Jar of Aldren
Pagkatapos naming manuod ng movie, napag-usapan namin ni Airo na pumunta sa mall para bumili ng stocks para sa bahay. Tinawagan ko rin si Roanne para sumama sa amin-matagal-tagal na rin simula noong huli kaming nag-bonding.
Matapos maligo at magbihis, lumabas na kami ng bahay. Nakabukas na ang kotse ni Airo, pero mas pinili kong mag-commute.
"Bakit ayaw mo mag-kotse?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa paradahan ng jeep.
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Simula noong naging legal kami sa magkabilang panig ng pamilya, mas naging malaya na kami sa public.
"Wala lang. Gusto ko lang ma-enjoy ang byahe," sagot ko habang pumipila kami.
"Babe, ang haba ng pila," reklamo niya.
"Okay lang 'yan. Masusubok ang haba ng pasensya mo," biro ko.
"Pasensya ko o pasensya mo?" sagot niya, bahagyang nakangiti. "Alam nating dalawa kung sino talaga ang mainitin ang ulo."
Pumukol si Roanne ng asar. "Ganiyan ba talaga kapag in love? Ang bilis mairita!"
"Teh, meron ako today, huwag kang makulit," sagot ko nang pasungit.
"Regla?"
"Hindi. Sama ng loob. Kaya please lang, huwag mo akong ini-stress," pagbibiro kong may banta.
Umupo na rin kami pag dating ng jeep.
Pagdating sa school, maghapong mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Pag-upo ko sa klase, biglang dumating si Airo at umupo sa tabi ko. Hindi siya nagsalita; hindi rin ako. Naramdaman kong tinitingnan niya ako, pero pilit kong binalewala. Napaka-awkward.
"Okay, class," biglang sabi ng guro namin. "Our teachers already read your essays, and we found two stories that stood out. Of course, nangunguna na naman si Aldren, at sumusunod si Airo."
Nagulat ako. Napatingin ako sa kanya. Naka-titig din siya sa akin, may halong kaba at tuwa sa mga mata niya.
"Please stand up and read your essays," utos ni Ma'am.
Tumayo kami pareho. Kinuha ko ang essay ko mula sa bag, habang naririnig ko ang mabagal na paghinga ni Airo sa tabi ko. Una akong pinatayo ni Ma'am.
"Jar of Aldren."
Malalim akong huminga bago magsimula.
"Labing pitong taon na simula nang lumaki akong mag-isa. Labing pitong taon na hinarap ko ang mundong puno ng problema. Sa loob ng mga taon na iyon, natutunan kong kayanin ang lahat-walang hinihinging tulong kanino man. Sa bawat pagkadapa, pilit kong binubuhat ang sarili ko upang makabangon muli. Kahit naiwan ako ng mga magulang ko dahil sa isang aksidenteng bumago ng buhay ko ay naka gawa parin ako ng rason upang maging matatag.
Sa loob ng mga taon na iyon, nagkaroon ako ng kasanayang ilagay ang bawat problema sa isang pirasong papel. Ang bawat papel, tinutupi ko at inihuhulog sa loob ng isang jar na tinawag kong Jar of Aldren. Para sa akin, ang jar na iyon ay simbolo ng lahat ng pasakit na kinaya kong lampasan.
Ngunit bakit, hanggang ngayon, may natitira pang labing pitong papel sa loob ng jar? Bakit hindi ko pa rin magawang solusyunan ang mga ito?
Sa bawat pagsubok, natutunan kong gumawa ng paraan para ayusin ang lahat. Pero bakit tila ibang klase ang problema sa mga papel na ito? Siguro dahil mas mahirap sagutin ang mga katanungang hindi lang tungkol sa buhay, kundi tungkol sa puso.
Sa bawat papel, isa lang ang paulit-ulit na tanong: 'Kaya ko pa bang magmahal ulit?'
Dati, ang sagot ko palaging 'hindi.' Hindi dahil sa hindi ko kaya, kundi dahil natatakot akong masaktan muli.
Hanggang sa dumating si Airo.
Bigla kong natutunan na hindi lahat ng bagay kailangang solusyunan mag-isa. May mga taong handang tulungan kang buhatin ang bigat ng mundo. At sa bawat pagkakataong nararamdaman kong hindi ko kaya, siya ang nagpapaalala sa akin na hindi na ako nag-iisa.
Ngayon, ang natitirang labing pitong papel sa jar ko ay hindi na puro tanong. Napalitan na ang ilan ng sagot. At ang sagot na iyon ay isang pangalan: Airo."
Tahimik ang buong klase habang binabasa ko ang essay ko. Naririnig ko ang kabog ng dibdib ko, pero mas naririnig ko ang sariling boses na paulit-ulit na sinasabi ang pangalan niya.
Pagkatapos kong magsalita, nagpalakpakan ang lahat. Ngumiti si Ma'am at sinabing, "Thank you, Aldren. Napakaganda ng iyong essay."
