19 : Now and then

"Why are you watching me sleep? You creep." Pagkangiwi ay nag-iwas ako ng tingin at itinawa na lamang ang hiyang nadama.

"You fell asleep easily whenever you're comfortable... it's cute," aniya, ang ngiti ay hindi kailanman nawaglit. Gayundin ang paninitig sa akin.

"What time is it?" pag-iiba ko na lamang ng usapan.

"Five minutes before nine."

Namilog ang mga mata ko roon. "Bakit hindi mo ako ginising?"

"Bakit kita gigisingin? Sarap ng tulog mo..."

"Creep," I said it with a straight face.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo mula sa sahig at mabilis na naupo. Ramdam ko agad ang paglapat ng braso at hita niya sa akin nang tinabihan ako sa couch, dahil sa bahagyang paglubog ng foam sa side niya gawa ng dagdag na timbang.

"What?" natatawa kong turan nang manatili ang mariing titig niya sa akin. Ngayon ay seryoso na at wala nang kahit anong bahid ng ngiti.

"What?" he echoed.

"Go home."

Umirap ako rito at tumayo para sana maghanap ng makakain nang makaramdam ako ng gutom. Ngunit bago pa man ako makahakbang ay natigilan ako dahil sa pagsapo at bahagyang paghila niya pabalik sa braso ko.

"Raf, what?" I looked down at him while his eyes linger on my hand that he's now holding.

"I cooked your favourite. Care to eat dinner with me?"

I was taken quite aback. "Hindi ka pa kumakain?" And again, "Why didn't you wake me?"

He chuckled under his breath before lifting his head up to meet my gaze. "Tara?"

I nodded curtly. Muli sana akong maglalakad patungong kusina ngunit muli lamang niyang hinigit ang kamay ko.

"What?" lito ko nang tanong.

Ilang sandali pa siyang tumitig nang mariin at seryoso diretso sa mga mata ko bago nagsalita. "Let's eat at my unit. Do'n ako nagluto."

Kumurap-kurap ako roon at wala sa sariling napatango. Nang may mapansin at tuluyang mapagtanto ay may kakaibang kabang bumangga sa akin. Magsasalita pa lang sana ako ngunit mabilis nang nakatayo si Raf. And the next thing I know, hila na niya nang marahan ang kamay ko palabas ng apartment namin at papasok sa tabing unit nito.

"Bakit ang sarap ng mga luto mo? May nilalagay ka sigurong kakaibang ingredients dito," kumento ko.

"Mahal mo lang ako."

Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Ang lakas naman ng tawa niya sa sariling kakornihan. 'Kala mo naman nakakatawa.

"Yuck! Anong banat 'yan, Raf? High school lang? Yuck talaga! Nawalan ako ng gana!" inis kong reklamo sabay bagsak pa ng kutsara sa pinggan.

Tatawa-tawa pa rin ang ungas nang pinandilatan ako. Sa matigas at nang-aakusang baritono ay sinabi niyang, "Bakit hindi ba totoo?"

"Nakakakilabot!" buong puso kong deklara.

Tumalim agad ang tingin niya sa akin. Sabay pang-asar na ngumisi. "Nakakakilabot pala ah. Tignan natin kung makatikim ka pa ng luto ko ulit."

Ako naman ang nandilat sa kaniya. "Hoy ang pikon! Sinabi ko bang may problema ako sa luto mo? Corny ka bumanat pero ibang usapan ang pagkain!"

"Ako bang mahal mo rito o 'yung pagkaing luto ko?" A carefree laugh escaped his lips.

Maiinis pa sana ako, ngunit nang makita ko na naman ang pagliwanag ng mukha niya ay natagpuan ko na lamang rin ang sarili kong nakangiti. Sabay irap. "Dumbass. Kailangan bang pagpilian pa? O 'di syempre pareho!"

Humagalpak siya ng tawa sa sinabi ko. Sunod ay napapailing na bumulong. "Tiklop."

"Ano?" kunwaring iritable kong tanong.

Kumalma siya sa pagtawa at direktang tumitig sa akin. "Ang sabi ko mahal din kita."

Walang pasubaling tumalon ang puso ko sa narinig kaya't hindi ako
nakabanat agad pabalik.

"Kahit puro chicken lang ang alam mong lutuin," pagtutuloy niya na sinundan muli ng tawa dahil sa masama ko nang tingin.

It's a Friday at since hindi pa naman ako antok dahil sa pagkakaidlip ay napagdesisyunan naming manood ng movie. I'm not a fan of chick lit movies and the likes, kaya ang madalas naming pinanonood ay mga suspense, mystery, thriller o action.

