6 : Platonic

"I think he's just trying to protect you from the rumors."

Napairap ako sa narinig. Again, "Who give a damn about those rumors?"

Monica shook her head in disapproval. "Isang linggo na, gaga. Move on na!"

"After all his baloney he's giving me this bullshit?" I grumble from the bitterness I'm feeling upon remembering how he used to wait for me after class for straight two weeks, then suddenly stop after that last conversation we had.

"'Syadong affected ah?" Pang-asar na ngumisi ang lukaret. "Isa pa, hindi ko alam kung aware ka pero you were too frigid around him, halatang hindi ka pa kumportable eh. Kaya imbes na magmukmok ka riyan, why not give it a chance? Malay mo mas okay pala talaga kayo as friends lang?"

Tinawanan lamang ako ng babaita nang sinamaan ko ng tingin. Naiirita ako sa sinabi niya, hindi ko lang sigurado kung saang parte ro'n.

"Naninibago na 'ko sa 'yo ah. Kailan ka pa nagkaroon ng hang-ups sa isang lalaki? And to think that you haven't even dated him?" aniya, ngayo'y pinanliliitan na ako ng mga mata.

"Pansin ko lang, parang lagi kang nakapanig kay Raf." And with a blank expression, I pointed at myself. "Ako ba talaga ang kaibigan mo rito o siya?"

Parang demonyitang tumawa ang lukaret. Napangiwi na lang ako nang maisip na pareho silang masarap pag-untugin. Parehong mga siraulo.

"Hey girls!"

Nanigas ako sa kinauupuan nang marinig ang malalim ngunit malamyos niyang boses. Ang iritasyon ko'y biglang napalitan ng kaba. Lalo na nang maaninag ko ang paglapag niya ng bag sa table. At bago ko pa man siya malingon ay naramdaman ko na ang pag-okupa niya sa upuang nasa tabi ko.

"Hi, Raf!" Mon beamed at him, sunod ay tapon sa akin nang makahulugang tingin.

"Tapos na kayong mag-lunch?" Sumulyap siya sa akin nang manatili akong tahimik. "May dala 'kong taiyaki, gusto n'yo?"

"Uy penge." Walanghiyang inilahad ni Mon ang palad at tinanggap ang binigay ni Raf. "Paborito ni Lew 'to."

Mabilis akong nilingon ng huli at inabutan niyon habang nakangiti. "Here."

Tinanggap ko iyon ngunit hindi kinain agad. Ramdam ko ang pagkakatagal ng tingin sa akin ni Raf habang nakatingin ako sa binigay niya. The fish pastry in wrapping paper stares back at me. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nadismaya. Paulit-ulit kong inisip ang mga sinabi ni Mon kanina. Maybe she has a point. Rafiele wants us to know each other as friends. Wala namang problema 'yon 'di ba?

Pero kasi... hindi ko maiwasang isipin na kung sakali bang makilala niya ako nang lubos... magbabago ba ang isip niya tungkol sa akin? Could that change his mind about pursuing me again? Or... maybe he already made up his mind that we're better off just friends?

"You okay?"

Nahugot lamang ako mula sa animong malalim na pag-iisip dahil sa biglaan niyang pagyuko para lang hanapin ang mga mata ko. Blinking in awareness, I tore my eyes away from his.

"Yeah," kaswal at halos walang emosyon kong tugon. Itinabi ko ang hawak na taiyaki nang nawalan ng gana sa mga naiisip.

"You sure?" he probed, hindi nag-aalis nang maingat at mapang-obserbang tingin sa akin.

Lumunok lamang ako at tumango, hindi makatingin sa kaniya. Nasulyapan ko ang tahimik na si Mon sa harap ko habang kumakain at nanonood sa amin. Pangisi-ngisi lang ang lukaret.

I heard him laugh under his breath. "Ayaw mo?" Sabay turo sa binigay niyang inilapag ko sa lamesa.

"Kainin ko mamaya, medyo busog na 'ko." Malamig akong ngumiti. Nang sumulyap ako sa kaniya'y naabutan ko siyang bahagyang ngumunguso habang nakatitig sa akin. Mabilis ako muling nag-iwas ng tingin.

"Your lunch is half finished." Sabay na bumagsak ang mga mata namin sa platong nasa harap ng lamesa ko. "Kaunti ka lang ba talagang kumain? O wala kang gana? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Napapikit ako nang mariin sa mga tanong niya, ang mga mura ay nag-aantay na sa dulo ng dila ko. Pinaglalaruan ba ako nito? Ganito ba magkaroon ng concern ang isang kaibigan? Platonic bullcrap.

Mabagal kong sinuklay ng darili ang mahabang buhok habang nagbubuntonghininga, bahagya nang tumataas ang isang kilay. Nilingon ko ang nasa tabi at seryosong itong sinabi, "Pangalawang plato ko na 'yan."

