15 : A friend
"Rafiele? What are you... doing..."
Hindi ko alam kung lasing lang ba ako o totoong narito siya ngayon sa harap ko. Gulat tulad ko ngunit nag-iigting ang panga at ang galit ay nagbabadya sa ekspresyon.
I was frozen in my seat with disbelief, shock and a punch of guilt—na naramdaman ko lang nang dumapo ang galit na mga mata ni Raf sa katabi kong si Jake. Ang buong akala ko'y susugurin niya ito at susuntukin ngunit nagbalik lamang ang galit niyang mga mata sa akin. His fists are clenched so tight that his knuckles almost turn white.
"Ito ang pinagkakaabalahan mo habang wala ako?" Ang sobra-sobrang galit at dismaya ay bakas sa boses niya gayunpama'y nanatili itong mababa.
Gulong-gulo ako sa nangyayari. I don't know what to believe, dahil baka gini-guilt trip lang ako ng isip ko at wala naman talaga rito si Raf. I mean, how could he be here? He was on the ship for a year! Halos lagpas anim na buwan pa lang siya roon kaya paanong narito siya ngayon sa harap ko? At sa lahat naman ng pagkakataon ay ngayon pa?
For all the times I thought about him going home, this isn't one of the many scenes I was picturing in my mind!
"Raf..." Nahilo ako agad sa biglaang pagtayo. I felt Jake's hands on my arm and back, supporting me to stand still when I almost stumbled on my feet.
"Careful."
Pagkabaling kong muli kay Raf ay mariin na siyang nakapikit, nagpipigil at tila nahihirapang suminghap. Umiigting pa rin ang panga, dumilat siya at sumulyap sa akin sa huling pagkakataon bago dismayadong napailing. I heard him utter some curses then. At sa mabibigat na yabag ay mabilis siyang tumalikod at umalis, 'di alintana ang pagkakabangga sa ilang nakakasalubong.
"Is that Rafiele? He's already back?"
Ramdam ko ang pag-drain ng dugo sa mukha ko dahil sa tanong ni Jake. He saw him too. That means Rafiele is really fucking here!
"Raf!" Natataranta ko itong sinundan sa kabila ng hilo ko. He was walking real fast the same way his broad shoulders are going up and down.
"Lewis!" Ni hindi ko nakuhang sulyapan si Jake sa kabila ng pag-aalala sa boses niya. Nagpatuloy lamang ako sa pagsunod kay Raf.
Ang buong akala ko'y naiwala ko siya ng paglabas ko ng club ay hindi ko siya nakita. Sinuyod ko na ng tingin ang kalsada ngunit wala talaga siya. Until someone yanked me from my wrist. Aapila pa sana ako kung hindi ko lang nakitang siya iyon.
He's here. I still can't believe my eyes. And seeing him again after more than six months, wala akong ibang naiisip gawin kundi ang yakapin siya hanggang maubusan kami ng oras. But he's really mad. And I'm very guilty.
"Raf..."
He dragged me where his car is. Ramdam ko ang galit niya dahil sa higpit ng hawak niya sa pulso ko. Hindi rin siya nagsasalita at tanging mabibigat na paghinga lamang niya ang naririnig ko.
"Raf, please, can we talk this out?" halos pakiusap kong sabi.
Bumaling siya sa akin pagkahinto sa paglakad. Halos mapaatras ako ng masalubong ko ang mga mata niyang walang ibang emosyon kundi purong galit. The gentle Raf I know is nowhere to be found. He's almost as if a different person in front of me now.
Parang gustong bumigay ng mga tuhod ko sa panghihina.
"Don't say anything until I asked you to. Now get in the damn car, Lewis. Mag-uusap tayo pagkauwi." Nagulat ako sa rahas ng boses niya pagkasabi niyon kaya't ilang sandali pa akong natigilan.
I did what I was told a moment later. Tahimik siya buong byahe pauwi sa apartment namin ni Mon. He wore a grim expression and his piercing eyes are fixed on the road. Mahigpit rin ang hawak niya sa manibela at bahagya siyang namumula. Mabigat ang bawat pagbuga niya ng hangin at ang pagpapatakbo niya'y mas mabilis kaysa sa normal. Ni isang beses ay hindi niya ako tinapunan ng tingin sa kabila ng maya't maya kong sulyap sa kaniya.
