Chapter X

DESMOND

NOONG UNA pa lamang, masama na ang kutob ko sa despedida party na 'to. Kung sanang nakinig ako sa hinala ko na may mangyayaring hindi maganda, hindi na ako pumunta pa. Hindi ko kasi matiis si Sir Zacharias. Wala akong nagawa kundi um-oo nang imbitahan niya ako.

Hindi ko man nagawang magpasalamat sa kanya sa mga nagawa niya para sa 'kin. Alam n'yo ba kung ano ang huling pinag-usapan namin?

"Nakipagbati na si Cole sa 'kin," kuwento ni Sir Zacharias nang ako na ang kausap niya sa balcony. "He humbled himself in front of me, which I somewhat appreciate. Alam kong ma-pride siya at hindi madali para sa kanya na ibaba ang kanyang sarili."

"Ibig bang sabihin no'n, idi-discourage n'yo na si Beatrice na ituloy ang imbestigasyon sa drug test na natanggap niya?" tanong ko.

Humarap siya sa akin. "I told Cole na kakausapin ko si Bea at susubukan siyang impluwensiyahan."

"But?" Mukhang may gusto pa siyang sabihin ngunit hindi niya muna itinuloy.

"But I didn't tell Bea to stop the investigation. I also didn't tell her to pursue it either," dugtong niya. "I presented her the two options that she can choose from. Siya na ang bahalang mag-decide."

"Siguradong madi-disappoint si Cole kapag itinuloy ni Bea ang pag-verify sa results," komento ko sabay tanaw sa malayo. "Baka isipin niya na hindi mo tinupad ang ipinangako mo sa kanya."

"I didn't promise him anything. I told him that I'd try to talk to Bea. Hindi naman niya ako masisisi kung hindi ako pinakinggan, 'di ba?" Ngumiti sa akin si Sir Zacharias. "At saka wala na siyang magagawa kahit madismaya o magalit pa siya sa akin o kay Bea."

Nakita ko sa pagkurba ng mga labi niya na meron siyang pinaplano. Tama nga ang hinala ko na hindi siya sincere nang binulungan niya si Cole kanina. Ang akala ko talaga, nagkaayos na ang dalawa matapos ang nangyari sa guidance office. Nandoon ako nang lusubin siya ni Cole at suntukin nang walang pasabi sa mukha. Meron din ilang estudyante na naghihintay sa kanilang counseling session kay Sir ang nakasaksi roon.

Baka gano'n din ang nararamdaman ni Cole? Hindi pa talaga siya totally okay, pero kinailangan niyang ipakita na wala nang isyu sa kanya dahil paalis na rin naman si Sir sa university.

"I want to thank you for making this happen," sabi ni Sir Zacharias. Umupo na siya sa isa sa mga upuan at ipinagkrus ang binti niya. "Dahil sa 'yo, mukhang aayon ang lahat sa plano ko."

Umupo rin ako sa tabi niya. "Hindi ko alam na drug test results pala ni Cole at ng ibang varsity players ang laman ng envelope na ipinabigay n'yo sa 'kin."

"Mas maganda na sigurong hindi ka aware para hindi masyadong mabigat sa konsensya mo," tugon niya. "You know what they always say? What you don't know can't hurt you."

"Pero alam ko na ngayon."

"And? How do you feel about it?"

Bumuntong-hininga ako. "Kung magiging istrikto tayo sa school rules and regulations, dapat na maparusahan ang gaya ni Cole. Isa sa mga serious offense ang drug use. Hindi 'yon pwedeng basta-basta palampasin, kahit na siya ang team captain o ace player ng basketball team natin."

"Weren't you tempted to write an article about it?" tanong ni Sir Zacharias, nakatitig ang mga mata sa akin. "This is gonna be huge. This is gonna be explosive."