Masarap kasamang manood si Raf dahil bukod sa may taga subo ako ng snacks ay tahimik lang siyang nanonood pareho 'ko, taking in every details of the film and saving his comments and conclusions when the credits roll. Si Mon kasi ay madaldal. Tapos 'pag may na-skip siyang scene magtatanong nang magtatanong kung anong nangyari at anong sinabi. Ang dami pang side comments. Kaya 'pag siya ang kasama ko'y puro gag o romcom movies lang ang pinapanood namin.

Hindi ko na namalayan ang oras. Nang matapos namin ang pangalawang movie at nagpalitan kami ng mga kumento at hinuha tungkol sa napanood ay lagpas ala una na. Mukhang napahaba talaga ang idlip ko kanina dahil hindi pa rin ako dinadapuan ng antok.

As Raf turned off the TV and opened his speakers for some chill songs, the two of us drink beers—pampaantok. He's not really into alcohol but he can manage quite well.

"What's holding you back?" tanong ko matapos maubos ang laman ng pangalawang canned beer. "Be honest with me."

He grinned before turning to face me on the other end of the couch, bahagya nang namumungay ang mga mata. "I'm always honest with you, Lew."

"Wala ka na bang planong umakyat ng barko?"

Pagkahupa ng ngiti ay matagal siyang tumitig sa akin. Sinuklian ko naman ang mga titig niya ng parehong intensidad. Hanggang sa nagbitiw siya ng tingin at nagbuntonghininga. Umangat-baba ang malapad niyang balikat dahil sa ginawa.

"Matagal ko na 'tong gustong itanong sa 'yo..." he said in a serious baritone. Naidiretso ko tuloy ang nakatabinging ulo.

"What is it?" I asked with a hoarse voice.

Mabagal siyang bumaling muli sa akin at sa seryosong ekspresyon ay sinabing, "Panglalaking pangalan 'yung Lewis 'di ba? Why would your parents—"

Nasa kalagitnaan pa lang siya ng pagsasalita ay tumatayo na ako, at handa nang pulutin ang pinakamalapit na pigurin para lang ibato sa kaniya.

"Hey!" Natawa siya pagkasapo sa kamay ko, stopping me from going after something to throw at him.

"Alam mo palala ka na. Ang seryoso ng usapan natin—"

"Calm down, Lew." Namamalat siyang humalakhak. "I'm seriously curious! I want to know! Ba't galit ka agad?"

"Nasakal na kita kung galit ako," angil ko sabay hila pabawi ng kamay ngunit mas humigpit lang ang hawak niya roon. "That was supposed to be Louise not Lewis. Namali ang nurse. Dad liked it so hindi na nila pinalitan!"

Binawi ko ulit ang kamay ko nang manatili siyang nakatingin sa akin. But once again, he refused to let go of me.

I sighed in defeat. "Kukuha ako ng bagong canned beer!"

Imbes na magsalita ay nanatili lamang tuon sa akin ang atensyon niya. Marahan niyang hinila palapit ang kamay ko sunod ay hinawakan ako sa baywang at muling iginiya paupo. Hindi nga lang sa couch kundi sa kandungan niya. Maingat niya akong binalot nang mainit niyang mga bisig. His chin rested lightly on my shoulder. And with my back on his chest, I can feel his fast beating heart along with mine.

"I'm contented with how the way things are going... yet it frightens me at the same time," aniya sa mahinang boses. "I've dreamt of countless future with you but with us being like this right now... parang ayaw ko nang umusod... parang ayaw ko nang umalis sa ngayon... I just wanted to be here... with you."

Months ago, that's how I felt too. At naiintindihan ko. But is it so wrong to not look forward to the future and just live the now?

"Are you saying you don't want to pursue your dream anymore?" Kalmado ngunit may bahid ng kaunting lungkot at pagkabigo ang tinig ko pagkasabi nito. "Raf, you can't just forsake your dream because of us. That's what made you who you are so how can you..." I trailed off with the sudden loss for words.

"Just a little more..." I felt him pressed his lips on my shoulder for a long time, his breathing started to strain. "I just want to be with you like this a little more..."

Tila may hapding humaplos sa puso ko dahil sa sakit na nahimigan ko sa boses niya. It was as if he was in a lot of pain for a long time and is still being haunt by it 'till now. I wonder if it was because of that night when he chose to end things between us...

I never thought until this moment how painful it must've been for him to be the one to decide that. And Mon was right. He's always been the reasonable one between the two of us. But that night changed us both.

"Raf..." His hair brushed on my face when I slightly turn to face him on my side.

Pikit-mata siyang suminghap bago nagbaon ng mukha sa leeg ko. Ang yakap niya mula sa baywang ko ay mas lalong humigpit. And I don't know why but the look of dejection and hurt on his expression breaks my heart.

"Rafiele... what's really on your mind? Sabihin mo sa 'kin..." bulong ko sa bahagyang nanginginig na boses dahil sa nagbabadyang luha. I just hate seeing him like this because everything starts to feel wrong.

