5 : Fiend

"You stupid girl! You don't know who Rafiele Hernandez is? Gaga, Lew, seryoso ka ba?" Tawang-tawa ang lukaret na si Mon matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari.

Sinuklay ko ng mga daliri ang buhok at pinagtaasan siya ng kilay sa nadamang iritasyon. "Am I supposed to know every single soul in this school? Anak ba ako ng may-ari? Kasosyo? System database?"

"Oh my, God!" Pulang-pula na siya at hindi talaga matigil sa histerikal na pagtawa. "Almost everyone in this school knows him as a transferee from Manila! Usap-usapan siya since last year hanggang sa tumakbo siya for SC this school year. And you're telling me you don't know him?! Where are your brains at?"

I gave her a flat look with my arms crossed, nang muli siyang bumunghalit ng tawa. "O tapos? Nakakatawa 'yon?"

And in just two weeks, words spread like wildfire that Rafiele, a grade twelve senior and the vice president of Student Council is dating a grade ten junior, which happened to be me. Sa bilis nitong kumalat, hihilingin ng sinomang sana 'sing bilis din niyon ang wifi sa school namin.

But truth be told. I was too busy fooling around to give a damn about who's who or whatever. And first of, that Rafiele totally looks like a pushover and too innocent for my type. Second, two years age difference is too old for me. Though he sure doesn't look like we had that age gap given his baby face. But another truth, pagkatapos ng insidenteng iyon, I find myself unusually interested in his whatnots. That every time I hear his name or I saw someone who resembles him, I had to turn and look for my curiosity always got the best of me.

"Lewis, totoo ba? Kayo na no'ng Rafiele?" Palabas na kami ng room ni Monica nang hinarangan ni Paul ang pintuan gamit ang isang braso niya.

I broke up with him a week ago. I just no longer find him interesting. Nagsawa na ako. No big deal.

Mayabang niyang itinagilid ang ulo at mataman akong tinitigan bilang paghihintay sa sagot ko. Sa likod niya ay sina Gino, Kyle, Tamara at ang ilan pang kasama niyang kabarkada na nag-aabang at nanonood sa amin mula sa corridor. May ilang estudyante at kaklase ko ring natitigilan para punahin kaming dalawa ro'n.

My brow shot up at his stance. Hindi ako nagsalita nang ginantihan ko ang paninitig niya gamit ang blangkong ekspresyon. Mukhang gusto ng isang ito ng palabas.

He snickered moments after and left the door to step closer to me. Nanatili ako sa kinatatayuan at hindi nagpatinag. I didn't know exactly when it happened but I've had it enough with boys like him. Mga antipatiko at 'kala mong pinapatakbo nila ang mundo. I don't even remember when his types appealed to me before. Basta ang alam ko'y sa tuwing makikita ko ang mga matang tulad ng kaniya'y nawawalan na kaagad ako ng gana.

Sa parehong hambog na ekspresyon ay sinabi niyang, "Tell me it's not true, Lew. I mean, come on, that guy? He isn't your type at all..."

Now it's my time to snicker. "At ano naman 'yon sa 'yo, Paul?"

Naglaho agad ang mayabang niyang ngisi ngunit nanatili pa rin ang kahambugan sa asta. I guess it really runs in his blood.

"So you're really dating that goody-two-shoes now?" He scoffed in annoyance. "Ang bilis ah? Nadala ka ba ng mabait na mukha? Tell you what, that douche might look innocent pero sigurado akong may lihim 'yong hindi magandang motibo sa 'yo." He sounds so confident with his groundless accusations and it just did nothing but convince me what kind of person he is.

Lihim akong napangiwi nang sinapo niya ang braso ko.

"You just can't say it pero alam kong iyon din ang iniisip mo. At alam mong mas bagay ka pa rin sa 'kin," aniya pa, ang malademonyong ngiti ay unti-unti nang umuusbong sa labi.

Monica tried to yank my other arm, signalling for us to go and just leave this dunce. Ngunit imbes na iwan itong walang sinasabi ay hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sunod na ginawa.

Hinawakan ko ang braso ni Paul na nakahawak sa akin at bahagyang hinaplos kahit nakakaalibadbad iyon. I gave him my sweetest smile as I took a step closer towards him, leaving only a few inches distance between us and our faces.

Malisyoso siyang pumito at mukhang lubusang ikinatutuwa ang nangyayari. I smiled more with his idiocy. Sunod kong hinaplos ang pisngi niya at maigi siyang tinitigan matapos. He was about to touch my face but his hand froze in mid-air when I raise my other hand for a stop gesture.

Sa malambing na boses ay sinabi ko ito, "You know what I really think, Paul? Oh, you poor boy... you went here just to yap all this nonsense to me. I didn't know you were this delusional about us. Ganiyan ba ako kahirap kalimutan?" I chuckled teasingly under my breath. "Alam mong wala pa akong binabalikan sa lahat nang iniwan ko. And you're not so special yourself to think that you'll be an exception to that, are you? Now let me give you some piece of a friendly advice..."