Graduate ng BS Psychology itong si Sir kaya 'di na ako magtataka kung marami siyang alam na techniques para gawin ng isang tao ang gusto niya. Hindi man masyadong halata, ngunit sa pagtatanong niya sa 'kin, maingat siyang uma-appeal sa pagiging writer ko at palihim na isina-suggest na sulatan ko ng article ang issue ni Cole.

Hindi ko alam kung ano ang mapapala niya rito o kung bakit ganito ang galit niya kay Cole. Ngunit sigurado akong may mabigat na rason sa likod nito.

"Mas maganda siguro kung hihintayin kong maglabas ng official statement ang student council kapag sinimulan na ang imbestigasyon." Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. "Pero pwede ko nang umpisahan ang pagda-draft ng article para ready na ako kapag may announcement na."

Sumandal siya sa kanyang upuan, tumingin sa malayo at bumuntong-hininga. "You do have a point. Mas maganda ngang hintayin na maging official ang lahat bago mo gawan ng article. Baka kapag ini-leak mo 'yan ngayon, ma-pressure ang student council na sumunod sa reaksyon ng mga estudyante."

Kahit na student aide ako sa kanyang office, kahit na lagi niya akong inuutos-utusan, hindi ako basta-basta susunod sa mga bagay na alam kong labag sa kalooban ko.

"Bakit masyado yata kayong concerned sa kung ano ang mangyayari kay Cole kahit wala na kayo sa university?" Sandali akong napatingin sa kanya sabay bagsak ng aking tanong.

"You know me, Desmond." Nagtagpo ang tingin namin. "I'm not the type of person to leave an unfinished business. I always settle it before I move on."

"Pwede ko bang malaman kung bakit ganito kayo ka-determinadong pabagsakin ang isang hamak na varsity player? Bakit naisipan n'yong ipadala kay Beatrice ang resulta ng drug test niya?"

Ngumiti si Sir Zacharias bago ikinalas ang kanyang tingin sa akin. "Let's just say . . . frailty of a man's heart. Is that enough as a reason for you?"

Tumango ako kahit gusto ko pang i-elaborate niya ang kanyang sagot. Pero baka isipin ni Sir na masyado akong matanong at nagiging tsismoso na ako. Tama nga ang sinabi niya na mas kaunti ang alam ko, mas mabuti. Ginawa ko na ang parte ko sa kung anuman ang plano niya. Basta't hindi ako madadamay sa huli, walang problema sa akin.

"By the way, I might be needing your eyes this evening," sabi ni Sir Zacharias. "I hope na okay lang sa 'yo."

Muli akong tumango sa kanya. Wala namang problema sa akin kung iyon ang hihingin niyang pabor.

At doon nagtapos ang pag-uusap namin sa balcony. Sabay na kaming bumaba sa sala kung saan naghihintay ang tatlo pang bisita. Sinabihan kami ni Sir na sa balcony namin gagawin ang farewell toast para sa kanya. Nauna na ang mga babae sa taas habang sinamahan namin siya ni Cole sa kusina.

"'Yong nasa taas ba o 'yong nasa baba?"

"'Yong nasa baba. Mag-ingat ka sa paghawak, ha? Mamahalin ang mga 'yan. Ipababayad ko sa 'yo kapag may nabasag."

"Sir naman!"

Inutusan niya si Cole na kunin ang mga wine glass sa cabinet habang ako naman ang pinakuha niya ng ice cube trays mula sa ref.

Binuksan ko ang chiller at agad na nakita ang pinapakuha niya. Hindi ko nga lamang alam kung ilan ang ilalabas. "Itong tatlong tray, Sir?"

"Yes, thank you!"

Kinailangan ko pang puwersahin ang mga tray dahil dumikit na sila sa nagyeyelong chiller. Mabilis kong dinala ang mga ice cube sa kanya. Medyo masakit sa kamay ang sobrang lamig. Tatanggalin ko na sana ang mga 'yon ngunit pinigilan ako ni Sir.

"Ako nang magtatanggal ng mga 'yan sa tray," utos niya. "Pakihugasan na lang 'yong bucket na paglalagyan nito."

