Chapter XII
ANASTACIA
LAST NIGHT was one of the most heartbreaking moments for me. Noong nasa police station kami, hindi ko pa tuluyang ramdam ang sakit. Pero noong sinundo na ako ni mommy at inihatid sa bahay, doon na walang tigil na bumuhos ang mga luha ko.
Zack is gone. That's the reality I had to accept. I wouldn't see him again. I wouldn't hear his voice again. I wouldn't see the smile that could brighten up my day. I wouldn't catch a glimpse of him in the audience watching me perform on stage.
Masakit isipin, pero kailangang tanggapin. Wala na talaga siya.
Hindi ako nakatulog nang maayos. I was crying the whole night in my room. Basang-basa na ang unan ko. Nagising ko ang mommy ko na nasa kabilang room. She went to my room, gave me a tight hug and tried to soothe me. But no words could uplift my feelings or unease the burden in my heart. The thought of not seeing Zack again was so devastating, parang nawalan ako ng ganang pumasok kinabukasan.
Some might think that I was exaggerating my feelings, but those who hadn't experienced loss wouldn't understand how it felt. They wouldn't know of the void that a special someone's death could leave in our lives. Hindi ko na nga alam kung ano ang mas masakit: ang makasama at ma-witness mismo na lagutan ng hininga si Zack, o ang malaman na lang kinabukasan na wala na siya.
Hanggang sa paggising ko sa umaga, namumugto pa rin ang mga mata ko. I took an early shower today since I wasn't able to change my clothes last night. The water rolled down with my tears on my cheeks. Mas matagal pa yata ang pag-iyak ko kaysa sa pagligo ko.
The sun was already up, but everything seemed cloudy to me. Gray. In monotone. Sad. Kung wala kaming meeting ngayon para sa theater production namin, hindi ko na iisiping pumasok pa. Bibigyan ko ang sarili ko ng oras para magluksa. But Iife goes on, as they always say. Hindi titigil ang mundo dahil sa pagpanaw ng isang importanteng tao sa buhay natin. We needed to face tomorrow.
And that's what I'd try to do today and in the next few days.
Sinundo ako ni Cole sa house namin. Pansin ko rin sa kanya na mukhang hindi siya mahimbing na nakatulog kagabi. Mas malalim pa yata ang eyebags niya sa 'kin. We greeted each other good morning, but we knew deep inside that there's nothing good today. We were in mourning.
Hanggang sa sasakyan niya, ramdam kong wala kami sa mood na makipag-usap sa isa't isa. Tahimik siyang nag-drive mula sa bahay hanggang sa makarating kami sa parking lot ng campus. I was snifling and wiping my eyes and nose throughout the trip. 'Di ko kasi napigilang maluha ulit kapag naaalala ang masakit na katotohanan. He didn't ask me kung okay lang ba ako dahil obvious na hindi.
"We're here," he said, turning off the engine. Humarap siya sa 'kin. "Sabay na tayong mag-lunch mamaya?"
Nagawi ang tingin ko sa kanya bago ako yumuko. "Parang wala akong ganang kumain ngayon. Hindi nga ako nag-breakfast kanina sa bahay."
"You need to eat something," he insisted. "Baka mahimatay ka habang nagkaklase sa 'yo."
Umiling ako. "Wala talaga akong appetite. Mas gugustuhin ko pang mahiga buong araw kaysa kumain."
"Kung nandito si Sir Zack, sasabihan ka niya na huwag magpapagutom. Pipilitin ka niyang kumain kahit wala kang gana—"
The mention of that name made me squeeze my eyes shut. Huminto siya't bumuntong-hininga.
"I'm sorry. I shouldn't have brought him up."
"That's okay." My voice cracked. I unfastened my seatbelt. "Kailangan na nating masanay na wala na siya."
Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kotse niya. It's like we're offering our prayers in silence.
"Basta ingat ka today," sabi ni Cole sabay haplos sa likuran ko. "If you need me, I'm just one text or call away. Magpakatatag tayo."
He moved closer to kiss me. Our lips met, but I didn't feel anything. Hindi ko rin sinagot ang halik niya. Hinayaan kong dumampi 'yon sa mga labi ko.