Pagka-park ay dali-dali siyang lumabas ng sasakyan at nagdiretso sa loob, walang lingon. Sumunod ako sa kaniya agad. Maingat kong isinara ang main door sa likuran ko nang makita kong naroon siya sa sala at nakatayo, naghihintay. Nakaharap siya sa salaming bintana at nakatalikod sa akin ngunit nakita kong hindi na siya ganoon kagalit. Naintindihan ko kaagad kung para saan ang tahimik naming byahe. It was for him to calm down and to collect his thoughts. And also for me to sober up so we can talk this out calmly—hopefully.
"I-I didn't know you'd be here... may... nangyari ba sa sea going mo? Why are you... why are you here, Raf?" Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, takot na makagawa ng kahit kaunting ingay.
"You're making out with that guy while I'm not around?" aniya sa matigas na baritono. And though he doesn't sound as angry just like a while ago, rinig pa rin sa boses niya ang galit at nag-uumapaw na dismaya. "I bet you're with him with your escapades too, isn't he? Jake was it? Birthday niya 'di ba? 'Yung halik ba ang regalo mo sa kaniya? Katulad ng regalo mo sa 'kin ng graduation ko noon? Wala ka ring naisip na iregalo sa kaniya, gano'n ba?"
I bit my lip with the sound of sarcasm and bitterness dripping in his voice.
"It's only been six months, hasn't it? Six months. And yet..." Pagak ang tawa niya nang panandaliang natigilan. "Paano pa pala kung hindi ako umuwi ngayon at idiniretso ko ng isang taon? Ano na lang kaya ang uuwian ko rito?"
"He's just a friend, Raf."
"Don't give me that bullshit, Lew!" sigaw niya bigla ng hinarap ako, animo'y natuluyan sa pagsabog ang galit na kanina pa niyang tinitimpi.
Namimilog ang mga mata sa gulat kong sinalubong ang galit na nag-aalab sa kaniya. His brows are furrowed and his breathing strained. At sa kabila ng dim lights ay nakita ko pa rin ang muli niyang pamumula.
I tried not to choke on the lump growing in my dry throat.
"I know how easy it is for you to replace someone, high school pa lang tayo! Nakita ko kung paano mong paglaruan at bitiwan ang mga lalaki kung kailan mo gusto! Pero nagtiwala ako sa 'yo! Sa atin!
"Lew, anim na buwan lang akong nawala..."
I can feel the guilt lingering and slowly eating me up. At wala akong ibang magawa roon kundi ang pumikit at magsisi.
"Am I a fool to believe that you're no longer that kind of girl anymore? Because the almost four years we've been together told me so. At 'yung ilang taon na 'yon, sisirain lang ng anim na buwan?"
Umiling ako. I tried to say something but my lips tremble and soon after, my tears start to fall.
"Alam mo ba? Na halos luhuran ko ang superior ko para lang payagan akong umuwi kahit isa o dalawang araw?! I endured not having to get in touch with you in a whole week because I was busy working double time to have this privilege! Hindi ko sinabi dahil gusto kitang surpresahin pero ito ang aabutan ko?! Ako pa pala ang masosorpresa?!" Pula ang mga mata niya sa magkahalong galit at pait ng isigaw ito.
I still couldn't utter a single word as I felt my heart sank after hearing what he said. Realizing how selfish I've been for only thinking about what I feel without even knowing that all along he has his own sufferings too.
"And yet I was stupid enough to think of countless scenarios of you, running towards me and me taking you in my arms and finally... finally holding you after more than six months of sleepless nights being apart..." My heart sank more when I heard how his voice broke in pain.
Nasapo ko ang mga bagong luhang tumulo. Ang puso ko'y tila nalunod na sa kailaliman at 'di na kayang bumangon. Ngunit sa pagitan ng hindi makontrol na iyak ay sinubukan ko muling magsalita. "I'm sorry... believe me, Jake's just a friend... I was drunk at n-nalulungkot ako dahil wala ka. Raf... Raf, please walang ibang ibig sabihin—"
"Don't try to blame it on anything, Lew. Ginawa mo 'yon, choice mo 'yon. And your choice is to cheat on me!"
"Rafiele, no!" iling ko.
Lumapit ako sa kaniya at sinubukan siyang hawakan sa braso ngunit nagtaas lamang siya ng mga palad sa ere, pikit-matang umiiling habang paulit-ulit na nag-iigting ang panga at tila nagpipigil.
"I'm sorry," iyak ko na lamang pagkasapo sa nanginginig na mga labi. "Raf, I'm sorry, forgive me please, I'm so sorry..."
He shook his head again, eyes still shut. Makalipas ang ilang sandali ay nagmulat siya ng mga mata at diretsong tumitig sa sahig, as if he can't bear looking at me.
