Judgement
Ang aming istorya ay nag simula sa isang judgement pero natapos rin sa mahal kita. Pero sabi nga nila diba na first impressions last so nakatatak na talaga sa utak ko yong judgement niya. Ganito kasi iyon so sisimulan ko na ang aking kwento.
Ako si Camile Yap isang simpleng babae na namumuhay nang isang matiwasay na buhay sa aming paaralan. Pero nagbago iyon lahat nang nakilala ko si Colins Laliego. Nakilala ko siya ng dahil sa isang judgment. Ganito kasi yon pauwi na kami ng kaibigan kong si Rosie nang nag hi sa akin yong kaibigan kong babae so nag hi rin ako sakanya tapos yung lalaking katabi niya nag hi sa kaibigan ko pero akala ko ako ang tinitignan niya kaya yong reaction ko parang bakit ba nakangiti tong lalaking to sakin tapos ayun nag fistbump sila ni Rosie so parang doon ko lang napagtanto na magkaibigan pala sila at si Rosie yung nginitian niya. So ayun habang pauwi kami naikwento ko kay Rosie na akala ko ako yung nginitian ng kaibigan slash crush niya so ayun tinawanan lang namin iyon. Ang di ko inaakala ay sinábihán pala niya pala si Koln (PRONUNCIATION: KON OR CON) short for Colins. Tapos kinabukasan nagkwento rin ni Rosie sa akin na ayung nga nasabi niya kay Koln, noong una parang wala lang sakin kasi di naman talaga kami magkakilala pero ang di ko ina asahan ay yung mag cocoment siya sa post na friendship anniversary namin ni Rosie.
COMMENTS:
Koln: Siya ba yung tinutukoy mo Rosie? Kapal naman ng mukha.
Rosie: Uy ang sama mo naman
Koln: Ang kapal lang kasi talaga
Ako: Wow nagkamali lang po ang kapal mo na man.
Koln: Sorry. Peace haha bloopers.
Koln: Pm mo naman ako may sasabihin lang ako.
Rosie: Si Camile ba tinutukoy mo?
Koln: Yes Rosie
Ako: Sorry pero di ako magchachat sayo mataas kasi pride ko.
Koln: Sorry na.
Koln: Check mo messenger mo. Huwag mo naman akong iseen.
So ayun na nga i cheked my messenger.
CONVERSATION:
Koln: Sorry na kapal. Peace na tayo.
Ako: Ikaw yung makapal ang mukha.
Koln: Give me a valid reason kung bakit mo nasabi na ako yung makapal ang mukha.
Ako: Wala lang feel ko lang feeler kasi ako di makapal ang mukha.
Koln: Ah kaya pala feeler.
Ako: Kailan mo aaminin na makapal mukha mo?
Koln: Di naman makapal mukha ko
Ako: O sige ikaw nalang si judgmental.
Koln: Ayan judgemental ako pero di makapal mukha ko.
Ako: Okay
Koln: So ano okay na tayo?
Ako: Okay na naman ako. Ikaw?
Koln: Okay na rin.
So ayun naalala ko na crush pala to ni Rosie. So tinanong ko siya.
Ako: Kayo na ni Rosie?
Koln: Wala pa sa utak ko yang mga love love na yan.
Ako: Paano na yung best friend ko?
Koln: Wala naman ako feelings sa kanya.
Ako: Makiramdam ka kaya.
Koln: Try ko makiramdam sayo. 😘
So pagkasabi niya noon parang O to the M to the G.
Ako: Wag ka nga magbiro ng ganyan. Sige na out nako may gagawin pa akong assignments.
So ayon nag out ako at nahimasmasan kasi nga joke lang pala.
Pagkatapos noon palagi na siyang nagchachat sa akin paminsan minsan sumamasama na siya pag umuuwi kami ni Rosie. So ayun si Rosie kwento ng kwento na hindi na raw nagchachat si Koln sakanya, ako naman parang na guilty kasi bago kami nagchachat ay sila muna ni Rosie ang nag uusap palagi. So ayun tuwing maguusap kami uulitin na naman niya yung joke niya na sa akin nalang siya makikiramdam at ako naman ay ipinupush ko siya kay Rosie. Pero sa mga oras na naguusap kami di ko maiwasang di ma fall lalo na pag nagiging sweet siya sa akin. Parang gusto ko na ring mainlove sa kanya pero di pwede dahil andyan si Rosie na kaibigan ko na may gusto sa kanya.