Monica snorted.

Si Raf naman ay napakurap, hindi ko alam kung lito ba o gulat. Mayamaya'y dahan-dahang tumango, awang ang mga labi. "M-Malakas ka palang kumain." Sabay tikhim.

Natuluyan na sa paghagalpak ng tawa ang lukaret sa harap namin.

Ako nama'y napangiwi. "Dumbass. I'm just kidding. Tingin mo kaya ko talagang umubos ng dalawang platong lunch?"

Iritable akong umirap kahit natatawa. He looks so lost and confused.

"I don't really get it. Pero wala namang problema kung malakas ka talagang kumain." Ngumisi siya nang magkatinginan kami. "Para may fubu ako."

Bahagyang kumunot ang noo ko nang tinapunan siya ng may pang-aakusang tingin.

Sabay namang nagtaas-baba ang kilay niya bago marahang natawa. "O? Sama mo makatingin, ano bang ibig sabihin sa 'yo ng fubu? 'Yan sinasabi ko eh, ang dumi ng utak mo. Fubu kasi 'yon as in fud buddy. Tamo, 'di mo alam." Sabay palatak.

Ngumiwi ako. Rafiele and his lames jokes. "Okay?"

"Raf!"

Saka lamang niya ako nilubayan nang may mga dumating. Some seniors, I bet. May mga itinanong ito sa kaniya na nauwi sa pagkukwentuhan. Ang ilan ay naupo na sa table namin. May isang babae roong lumapit kay Raf at nakangiting nakisali sa kwentuhan nila. She's pretty and looks bubbly with all the beaming and animated talking.

Nang nagkatinginan kami ni Mon ay nandidilat niyang inginuso ang babae sa akin. Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin at hindi ako interesadong malaman o alamin kung anong mayroon kay Raf at sa babaeng ito. None of my business. Bahala sila riyan.

"Hi, Lewis!" bati ng isang hindi kilalang senior sa akin.

Sumulyap ako rito. "Hey."

"Are you free later after your classes? Gusto mong sumama sa 'min mag-KTV?" tanong ng parehong senior sa akin.

Hindi ako sigurado kung ako lang ba o talagang panandaliang tumahimik si Raf pati nang mga kabarkada niya bigla.

"Sure, why not." I smiled upon remembering Monica's comment about me being frigid around Raf. The latter turned to me. Hindi ko alam anong ekspresyon niya dahil hindi na ako nag-abalang lingunin siya. "Can I take my friend here too?"

Maligayang ngumiti at tumango ang senior sa akin pagkasulyap sandali kay Mon. "Of course!"

"I'm sorry, what's your name?" nanatili ang palakaibigan kong ngiti nang tinanong ko ito sa senior. I can feel Raf's gaze beside me.

"Oh! I'm Daniel. My friends here call me Niel."

"Nice to meet you, Niel. This is my friend Monica." Sabay maniobra ko sa kaibigang maiging nanonood sa ganap.

"Hi, Monica!" Sumulyap siyang muli rito bago ngumisi pabalik sa akin.

"Hello!" kaway ni Monica sa iba pang senior na nalipat na sa amin ang atensyon.

Tumikhim si Raf. Ayaw ko sana pero may kung anong nag-udyok sa aking sulyapan siya. So I did. And for the first time, I saw his grim and serious expression. Bahagya ring kumukunot ang noo niya na para bang may hindi siya nagugustuhan o ano.

"Aww, sayang si Rafie hindi makakasama. You have a meeting later with the Student Council, right?" the girl said.

Palihim na nag-sign ng choke si Mon kaya pinigilan ko ang matawa.

"Susunod ako..." si Raf.

Nanlaki ang mga mata ni Mon sa akin habang kumakagat sa taiyaki niya. May pagngising aso pa habang ngumunguya. Lukaret talaga.

"Really? Yay!" the girl cheered. May paghawak pa sa braso ni Raf na kasama.

Agad naman ang pagsimangot ni Mon sa turan nito. Tawang-tawa talaga ako nang pinagkukwentuhan namin ang nangyari habang naghihintay sa sunod na teacher para sa afternoon class.

"Rafie~ Yay!" maarteng gaya niya sa babae kanina. "May sariling endearment ang lola mo! Gaga, dinadaig ka close friends sila!"

Hinintay kami ng mga kabarkada ni Raf sa gate at sabay-sabay kaming nagtungo sa KTV bar pagkatapos ng klase.

"You and Raf aren't going out, right?" tinanong ako nito ni Niel nang makaupo siya sa tabi ko ng sandaling umalis si Mon para mag-CR. He extended his arm on the headrest of the couch behind me then. Ang isa niyang kamay ay nasa tainga, pinaglalaruan ang piercing niya roon.