Matagal kaming nilukob ng katahimikan bago siya nagsalita. Slowly, he lifted his face and looked at me. Ang pagod at lungkot ay hindi maipagkakaila sa namumungay niyang mga mata.

"I'm just... thinking of... now and then... do you think we will make it?"

Pabiro ko siyang pinagtaasan ng kilay kahit ramdam ko ang kurot sa damdamin. At kahit maging ako'y hindi sigurado sa kung ano ang pinanghahawakan ng hinaharap sa amin ay taas noo ko pa ring dineklara ito, "Are you kidding me? Of course we will!"

Hindi siya muling nagsalita. Nanatili lamang ang pagod sa mga mata niya nang tumitig sa akin.

"How long have you been thinking about this?" The words sounds nostalgic as soon as I uttered them. Because way back, he used to be the one asking me that.

Imbes na sumagot ay umiling lamang siya at bahagyang ngumisi. Magbabaon sana muli siya ng mukha sa leeg ko, ngunit bago pa man niya iyon magawa ay sinapo ko na ang pisngi niya. Bumitiw siya ng yakap nang bahagya akong tumagilid ng upo para lang maharap siya nang maayos. Ang braso niya ay nanatili sa baywang ko. The other one's now resting on my lap.

I cupped his face with both my hands and slightly squeezed it inward, making him pout involuntarily.

"Lew." His voice came out muffled.

"My cute little fiend." Pinisil-pisil ko ang pisngi niya. I even pinched it to force a smile on his face. Kumunot bigla ang noo niya kaya't natawa ako sa naging itsura niya. Ngiting simangot.

Mukha pa siyang aangal sa pinaggagawa ko, ngunit nang makita ang katuwaan ko'y humupa ang pagkunot niya ng noo. Tumitig siya sa akin habang maingat kong hinahaplos ang pisngi niya, as if I was trying to straighten the wrinkle I caused from pinching him. I was smiling then. Ngunit nang natitigan ko ang bawat parte ng mukha niya ay unti-unting naglaho ang ngiti ko.

This is Rafiele Hernandez, the man I love. The one I plan my future with. And the only one whom I wanted to spend my now and thens.

"Why are you crying?" He suddenly sounds worried as he brushed his thumb on my cheeks, to whisk away the tears I didn't even know I shed.

Umiling lamang ako dahil maging ako'y hindi sigurado sa sagot. Binitiwan ko siya upang punasan ang mga natirang luha ngunit tila hindi ito maubos-ubos.

"Lew," aniya sa malambing na boses. Muli niya akong tinulungang magpalis sa hindi magkamayaw kong mga luha pagkatapos. "Hey, what's wrong?"

"Ikaw kasi eh," parang bata kong anas. At nang sa wakas at natanto kung bakit ay sinabi kong, "You affect me so much. Seeing you happy made me twice as glad. And seeing you in pain..." I trailed off as my throat tightened because of new tears.

I heard him chuckled softly as he pulled me closer from my waist for a hug. He buried his face on my neck and both his arms stayed firm on my lower back. Parang hangin ang boses niya nang sinabi ito, "I'm sorry..."

The warmth of his breath against my skin are a bit ticklish but I didn't move away. Instead, I crouched a little and rest my arms on his broad shoulders. Nang mapansin niya ito'y nag-angat siya ng tingin sa akin. And when our eyes met, I knew at the time that we both discerned what will happen next.

I crouched a little more to reach for his lips. He slightly look up and gladly welcomed mine with a slow, painstaking kiss. Tinalunton ng isa niyang palad ang likod ko pataas hanggang sa leeg. Hinaplos niya iyon patungong batok ko nang unti-unting lumalim ang mga halik na binabalik ko sa kaniya. He lightly squeezed my nape and pulls it closer as he kissed me thoroughly.

Para akong malalagutan ng hininga dahil sa sobrang bilis ng pagpintig ng puso ko.

Humawak ako sa magkabilang balikat niya bilang suporta nang inalalayan niya ang pag-upo kong paharap sa kandungan niya. Tumigil siyang sandali sa paghalik para lang titigan ako gamit ang mapupungay na mga mata at awang na mga labi. Both of us are catching our breaths.

Sa namamalat at bahagyang nanginginig na boses ay buong puso niya itong sinambit, "I am in love with you, Lewis... heretofore... now and then... always."

A smile slowly crept on my lips as I try to fathom how a feeling can possibly be felt intensely like this. How a single touch from him can burn down so many sorrow, anxiety and fear I have for the unknown road we're about to take.

Muling sumikip ang lalamunan ko ngunit kahit nahihirapan ay pinilit kong sabihin ang mga salitang pinagsusumigawan ng buong pagkatao ko. "I've never been in love, Rafiele... not before you and most definitely not after... ikaw ang simula at ikaw rin, ikaw lang... hanggang sa pagtatapos..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top