Lumabas na kami ng kanyang kotse. Sinamahan niya ako papunta sa Arts and Sciences building. Parang nakaalalay siya sa 'kin, nakabantay sakaling bigla akong mawalan ng malay.
Everything seemed normal in Clark University. May nagtatawanan, may nagtsitsismisan, may nag-aasaran, may naglalandian. Ibang-iba sa mood ko ngayong umaga. I bet once they heard the news about Zack's death, they would have little to no reaction. Maybe, except for those who knew him personally and those who asked for his counseling in the guidance office.
Sa 'kin? Sa 'min ni Cole, at nina Bea at Desmond? Malaki at malakas ang impact ni Zack kaya daramdamin namin ang balita. Baka maiyak pa ako kapag muling isinampal sa 'kin ang katotohanan na wala na siya.
"Stay strong," Cole whispered in my ear before letting go of my hand. Nagpaalam na siya sa 'kin matapos niya akong ihatid sa harap ng rehearsal room. Dito kami nagkaklase para sa theater production class namin.
Pumasok na ako sa room at nadatnan ang mga classmate kong nakalupong sa isang sulok. They're whispering inaudibly. Usually I'd come to them and ask what's the latest chika. But as what I'd said earlier, I wasn't in the mood today.
"Stacy!" my classmate Olivia called me. I was mindlessly staring inside my bag. Nakalimutan ko na kung ano ang kukunin ko sa loob. "Huy, Stacy!"
Umangat ang tingin ko sa babaeng lumapit sa akin. Hawak-hawak niya ang kanyang phone. I appreciated her attempt at keeping me updated with the tsismis, but today's not a good day.
"Stacy, nabasa mo na ba—Teka, ano'ng nangyari sa mga mata mo? Bakit namumula?"
"Napuwing kasi ako kanina," I reasoned out. "'Tapos na-scratch ko kaya hayan, naging red tuloy. Don't worry, wala akong sore eyes. Hindi ko kayo mahahawa."
"Anyway, nabasa mo na ba 'yong article ng Clarion?" tanong niya. "Patay na raw si Sir Zacharias!"
My eyes went wide as they stared at her face. Parang na-disorient ako. I already knew about that news, but it still hit me hard. Parang muling dinurog ang puso ko.
"Kaka-post lang kaninang six. Galing daw ang info mula sa isang admin official. Walang sinabi kung ano ang cause of death, Hinihintay pa raw an autopsy report. Pero shocks! Ano kaya ang ikinamatay niya? Masyadong shocking ito, ah? Crush ko pa naman si Sir!"
I didn't open my social media accounts when I woke up this morning, though in normal days, I would to keep myself informed of the latest.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung makiki-ride ba ako sa kanya at sabihing crush ko rin si Sir.
"'Di ba paalis na siya sa uni? Bakit ngayon pa nangyari 'to?"
Napatingin lang ako kay Olivia. Wala akong maisip na ire-reply sa kanya. Blangko ang utak ko.
"Masuwerte tayo't nakasama natin siya sa last play natin, 'no? Talagang magaling siyang—"
Nahinto siya nang bumukas ang pinto ng rehearsal room at pumasok ang aming instructor.
"Gusto ko kayong batiin ng good morning, pero may masamang balita kaming natanggap nitong umaga," bungad ni Sir Garcia. "Sir Zacharias Zafra, one of our theater alumni, has passed away. Hindi pa namin alam ang ikinamatay niya. But let us all offer a minute of silence and pray for the eternal repose of his soul."
The silence was so deafening, it felt like it lasted for more than a minute. Kung 'di pa ulit nagsalita ang instructor namin, 'di ko mapapansing tapos na pala ang moment na 'yon.
"I have some big announcements to everyone. Big changes," Sir Garcia said. "I've decided to open the audition for the lead role of our upcoming production, Our City."
I thought nothing else could capture my attention this morning, but I was wrong. Nanlaki ang mga mata ko't napaangat ang tingin sa aming instructor. Sinundan ng bulungan ang announcement. May ilan pa sa mga classmate ko ang nagbato ng tingin sa 'kin. I couldn't make out what they're whispering.