Nagkakagulo na sa pagkanta at tawanan ang mga kabarkada niya upang pagtuunan pa kami ng pansin.

Hindi ako naging kumportable sa asta niya at sa kung paano siya tumingin sa akin, ngunit hindi ko ito ipinahalata. Bagkus ay malamig akong ngumiti sa kaniya. "We're not dating."

"I see." He smiled back at me while biting his lower lip. Umusod siyang palapit sa akin hanggang sa nagtama na ang mga hita namin.

It was kinda repulsive but I sit still and tried to break it to him gently. I was trying to be nice. After all, he's not some random guy, he's a friend of Raf. Ngunit nang tipong magsasalita pa lamang sana ako'y naunahan na niya ako.

"I heard you dumped Raf. 'Di mo siya type?" He chuckled under his breath before going on, "No wonder. Your types has always been the bad ones, right? Given your reputation about your past relationships." He smirked smugly and he immediately lost me at that moment.

I scoffed in the irony.

I just can't, for fuck's sake, deal with badfuckingboys anymore. Like I said, I'm so done with them. I might've unconsciously associated myself with some back then, but I no longer have the enthusiasm in committing such a grave mistake ever again. Ibinaon ko na iyon sa pinakamalalim na parte ng memorya ko, nag-aantay na lang na tuluyan iyong mabura at maglaho. But him, bringing this up right now is utterly ridiculous that the mere thought of it is nauseating enough to make me want to throw up.

Hindi ko na naman napigilan ang sarili sa sunod na ginawa. Being a goody-two-shoes isn't really for me.

Umusog ako ng upo palayo sa kaniya, making sure he'd notice. Then my brow shot up as I throw him a sarcastic look. With an unadulterated disgust in my voice, I said, "Bad boys are so overrated, they're like a bad joke."

Gulat siyang tumunghay sa akin at napaayos bigla ng upo. Ang kalituhan ay naglalaro rin sa ekspresyon. "Y-Yeah? You think so?"

"I also think they're full of shit." I smiled. "Ayaw ko ng mga hambog nilang asta. Their attitudes easily get on my nerves and hell, even their very presence ticks me off."

He paled and let out an awkward laugh while nodding a little. Ang magkabilang kamay ay pareho nang bumagsak sa kandungan, like a kid being chastised. "Oh-kay."

"It would be a shame if you're one of those trash, you know." I looked at him straight in the eyes then gasp with a mock surprise. "Wait, are you?"

Mabilis siyang umiling, bahagyang nanlalaki ang mga mata. "No, no, o-of course not!" Rinig ko ang bakas ng nerbyos sa tawa niya.

"Oh! I see. Then let's try to be nice with each other, shall we?" I smiled again, more sweetly this time. "And for the record, Niel, I didn't dump Rafiele." He's basically the one who did.

Namilog ang mga mata niya ulit at tila nagising sa katotohanan nang may mapagtanto. He winced a, "My bad."

"Rafie!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa bagong dating. It was Raf accompanied by Monica. He was beaming with his friends' exhilaration while scanning the place but his smile slowly subsides when his eyes landed on mine.

Halos patalon na tumayo si Niel na nasa tabi ko at sinalubong ang kaibigan, more on para makatakas sa akin. "Raf! Pare, buti nakahabol ka!"

He greeted his friends for a few minutes before he finally settled on a seat across from mine. Si Monica ay busy sa pagsabay sa kanta ng mga kabarkada ni Raf at mukhang nasisiyahan. While I'm feeling awkward with all the stares I'm receiving from the latter. Ang kaba ko'y umuusbong na naman. Sa simpleng paninitig lamang niya. Is this even normal?

Nang hindi na ako nakapagpigil ay nilingon ko na. Ang seryoso niyang mga mata'y hindi natinag sa pagtitig sa akin sa kabila ng mumunting disco lights na nagsisirko sa loob ng kwarto. It was almost as if I'm guilty of something and he's right there staring accusingly at me.

Pinagtaasan ko siya ng kilay nang magtagal ang titigan namin doon. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at bumubuntonghiningang tumayo. Pinanood ko ang ginawa niyang paghakbang palapit. Natigilan pa siyang sandali nang hinila siya noong babaeng kabarkada niya at inayang makisali sa kantahan nila. Nang ilang beses siyang tumanggi rito ay 'tsaka lamang siya nito pinakawalan.

Tuluyan siyang humakbang palapit sa kinauupuan ko. Tumitig pa muna siya sa akin nang sandali siyang huminto, tila nanghihingi ng permiso kung pwede ba siyang umupo sa tabi ko o ano. I shrugged. Nagbitiw na ako ng tingin nang tuluyan siyang maupo sa tabi ko. Not too close but not too far.

