9 : Beginning and end

Rafiele graduated. I'm happy and proud of him, of course. Pero 'pag naiisip kong babalik na siya ng Manila ay hindi ko maiwasang malungkot. I won't be able to see him everyday. Iyong bigla-bigla niyang pagsulpot at pagdalaw sa room namin. Pati nang mga hindi sinasadyang pagkakasalubong namin sa hallway at pagsabay namin laging umuwi. I'm not the clingy type and I don't wanna be one pero... tingin ko hahanap-hanapin ko siya. And I'm certain that my days won't be the same anymore without him here.

Kung bakit kasi dalawang taon ang pagitan namin? Kung 'sing edad lang kami 'di sana magkasama pa rin kami ng school.

I wanted the time to pass quickly so that I would graduate and keep up with him!

Kina Niel nagdiretso ang mga kabarkada niya kasama kami ni Mon para sa maliit na after party. May kainan doon at ilang katuwaan. Napuno rin ng tawanan mula sa mga kwento ng kabulastugan nila, magmula junior high hanggang sa magtungo rito si Raf nang senior high.

Madalas naming nakakasama ang mga kaibigan ni Raf. Kaya't kung makasali sa usapan at asaran itong si Mon ay animong barkada rin niya ang mga ito noon pa. Though they're kinda actually became our friends too.

Pagkalabas ko ng CR ay bahagya pa akong napatalon nang mamataan si Niel sa tapat niyon, nakasandal siya sa pader at mukhang may hinihintay.

"Hey." Tipid akong ngumiti at umakma na ng pag-alis ngunit natigilan ako ng magsalita siya.

"Teka!" He smiled sheepishly when he got my attention. "Uh... hindi ko alam pa'no magsisimula." Bahagya pa siyang napahawak sa batok bago umayos ng tayo para tuluyan akong harapin. "Lewis, uh..."

Lito ko siyang sinipat. "Yes?"

"I've always wanted to tell you this," maingat niya itong sinabi, nag-aabang sa magiging reaksyon ko.

I just stared blankly at him. Nagpatuloy siya.

"About sa nangyari noon, I've always, for countless times tried to tell you."

Tumango ako sa sinabi niya, trying to be patient and attentive.

"Uh..." He swallowed hard.

Patience. I blinked. Patience...

"Kaya ba today?" may pagkasarkastikong biro ko. Gaano ba kahirap na maging straight to the point?

He let out a nervous laugh. "Uhm... that."

Narinig ko ang pagkakaputol ng pasensiya ko. I've always been one impatient kid. "Niel, for God's sake just say it. Ano ba 'yon?"

Napahalakhak siya sa turan ko. Katulad ng mga kabarkada ni Raf ay sanay na sila sa ugali ko.

"I'm sorry."

Muli akong tumango. "So? What is it you want to tell me?"

"I'm sorry," ulit niya with emphasis.

Oh.

"Para sa'n?"

"For trying to take a pass on you before when Raf clearly said I shouldn't."

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Raf said what?"

Namilog ang mga mata niya nang mapagtanto ang kamalian ng nasabi. Nang makabawi ay umiling siya at mahinang ngumisi, he looked really repentant kahit matagal na naman na iyong nangyari at halos limot ko na rin.

"Basta... I'm sorry for being such an ass. I thought I'm being cool at the time you know, pero natanto ko kung gaano nakakainis 'yung nagawa ko sa inyo ni Raf."

"Okay na 'yon. Tagal na noon ah?" tanging nasabi ko. It wasn't entirely annoying though. Kasi hindi ko makikita pa'no magselos si Raf kung 'di dahil sa ginawa ni Niel. Nakakatawa na lang alalahanin.

"Talaga? Thank goodness! Nasabi ko rin sa 'yo sa wakas." Bakas ang relief sa pinakawalan niyang tawa.

Pabiro naman akong napairap. Parang iyon lang? Kinimkim pa niya all this time?

"Nasabi ang alin?"

Ang ngiti ko'y agarang naglaho nang makita ang seryosong mukha ni Raf palapit sa amin.

"Pre," si Niel, sumusulyap sa akin na animo'y nanghihingi ng tulong.

"Anong pinag-uusapan n'yo?" Raf pressed in a controlled firm voice. Ang tingin niya kay Niel ay halos mapang-akusa.

"W-Wala, balik na 'ko sa labas. Baka may kailangan sila."

