kanyang kalungkutan. It might ease the heavy feeling in her heart.
"Bakit daw nag-change mind siya?" tanong ko. "Ilang weeks na ba mula nang sinabihan ka niya? Three weeks? Naibigay na sa 'yo ang script, 'di ba? Nasimulan mo nang mangabisado ng linya? Bakit parang pinaasa ka niya, ah?"
Stacy sniffled again. "Looks like Zack's death made him change his mind. Baka dahil wala na si Sir kaya naisipan niyang balewalain na ang suggestion nito."
"Shouldn't he honor the late instructor's wishes by retaining you as the star of the production?" I asked. "At saka bakit ba niya idinepende kay Sir Zack ang desisyon sa kung sino ang makakukuha ng lead role? He's the director of the repertory theater. Sir Zack was a guidance counselor who happened to sideline in the productions. I don't get it."
Bakit nga ba? Gano'n ba kataas ang tingin ni Sir Garcia kay Sir Zack kaya bina-value niya ang opinyon nito? Pero kung gano'n nga, bakit biglang babalewalain ang suggestion ngayong wala na siya?
Imagine if I were in her position. I had been leading the team as their captain for two months 'tapos bigla akong aalisin sa posisyon dahil wala na ang taong nag-recommend sa akin. Masasaktan talaga ako. Mapapahiya. Matatapakan ang ego.
"Pwede ko pa namang makuha ang role. Pwede naman akong mag-audition," sabi ni Stacy. "'Di naman ako tinanggalan ng karapatan. Kung talagang wala nang iba na mas bagay sa role compared sa 'kin, baka makuha ko pa rin sa huli."
At least, there's still hope for her to reclaim what was taken away from her. Pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa audition na 'to. Paano kung biased ang direktor at hindi talaga siya pipiliin kahit siya ang pinakamagaling sa lahat? Paano siya makasisiguro na magiging fair ang pagpili sa lead role?
"Gagalingan ko na lang sa audition." Bumuntong-huminga muna siya bago tumingin nang nakangiti sa akin. May kaunting sincerity na ang kanyang smile. "Wala na akong magagawa kundi patunayang deserve ko ang role. Kailangan ko 'tong ipaglaban."
Napakurap ang mga mata ko sa kanya. I thought she'd be unmotivated after the disappointment and betrayal. Pero mukhang ginanahan pa siya. Muling nagkaroon ng buhay ang kanyang mga mata.
"Mas mabuti na rin siguro 'to para may mapatunayan ako sa mga may ayaw sa akin," dagdag niya. "Imagine the surprise in their faces if I get the role again. Wala nang magdududa sa skills ko. Wala nang magtsitsismis na sumipsip ako sa director kaya ko nakuha ang lead."
"Now that's the spirit!"
"Somehow, gumaan ang loob ko nang i-share ko sa 'yo 'to. Wala kasi akong mapagsabihan kanina. Feeling ko kasi may mga classmate akong nagse-celebrate dahil binuksan for audition ang role."
May sumagi na naman sa isip ko. "Paano kung—"
"Paano kung . . . ?" pag-ulit niya.
Sasabihin ko sana sa kanya ang kutob ko pero minabuti ko na huwag na lang. There's a glimmer of hope in her forced smile. Ayaw kong sirain ang pag-asa at kumpiyansa niya sa kanyang sarili. Kahit hindi pa siya kasing saya ng dati, nakagaan sa pakiramdam ko na may kaunting improvement.
"Nothing." I smiled back at her as I shook my head. "Just do your best. Alam kong makukuha mo ulit ang role na 'yon."
"Talagang 'nothing'? Parang may sasabihin ka, eh."
"Huwag mo nang problemahin pa. I've already lost my train of thought. Basta ang importante, hindi mo susukuan ang bagay na gustong-gusto mo."
"Gaganahan ka na sigurong maglaro niyan, 'no?"
Sabay kaming napalingon sa harapan kung saan nakapamaywang na nakatayo si coach.
"Naisip kong baka may LQ kayong dalawa kaya distracted itong si Cortez," sabi niya. "Mukhang okay na kayo ngayon. Baka bumalik na sa dati ang gameplay niya."
Agad akong napatingin sa kamay kong nakahawak pa rin sa kamay ni Stacy. When I realized that I was still holding her hand, bigla akong napabitaw—hindi dahil ikinakahiya ko kung ano ang meron kami, pero baka kung ano pa ang isipin ni coach.
"Nakapag-recharge na po ako," nakangiting sabi ko sabay tayo. "Baka pwede na akong bumalik sa court."