What now?

We're both silent for a few moments. Mabuti na lang at maingay ang tawanan at kantahan ng mga kaibigan niya kaya't hindi iyon naging awkward. I sing along languidly with his friends and tried to ignore his presence beside me.

"Niel is a pretty nice guy... but most of the time not," panimula niyang hindi ko halos narinig dahil sa ingay.

Tumigil ako sa pagkanta at bahagyang kumunot ang noo ko sa kaniya. "And your point is?"

He looks defeated when he shrugs and leans on the couch. Bagsak ang mga mata niya sa sahig. At habang pinaglalaruan ang magkasalikop na mga daliri ay sumulyap siya sa akin. His drawl was laced in uncertainty. "Ang mga tipo ba niya ang gusto mo?"

Mukha siyang batang nagtatampo pero gustong makipagbati at the same time. And crap. I'm sure I've never seen a guy act like this before. Or at least the one's I know. Dang it! Something about his expression tugs my heart in a dangerous pit of unknown euphoria. I don't get it.

Pinigilan ko ang mangiti. Patay malisya ko lamang siyang tinapunan ng tingin, wondering why I'm really good at hiding my emotions like this. "Tingin mo gano'n ang mga tipo ko?"

Saan ba naman ang pinaglalabang platonic relationship?

He shrugged idly. "Siguro... at tingin ko gusto ka rin niya." Sumulyap siyang muli, ngayo'y may bahid na ng kaunting iritasyon ang malamyos na boses.

Pinakawalan ko ang pinipigilang ngiti. Hindi ako nagsalita at pinagmasdan lamang siya roon. I didn't know any guy is capable of being this cute.

He shifted uncomfortably on his seat before throwing me a glance. "Why are you looking at me like that?" His forehead is beginning to crease.

I shrugged defensively. Mas lalo akong napangiti nang dumilim ang ekspresyon niya. I've been seeing new sides of him and it's so fascinating that I wanna know more of him by the second.

He scoffed with annoyance. Binasa niya ang labi at mukhang naubos na ang pagtitimpi.

"You're always indifferent if not cold around me. Ni hindi mo nga 'ko magawang ngitian." Bahagya siyang tumingala at humugot nang malalim na hininga para lang muling magbuga ng hangin, iritable at hindi tumitingin sa akin. "Tapos ang bait mo bigla kay Niel? Patas ba 'yon? Magkaibigan tayo 'di ba? Bakit ang lamig ng trato mo sa 'kin? 'Pag mga tipo ni Niel ang dali mong ngitian?" Bitterness is cracking in his voice, with lips almost protruding from suppressing whatever emotion he's containing.

"I'm smiling at you right now, my friend," I pointed out as I stretch the sides of my lips wider.

Tuluyan siyang lumingon sa akin, kunot ang noo at busangot ang mukha na animo'y batang inaway o binalian ng pangako.

"Are you teasing me?"

"Ang cute mo."

Ang mga salitang dapat sana'y sasabihin niya'y naputol na lamang sa dulo ng dila dahil sa bulong ko. He got flustered for a second and tried to regain his stance for a few good jiffy. At nang makabawi'y namumula niya akong binalingan at lakas loob na tinitigan diretso sa mga mata, like he has this endless list of words to contradict my statement and he's about to flood me with it. The transparent honesty on his expression is undeniably pure that I can't help but be riveted by him more and more.

"Cute? This—Goddamn it, Lew. I don't think I can do this platonic crap anymore."

I bursts into a fit of uncontrollable laughter, hindi ko na napigilan. Anong lasa ng sarili mong mga salita, Rafiele?

Ang nagkakasiyahang mga kabarkada niya kasama na si Mon ay sandali pang natigilan para lang tapunan kami ng kuryosong tingin. Me, laughing my arteries out and Rafiele, flushing profusely with frustration beside me.

"Ah... shit." Pikit-mata at kagat ang labi siyang napakamot sa dulo ng kilay.

Damn cute little fiend!

"Seryoso ako." Mariin siyang tumitig sa akin nang makabawi mula sa pamumula.

Unti-unti akong huminahon sa pagtawa para lang tignan siya nang mabuti. May bahid pa ng ngiti ang labi ko nang bahagyang nagtaas ng kilay. "Okay."

"I don't want to be just another one of your flings. I want to build a relationship with you, Lew, at seryoso ako ro'n... kaya gusto kong dahan-dahanin... pero, langya, paano ko bang uunti-untiin kung ganitong may lumalapit lang sa 'yo... para na akong mamamatay sa selos?"

A warm and fuzzy feeling enveloped me as we threw each other glances over the dim lit KTV room. Ang malakas na tugtog mula sa mga speaker ay tila nag-aalinsunod sa malakas na pagpintig ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top