Bahagyang kumukunot ang noong bumaling sa akin si Raf. Mukhang frustrated dahil walang nakuhang sagot kay Niel at ngayo'y ako ang pagdidiskitahan.

"What?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Nag-iwas siya ng tingin at bumuntonghininga. "Anong sinabi ni Niel sa 'yo? Anong... sa wakas?" iritable niyang sinabi ang huling dalawang salita.

I can feel my lips curving for a smile. "Nag-sorry lang sa nagawa niya noon... alam mo na. Akalain mong pala kimkim pala ng damdamin 'yung kaibigan mo?"

Binalik niya ang tingin sa akin, ang mga mata'y maingat na nanunuri. Hindi siya nagsalita bagkus ay nagtuon lang sa akin.

"Ah! May regalo pala ako sa 'yo," may ngiting pag-divert ko sa atensyon niya.

Tulad ng inaasahan ko'y mabilis napalitan ng kuryosidad at bahid ng pagdududa ang mga mata niya dahil doon.

"Regalo? Wala ka namang dala."

I shook my head slowly as I reached for my denim skirt's back pocket. Mula sa nakatunghay at nag-aabang na ekspresyon ni Raf ay sumulyap ako sa kamay kong nasa bulsa. Then in just a split second, nagbalik ako ng tingin sa kaniya, humakbang palapit at nag-tiptoe—just so I could reach his lips for a peck. Hinugot ko ang kamay mula sa bulsa at inilahad sa baba ng mukha ko matapos.

"My gift." I chuckled.

Ramdam ko na ang pag-akyat ng init sa mukha nang makita ko ang walang paglagyang gulat sa ekspresyon ni Raf. With lips parted, his eyes are glistening with astonishment. At kung wala pa siyang mga naging girlfriend ay iisipin kong first kiss niya iyon kaya siya gulat na gulat nang ganito.

"'Di mo ba... nagustuhan?" Naiilang at paniguradong namumula na ako ng tinanong ko ito dahil nanatili lamang siyang nakatitig sa akin nang ganoon. I looked away and tried to explain myself, nang maisip kong baka hindi nga niya nagustuhan iyon o ano.

Feeling suddenly bashful, I bit my lip. "I was thinking of giving you things pero... hindi ko alam anong magugustuhan mo."

Truth be told. The struggle in finding a gift for a guy is surprisingly difficult.

"Say something please." I was growing uneasy by the moment. Ni hindi ko na siya magawang tignan dahil sa kahihiyan.

Funny isn't it? How assertive I can be with any guy and feel otherwise when it comes with Rafiele. Ewan ko ba anong mayroon sa fiend na 'to at bakit taob talaga ang kalokohan ko sa kaniya.

Ang linya ng mga mata ko'y nasa sahig kaya't nakita ko ang paghakbang niya palapit. At palapit pa hanggang sa magtama na ang mga paa namin. His breathing became audible because of what little distance left between us. Ang magkabila niyang palad ay dahan-dahang bumagsak sa mga balikat ko matapos. His breathing isn't the only audible sound now but so did mine.

His other hand shifted from my shoulder up to my neck. Ang isa pa'y humawak sa baba ko at marahan iyong inangat upang magtama ang linya ng mga mata namin. Our eyes locked and for a moment, we were frozen in time. Seryoso ang mga mata niya at may kung anong emosyon doong hindi ko mabasa.

"Lewis..." The warmth of his breath feels good against my skin. And with a low, soothing voice, he said the next words carefully, "You do know that I'm not entirely the good guy everyone thinks I am, right?"

I tried to laugh my booming heart off. "I know. You're a fiend, remember?"

Then slowly, the corner of his mouth twitched and curved for a smile. Sa maingat at nanunukat na tinig ay sinabi niyang, "Pwede ko bang isauli ang regalo mo kung hindi ko nagustuhan?"

Para na akong lalagnatin sa init na nadama sa mukha. I am positive his palm on my neck can feel the heat of my blushing too!

But despite my emotions, I tried to give him a smug look with my head held high. "Give it back then."

Pumikit na ako at nag-antay sa halik niya ng buong akala ko'y darating iyon nang biglaan niyang inilapit ang mukha sa akin. But instead, I felt his forehead touched mine. Napadilat ako agad at bahagyang napasimangot. His humorous laugh resounded as his thumb caresses my cheek.

