Everyday

Present Day

Aldren

"Ilang taon na ba tayong nagsasama?!" sigaw ko habang hinuhugasan ang mga pinggan namin pagkatapos ng hapunan. Hindi naman galit, pero may halong inis. Napatigil ako sa pagbabanlaw ng pinggan at bahagyang tumingin sa kaniya.

"Seven years, ten months, five days, seven hours, fifty-five minutes, and... seventeen seconds," mabilis na sagot ni Airo habang palipat-lipat ang tingin sa kalendaryo at orasan sa dingding.

Natawa ako nang bahagya sa pagiging eksakto niya. "Grabe ka naman, pati segundo?"

"Babe, importante lahat ng sandali kasama ka," sagot niya, kaswal na parang sinasabi lang na malamig ang tubig.

Tinanggal ko ang gloves sa kamay ko, humarap sa kaniya, at magko-komento pa sana nang bigla niyang idampi ang mga labi niya sa akin. Isang mabilis pero makahulugang halik.

"Airo!" bahagya ko siyang itinulak, pero hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko. Alam niya talaga kung paano pakalmahin ang inis ko.

"Sorry na, babe," lambing niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. "Akala ko kasi matatapos agad yung jamming namin ng tropa. Hindi ko namalayang ang dami na palang oras ang lumipas."

Magbibitiw na sana ako ng sermon, pero bigla niyang inilabas ang isang maliit na kahon mula sa bulsa niya. Napakunot ang noo ko.

"Happy birthday," sabi niya, sabay abot ng isang kuwintas na hugis maple leaf. Napanganga ako habang tinitingnan ito.

"Pinasadya ko pa talaga 'to. Gusto ko maalala mo na kahit hindi pa tayo nakakarating sa Canada, bitbit mo na ang pangarap mo," dagdag niya habang isinusuot ang kuwintas sa leeg ko.

Tumingin ako sa kaniya, at parang hindi ko mahanap ang tamang salita. Parang sumikip ang dibdib ko sa saya. Lalo pang tumindi iyon nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi.

"Sa susunod, singsing na ang ibibigay ko sa 'yo, mahal ko," sabi niya, sabay titig ng diretso sa mga mata ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko—niyakap ko siya nang mahigpit.

Airo and I have been together for almost eight years now. Ang tagal na rin naming nagsasama sa iisang bubong, alam na namin ang bawat hilig, galit, at ugali ng isa't isa. We've been dating since college. Nagsimula sa simpleng asaran hanggang sa nauwi sa totohanan. Ang akala naming puppy love lang, ngayon ay solidong relasyon na.

Noong una, hindi naging madali. Three years naming itinago ang relasyon namin dahil sa takot sa sasabihin ng ibang tao. Pero dumating kami sa puntong sinabi namin sa isa’t isa: “Bakit kailangan nating magtago kung masaya tayo?”

Inuna namin ang pamilya ko. Thankfully, hindi mahirap sa mga magulang ko na tanggapin si Airo. Sanay na sila sa pagiging open-minded, at mahalaga sa kanila ang kaligayahan ko. Pero sa pamilya niya, medyo kinabahan kami. Gusto kasi nilang mag-focus siya sa career niya. Pero sa huli, nagawa naming ipaintindi na ang pagmamahalan namin ay hindi hadlang sa mga pangarap namin. Sa katunayan, mas naging inspirasyon pa nga ito para sa aming dalawa.

"Babe, ayos ka lang ba?" tanong ni Airo habang hinihimas ang kamay ko. Bumalik ako sa kasalukuyan. Napangiti ako.

"Oo, naalala ko lang yung unang araw natin," sagot ko. "Unang beses tayong nag-usap, unang beses tayong naging tayo, at unang beses kitang minahal."

Ngumiti rin siya at umiling. "Ang tagal na rin pala, no?"

"Oo nga. Pero parang kahapon lang ang lahat," sagot ko habang umupo sa tabi niya. Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV.

"Babe," tawag ko. Humarap siya sa akin.

"Ano?" tanong niya, ngumiti, at hinawakan ang kamay ko.

"Sa tingin mo, aabot tayo ng fifty years nang magkasama?" tanong ko. Alam kong medyo cheesy, pero gusto ko lang marinig ang sagot niya.