Madali kong kinuha ang isang stainless bucket mula sa cabinet at idinala sa kitchen sink para hugasan. Napansin ko si Sir na maingat na tinatanggal ang mga ice cube mula sa lalagyan. Si Cole naman, isa-isang pinunasan ang mga wine glass.

Iniabot ni Cole ang pabilog na serving tray na may wine glasses habang inilapit ko naman ang kapupunas na ice bucket kay Sir.

"You know what to do," sabi niya habang nilalagyan ng ice cube ang isa sa mga wine glass. Nang malagyan na ang lahat ng mga baso, maingat niyang iniabot ang serving tray kay Cole. "We better serve the wine before the ice totally melts."

Inilagay niya sa bucket ang mga natirang ice cube bago niya iniabot sa akin. Sabay na kaming umalis ni Cole sa kitchen at umakyat sa second floor. Nakasunod sa amin si Sir Zacharias sa likuran.

Ipinatong ni Cole sa pabilog na mesa ang serving tray habang itinabi ko ang bucket. Sisimulan na sana namin ang toast, ngunit kinailangang bumaba saglit ni sir para kunin ang nakalimutan niyang phone. Pagkabalik niya, akmang bubuksan na niya ang wine bottle ngunit sumingit si Cole at nag-volunteer na siya na ang magbukas. Habang dahan-dahan niyang binubuksan ang bote, sinimulan naman ni Sir na abutan ng wine glass ang bawat isa sa amin. Sandaling nagkatagpo ang tingin namin. Una niyang binigyan si Beatrice, sunod ako, tapos sina Stacy at Cole, at siyempre siya ang pinakahuli.

Pop!

Napasobra yata sa puwersa si Cole kaya bumuhos ang wine sa mesa. Mabuti't walang natamaan sa pagkakaalis ng cork. Imbes na linisin ang natapong wine, napagdesisyonan namin na sa sala ipagpatuloy ang toast. Muli kong binitbit ang bucket habang ibinalik ni Cole sa serving tray ang mga wine glass.

Pagkababa namin sa sala, ako na ang nag-abot ng mga baso habang naghugas muna ng kamay si Cole. Isa-isang binuhusan ng wine ni Sir ang mga baso. Nang may laman na ang lahat, nag-pose kaming lima para sa isang groupie. Doon na kami nag-cheers at uminom.

Magsisimula na sana kami sa sharing session, ngunit biglang nag-collapse si Stacy. Agad siyang pinuntahan ni Sir at inutusan akong tumawag ng ambulansya. Inilabas ko ang aking phone at akmang magda-dial na ng numero, ngunit biglang umayos ang lagay ni Stacy at sinabing prank ang lahat.

Sana gano'n din ang sumunod na nangyari. Kaso hindi.

Si Sir Zacharias na mismo ang sunod na nag-collapse sa sahig. Akala ko noong una'y nagdyo-joke din siya. Kaso nang napansin kong nawawalan na ng kulay ang mukha niya at nahihirapan na siyang huminga, doon na ako kinabahan. Ilang segundo pa ang lumipas, tuluyan na siyang nalagutan ng hininga.

Lumapit ako sa katawan ni Sir at hinawakan ang kanyang pala-pulsuhan. Wala na akong naramdaman na kahit anong pintig. Inobserbahan ko rin ang mukha niyang nakamulat pa ang mga mata. Napansin kong nagkukulay purple na ang kanyang mga labi. Meron din akong na-detect na amoy ng almonds.

Isang conclusion ang nabuo sa isip ko: Nalason o nilason si Sir Zacharias ng potassium cyanide. Paano ko nalaman? Sa kapanonood ko kasi ng mga detective drama at kababasa ng mga detective novel, familiar na ako sa signs ng potassium cyanide poisoning. Dahil hindi na magamit ng tissues ang oxygen sa dugo, nagkukulay ube ang mga labi ng taong naka-ingest nito.