I heard him gasp silently when I lean my face even closer to his.

"Get over yourself, big boy. Alright?"

He gaped at me as the look of unadulterated shock washed over the cockiness of his expression.

Tinapik ko ang pisngi niya gamit ang palad kong nanatili roon. He remained appalled while I couldn't be more satisfied with his reaction.

Blangko na muli ang ekspresyon ko nang nilampasan ko siya para iwang gulantang. Dali-dali namang sumunod sa akin si Mon palabas, umaanas ng mga reklamo tungkol sa kapreskuhan umano ni Paul. Ilang bulungan ng mga estudyante ang sumalubong sa dinaraanan naming hallway matapos.

"Lew, kina Kyle kami ngayon, you coming?" pahabol ni Tamara nang madaanan ko ang grupo nila sa corridor.

Sandali akong tumigil sa paglakad para sulyapan ito. Unapologetically, I said, "I can't."

"Are you really dating Rafiele?" isa pang pahabol mula naman kay Gino na hindi ko na sinagot.

Napailing na lang ako sa nangyari. Taas noo akong naglakad at binalewala ang mga naiiwan pang tingin sa akin ng mga estudyanteng nasa corridor.

"Can you believe it? The rumours has it that you two are already dating. Alam mo bang nagwawala ang mga club mates ko dahil hindi sila makapaniwala? Ang dami pang mga impaktang nagkakalat na may kung ano ka raw ginawa kay Raf, dahil sa laki ng diperensya mo sa mga naging ex niya! Ano kayang tingin nila? Ginayuma mo? Gaga, mukha ka raw mangkukulam? Ang lalakas ng saltik!" Tumatawa si Monica nang siniko akong bigla pagkasipat kay Rafiele na nasa baba ng building namin.

Nakaupo ito sa sementong haligi ng isang malaking plant box at naghihintay. Maya't mayang sinusuklian ng ngiti at tango ang ilang bumabating estudyante sa kaniya, karamihan ay babae.

Tumaas ang isang kilay ko.

"My God, eh tignan ko pa lang 'yan parang willing na akong maging makasalanan! Ang gwapo, Lew. Mukhang mabait at responsable pa. Talo ka pa ba?"

Pabiro akong umirap sa kalandian ng kaibigan. "May nakapagsabi na ba sa 'yong makire ka?"

Hinampas lamang niya ako sa braso bago humagikgik.

"Aray!" iritable kong reklamong hindi niya pinansin.

"Hi, Raf!" maligaya niyang bati rito.

"Hey." Rafiele beamed upon seeing us. Umahon ito mula sa pagkakaupo at isinukbit sa isang balikat ang strap ng back pack. "Let's go?"

I cleared my throat. "Actually, may lakad pa kami ni Mon—"

"Gaga, anong lakad?"

Magsasalita pa lang sana ako nang nilingon niya si Raf at mabilis sinundan ang sinabi. "Pakikuha mo na 'tong kaibigan ko. Mas maganda kung 'wag mo nang ibalik!"

Raf chuckled.

Pinandilatan ko si Monica sa mga pinagsasabi niya. Ang lukaret ay nagngising aso lang sa akin.

"Nerbyosa 'yan, hindi lang halata."

I gave Monica the what-the-hell-are-you-saying look. Palihim ko pa ngang siniko. Pero tinabas lang ng babaita ang braso ko at ipinagtulakan ako kay Rafiele pagkatapos. Muntik ko nang nasabunutan ang impakta kundi lang ako muntikang matisod sa lakas ng tulak niya.

She's really pushing this huh? Not just literally.

"Ayos ka lang?" ani Rafiele pagkasalo sa siko ko, ang pag-iingat ay nakaguhit sa ekspresyon niya.

Ang kaba ko dahil lang sa simpleng paghawak niya ay nakamamangha. Ngunit hindi ko ito ipinahalata nang kaswal akong nagsalita, "Hilahin ko lang saglit ang buhok nitong si Monica para okay na talaga ako."

Akma pa lamang akong susugod sa kaibigan ay natigilan na ako dahil sa pagsapo ni Raf sa kabilang siko ko.

He's laughing as he tried to stop me from taking my revenge to Monica. "Lew, kalma. Nakatakas na kanina pa."

"Ang impaktang 'yon," bulong ko sa iritasyon at kabiguan.

She left me with Rafiele! Pagkatapos ng mga agam-agam na sinabi ko sa kaniya kahapon, pagtataksilan niya ako nang ganito? I mean, Rafiele is a senior and he's the vice president of the Student Council so why the hell would he took an interest in me? Katulad ng sinabi niya kanina, malaki ang ipinagkaiba ko sa mga naging ex nitong si Raf. Then why me?