Bumalik ako sa upuan ko. Hindi ako makatingin kay Airo. Pero ramdam kong tumingin siya sa akin, at naramdaman ko rin ang marahang paghawak niya sa kamay ko sa ilalim ng desk.
"Aldren," mahinang bulong niya. "Thank you."
Napangiti ako. Kahit na hindi ko man aminin nang direkta, alam kong naramdaman niyang siya ang inspirasyon ng lahat ng iyon.
"Hindi ka ba magbabasa?" tanong ko, pilit itinatago ang kilig.
Umiling siya. "Hindi na. Ikaw lang ang kailangan nilang marinig."
At doon, sa simpleng yakap ng aming mga kamay, naramdaman kong kahit gaano man kahirap punuin ang jar ng buhay ko, hindi ko na kailangang harapin ito mag-isa. Sa bawat basyo ng papel na inilalagay ko noon, palaging may kasamang lungkot, takot, at kawalan ng kasiguraduhan. Pero ngayon, unti-unti nang napapalitan ang laman ng jar-hindi na ito puro problema, kundi mga alaala, ligaya, at pagmamahal na si Airo ang dahilan.
"Aldren, okay ka lang?" tanong niya habang tinitingnan ako nang may halong pagkabahala.
Ngumiti ako at marahang pinisil ang kamay niya. "Mas okay na ako kaysa sa dati."
Sa unang pagkakataon, naramdaman kong hindi ko na kailangang magpanggap na matatag sa lahat ng oras. Narito siya, at sapat na iyon para sa akin.
Pagkatapos ng klase, naglakad kami palabas ng building. Nakangiti lang si Roanne sa likod namin, tila ba'y enjoy na enjoy siya sa panonood ng "drama" naming dalawa.
"Hoy, Airo," bigla niyang sigaw. "Yakapin mo na 'yang si Aldren nang matigil na 'yang aura niyang pabebe."
"Ano na naman ba?!" sigaw ko pabalik, pero alam kong namumula na ang mukha ko.
Tumawa lang si Airo at biglang hinila ako papunta sa kanya. Hindi ko inaasahan ang yakap niya-mahigpit, mainit, at puno ng kahulugan.
"Gusto mo bang magalit pa si Roanne?" biro niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa. "Sira ulo ka talaga."
Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami palabas ng gate. Sa likod ng tawa at kulitan namin, ramdam ko ang kasiguraduhang kahit ano pang mangyari, mayroong isang taong mananatili.
Pagdating namin sa mall, nagpatuloy ang asaran at tawanan. Kinuha ni Roanne ang cart at agad nang dumiretso sa snack aisle, nagdadagdag ng kung anu-anong pagkain na tila hindi naririnig ang budget briefing namin ni Airo.
"Babe, kailangan ba talaga ng tatlong klase ng chips?" tanong ni Airo, pilit na inaabot ang mga nasa cart.
"Hayaan mo na siya," sabi ko, tumatawa. "Minsan lang naman siya magka-chance na magpanggap na malakas kumain."
"Hoy! Marami akong pondo sa bahay!" hirit ni Roanne, kunwari'y nagtatampo, pero alam kong natuwa siya dahil pinayagan namin siyang magdala ng sobrang chips.
Habang naglalakad-lakad kami, biglang tumigil si Airo sa harap ng isang shelf na puno ng mga mason jar. Hinawakan niya ang isa at tumingin sa akin na parang may naisip na kalokohan.
"Babe," sabi niya. "Bibili tayo ng bago. Para sa Jar of Aldren."
Napangiti ako. Hindi ko inaasahan iyon, pero naramdaman kong tama ang sinasabi niya. Kailangan ko ng panibago-hindi para burahin ang nakaraan, kundi para magsimula ulit, kasama siya.
"Anong kulay gusto mo?" tanong niya.
"Green," sagot ko agad.
"Green? Bakit green?"
"Para fresh start," sabi ko, tumatawa.
Ngumiti siya. "Sige, green it is."
Pagkatapos naming mamili, nagdesisyon kaming kumain muna bago umuwi. Habang naghihintay ng order, bigla akong napaisip. Tumitig ako kay Airo, na abala sa pag-aayos ng mga resibo, at naisip kong napakasuwerte ko sa kanya.
"Babe," tawag ko.
"Hm?" Hindi siya tumingin, pero alam kong nakikinig siya.
"Thank you, ha?"
Napatingin siya sa akin, tila naguguluhan. "Thank you saan?"
"Basta. Sa lahat," sagot ko.
Natawa siya at umiling. "Drama mo na naman. Pero, welcome. Palaging welcome."
At doon, sa gitna ng ordinaryong araw na puno ng kulitan, asaran, at simpleng saya, naramdaman kong sa wakas, hindi na mabigat ang jar ng buhay ko. Sa katunayan, ngayon pa lang ito nagsisimula mapuno ng mga bagay na talagang mahalaga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top