Sa impatient at pagkabigo ay pabiro kong hinampas ang braso niya. "Rafiele, you—"

Hindi na ako natapos pa sa dapat sasabihin nang lumapat ang labi niya sa akin. I can feel him smiling as he brushed his lips on mine. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at ginantihan ang marahan niyang paghalik.

Everything turns out completely the way I imagined it. Just like him, his kisses are gentle as well. Iyong tipong siguradong naro'n ako sa tamang kamay. Na hinding-hindi niya ako pababayaan at hahayaang masaktan.

It was like the first touch of the warmth coming from the rising sun. The crack of dawn after a long darkness during the dead of the night. The different colours from the bright rays reflecting everywhere, spreading, making everything visible. Turning the doubt of the dusk into a lit certainty.

A beginning of a beautiful thing.

That's how like the sunrise, Rafiele became a part of my every day, my everything. A comfort. A constant force that gave me something to look forward to every time the sun rises.

He gave me a peck after our long kiss. Ramdam ko agad ang pagbabadya ng luha sa mga mata kaya't mabilis ko siyang nayakap. I feel an overwhelming amount of sorrow and fear together with so much glee pumping in my veins nonstop—it made me weak.

Ang maging masaya sa ganitong intensidad ay nakatatakot. Parang hindi ko kayang isipin kung saan ako pupulutin pagkatapos. Na sigurado akong 'sing tindi nang sobra-sobrang kaligayahan ang sasapitin kong pighati at sakit, na halos ang pagbangong muli ay magiging imposible.

"You okay?" Raf's voice was laced with concern as he wrapped his arms around me. "Lew, you're shaking... umiiyak ka ba? May nagawa ba 'kong 'di mo nagustuhan? Lew... what's wrong?"

Umiling ako habang nakadukdok sa dibdid niya. Hindi ko alam bakit hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. It was supposed to be a happy and fluttering moment but why's my heart aching like this?

"Lewis, hey... it's okay..." malambing niyang bulong habang hinahalikan ang tuktok ng ulo ko. He caressed my hair at the back of my head while continuously whispering to me, "It's okay, you're okay."

"Raf!" parang nagsusumbong na bata kong iyak.

"Lew, gr-um-aduate lang ako, hindi ako namatay." He chuckled then whispered, "I can't believe I've been crushing on a crybaby all this time."

Ang mga luha ko'y agarang umurong dahil sa narinig. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya habang nanatiling nakayap, ang baba ko'y tukod sa dibdib niya.

"What's that?"

Imbes na sagutin ako'y ngumiti lamang siya nang matamis at umiling, mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Ano nga 'yon?" pilit ko pa rin.

Bahagya siyang yumuko at inilapit ang mukha sa akin upang bumulong, "You have a snot."

Kumalas ako agad ng yakap sa kaniya at umakmang lalayo ngunit walang kahirap-hirap niya akong kinabig pabalik. Nagbaon siya ng mukha sa balikat ko at mahigpit niya akong binalot ng mga bisig niya. His hug was warm and tight but not suffocating. Just enough to assure me that I'm well-loved no matter what.

"Gusto kita, Lew," my heart ached more when his voice broke as he whispered this on my ear. Na para bang tulad ko, hindi rin niya kayang pigilin at kontrolin ang kaligayahan, as if it's too much to contain that it starts to ache.

"I like you too, you fiend." Pabiro kong hinampas ang braso niyang nakayakap sa akin. My tears started brimming again.

Ramdam ko ang pagyanig ng dibdib at mga balikat niya dahil sa ginawang paghalakhak.

"How can you do it?" bulong niyang muli sa namamaos na boses.

Bahagya kong nilingon ang nakabaon niyang ulo sa balikat ko. "Do what?"

"Make me this happy..."

"You should ask yourself the same thing." It's my time to let out a heartily laugh despite my tears falling.

Hindi siya nagsalita nang mas lalong nagbaon ng mukha sa balikat ko. Ilang sandali kaming ganoon, tahimik na pinakikinggan ang paghinga ng bawat isa, hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"Do you want me to take you home?"

Marahan akong umiling. I just want to stay in this moment forever, kung posible man iyon. I don't want anything but him right now.

For God's sake, when did I become this clingy?

"I need to introduce myself to your parents though, don't I?"

"Bakit? Are we..." I trailed off when he finally lifted his face and looked at me.

