13 : Stay

Madalas si Raf sa apartment namin ni Mon tuwing weekends at doon na rin siya gumagawa ng ilang projects, reports at assignments niya. But he never stayed the night. Kahit anong pilit ko, ayaw niya talaga. Kahit pa halos bagsak na siya sa pagod at antok ay uuwi pa rin siya.

But when the summer came and his seagoing are closing in, araw-araw na kasama ko siya'y mangiyak-ngiyak ako. Knowing that he'll be gone for an entire year. Isang taon 'yon! Hindi ko lubos maisip na hindi ko siya makikita nang ganoon katagal. Parang pakiramdam ko'y magbi-break kami. Naiisip ko pa lang ay nalulungkot at nasasaktan na ako.

Ngayon ngang nagkikita pa kami'y madalas ko siyang nami-miss. Ano na lang kung isang taon?

"Can't you just stay the night for a change?" Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko itong tinanong sa kaniya. But his answer stays the same. Isang ngiti at iling.

Ilang sandali akong tumitig sa kaniya bago ako nagbitiw ng tingin at tumayo nang hindi na iyon natagalan.

"Lew." Malambing niyang sinapo ang kamay ko at hinaplos.

Nakatayo na ako nang binalingan ko siya. I swallowed the bile on my throat and flashed my nonchalant expression. "Ubos na 'yung snacks, kuha lang ako."

"You okay?" Parang pinipiga ang puso ko sa malamyos at puno ng pag-aalala niyang boses.

"Yeah," kaswal kong tugon. Tumitig pa siya sa akin ng ilang sandali bago ako tuluyang binitiwan.

I went to the kitchen with the empty bowl. Inilapag ko ito sa table at nag-umpisa nang salinan ng mga assorted snacks. Ngunit habang ginagawa ko iyon ay unti-unting nanlalabo ang mga mata ko. Binalewala ko iyon at nagpatuloy sa pagsalin. Ngunit nang hindi ko na halos makita ang bowl sa harap ay 'tsaka lamang ako natigilan.

My shoulder trembled as my tears continuously and uncontrollably fell. Nasapo ko ang mga labi para sa mga hikbing ayaw paawat. Pakiramdam ko'y unti-unting gumuguho ang mundo sa harap ko at wala akong magawa.

"Lew..."

Palingon pa lamang sana ako ngunit natigilan, nang maramdaman ko ang dahan-dahang pagbalot ng mga braso ni Raf sa baywang ko mula sa likuran. Pilit kong sinubukang tahanin ang sarili at sabihin sa kaniyang ayos lang ako, ngunit dire-diretso ang bagsak ng mga luha ko. Mas lalo lamang akong naiyak ngayong narito siya. Dahil naiisip ko palagi kung hanggang kailan—at kailan ko ulit siya makikita at mayayakap nang ganito.

"Lew..." He pressed his lips on the side of my head for a long time. "Lilipas din 'yon ng 'di mo namamalayan... I'm back before you knew it," malambing niyang bulong sa akin bago nagbaon ng mukha sa balikat ko.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sobra-sobrang pag-iyak. Hanggang sa maramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya mula sa baywang ko.

"I'll text you from time to time... if you're free at night, I'll call..." Halos makiliti ako dahil sa init ng hininga niya sa balikat ko. "Stop crying, please."

"T-That's a y-year!" tanging nasabi ko sa pagitan ng pagsinok mula sa paghikbi.

"It's only a year." Inangat niya ang isang braso't ipinulupot sa dibdib ko. He kissed my shoulder and lightly squeezed my arm. "Mabilis lang 'yon..."

"Sa'n bumilis 'yon?!" angil ko.

His chest quivered when he chuckled under his breath. "I'll miss you..."

"Pero aalis ka pa rin!" parang batang pagmamaktol ko, kahit naiintindihan ko kung bakit kailangan niya itong gawin.

"Sandali nga lang 'yon." He squeezed my arm again, ang yakap niya sa akin ay mas humigpit.

"A year is a long time, Raf. Hindi natin alam anong mangyayari sa loob ng isang taong 'yon! Malay mo pagbalik mo hindi mo na ako gusto... o may makilala ka ro'n o baka—"

"O baka ano?" Nagulat ako sa mariin niyang pagkakasabi nito. "Na baka may magugustuhan kang iba habang wala ako?"

