18 : This
Montanga:
You get back together?!!
Ohemgee sabi ko na
Malandi ka!!! Hahahahaha kidding
Love you, Lew! I'm happy with whatever brings you happiness. You know that. Gaga, I even cried with you that night when you two broke up!!
You:
Lukaret
I know haha
Montanga:
But what's your plan if he leave again? I mean yung set-up niyo. He's going to be far away for a long time. Kaya mo ba?
You:
He stopped taking care of his on boarding documents for the mean time. Said he's gonna stay here for a few months. And we already talked about our whole set up
Losing him once is more than enough for me to make sense of how significant he really is in my life
Yikes. Corny ko narin tuloy hahaha
Pwede bang mag-unsend ng text?!
Urgh! Delete mo na nga lang! Hahahaha
Just don't let him read this kundi patay ka sakin
Montanga:
Ay na-screenshot!
Hala naforward din?!
Typing na Raf mo! Hahahahaha
You:
Have you lost your passion for life, Monica?
You wanna die that bad?
Montanga:
Hahahahaha pikon ng gaga
I love you, Lewis
Pero sinend ko talaga kay Raf screenshot ng texts mo hahahahaha!
"What the?!" Wala sa oras akong napabangon mula sa prenteng pagsandal sa couch, dahil sa huling text ng lukaret na si Monica at dahil sa pag-vibrate ng phone ko sa tawag ni Raf.
Sandali pa akong napapikit nang mariin at napamura bago ito sinagot.
"Hey." I tried to sound as casual and as innocent as I can. Ngunit nang narinig ko ang marahan at namamalat niyang paghalakhak mula sa kabilang linya, hindi ko na napigilang ngumiti at makaramdam ng kahihiyan.
Monica that blabbermouth! Lagot talaga siya sa 'kin 'pag nagkita kami ulit.
"Hey... I heard there's this significant someone in your life or something? Sinong ungas ba 'yon? Curious lang ako, kilala ko ba?"
"Oh my God, Rafiele, shut up." Natatawa sa hiya kong nasapo ang mukha.
He drawled out a soft chuckle. "O, nagtatanong lang ako tiklop ka na agad. I remember you being assertive way back in high school—"
"I'm hanging up—"
"—with your boyfriends. Lalo na 'yung pinaka-recent bago ako. What was that douche name again? Ang alam ko, nagsi-start 'yon sa letter P eh."
"Rafiele!" I tried to shut him up with my stern voice but the fiend just keeps talking like he can't even hear me talking.
"Ah! Si Paul! Ka-batch mo 'yon 'di ba?" matabang ang boses niya pagkasabi nito. "That guy was always all over you back in the days. Naalala ko pa nga hanggang retreat kung makayakap sa 'yo 'kala mo kayo pa rin ng ungas. Muntik nang nagka-cancer mata ko!"
Pinigilan ko ang mapangiti and instead I spat out, disbelieving, "How could you even remember him? And why are we talking about this?"
"Trip down memory lane?"
"Is that sarcasm?"
Tanging katahimikan ang sinagot niya sa akin mula sa kabilang linya.
"Hello? You dead?" I scoffed.
"Losing you once is more than enough to make sense of how empty my life would be without you in it..."
Tila nangapos ang hininga ko dahil sa biglaan niyang bulong, ang paghihirap ay dinig ko sa tinig niya. Kabaligtaran ng mapang-asar niyang boses kanina lang.
Ang hiya at anumang nadama ko kanina'y agarang napalitan ng lungkot. Lungkot dulot ng sobrang kaligayahan.
"I love you, Raf..." Nabasag ang boses ko dahil sa bukol na namuo sa lalamunan. Ramdam ko na rin ang pamumuo ng mainit na luha sa gilid ng mga mata ko.
At hanggang ngayo'y hindi ko pa rin matanto, kung paanong siya lang ang may kayang magparamdam sa akin ng mga emosyong salungat nang magkasabay. Saya at lungkot. Kaba at kampante. Inis at tuwa.
I heard him gasp violently from the other line. Ilang sandali pa muna siyang natahimik bago sa wakas ay muling nakapagsalita. "I always wonder why you never said those words often... or whenever we talked on the phone... and I guess I have my answer now."
Lito akong napakurap sa turan niya. "And what is it?"