Umiling ako kay Stacy na halos maglupasay na sa sahig. Tumawag agad ako ng pulis para i-report ang nangyari. Sa loob ng ilang minuto, dumating na sila para inspeksyonin ang scene at kunin ang bangkay. Inimbitahan din kami sa police station para tanungin kung ano ba ang nangyari.

Isa-isa kaming tinawag ng police detective sa interrogation room. Nauna si Stacy. Habang hinihintay ang aking turn, hindi ko naiwasang isipin ang mga anggulo at kung sino ang posibleng nanlason kay Sir Zacharias.

Una sa lahat, kaming apat lang ang nasa bahay niya. Kaming apat din ang kasama niya ilang oras bago siya nalagutan ng hininga. Hindi malayong isipin na isa sa amin ang may kagagawan nito.

Pangalawa, sino ang may motibo? Malapit ako kay Sir kaya may kaunting alam ako sa mga relasyon niya sa ibang tao. Wala naman siyang problema kina Stacy at Beatrice. Pero kay Cole? Sigurado akong hindi siya basta-basta matatanggal sa listahan ko.

"You didn't do it, did you?" tanong ko kay Cole. Kung gusto kong malaman kung meron ba siyang hint ng pagiging guilty o wala.

"Ako? Are you suspecting me as the one who might have killed Sir Zack?"

Ayaw ko siyang pagsuspetyahan at hindi ko rin siya agad pagsususpetyahan, kung sanang wala akong alam sa status ng kanilang relasyon. "Sa ating apat, ikaw ang may motibo. Ikaw lang ang may recent history na nakaalitan niya. Remember? Last week, sinugod mo si Sir sa guidance office. Para mag-react ka ng gano'n, malaki ang galit mo sa kanya."

"But Sir and I have already resolved our issues! Wala akong dahilan para saktan o patayin siya."

Resolved? Para kay Sir nga mismo, may unfinished business pa silang dalawa. Hindi malabong gano'n din kay Cole. "Ikaw rin ang may opportunity na lasunin siya, kung tama ang hinala ko. Ikaw ang nagdala ng wine glasses. Ikaw rin ang nagbukas ng wine. Kung ininom o pinag-inuman ni sir ang lason, ikaw ang pinaka-obvious na suspek.

"Guys—" Sinubukang sumingit ni Beatrice, ngunit hindi siya pinagbigyan ni Cole.

"Ikaw rin naman, ah? Ikaw 'yong kumuha ng ice cubes mula sa fridge at ikaw rin ang nagdala ng ice bucket. Ikaw rin ang nag-distribute ng mga baso noong bumaba tayo sa living room. You had the same opportunity as I did."

"Ngunit hindi gaya mo, wala akong motibo. Kahit saang anggulo mo tingnan, ikaw ang may rason para gawin 'to sa kanya."

"Tell me, why would I need to kill him if he's leaving the city tomorrow? We won't be seeing each other in the university anymore kaya ano pang sense na patayin siya?"

"Baka may alam si Sir na isang bagay na makasisira sa 'yo. Kahit na umalis si Sir sa university, hangga't dala-dala niya ang sikreto mo, mananatili siyang threat para sa 'yo." Naging maingat ako dahil ayaw kong ipaalam na may nalalaman ako tungkol sa kanya. Baka ako pa ang sunod niyang suntukin.

"And do you honestly think it's something worth killing for—"

"CAN YOU TWO PLEASE SHUT UP? Walang mabuting maidudulot ang finger pointing sa ngayon, okay? Sir Zafra is dead! Can you two please give him respect by not hurling accusations at each other? How can you be so insensitive?"

Tumahimik na ako. Kasalanan ko 'to kasi bigla kong binuksan ang posibilidad na baka si Cole ang may gawa nito. Wala akong mai-o-offer na kahit anong excuse o defense.