"I was watching you... gusto ko nang sumugod pinapanood ko pa lang kung paano ka niya titigan. Pero hindi eh. May tiwala ako sa 'yo. Hindi mo magagawa sa 'kin 'yon. But who am I fucking kidding? You kissed him back, Lew. You fucking kiss that guy with your own volition!" He scoffed heatedly. "Ni hindi ka pinilit ah? Hindi ka rin nagreklamo? You fucking liked it! At hindi ko maiwasang isipin kung ilang beses n'yong ginagawa 'yon habang wala ako!" Nasapo niya ang ulo at marahas na pinadaan ang mga darili sa buhok dahil sa labis na panggigigil at galit. Mabilis ang pag-angat baba ng dibdib niya dahil sa rahas ng paghinga. Ni hindi na niya ako magawang tignan diretso sa mata.
"Raf—"
"Sa tanang buhay ko hindi ko pa kailanman ginustong manakit ng kahit sino nang ganito katindi. And I don't think punching that guy will suffice. Tangina, hindi ko alam kung anong nagawa ko kanina kung hindi ako umalis do'n." Isang mabigat na buntonghininga ang nahihirapan niyang pinakawalan, bago sa wakas ay nagpako ng tingin sa akin. His bloodshot eyes are in deep pain and agony as it bore into mine.
Parang pinupunit ang puso ko nang paulit-ulit.
"I wonder how you can do it... how you can kiss someone heedlessly without thinking of me. Kasi alam mo sa lahat ng bagay na gawin ko, mismong pagtupi ng damit kong sinuot mo, Lew, naiisip kita—sa lahat.
"Naiisip ko kung anong magiging reaksyon mo 'pag nakita mo 'tong lugar na 'to. 'Pag napakinggan mo 'tong kantang 'to. 'Pag nasubukan mo 'tong bagay na 'to. Ano kayang sasabihin o iisipin mo 'pag sinabi ko sa 'yong gabi-gabi hindi ako nakakatulog kaiisip kung ano nang ginagawa mo o kung ano nang naiisip mo?" He stopped for a violent gasp. "I can tell you all day about how I think of you and how I try to find a you in everywhere and yet the day won't be enough to tell you everything. Kasi ikaw lang naman ang dahilan ko sa lahat ng bagay, Lew. Ikaw lang..."
I reached for his arm again and this time he didn't move.
"I'm sorry..."
Niyakap ko siya nang mahigpit mula sa baywang at hinayaan lang niya ako. Ang iyak ko'y walang awat pati nang pagsisising nadarama.
"T-There was never anyone after you... ikaw na lang, Raf... Ikaw na lang..." sabi ko sa pagitan ng paghikbi habang pikit-matang nakabaon ang mukha sa dibdib niya.
"And how do you think I would believe that after what I saw, Lew?" sa dating malamyos na boses niyang turan. I can feel his fast beating heart with his ragged breathing through his chest. "Gusto kong maniwala sa atin pero paano ko 'yon gagawin kung mawawala ako at kailangan ulit kitang iwan?"
Pumikit ako nang mariin at mas hinigpitan ang yakap sa kaniya.
"Anim na buwan pa ulit, Lew. At kung sa tingin mo hindi mo na kayang mag-commit sa relasyong 'to, siguro mas okay kung tapusin na lang rin natin 'to—hangga't maaga. You wouldn't want to marry someone you aren't sure of, right?"
Halos literal kong maramdaman ang pagguho ng mundo ko dahil sa mga binitiwan niyang salita. Sa kung paano niyang nasabi iyon nang buo at walang pag-aalinlangan. Like he's been thinking about it for a while now and he's made up his mind.
But... no... He can't be serious, right? Raf would never say that! He would never leave me! He would... never...
Wala sa oras akong napabitiw ng yakap sa kaniya.
"Raf, no. No..." Mas lalo akong naiyak ng mag-sink in iyon sa akin at ng makitang seryoso siya roon. Halos maging pakiusap ang paulit-ulit kong pag-iling matapos sapuhin ang mga braso niya.
"Bukod sa galit ko at kagustuhan kong saktan ang lalaking 'yon kanina, alam mo kung ano pang naisip ko?"
Patuloy akong umiiling at hindi makapagsalita dahil sa paghikbi.
"I can't stop thinking about the way you look at him. Kasi gano'ng-gano'n ka tumingin sa 'kin..." Nabasag ang boses niya sa huling pangungusap. At tila hindi pa sapat ang pagkakadurog din ng puso ko ng animo'y walang awa itong minaso hanggang sa maging pulbos.
I wanted so bad to tell him it's not true, to assure him that he is and always have been the one. That he's just seeing things because he's furious. Pero sino bang niloloko ko rito?