Imbes na sagutin ang tanong ko'y sinabi niyang, "Care for some midnight stroll and icecream?"
"I'll wait for you outside." I smiled.
"So what is it?" tanong ko sa kaniya nang huminto kami sa mataas na part ng kalsada. There was a view of the city lights below, in front of us.
I opened the door of the passenger seat and let one of my foot dangle a bit. Habang hawak ang cup ng blizzard ay pinanood ko ang pagsandal ni Raf sa pinto ng backseat, sa gilid ko. He scooped a spoonful on his own blizzard and stacked it in his mouth.
"Ang tagal naman ng sagot," my impatient ass complained.
Umuga ang balikat niya bago ako nilingon sa tabi habang kumakain. "You've been thinking about that this whole time?"
Simple at sigurado akong tumango.
Nang nagtagal ang tingin niya sa akin ay unti-unting kumurba pataas ang magkabilang sulok ng mga labi niya. His eyes turned into slits as he said, "This."
"This?" lito kong ulit.
He nodded idly. And with emphasis, he said again, "This..." Sabay maniobra sa overlooking city lights hanggang sa huminto ito sa akin. "Hearing you say those words to me makes me want to be with you so badly I don't think I can bear not to."
Pumungay ang mga mata ko nang magkatitigan kaming dalawa. Suddenly I was reminded of the years we've been together and it made me realize how much we've been through.
"Mahal kita, Lewis... parati. Sa bawat araw." Ang magkahalong sakit, lungkot at bahid ng takot ay nahuli kong nagdaan sa mga mata niya. At alam kong sa mga oras na iyon ay pareho kami ng nararamdaman.
"The last time you said that, you broke up with me." Itinawa ko ang kirot na nadama, hindi dahil sa pag-alala kundi dahil sa pag-iisip ng mga bagay na maaaring magbago at maglaho sa hinaharap.
I don't know what the future has in store for us. And it is in not knowing that makes us look forward with each passing day. But as time passes by, the more I wish that it stays still. The more I spent and lost a moment shared with him, I can't help but asked for time to stop and be stuck with now. With him. With us. With this.
Imbes na sumagot ay yumukod siya palapit sa akin at mabilis akong pinatakan ng halik. I wasn't expecting that because I just ate a spoonful of ice cream!
He chuckled with my surprised expression while wiping the side of my mouth for ice cream stain.
Para naman akong mabubulunan sa kinakain nang manatili ang kamay niya sa pisngi ko, pati nang lapit ng mukha niya sa akin. Tumitig siya sa mga mata ko nang tagus-tagusan. Na para bang gusto niyang alamin ang lahat ng lakas, kahinaan at depekto ko at handa niyang tanggapin ang lahat maging anuman iyon.
Sa malamyos at nanghihinang boses ay sinabi niyang, "Never again, Lew... never again."
He leaned again and slowly brushed his lips on mine. I can feel my heart breaks and reconstruct with every small movement his lips made.
All my life I've never been this scared to lose anything significant... and only Rafiele taught me how.
Summer was over and the new school year starts. At nang nasa kalagitnaan na ng sem at mukhang wala talaga siyang balak na umalis ni mag-ayos ng mga dokumento ay kinausap ko na siya at sinabing ayos lang iyon. Na hindi niya kailangang itigil ang pangarap niya o ang anumang gusto niyang gawin dahil lang sa akin o sa amin. I told him dozens of times to go but he just wouldn't. Hindi naman sa ayaw kong narito siya. Ang ayaw ko lang ay mahadlangan ng kung anong mayroon kami ang mga pangarap at pinaghirapan niya.
Not long when he started teaching swimming lessons at may kumontrata sa kaniya para maging instructor for the mean time. And I was surprised that he accepted it. He even moved next to Mon and I's apartment! At mas madalas pa siya sa amin kaysa sa sarili niyang unit. Akala mong storage lang iyong apartment niya dahil sa dalang niyang mag-stay doon. Noon ay ni ayaw niyang magpaabot ng gabi sa amin samantalang ngayon ay madalas na siyang mag-stay over!
This is so not like him. But I guess these are some of the things that changed in him after our break up...
"Don't you find it weird?" tanong ni Mon isang beses habang kumakain kami ng breakfast.
Raf is doing his daily run so he's out.