I'm not trying to degrade myself or anything, pero sa dami ng mga ka-batch niyang magagandang senior, why not pursue a girl there or something? Paedophile ba siya? Does he have a fetish with dating girls younger than him? And hell, the first time we talked he already asked me out. Ni hindi niya sinabing gusto niya ako o ano. Just straight to the fucking point!

At ang magaling kong kaibigan ay iniwan pa rin ako nang ganoon lang. Hindi ko talaga alam minsan kung kaibigan ko ba talaga ang lukaret na 'yon o ano.

"You hungry? Kain tayo? Anong gusto mo?"

Nang nilingon ko siya'y agaran ang kahihiyang nadama ko. With his hands holding both my elbows, we're too close to each other. Kaya't agad akong kumawala sa mga hawak niya. He let me put the distance between us, his eyes never leaving mine. I can sense that he's paying a great amount of attention on my every reaction.

"Let's go." Pagkasuklay ng buhok gamit ang mga daliri ay taas noo na akong naunang maglakad paalis doon.

Isang tango at sumunod siya sa akin. "Alright."

At hindi totoong hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako kung i-reject ang idea na interesado siya sa akin. Because it just doesn't seem fitting, given that we're opposite with one another.

Abala siya sa pagkain ngunit ang tanong na nasa isip ko'y ayaw akong patahimikin. I need to ask him. I need to know why. I need his affirmation or whatever.

"Ilan na ang naging girlfriend mo?"

Muntik na siyang nasamid sa pag-inom dahil sa kaswal kong tanong. He laughed with his clumsiness before glancing at me beside him. We are at the open field, sitting on the bleachers overlooking the school's swimming pool and track field below. Ang mga estudyanteng naroon ay bilang na lamang sa darili, kasama kami.

"Hmn... dalawa. Bakit?"

I looked at him attentively and with honest curiosity, I asked, "'Sing edad ko pareho? O mas bata sa 'kin? What makes you like them? And what caused the break up?"

Natigilan siya sandali ngunit kalaunan ay dumudungaw na ang ngiti sa labi. He's trying to suppress it but obviously failing. He turned and looked at me with both amusement and curiosity laced in his eyes, then he asked, "What exactly are you thinking?"

Hindi ako nagsalita. Tanging blangkong ekspresyon lamang ang isinukli ko sa kaniya bilang sagot. We stared at each other like that for a few moments until he can't finally hold his laughter.

"What?" I spat in irritation. "Anong nakakatawa sa mga tanong ko?"

"Sa dami ng pwede mong itanong tungkol sa akin, ang mga ex ko talaga ang gusto mong pag-usapan? Dahil ba sa mga rumors?" Umiling siya bago ako muling nilingon, ang multo ng ngiti mula sa pagtawa ay naiwan pa sa labi. "Masyado yata tayong mabilis."

Sa pagtataka'y nangunot ang noo ko. "Mabilis?" Mabilis pa ba 'to? Ni hindi nga nanligaw sa akin noon ang mga ex ko. At sino bang may pakialam sa mga rumors na 'yan?

"You just met me. And even if it's not the case for me, I think we should slow things down a bit."

I blinked a few times in confusion. Seryoso ba siya? Gaano kabagal ang gusto niyang maging takbo namin?

"Tingin ko rin marami ka pang pagdududa tungkol sa 'kin. Naiintindihan ko naman dahil hindi pa naman talaga natin gano'n kakilala ang isa't isa."

Nanatili akong tahimik na nakikinig. He has a point. At parang ayaw ko nang pinatutunguhan ng mga sinasabi niyang ito.

"And I've dated girls my age, Lewis... also, I don't have a specific type or standard... if that satisfies your curiosity." He grinned at my silence.

"Okay." I nodded coolly.

Nagtagal ang tingin niya sa akin, maigi akong tinitigan. Hanggang sa bigla niyang sinabing, "Maybe we should get to know each other from the basics."

"What do you mean?" Bakit pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako?

He shrugged lazily then casually said, "Let's get to know each other with a platonic relationship first."

Nanliit ang tinig ko sa emosyong hindi ko agad napangalanan. "What—" the—fuck?

Is this guy fucking kidding me? What's with the farce of asking me out and courting me, kung gusto pala niyang platonic muna kami?

Pinagtimpian ko ang hindi mapamura kahit parang gustong-gusto ko na siyang sigawan.

I feel disappointed. Scammed. Played with the worst player there is all at once. Nakakatawa dahil ganito ang gawain ko noon. But it seems like he beat me in my own damn game.

Sa mga banyagang emosyong nadarama ay sarkastiko akong napabuga ng hangin, habang tinitigan kong pabalik ang banayad niyang mga mata.

Beneath this guy's innocent face is a fucking fiend laughing at all this travesty. The joke was on me all along.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top