Nanatili kaming tahimik sa aming mga upuan hanggang sa ipatawag na si Beatrice. Lumabas na si Anastacia mula sa interrogation room. Sinalubong siya ni Cole, kinumusta at hinawakan ang kamay. Hindi ko na naisipang magtanong pa sa kanya dahil malamang, napagod na siya sa kasasagot sa mga tanong ng police detective. Sinundo na rin siya ng kanyang mama.

Lumipas ang dalawampung minuto, lumabas na si Beatrice at sunod na ipinatawag si Cole. Kung siya man ang nasa likod ng paglason kay Sir Zacharias, gagawin at sasabihin niya ang lahat para maiiwas sa kanya ang suspicion ng mga pulis.

Dumating din ang turn ko sa interrogation room. Pagkalabas ni Cole, agad na akong tumayo at naglakad patungo roon. Dahil na rin siguro sa itinanong ko kanina kaya hindi kami nagpansinan nang nagkasalubong kami. Diretso ang kanyang tingin habang ako'y napahawak sa bridge ng aking salamin.

"Can I offer you anything, Desmond?" tanong ng police detective na si Juste. Ini-lock niya agad ang pinto pagpasok ko sa loob ng interrogation room. "Gusto mo ba ng coffee, choco o juice?"

"No thanks," sagot ko bago hilahin ang monobloc chair at umupo rito. "Hindi naman ako gano'n kauhaw."

"Good," tugon niya sabay tango. Pumuwesto na siya sa upuan sa tapat ko. "Wala na rin kasi kaming three-in-one, instant choco at juice sachet sa pantry. I only asked out of courtesy. Tubig lang ang mai-o-offer ko sa 'yo."

Pilit siyang ngumiti sa akin. Ramdam kong sinusubukan niyang bawasan ang tensyon para maging magaan ang loob ko sa kanya. Marami na akong napanood na police procedural. Alam ko na ang ilan sa mga technique na ginamit ng mga interrogator.

Inilipat niya ng ilang page ang kanyang notepad. Nang makarating na siya sa may blangko, iniangat na niya ang kanyang tingin sa akin at ipinagdikit ang kanyang mga daliri.

"Alam kong medyo late na kaya didiretsohin na kita," panimula niya. "Can you tell me what happened in the despedida party of the late Zacharias Zafra? I want to know your version of the events."

Ilang segundo kaming nagkakatitigan. Hinayaan kong mamayani ang katahimikan sa loob ng interrogation room. Hindi ko rin siya nilubayan ng tingin. Parang nasa isang staring contest kami.

"Desmond?" Nag-lean siya palapit sa akin. "Are you okay?"

Marahan akong tumango. Kahit mag-a-aalas-dose na ng madaling araw, gising na gising pa rin ang diwa ko. Malamang dahil sa nangyari kanina kaya hindi pa ako binibisita ng antok. Wala rin akong nararamdaman na sakit o kakaiba sa katawan ko.

Nagawi sa notepad ang tingin ng police detective at inihanda ang kanyang kamay at pen sa pagsusulat. "Again, can you tell me what happened in the des—"

"No," mariin kong sagot.

Agad na umangat ang tingin niya sa akin. Dahan-dahang naningkit ang mga mata niya. Tila hindi yata siya makapaniwala na tumanggi ako. "No?"

"No," mariin kong ulit, baka hindi niya narinig nang malinaw. Ita-translate ko na rin para maintindihan niya. "Hindi."

Napasandal sa upuan ang police detective at tiningnan ako nang ilang segundo. Sandaling kumalas ang mga mata ko sa kanya.

"That's strange, you know," sabi niya. "Your three friends volunteered information that can help me paint a picture of what transpired in the party. You, on the other hand, refused to say anything."

"I am not my friends," sagot ko. "And they are not my friends. Magkakakilala kaming tatlo, oo, pero hindi ko sila maituturing na kaibigan ko."

"Oh?" Umangat ang isa niyang kilay. "I apologize for misinterpreting your level of closeness. Kung magbulungan kasi kayo kanina, parang malalapit na kayo sa isa't isa."