"I haven't forgotten that I offered the lead role to Stacy weeks ago," Sir Garcia explained, silencing the buzzing bees in the room. "That's a matter of personal preference. Now I want to know if there's someone who can deliver it better."
He's right. That role—the lead female role—was rightfully mine. I didn't audition for it. I didn't even ask for it. It's handed to me on a silver platter. Nang ma-receive ko ang news, siyempre sobrang tuwa ko dahil ako ang lead sa next production namin.
Then this announcement came.
Parang double ang kamalasan ko ngayong araw. Nagluluksa na nga ako para kay Zack, ipagluluksa ko na rin yata ang role na binawi sa akin.
I wanted to raise my hand. I wanted to complain. I wanted to ask why this change was being made. But my body wasn't cooperating. It's mentally and physically exhausting to move an inch. I wasn't in the best position to argue my case.
"If the role is for Stacy, makukuha naman niya," Sir Garcia added. "Pero kung may mas magaling sa kanya, doon sa taong 'yon mapupunta ang role. So dapat galingan n'yo kung gusto n'yong kayo ang may pinakamalaking pangalan sa billing. Understood?"
"Yes, sir."
"The audition will start two days from today. So for those of you who are interested, practice your lines."
Pagkatapos ng klase namin, hinintay ko munang umalis ang mga classmate ko bago nilapitan si Sir Garcia na may kausap pang isang estudyante. I wanted to know how he arrived at this decision.
"Sir, excuse po?"
"Yes, Stacy?"
"Gusto ko lang pong malaman kung bakit binawi n'yo ang lead role mula sa 'kin? Nag-start na kasi akong mag-memorize ng lines at mag-practice. Masyado po yatang biglaan?"
"I already told you earlier, didn't I? Gusto kong malaman kung may iba pang babagayan ang role maliban sa 'yo."
"Hindi naman po sa kinukuwestiyon ko ang desisyon n'yo, pero ano pong nag-lead sa inyo sa ganyang idea? Pasensya na, Sir, pero ang dating kasi sa 'kin ay parang pinaasa n'yo ako."
Natawa si Sir Garcia na parang nag-joke ako. Walang nakatatawa. "Gusto mo bang malaman kung bakit?"
Tumango ako. Kaya ko nga siya kinausap.
"Nabanggit ko kanina na personal preference ka. Hindi ako ang may gusto sa 'yo para sa lead role. Si Sir Zafra. I value his opinion so much kaya I considered offering that role to you. When I learned of his passing, I had an epiphany. Ilang araw ko na rin 'tong pinag-iisipan, pero ngayon lang talaga ako na-push na isapinal 'to."
"Paano po nag-factor in si Sir Zack sa decision making n'yo?"
Bumuntong-hininga siya. Halata sa mukha niya na naiirita na siya sa mga tanong ko.
"Ganito 'yan, Stacy. Kaya kita in-offer-an ng lead role ay dahil may backer ka—si Sir Zafra. Ngayong wala na siya, wala na akong nakikitang dahilan para sundin ang suggestion niya. If you want this role so bad, you have to earn it. Kung ako sa 'yo, imbes na magtanong-tanong pa ako, magpa-practice na ako para makuha mo."
That left me dumbfounded. May mga sinasabi pa siya pero hindi ko na na-process sa isip ko. Parang sinampal ako sa mukha ng mga salita niya. Masakit na bawiin mula sa 'kin ang nai-offer na role, pero mas masakit na malamang dahil sa backer kaya ko 'yon nakuha in the first place.
Ibig bang sabihin n'on, hindi ko deserve ang role?
Ibig bang sabihin n'on, hindi ako gano'n ka-talented?
Ibig bang sabihin, kung 'di dahil kay Zack, 'di niya maiisipang ibigay sa 'kin ang role?
"Sorry, but I've got to go. I'll be expecting you in the auditions, Stacy."
The revelations planted doubts in my head. Sinamahan pa 'to ng dinaramdam ko sa pagkawala ni Zack. It's a double whammy for me.
Today was probably the worst day of my life so far.
-30-
If you've enjoyed this update and you have some thoughts/theories to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #Every1Suspect!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top