Stacy's role was suddenly taken from her, but she didn't think of quitting the stage. Gano'n din dapat siguro ako. Kailangan kong patunayan na deserve kong i-represent ang university sa inter-school tournament. Kailangan kong patunayan na deserve kong maging team captain. Kailangan kong patunayan na hindi sayang ang tiwala sa akin ni coach. I would deal with my worries outside the court. But while in the court? I'd focus only on shooting the ball into those hoops.
"Let's see kung effective ang recharge mo," may paghahamon ang tono ni coach. "Kapag hindi pa, ipapa-ban ko 'tong si Anastacia sa mga practice natin."
"Coach naman!" natatawang tugon ni Stacy. Nagagawa pa rin niyang magmukha at magtunog na masaya kahit na may pinagdaraanan siya. Ganyan talaga siguro kapag marunong mag-play ng role.
"Kapag ako ang unang naka-point, kakain ka na, ha?" sabi ko sa kanya. "Sabay tayong kakain after nitong practice."
"Sige, pipilitin kong kumain . . . kung ikaw ang unang makaka-shoot ng bola."
Challenge accepted. I kissed Stacy on the cheek, and she whispered "good luck" in my ear. Bumaba na ako sa bleachers at naglakad sa spot kung saan nakalupong ang teammates ko. Nagliwanag ang kanilang mukha nang makita akong papalapit sa kanila.
"CAP!"
Nasalo ko agad ang bolang ipinasa sa akin. Kung kasing distracted pa ako kanina, baka natamaan na ako nito at muling napagalitan ni coach. But that's no longer the case here. I had a score to make here. I had someone to impress.
Wala na akong sinayang na segundo. Tumakbo na agad ako habang nagdi-dribble patungo sa isang ring. Sinubukan akong harangan ni Rhys. Tumingkayad ako, akmang tatalon para i-shoot ang bola. Naunang tumalon sa akin si Rhys, nakataas ang mga kamay at handang supalpalin ako.
Gotcha. Hindi ko na itinuloy ang pagtalon. Na-fake ko siya. Dumaan ako sa kanyang gilid at doon na itinuloy ang talon ko. My hands let go of the ball as my eyes were transfixed on the ring.
"Excuse me?"
I turned my head to the left and didn't watch the ball making it into the hoop. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong nakakuha ng atensyon ko. Definitely not my coach nor Stacy. But it's someone familiar.
"Detective?" I thought to myself as the person we met at the station last night walked across the gym's maple floor. May kasama siyang babae na halos kapareho niya ng uniform. Lumingon ako kay Stacy, saktong nagtagpo ang tingin namin, bago sabay na ibinaling sa dalawang pulis.
"Coleman Cortez?" tawag ni Detective Juste habang papalapit sa akin. Wala siyang pakialam kung may mga nagpapasahan ng bola sa tabi niya.
"Sorry, pero hindi n'yo pwedeng istorbohin ang player namin," buwelta ng aming coach na umaksyon agad. "Hindi n'yo ba nakikita na nasa gitna kami ng practice ngayon? Pwede naman sigurong makapaghintay 'yan—"
Natahimik si coach nang ipakita ng detective ang kanyang badge. "Sorry for the interruption, coach. But we're here for an important business."
Nabaling sa akin ang tingin ni coach, nakakunot ang noo niya. Baka iniisip niyang related sa drug result ang reason kung bakit may pulis sa harapan namin. Pero mas malakas ang kutob ko na related ito sa case ni Sir Zack.
Bumaba na rin mula sa bleachers si Stacy at tumakbo papunta sa akin. She stood next to me and held my arm.
"Meron na ho ba kayong update?" tanong niya.
"Hitting two birds with one stone, huh? Mabuti't hindi na kami mahihirapang hanapin ka," the detective told Stacy. "You're right, miss. That's exactly why we're here. By the way, this is Detective Verity, my babysitter-slash-partner in the murder case of Zacharias Zafra, late of the Clark University faculty."
"Hi!" The female detective nudged him on the arm, making him groan, before turning to us. "I look forward to your cooperation in this case."
"Wait . . . Murder?" bulong ni coach at ng teammates kong narinig ang sinabi ng detective. "Tama ba ang narinig namin?"
That shouldn't come as a surprise to me as I already expected that's what happened last night. Still, hearing it officially from the police had an impact. It's real. Stacy's mouth was hanging open.
"We wanna invite you again to the police station. This time, as persons of interest."
-30-
If you've enjoyed this update and you have some thoughts/theories to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #Every1Suspect!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top