Hindi ako sigurado kung ako lang ba o talagang naramdaman kong humigpit ang pagpisil niya sa akin, na halos masaktan na ako. Inangat niya ang mukha mula sa pagbaon niyon sa balikat ko. His strained breathing are now more audible as he put his lips closer to my ear.

I gulped when his gesture made my heart took a leap.

"Posible ba 'yon, Lew? May magugustuhan ka bang iba bukod sa 'kin?" Seryoso at halos mapang-akusa ang tono ng namamalat niyang boses pagkabulong sa akin.

Ni hindi ko napansing natigil na ako sa pag-iyak at halos hindi na makahinga dahil sa lapit ng mukha namin. Na isang lingon ko lang ay sigurado akong mahahalikan ko na siya.

"Wala naman akong sinabing gano'n," halos padepensa kong tugon. Bahagya pang nangunot ang noo ko nang mapagtanto kung paano napunta roon ang usapan.

"Dapat lang..."

My brow shot up as I try to throw him a glance. Bahagya kong inilayo ang mukha ko para lang masilip ang reaksyon niya nang maayos. His face is too close but I still caught sight of how his lips protrude. Bahagya ring kunot ang noo niya na animo'y may naiisip na hindi nagugustuhan.

Para akong aatakihin sa puso dahil sa bigla nitong pagtalon pagkabaling niya ng tingin sa akin. Our nose are almost touching.

"Bakit? Tingin mo gusto ko talagang umalis kung may pagpipilian ako? I have inhibitions too and I'm telling you, it's far worse than you can imagine. Pero alam mong kailangan ko 'tong gawin para sa future—natin."

Muntik na akong nabulunan sa huling sinabi niya. Ang malakas na pagtambol ng puso ko ay hindi nakatutulong sa pilit kong pagpapanatili ng blangkong ekspresyon.

His eyes then darted on my lips. And with a sigh, he said, "I guess I'll be staying the night for a change..." The corner of his lips slowly curved into a tender smile as his eyes darted back up on my eyes.

Namilog naman agad ang mga mata ko kasabay ng pagdungaw ng ngiti. "Talaga?"

He just smiled more and didn't say anything. Isang sulyap pa sa labi ko at pinatakan na niya ako ng halik. Now it's my time to smile wider.

Binitiwan niya ako nang tuluyan akong bumaling sa kaniya. I put my arms around his shoulder and wrapped it on his nape. He slightly crouched down at me as I look up at him. We're both smiling like idiots while staring at each other until I tiptoed and reached for his lips. Sinalubong niya ang labi ko at sinuklian ang mga halik ko. I felt his hands squeezing my waist and pulling me closer to him, na para bang hindi pa siya nakukuntento sa lapit naming dalawa.

Hinalikan niya ako nang mabuti hanggang sa halos mawala na ako sa sarili. Kinalas ko ang mga brasong nakapulupot sa kaniya at inabot ang laylayan ng suot niyang shirt. Nang inumpisahan kong iangat ito'y agad siyang natigilan sa paghalik para lang sapuhin ang mga kamay ko.

"Lew." Mapungay pa ang mga mata niya at alam kong kahit nanghihina ay nagawa pa rin niyang umapila.

I reached for his face and tiptoed so that I could his kiss him again. It was a slow and passionate kiss and he still managed to respond despite his attempts to oppose. Ang isang palad niya'y dumapo sa leeg ko at kalaunan ay siya na itong nangunguna sa paghalik. Subtly, I traced his abdomen with my other hand, up unto his solid rock chest. Sandali siya muling natigil sa paghalik sa akin at gamit pa rin ang mapupungay na mga mata ay tinitigan niya akong mabuti, as if he's trying to read what's on my mind—or maybe if I really wanted to do this.

Nang makita ang kasiguraduhan sa mga mata ko'y mabilis siyang yumuko at hinila pahubad ang shirt niya mula sa batok. Agad kong ipinulupot muli ang magkabila kong braso sa batok niya at ipinagpatuloy ang paghalik.

We were almost lost in our own space until I heard the main door cracked open. Sinundan iyon ng boses ni Mon.

"Lew! Yuhoo? I have beers!"