"What do you think we are if we aren't?" Bahagyang kumunot ang noo niya sa nasabi at natawa. "Naguluhan ako sa sinabi ko ah."

"Dumbass." Tumawa ako sabay kalas mula sa kaniya.

His palm landed on my cheek then. With his usual lenient tone and expression, he asked, "O, bakit ka tumigil sa pag-iyak?"

Mabagal akong napangiti hanggang sa dahan-dahang natawa habang nagpapalitan kami ng tingin. Gamit ang isa pang palad ay hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko para sa mga naiwang luha. We're both smiling at each other from ear to ear when he slowly drop a light kiss on my forehead.

Nagpaiwan si Mon nang nagpaalam kami ni Raf na mauuna na. Dumiretso kami sa bahay. Usually, sa gate lang siya 'pag hinahatid ako. He never suggested or even insisted to come inside, kahit inaaya ko siya. Maybe he's waiting for the right moment all along and that moment is happening right now.

Si Mommy pa lang ang naroon, si Daddy ay mali-late raw ng uwi.

"Mom, this is Rafiele."

"Oh! Is he the boy you kept telling me about?" Makahulugan akong sinipat ng tingin ni Mommy. Sabay bumulong, "The one you like?" Na sigurado akong narinig ni Raf.

Napasulyap pa ako sa huli bago pinanlakihan ng mata si Mommy sa kahihiyan. At habang nakangisi ay pabiro akong umirap dito. "Mom!"

Sumulyap pabalik sa akin si Raf, I can't be sure but I sense smugness on his expression. Kunyaring inosente lamang akong umiling, supressing to smile wider.

"Good evening, ma'am. Nice to meet you po," ang ngiti ay naglalaro sa mga labi niya nang pormal itong sinabi.

"Nako, just call me Tita, hijo. I've heard so much about you from my daughter! And I have to agree, you do seem like a fine young man." Mom smiled admiringly at the latter, lalo na nang ngumiti itong pabalik sa kaniya.

Raf glanced at me again but now with a clear smug look on his face. I rolled my eyes at him, bago muling binalingan si Mommy.

"Pauwi na ba si Dad, Mom?" tanong ko.

"He's on his way home, Lewy. Kumain na ba kayo ni Rafiele?"

I nodded. "May after party sa bahay ng kaibigan niya. Today's their graduation, by the way," sabi ko pagkasulyap kay Raf.

Napasapo ng dibdib si Mommy. "Oh! Congrats, hijo! May napili ka na bang papasukang university?"

Mahaba ang naging usapan nila tungkol sa school, kurso at mga plano ni Raf para sa future niya. Dumating si Daddy at seryoso agad ang ekspresyon nang makita kung sinong kasama ko. His talk with Raf almost seemed like an interrogation at first. Ngunit nang nagtagal ang usapan nila at wala siyang anumang masamang intensyong nakapa galing kay Raf, palihim siyang tumango sa akin bilang approval.

"He seemed like a good kid. Madali kong nakagaanan ng loob. At hindi naman sa pinamimigay na kita, anak, pero kung sa kaniya, I think you're making the right choice. I'm gonna die peacefully knowing you're in the right hands," sinabi ito ni Dad nang nakaalis na si Raf.

"Dad, naman eh. Para namang ayaw mo na sa 'kin kung ipamigay mo 'ko," I sulked then hugged him from the back while he's sitting on the couch.

"Wala ka pang ipinapakilala sa amin ng mom mo sa mga d-in-ate mo noon. And I trust your judgement enough. You know how much I want the best for you, sweetie." He let out a tender laugh as he tapped my head. "Your mom and I raised you to be free. To have your own judgement, experience and become an individual you're trying to be. And I'm always gonna be proud of whatever person you become... because you're my daughter and I trust you. I love you no matter what, anak, okay? 'Wag mo muna kaming iwan para kay Rafiele."

I barked a laugh at his last remark. "Of course I won't!" I hugged him tight and kissed his cheek. "I love you too, Dad!"

Parang gusto ko ulit tuloy maiyak dahil sa halu-halong emosyong nadarama. Hindi naman ako ang gr-um-aduate, but I can feel the beginning of something new looming around. Or maybe this marks our new beginning.

A beginning I hoped and prayed so hard for to never end. But the same way that everything wasn't bound to last, ours met its conclusion as well.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top