"You like him, I can see that. At siguro nga hindi lang anim na buwan ang pinag-uusapan natin dito, dahil higit isang taon mo rin siyang nakasama... and in those times, you've been with him more than we're able to be together. At siguro mas masaya ka 'pag siya ang kasama mo. Siguro hindi mo lang alam pero napapagod ka na rin sa 'kin... siguro nasanay ka na lang sa atin... Kaya naiintindihan ko. I am trying to see reasons, Lew. At kung magmamahal ka ng iba... maiintindihan ko."
"Raf, no, mahal kita!" I cried. At sa wakas ay nagawa ko ring aminin ito, "I like him pero ikaw ang mahal ko!"
Tumahimik siya sandali. I was crying so hard but when I looked up at him, nakita ko kung paanong paulit-ulit nagdaan ang sakit at pagkawasak sa mga mata niya. I wanted to be honest with him. Ngunit nang nakita ko kung paano siya naapektuhan nito'y parang gusto kong bawiin dali-dali ang nasabi.
"Maiintindihan ko," halos bulong niyang sabi at tila kinukumbinsi ang sarili. Ilang singhap pa ang ginawa niya at nakikita ko na ang pagkislap ng mga mata niya dahil sa namumuong luha.
And that... broke everything that's breakable inside of me.
"Raf, hindi naman gano'n... Raf, please makinig ka muna sa 'kin—I was in the wrong, I'm sorry—hindi ako nag-isip, I'm so sorry... Raf... please... don't think like that..."
Hindi ko na alam anong uunahin, ang magsalita para magpaliwanag o ang umiyak. Dahil lahat ng piraso ko'y pakiramdam ko nagkalat na kung saan. Wasak na wasak na ako ngunit gusto ko pa ring marinig sa kaniya, katulad ng dati, na magiging ayos ang lahat, na magiging ayos kami. Na hindi pa ito 'yon. Na may bukas pa kami at hindi kami magtatapos lang dito.
"Matagal ko nang nararamdaman 'to pero ngayon ko lang sinabi dahil ayokong isipin mong masyado akong territorial. I don't want to own you all for me because that's not what loving meant... I don't want you to feel caged... I don't want to hinder you from growing, from everything... because there's so many things I want for you... pero hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng sobra-sobrang selos at tingin ko hindi na maganda 'yon... that thing is starting to tear us apart with our situation. And things will only get worse if we always choose to turn a blind eye instead of trying to fix it.
"That's why I think we both need some growing up to do... and that we should do it separately." His voice was clear despite his intake of a shaky deep breath.
"Mahal rin kita, Lewis... alam mo 'yon... but I think it's best if we just end things here and give each other time and space to think things through." Pula ang mga mata niya buong sandaling pako ang tingin namin sa isa't isa. Ngunit ngayo'y hindi na dahil sa galit kundi dahil sa pagod.
Hindi ko halos naramdaman ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko ng matulala ako sa mukha niya. Ang hawak ko sa braso niya ay dahan-dahang lumuwag, hanggang sa unti-unti ko iyong mabitiwan.
I've never felt this wrecked my entire life. Ngunit hindi pa pala iyon 'yon. Hindi pa pala iyon sa paghikbi ko't pagsabing 'wag niya akong iwan, habang pinapanood ko siyang lumakad paalis. Hindi pa pala iyon sa paghinto niya sandali at pag-akmang lingon sa akin na animo'y gustong bawiin ang nasabi. Hindi pa pala iyon sa tuluyan niyang pag-alis at pagsarado ng pinto sa pagitan namin.
Umiyak ako buong gabi ngunit ang sakit na naramdaman ko ng gabing iyon ay walang-wala sa tuwing sasagi siya sa isip ko. Sa tuwing gigising ako sa umaga at maghahanap ng text mula sa kaniya at malamang wala akong natanggap. Sa tuwing may pupuntahan ako at aktong magtitipa ng mensahe para ipaalam sa kaniya ngunit matitigilan. Sa tuwing makakakita ako ng mga batang naglalaro at maiisip ko siya. Sa tuwing maaalala ko kung paano siya ngumiti sa akin. Sa kung paano niya ako niyayakap tuwing umiiyak ako. Kung paano niya ako napapakalma. Kung paanong siya ang naging ginhawa at tahanan ko sa nakalipas na mga taon ngunit bigla na lang gumuho at naglaho ang lahat.
The dreams I built with him crumbled together with everything. Para akong batang naligaw sa isang malawak na gubat. Hindi ko alam saan magsisimula. I was scared as hell to move forward because I know nothing without him. I know no future if that doesn't include him in it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top