"Shit." Namimilog ang mga matang natigil ako sa lahat ng naiisip lalo nang ginagawa. And with guilt drawn all over my face, pilit kong inayos ang sarili pati nang pang-itaas na halos mahubad na. Natataranta pa ako nang marinig ko ang mahinang paghalakhak ni Raf.

He was biting his lip with his head slightly cocked to the side, while watching me panic like the sight entertained him big time.

Bakit parang wala siyang guilt na nararamdaman? Samantalang ako'y para nang sasabog sa kahihiyan. And the funny thing here is that I never felt guilty like this before with making out!

"Lew?"

"We're here!" bahagyang sigaw ko. Hinampas ko pa sa braso si Raf nang lumapit sa akin at umakma ng halik. Tanging halakhak lang ang isinukli nito sa akin bago tamad na pinulot ang shirt niya mula sa sahig.

"'Andito pala si—oh my gosh!" Mon squealed in surprise upon seeing Raf shirtless. Natakpan pa ng lukaret kuniyari gamit ng palad ang mata, nakasilip naman sa pagitan ng mga daliri.

"Put your shirt on," medyo iritable kong utas kay Raf nang manatili lamang itong nakatitig sa akin, may ngising nakapinta at hindi maalis sa namumulang labi.

Mon giggled. "Mukhang may naabala yata ako. Lew naman kasi, 'di marunong mag-text kung hindi ako dapat uuwi para hindi ako—"

"Monica!" Hindi ko alam ba't hiyang-hiya ako sa pinagsasabi ng kaibigan.

Suot na ni Raf ang shirt niya nang magsalita. "Is it alright if I stay the night? Sa sala na lang ako matutulog. You girls should stay in your room."

"Oh!" Hindi ko malaman kung nagsisisi ba o natatawa si Mon nang may matanto. Pinandilatan pa ako nito nang makahulugan bago muling nagsalita. "Of course—sinusulit n'yo nga palang dalawa ang time n'yo sa isa't isa. My bad. Maybe I should really go and be gone—"

"No, please don't. I think it'll be best if you stay with us." Humalakhak si Raf pagkasulyap sa akin—na siyang sinuklian ko ng masamang tingin.

Akala mo ako ang delikado rito ah? Well... siguro parang gano'n nga.

We drink the beers Mon bought and stayed up late watching suspense movies together. Hindi ko na napansin ang pagkakaidlip. Naalimpungatan na lang akong naroon na ako sa kama ko. Mon's on her bed too. The lights are off as I checked the time. It was already two in the morning.

Antok pa ako ngunit nang maalala ko si Raf ay agad akong napabangon. Naisip ko kaagad na baka umuwi siya katulad ng madalas niyang ginagawa, kaya't walang pag-iisip akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala. It was really dark out there. Muntik pa akong natisod bago ko naabot ang switch ng dim lights. Pagkabukas nito'y agad kong pinasadahan ng tingin ang sala, in search of Raf.

I was feeling anxious but when I saw him sleeping soundly on the couch while hugging a throw pillow on top of his stomach, lahat ng alinlangan ko'y nalusaw nang ganoon lang kadali.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan. I bent my knees in a squat on the floor, beside the couch. At mula sa dim lights ay pinagmasdan ko ang tahimik niyang pagtulog at pinakinggan ang payapa niyang paghinga. His lips are slightly parted and he looks so vulnerable.

"I'll miss you so much I don't think I can make it..." namamaos kong bulong. Ramdam ko na ang pagbadya ng mga luha.

Maingat kong inilapit ang mukha sa kaniya at maingat siyang pinatakan ng halik sa pisngi. I was about to move away but caught myself midway upon seeing his eyes now half open. Bahagya ko iyong ikinagulat.

"Did I wake you?"

"What are you doing here? Can't sleep?" aniya sa namamalat na boses.

"I thought you're gone..." amin ko.

He laughed under his breath, sleepily. "Come here."

Bahagya pa akong naguluhan nang in-extend niya ang isang braso sa akin. Ngunit nang tumagilid siya ng higa at nagkaroon ng espasyo sa couch ay nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin.

Tumayo ako at dahan-dahang pumwesto sa puwang na inilaan niya sa couch. He wrapped his arms around me as I lay there with him. I rest my head on his arm like a pillow while he... became my home.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top