"What weird?" tanong ko.
Mon made a small shrug after taking a bite on her toast. "How you two turned upside down? I mean, you used to be clingy towards him. Gusto mong lagi siyang kasama. 'Di ba nga ayaw mo pa sana siyang paalisin noon para sa seagoing niya? Ngayon ikaw 'tong nagpipilit na umalis siya. And the same goes for Raf! He used to be the reasonable one but look at him right now."
Sandali akong natulala habang ngumunguya, I'm not really thinking at all when I blurted out, "Do you think we've grown apart?"
"I'm not sure... pero siguro ganoon talaga? Every relationship needs to be balanced out. May mga panahong maaaring mas mahal mo siya o mas mahal ka niya. Tulad ng may mga panahong may isang dapat maging mas matibay kaysa sa isa para mapanatiling matatag ang pundasyon..."
"It's morning, isn't it?" Tamad ko siyang tinapunan ng tingin.
Tumango si Mon sa akin, bahagya pang nalilito.
"Then why are you talking like it's already in freaking vulnerable hours?"
Tanging ngiwi at sarkastikong tingin lamang ang isinukli sa akin ng lukaret. Ako nama'y walang emosyong nagpatuloy lang sa pagkain. I'm not really sure why I don't always feel like talking or thinking hard early in the morning. Gusto ko lang talagang tumulala habang ginagawa ang mga routine ko hanggang sa tuluyang magising ang diwa ko.
"Mornings," iling ni Mon sa sarili na tila pinapaalalahanan ang sarili sa nakalimutang simple at given na bagay.
"Lew, you in this weekend?" tinanong ako nito ni Jake nang wala pa ang prof namin para sa last subject.
"Can't." Apologetic ko siyang tinapunan ng tingin. Sabay ngiti. "Next time."
Napangiwi ito sa turan ko na para bang masakit na sa taingang marinig ang salitang iyon sa akin. "Kung napapanis lang 'yang next time mo, inaamag na 'yan! You've been saying that for months now, Lew. At ni isang beses ay hindi pa nagkatotoo!"
"Is it because of Raf?" tanong nang kababalik galing sa CR na si Lucile pagkaupo sa tabi ko. "We don't mind, you can bring him with you."
"Salawahan 'to si Cil, 'no JK? Ikaw daw ang manok pero nung makita boyfriend ni Lewis tinakwil ka agad, pre?" lingon ng nakaupo sa harap naming si Raul.
"Walang may kailangan ng opinyon mo rito, Raul," walang emosyong turan ni Lucile dito.
"I'm not talking to you though." Raul make weird faces at Lucile's blank expression.
"Drop dead." Jake and I laughed at Lucile's nonchalance as she said this.
"Iba talaga ang pagmamahal sa 'kin ni Cil," may ngising iling ni Raul.
"But seriously, Lew. If it's really about Raf, he can tag along with us," baling ni Denise sa amin mula sa tabi ni Raul.
"Pero kung mas prefer mo na mag-spend ng time with just him... we understand," turan naman ni Nicole mula sa tabi ni Denise. "Two's company... three's a crowd," kibit-balikat pa nito.
Everyone turned to her with a blank expression. Para tuloy silang nag-face app na ang filter ay mukha ni Lucile.
"What?" tanong ni Nicole sa pagtataka habang isa-isang tinitignan ang mga ekspresyon nito.
Natawa tuloy ako. "Thanks, Cole."
Diretso akong umuwi nang natapos ang five hours class na iyon para sa isang major subject. Drained ang utak pati nang energy ko ng hapong iyon kaya't sandali akong naupo sa couch at nagpahinga. Hindi ko namalayang nakatulog ako roon. Naalimpungatan lamang ako nang maramdaman kong may marahang humalik sa noo ko. I was already laying down on the couch with a blanket covering me. At nang tuluyan akong dumilat ay nakita ko kaagad si Raf.
Mas lalong nanlambot ang ekspresyon niya nang magtama ang linya ng mga mata namin. He was beside the couch and looking intently at me while sitting on the floor. Ang siko niya ay nakapatong sa mini table at ang ulo'y nakadantay sa likod ng palad.
Isang mahinang ngiti ang umusbong sa mga labi niya habang pinanonood ang pagbangon ko. "Good morning, princess."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top