So isang araw inimbitaham niya akong magmall libre daw niya dahil hindi na ako sumamasama sa kanila ng madalas so ayun sumama ako para bumawi sa mga oras na hindi ako nakasama sa paguwi sa kanila.
Habang umiikot kami na isipan naming kumain sa McDo, my favorite fast food chain. So habang pumipila siya pumasok si Rosie at kumaway siya sa akin. So ayun lumapit siya at umupo sa upuan sa harap ko. Habang nag uusap kami napatigil siya sa pagsasalita at tumingin sa likod ko kaya napalingon na rin ako at ayun nakita ko si Koln dala niya order namin at nilapag niya ito na parang wala lang yung bestfriend kong inlove na inlove sakanya. Kaya ayun tinignan ako ni Rosie na parang nagtatanong kung anong meron.
Ako: I can explain.
Rosie: Explain? Alam mong gusto ko si Koln.
Ako: Wala namang kami, lumabas lang kami kasi bumabawi ako sa mga oras na hindi ako nakasama sa inyo sa pag uwi para makapag bonding naman kayo.
Rosie: Bonding? Hindi na nga niya ako kinakausap kasi magseselos daw nililigawan niya. Tapos malalaman kong ikaw lang pala.
Ako: Anong gusto mo umalis ako?
Rosie: Pwede rin yan para may chance na maging kami.
Kaya ayun umalis ako kahit na nagsorry na si Rosie pumunta pa rin akong Cebu para di na ako makita pa ni Koln at magkaroon ng chance maging sila na talaga ni Rosie which was our first plan pero traydor talaga ang puso ko pero okay lang basta masaya ang kaibigan ko.
Habang na sa Cebu ako may nakilala rin akong mga bagong kaibigan matagal tagal rin ako dito sa Cebu mag almost 4 years na ako rito at uuwi na ako ng Manila kasi nakatanggap ako ng Wedding Invitation galing kay Rosie kaya uuwi ako ngayon. Kaya ayun pagdating ng Manila diretso sa bahay ni Rosie para sa hair and make up at oo ako ang kanyang maid of honor at ikakasal na siya kay Marc Ocampo ang lalaking nagcomfort sakanya ng dahil sa sakit na dulot ko at ni Koln. Nuong una parang rebound lang pero kahit ganoon natutunan din ni Rosie na ibigin ito ng tunay at higit pa sa pagmamahal niya kay Koln noon.
CHURCH
Habang naglalakad patungo sa altar di ko maiwasang maging masaya para sa kaibigan ko. Ng pumunta ako Cebu sabi niya sakin di niya sinasadya ang mga sinabi niya, na parang na offend lang siya kasi alam kong mahal niya pero i entertained Koln parin. Pagkatapos ng kasal at reception umuwi na ako sa condo ko para magpahinga. Nagising ako dahil sa doorbell na nag riring. Pagbukas ko sumalubong sa akin ang lalaking pinakagusto kong makita ngayon at iyon ay si.....PAPA de joke lang.
Pagbukas ko nakita ko kaagad si Collins "Koln" Laliego nang nakita niya ako niyakap niya kaagad ako. Kaya sinusubukan kong kalasin ang yakap niya.
Koln: Kahit five minutes lang pa hug naman di kasi madaling maiwan ng taong wala man lang iniwang salita. Nagseryoso ako dahil sayo. Akala ko sa panahon na yon wala pa sa edad natin ang love pero nasayo lang pala. Alam mo I never regretted that judgement I made when we first met kasi dahil doon nakilala ko ang babaeng may hawak ng puso ko. Mahal pa rin kita, sa apat na taon na iyon di ka nawala sa puso at isipan ko.
Kaya ayun niligawan niya ako ulit at after a year naging kami na rin. Pagkatapos ng mga nangyari naging masaya rin kami, Rosie with Marc at Ako with Koln.
At dito ko natutunan na bawal mainlove sa taong mahal ng kaibigan natin pero talagang di natin mapipigilan ang ating puso na magmahal.
Sincerely yours,
Camile Yap
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top