"Mali ang deduction n'yo, Sir," nakangisi kong tugon.

"That happens sometimes." Ngumisi rin ang police detective. "Anyway, I want to confirm that you've refused to give a statement. Is that correct and final?"

Tumango ako. "Hindi ako magsasalita nang wala akong kasamang abogado. Sana'y maintindihan n'yo."

"I totally understand," may pagtangong sagot ng police detective. "But I find it strange that you do not want to help us with this case."

"Willing akong tumulong, pero kung may abogado akong kasama rito," sagot ko. "'Di ba't may karapatan akong manahimik? Anumang sabihin ko sa inyo ay magagamit n'yo laban sa akin."

"Just to be clear, we're not treating you or any of your friends—sorry, I meant acquaintances—as suspects yet."

"Pero may karapatan pa rin akong hindi magsalita, 'di ba? Suspek man o hindi. Mas mabuti nang maingat sa mga salitang lalabas sa bibig ko."

Bumuntong-hininga siya. "Personally that makes you the most suspicious among the four, even though none of you are officially suspects."

"My silence is making me suspicious?"

"Kung hindi ako isang detective at isa lang akong taong narinig ang sagot mo, iisipin kong may itinatago ka kaya ayaw mong magsalita," tugon ng police detective. "You're using your right to remain silent as a defense and as a way to hide whatever you know about the case."

Ipinagkrus ko ang aking mga braso at tumitig sa kanya. Sinabi ko nang hindi ako magsasalita, ngunit pilit siyang gumagawa ng paraan upang pagsalitain ako.

"Gusto ko sanang malaman mula sa 'yo kung ano ang nangyari bago nagsimula ang party," sabi ng police detective habang binabasa ang nakasulat sa kanyang notepad. "Ikaw raw ang pinakaunang dumating sa bahay ni Zafra at tinulungan mo siyang mag-prepare."

Patuloy ang pagtitig ko sa kanya. Tikom pa rin ang aking bibig.

"Ikaw rin ang kumuha ng mga yelo mula sa ref at naghugas sa ice bucket. Hinawakan at ipinamigay mo rin ang mga wine glass noong lumipat kayo sa sala."

Pakurap-kurap lamang ang mga mata ko.

"Kung isa akong ordinaryong tao na narinig ang kuwento ng tatlo 'tapos nalaman kong ayaw mong magsalita, hindi ko maiiwasang magduda sa 'yo," sabi niya. "Again, kung isa akong ordinaryong tao."

Hindi tatalab sa akin ang technique niya.

"Nasabi na malamang ng mga kasama ko kung ano ang nangyari sa party," sagot ko. "Handa naman akong i-share sa inyo ang mga nakita at narinig ko, pero kapag may kasama na akong abogado. Pwede na ho ba akong umalis?"

Napamuestra ang kamay niya sa pinto. "Wala akong magagawa kung ayaw mong magsalita sa ngayon. But I expect your cooperation once you find a lawyer who can represent you . . . especially if you will be considered a suspect."

Lumikha ng kaluskos ang aking upuan nang tumayo ako. "Maraming salamat po." At saka ako tumalikod."

"No, thank you for your cooperation," balik niya. Ramdam ko ang pagkasarkastiko sa kanyang boses.

Lumabas na ako ng interrogation room at bumalik sa upuan ko kanina. Tila nagulat ang mga kasama ko nang maaga akong lumabas.

"How was it?" Beatrice asked. "Bakit ang bilis yata ng pagtatanong niya sa 'yo?"

"Wala akong sinabi sa kanya," sagot ko. "Wala akong balak na magsalita hangga't wala akong abogado. At saka, naikuwento n'yo na malamang sa kanya ang lahat. Ano pa ba ang idaragdag ko?"

Tama. Mas mabuti kung mananahimik muna ako sa ngayon.

-30-

If you've enjoyed this update and you have some thoughts/theories to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #Every1Suspect!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top