Tumawa siya nang bahagya at sinabing, "Napaka-advance mo namang mag-isip! Pero oo naman. Hindi kita hahayaang tumanda nang mag-isa. Tandaan mo, pinangako ko sa 'yo, habang-buhay kitang mamahalin."

Napatigil ako. Ang gaan ng pakiramdam ng mga salitang iyon, pero sa loob-loob ko, may bahagyang kaba. Paano kung hindi ko siya mapantayan?

"Bakit parang malalim ang iniisip mo?" tanong niya, nilalapit ang mukha niya sa akin.

"Ha? Wala. Iniisip ko lang na sobrang swerte ko sa 'yo," sagot ko. Naramdaman ko ang init ng mukha ko.

"Ganoon ba?" Ngumiti siya nang nakakaloko. "E 'di kung swerte ka sa akin, dapat alagaan mo ako."

"Siyempre naman!" sagot ko habang sinusuntok siya nang mahina sa braso.

Hinawakan niya ang pisngi ko at bumulong, "I love you, babe." Ramdam ko ang init ng palad niya sa malamig kong pisngi, at parang tumigil ang mundo. Ang lakas ng tibok ng puso ko, halos mabingi ako sa sariling damdamin.

Tinitigan ko siya, pilit na iniintindi kung paano naging ganito kaswerte ang buhay ko. Si Airo, ang taong laging nasa tabi ko—mula sa pinakasimpleng araw hanggang sa pinakamalalaking laban ko. Naka-arko ang mga mata niya habang nakangiti, tila ba walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang mga sandaling magkasama kami.

"Alam mo," bulong ko, "minsan iniisip ko kung paano ko nagawang maging deserving sa 'yo."

Kumunot ang noo niya, bahagyang natatawa. "Ano ka ba? Ako nga ang nagtataka kung paano mo ako natitiis. Kung ako sa 'yo, iniwan ko na ang sarili ko matagal na."

Napatawa ako, pero may kung anong pwersang pumigil sa mga mata ko na lumuha. Hinila ko ang mukha niya palapit at dinampi ang noo ko sa kanya.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinapasaya, Airo. Kahit yung mga simpleng bagay na ginagawa mo... Kahit yung makulit mong paraan ng pagpaparamdam na nandiyan ka lang palagi."

"Hindi ako aalis, babe," sabi niya, malambing. "Kahit pa makulit ako. Kahit pa minsan nakakainis. Kasama na 'yun sa package, eh."

Tumawa ako, pero sa loob ko, ramdam ko ang lalim ng sinabi niya. Hindi lahat ng tao nagtatagal, pero ang tiwala ko sa kanya, parang naka-ugat na sa puso ko.

Pagkatapos ng gabing iyon, natagpuan namin ang sarili naming magkatabi sa sofa, nakatungo sa isang lumang photo album na parehong-pareho ng pagmamahal namin sa isa’t isa.

"Naalala mo ba 'to?" tanong ko habang itinuro ang litrato naming dalawa essay contest. Pareho pa kaming awkward, masyadong bata para sa mga damit na suot namin, pero ang mga ngiti namin, halatang puno ng kaba at saya.

Tumango siya. "Oo naman. Gabi iyon na akala ko hindi mo ako sasagutin."

"Eh paano naman kasi!" sagot ko, natatawa. "Seryoso, Airo? Sa gitna ng essay contest, bigla-bigla kang nagtanong kung pwede mong tawagin akong 'babe'? Wala ka man lang warning!"

"Eh, kung hindi ko kasi sinabi, baka maagaw pa ako ng iba," sagot niya, nagkukunwaring seryoso.

"Wow naman, confident!" biro ko habang sinasandalan ang balikat niya. Pero kahit gaano kaluma ang mga alaalang iyon, sariwa pa rin ang kilig na nararamdaman ko.

Habang nakapikit ako at naririnig ang mahina niyang paghilik, naisip ko ang tanong ko kanina: Aabot kaya tayo ng limampung taon?

Sa totoo lang, hindi ko alam ang sagot. Pero ang sigurado ako, sa bawat araw na kasama ko si Airo, pakiramdam ko, wala nang mas mahalaga pang tanong. Dahil ngayon pa lang, sa bawat hawak ng kamay niya, sa bawat bulong niyang “I love you”, ramdam ko na—ito na ang sagot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top